Chapter 5
"Are you free tomorrow?" Tanong ni Kier sa akin bago ako pumasok sa aming sasakyan.
"No." Agarang sagot ko.
"Fine. Iintayin nalang kita bukas sa labas ng school niyo. " He said to me with finality.
"What?" Sabi ko at agaran siyang tumalikod at naglakad papalayo sa akin. Nagtanong pa siya? Wala naman pala akong choice. Di bale, I can ditch him naman diba.
Pagkapasok ko palang sa sasakyan ay kitang kita na ang kakaibang tingin nila sa akin.
"Who's that?" Ma-awtoridad na tanong ni Papa sa akin.
"Kiervin."
"Boyfriend mo?"
"What? No!" Pagdepensa ko sa aking sarili. Sinabay lang ako sa payong boyfriend ko na? Saka malabo ata.
"I saw the way he looks at you." Ani ni Ate na nakapagkabog ng puso ko.
"Bakit? Pano ba niya ako tinignan?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Normal lang naman tingin niya sakin ha? Baka naintimidate lang sila sa mata ni Kier kaya kung ano ano naisip nila.
"Parang may something sa tingin niya sayo kanina, parang gusto ka niya."
"You know what? Wag na nating pag-usapan yun. Saka kung ano man nakita niyong way na pagtingin niya sakin, that's nothing. Ganun lang talaga siya tumingin." Sambit ko at natigil na sila sa pagkukumbinsi sa akin sa paraan ng pagtingin ni Kier. Sinuot ko nalang ang earphones ko at nagshuffle sa spotify.
Dami pang gustong sabihin,
Ngunit wag nalang muna.
Hintayin nalang ang hangin
Tangayin ang salita.
Hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang akong napatulala nang mapakinggan ang lyrics ng kanta. Naramdaman ko ang pagwawala ng puso ko habang pinapakinggan ang kanta.
Pag nilahad ang damdamin,
Sana di magbago ang pagtingin.
Aminin ang mga lihim,
Sana di magbago pagtingin.
Sa tingin ko unti unti na ako nahuhulog sa Kier na yun. Pero sure ba ako? Ngayon ko lang kasi naramdaman to. Tuwing lalapit siya hindi ako mapakali, pag tumitingin siya sa mga mata ko, bigla biglang bumibilis pagtibok ng puso ko at para bang bumabaliktad sikmura ko.
Iibig lang kapag handa na,
Hindi nalang kung trip trip lang naman.
Handa na ba talaga ako? Natatakot ako na baka pag sinugal ko to, sa huli ako rin ang talo. Pero sabi nila, part ng pagmamahal ang sakit at pagkabigo. Hindi mo mararamdaman na mahal mo talaga ang isang tao kung hindi mo mararanasang masaktan sakanya. Kiervin Sison. Isusugal na ba kita? Pero pano? Sa tingin ko wala ka namang nararamdaman sa akin.
**
Nakarating na kami sa bahay at hindi ko parin makalimutan ang mga naisip ko. Dumiretso na ako sa kwarto at wala akong ganang bumaba.
Gusto ko lang humiga at lunurin ang sarili sa kakaisip.
Gusto ko ng kasagutan. Ano nga ba talaga tong nararamdaman ko sakanya. Pag pinigilan ko ba to kusang mawawala?
Sabi din kasi ng iba, hindi mo kayang kontrolin ang nararamdaman mo. Pero siguro susubukan ko nalang munang pigilan diba? Kung nawala edi okay. Kung hindi ibig sabihin isusugal ko na to.
***
Kinabukasan,
Lunes nanaman, inaantok pa ako. Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip kay Kier. Siguro itatago ko nalang to sa sarili ko. Antapang tapang kong hamunin sarili ko na mapahulog si Kier sa akin pero wala pang isang buwan sumuko na agad ako.
Lutang ako sa klase na nakapagpataka kay Diane at Mae. Sabi ko ay kulang lang talaga sa tulog. Hindi na sila nangusisa pa.
"Diane." Tawag ko sakanya. Breaktime na namin pero wala parin ako sa sarili kaya Itatanong ko nalang sakanya kung ano ba tong nararamdaman ko. Baka may alam siya.
"Nasubukan mo na bang magmahal?"
"Oo naman, para namang hindi kita kaibigan. Kitang kita mo naman gano ako nabaliw sa ex ko diba?" Sagot niya sa akin
"Bakit ka ganyan magtanong? Yan ba dahilan kaya parang out of the world ka kanina sa klase? Don't tell me may mahal ka?" Nagtatakang tanong sa akin ni Mae.
"What no! I just have this friend of mine na nagtanong din sa akin at nabagabag ako sa kinwento niya. She has a friend na lalaki. Kapag daw lumalapit sakanya si boy hindi daw siya mapakali at kapag naman tinitignan siya nito sa mata, Kumakabog daw ng mabilis dibdib niya and she also felt the thing you called butterflies in the stomach." Kwento ko sakanila. Hindi ko sinabi na ako ung girl at sana hindi nila mahalata.
"So that's what makes you lutang huh? Tell your friend na baka may gusto na siya kay boy or nahulog na siya. " simpleng sagot niya na lalong nakapag pagulo sa akin.
I'm inlove? I don't think so. Masyado pa akong bata para sa pag-ibig. Pero bakit ganon? Hindi naman mahaba sinabi ni Diane pero paulit ulit na nagpaikot ikot sa isipan ko. Am I really falling? With that snob? Is it possible? Hindi naman kami laging nagkakasama pano ako maiinlove sakanya? I don't like this fucking thing that I feel for him.
Mabilis na natapos ang araw marahil ay dahil sa pag-iisip ko ng kung ano ano kaya hindi ko napansing uwian na.
