Chapter 7
I can't believe it. Kiervin Sison is now officially my boyfriend. Well I have no regrets. Sobrang hirap kaya ng pinagdaanan ko. Oa diba di naman sobra. Alam mo un hirap kaya ako matulog sa gabi kakaisip kung ano ba talaga tong nararamdaman ko. Masaya ako na fina-fucking-lly i found out na may feelings pala ako kay Kier. It feels so nice to think na parehas kami ng nararamdaman.
We had a dinner together at a fastfood near our school kasi baka gabihin kami di ako nakapag paalam.
While on our way home, naisipan ko magpatugtog sa stereo ng car niya.
I clicked shuffle and nagulat ako ng tumugtog ang I think I'm inlove ni Kat Dahlia.
Time's a ticking hearts are running
Think that Cupid's up to something
You ask me how I feel I say nothing
But lately colors seems so bright
And the stars light up the night
My feet they feel so light
I'm ignoring all the signs
I keep on frontin'
They ask they bluffin'
I keep you wondering
Keep you hunting for my lovin'
But I crave us hugging
Sinabayan ko ang kanta at nakita ko ang pang ngiti ni Kier habang nakatingin sa dadaanan.
"So you think you're inlove huh?" He chuckled.
Hindi ko siya sinagot sa tanong niya sinabayan ko nalang yung lyrics ng kanta.
My heart's pacing
I'm confused
I'm dazing
I saw something
I never seen in you it's got me shaking
I must be hallucinating
I hear it happens,
I'm just saying
Babe I'm just saying
Someone give me some paper
Someone give me some crayons
I'm feeling like a child
I need something to play on
I'm trying hard to trust you
When you say give me your hand
Baby I'm falling
I hope you catch me when I land
"I think I'm inlove with you" pag-iiba ko sa lyrics at nakangiting tumingin sakanya.
Nang tumigil ang sasakyan dahil sa traffic ay tumatawa siyang tumingin sa akin.
"Your making me fucking insane." Natatawang sabi niya at bumalik na sa pagmamaneho.
Sa sobrang saya ko ay di ko namalayan na nandito na pala kami malapit sa bahay.
"Mariko." He called me with his husky voice. Naramdaman kong tumaas balahibo ko sa lambing ng pagkakatawag niya sa akin. Ngumiti akong tinignan siya sa kanyang mga mata.
"I love you...." Sambit niya at hinalikan ako sa noo. "You made me happy, sayo ko lang naramdaman to , Mariko." Ipinagdikit niya ang aming mga noo.
"I love you too, Kier. I really don't expect that I end up loving you." I replied and then gave him a smack in his lips.
"Papasok na ako, chat me when you got home okay? Ingat sa pagdadrive." Sambit ko bago tumalikod at pumasok sa aming bahay.
As usual pag dating ko sa bahay may kanya kanya silang ginagawa kaya dumiretso nalang ako sa kwarto para magshower at magpahinga.
I opened my social media and I followed Kier in his Twitter and Instagram. Ngayon ko lang siya finollow, di ko naman inexpect na magiging ganto kami kaya sa facebook ko lang siya inadd.
****
Days have passed, but here I am still loving the snobbish boy named Kiervin Sison. Hindi ko talaga alam na magmamahal ako ng ganito. Ang pagkakakilala ko kasi sa sarili ko ay isang mapaglarong babae. Lahat ng lalaking manliligaw sakin ay sasagutin ko at iiwanan ko agad sa huli kapag nagsawa na ako. Pero sa kasong ito hindi ko alam kung magsasawa pa ba ako sakanya. Sobrang ideal niya, idagdag mo na looks niya na makalaglag ng panty.
"Why are you staring at me like that?"
Hindi ko napansin na matagal pala akong napatitig sa mukha ng kasama ko.
Nandito kami ni Kier ngayon sa isang fine dine restaurant. Sinundo niya ako galing school at bigla nalang akong niyaya dito. Pinagplanuhan niya talaga kasi nagpareserve pa siya.
"Do you want some desserts?" He asked.
"Wag na busog na ako."
"Punta tayo sa bahay." Anyaya niya sakin. Jusmiyo mahabagin! Ano balak neto bat inaaya na agad ako sa bahay nila.
"A-ano?? Ba-bakit ano gagawin natin don?" Tanong ko sakanya. Natawa siya sa reaksyon ko.
"Why? May naiisip ka bang ibang gagawin sa bahay namin?" He chuckled and stared at me like he's gonna do something bad.
"Hala, w- wala ha! Ano kaba? Uuwi na lang ako." Nauutal na sambit ko sakanya.
"Baby, I'll just introduce you to my family. They want to meet you. Saka wala akong balak sayo, di pa pwede sa ngayon. Not now but soon" sabi niya sakin at kinindatan pa ako. Aba! May tinatago pala talagang landi to ha.
"Fine, bilisan lang natin baka hanapin na ako sa amin." Sa totoo lang kinakabahan ako sa mangyayari. Kasi first time ko mapakilala sa parents ng mga naging boyfriend ko.
Pagkatapos niyang magbayad ng bill ay dumiretso na kami sa sasakyan.
"Hey don't be pressured." Ani niya sa akin.
Kinakabahan lang ako baka hindi ako magustuhan ng pamilya niya. Di naman kasi ako sing ganda ng mga naging girlfriend niya.
"Pano kung di nila ako magustuhan?" Kabadong tanong ko sakanya.
"They will like you, Mariko." Pagpapakalma niya sa akin.
"Pano nga kung hindi?"
"Edi wala na silang magagawa. Di nila hawak puso ko kaya kung sino piliin kong mahalin, kailangan nila tanggapin."
Kinilig ako sa sinabi ni Kier, pero hindi parin nawala ang kaba sa puso ko.
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay nila. Ipinark niya ang sasakyan at nakita ko na may babaeng nakasuot ng magandang bestida ang sumalubong sa aming sinasakyan.
Pinagbuksan ako ni Kier ng pintuan at tinawag ang babaeng sumalubong sa amin.
"Ate Sherly, si Shenaiga nga pala, Girlfriend ko." Sambit ni Kier sa babae na ate niya pala.
"Uhm.. Hi po ate" nahihiyang sambit ko at nginitian ang kapatid ni Kier. Tipid na nginitian ako nito.
"O may kasama ka pala pasok na tayo ipakilala mo sa loob."
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang isang Matandang babae at matandang lalaki na marahil ay asawa nito. Nandoon din ang dalawa pang babae ang isa ay may kasamang tatlong maliliit na bata, dalawang batang lalaki at isang batang babae na marahil ay nasa 9 na taong gulang na.
"Si Shenaiga nga po pala,Girlfriend ko po." Pagpapakilala sa akin ni Kier sa kanila at ngitian lamang nila ako.
"Lola ako ni Kier, iha kumain na ba kayo?" Tanong sa akin ng Lola ni kier.
"Uhm... Opo salamat po." Sambit ko at nahihiya pa.
Lumapit sa akin ang isang babae na kamukha ni Kier.
"Ako si Roxanne, Ate ni Kier." Sambit niya sa akin at niyakap ako.
Napansin ko na may bumaba na isa pang lalaki na kaedad ni Kier.
"Oh Kier, sino nanaman yang nabingwit mo?" Sambit nito na tinawanan na lamang ni Kier.
Lumapit ito sa akin at nag abot ng kamay.
"Vincent, pinsan ni kier" sambit nito , aabutin ko na sana ang kanyang kamay pero agad na hinawakan ni Kier ang aking kamay.
"Ang seloso mo naman nakipagkilala lang." Natatawang sabi ni Vincent sa inasal ni Kier.
May lumapit sa akin na batang babae at nagpakilala.
"Ate, ako po si Erika, Pinsan po ako ni kuya Kier , Eto naman po si Sky at Cloud kapatid ko rin po." Sabi niya at pinakilala sa akin ang dalawang batang lalaki kanina.
"Ayun naman ang tita ko, si Tita Karen nanay nila vincent at ayun naman si Daddy ang lolo ko" pagpapakilala niya sa iba at nginitian ko ang mga ito.
"Maupo nalang muna kayo jan." Sambit sa akin ng lola ni Kiervin.
"Salamat po " sambit ko at umupo.
"Kier, Uwi na tayo maya maya ha?" Sambit ko sakanya. Ala sais y media na kasi ayoko masyadong gabihin kahit na malapit lang ang bahay namin.
Inaya ako ni kier sa likuran ng bahay nila at nakita ko ang isang garden. Umupo kami sa duyan at tumitig sa mga bitwin sa kalangitan. Everytime I look at the stars all I can see is Kier's eyes.
Naramdaman ko ang paghiga ni Kier sa aking binti at hinayaan ko nalang siya. Baka napagod sa pagmamaneho.
"Namimiss ko na si mama." Sambit niya na ikinataka ko.
"Bakit? Asan ba mama mo?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala na andun na." Sabi niya sabay turo sa kalangitan. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Sorry, dapat di na ako nagtanong." Sabi ko sakanya.
"Okay lang, magkekwento din naman ako. Si papa din namimiss ko na, 4 na taon na simula nung umalis siya dito sa amin. Sabi niya magtatrabaho lang siya pero wala na kaming balita natatanggap sakanya." Malungkot na sambit niya sa akin. Hindi ko alam na ganun pala buhay niya. Lalo akong nahulog sa mga kinwento niya. Gustong gusto ko iparamdam sakanya yung pagmamahal at pag-aaruga na nawala sakanya sa murang edad.
"May iba pa nga siyang anak maliban sa amin nila ate. Tapos iniwanan din niya."
Halatang halata kung gaano niya kamahal ang magulang niya. Wala man lang bakas ng galit sa mata niya ng ikinwento niya sa akin ang tungkol sa pag-iwan sakanila ng tatay niya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mawala ang lungkot sakanya ngayon. Niyakap ko na lamang siya.
"Wag ka mag-alala andito naman ako e, mamahalin at aalagaan kita. Pangako ko yan. " sambit ko sakanya at tumingin sa kalangitan "Tita, ako na po bahala sa anak niyo."
Naramdaman ko nalang ang kamay ni Kier sa aking batok at ang pagdampi ng labi naming dalawa. All I can feel is the butterflies in my stomach when I felt his lips moving and sucking my lower lip. I kissed him back and stopped to get some air.
Ipinagdikit niya ang aming mga noo at kitang kita ko ang ngiti niya na nakapagpabaliw sa akin.
"Mahal na mahal kita..."
TO BE CONTINUED
_______
PussyCathMB