I feel fucking tired today wala naman akong ibang ginawa kundi mag isip ng magisip, halos hindi na nga pumapasok sa isip ko yung lesson namin e.
Habang nagiintay sa sundo namin ni Diane ay may biglang tumigil sa harapan namin na isang itim na bmw. Pakiramdam ko bumagal ang paligid ng makita kong lumabas sa pintuan si Kier.
"Come on! Hop in." Sambit niya at agad agad akong naglakad papalayo. Napansin ko na wala na sa tabi ko si Diane. Pambihira naman iniwan pa ako oh.
Habang naglalakad ako, naramdaman ko na may biglang bumuhat sa akin at ipinasok ako sa sasakyan. Nagpupumiglas ako at napatigil ako ng makita ko sa harapan ko si Kier na inaabot ang seatbelt sa gilid ko.
Why does he smell so manly? Hindi ko napigilang amuyin ang kanyang leeg habang inaabot at inaayos niya ang seatbelt sa akin.
"Stop sniffing my neck." Bulong niya. Pakiramdam ko sobrang pula ko na nang mahuli niya akong inaamoy ang leeg niya.
"Ang kapal ng mukha mo ikaw nga tong lumapit sa akin para ayusin yung seatbelt tas pagbibintangan mo kong sinisinghot yang matapang mong pabango! Kaya ko ayusin ang seatbelt mag isa!" Sambit ko na nakapagpangisi sakanya na para bang may mali akong nasabi.
"So inamin mo din na inamoy mo ako kasi alam mo na matapang ang pabango ko?" He chuckled. Pakiramdam ko pulang pula na ako nang sinabi niya yon.
"Saan mo ba ako dadalhin huh?! Kikidnappin mo ba ako?" Pabulyaw na tanong ko sakanya.
"I won't kidnap you cause I'm sure that you'll come with me without forcing you." Sambit niya habang nakatingin sa daan.
"Without forcing? E anong ginawa mo kanina? Binuhat mo nga ako para lang mapapasok sa bulok na sasakyang to!" Pabulyaw ko sakanya.
"Well you don't have a choice. Nakaupo ka na at mukhang komportable sa bulok na sasakyang ito. And wala ka na magagawa, I'm taking you somewhere at matutuwa ka."
Nanahimik nalang ako at napagod na kakasigaw sakanya. Binuksan ko nalang ang radio niya at kinonnect ang device ko para makapagpatugtog.
I don't know when this tornado hit
You're from the east coast, so let's both call it
A hurricane
A hurricane
Pacin' through the, the back of my mind
Maybe you've been a storm all this time
A hurricane
A hurricane
Feel ko para sakin yung kanta. Lalo na sa pakiramdam ko may hurricane sa isip ko kasi para siyang bagyong bigla biglang inooccupy buong katawan ko. Why are you doing this to me Kier? Hindi mo alam na lagi akong wala sa sarili dahil sa mga ginagawa mo. Do you like me too? Bakit bigla nalang nagbago pakikitungo mo sakin? From being snobbish to this nice treatment.
Hindi ko napansing nakatulog ako, pagmulat ko ay nasa isang cliff na kami kung saan kitang kita ko ang ganda ng sunset na nakapagpamangha sa akin.
"Where are we?" I asked him.
"Tagaytay." He said simply.
"What? Why are we here? Baka hanapin ako." Nagaalalang sabi ko sakanya. Hindi ako nakapagpaalam baka pagalitan ako pag-uwi.
"Pinaalam ka ni Diane. Sabi niya gagala lang kayo."
Aba't kasabwat niya pa si Diane sa kalokohan na to ha?! Lumabas kami ng sasakyan at may kinuha siya sa compartment ng sasakyan niya. Paglapit niya ay may dala na siyang basket at isang blanket. Mukhang pinagplanuhan niya to ah.
Inilatag niya ang blanket sa damuhan at tinapik niya ang tabi niya para paupuin ako.
"Tapatin mo nga ako Kier. Why are you doing this?" I asked him while looking straight into his eyes.
"Doing what?"
"This! You bring me here to tagaytay para magpicnic and kasabwat mo pa si Diane?! Answer me honestly please? Why are you doing all of this?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"I just want to be your friend." Mahinahong sabi niya sa akin.
"Want me to be your friend?! You can take me to mall if you want to be my friend, but why here? Do you like me Kier?! Kasi gulong gulo na ako! Sinusubukan kong iwasan ka kasi pag nakikita kita hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Biglang tumitibok ng mabilis ang puso ko, hindi ako mapakali at I can also feel butterflies inside my stomach. I think I like you Kier! And I want this to end! I don't want to like you but you're giving me this shitty ideas to make me like you more!" Prangkang sabi ko sakanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasabi ko sakanya ang bagay na nakapagpagulo sa akin.
"I know, Oo masyadong mabilis kasi parang kailan lang ng nilapitan kita. Chinallenge ko sarili ko na dapat mahulog ka sa akin but look, I think I'm the one who fell. Fuck I hate this!" Sigaw ko sakanya at nagulat ako ng makita kong nakaawang ang labi niya dahil sa mga sinabi ko.
Unti - unti siyang lumapit at naestatwa nalang ako nang maramdaman ko ang mga braso niyang pumalupot sa aking katawan.
Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga at naramdaman ko ang mainit na hininga niya na nakapagpatayo ng balahibo sa aking katawan.
"No, hindi ko hahayaang pigilan mo ang nararamdaman mo sa akin." Bulong niya na nakapagpataka sa akin.
Magsasalita pa sana ako ng maramdaman ko ang mainit niyang labi sa aking labi. Naramdaman kong pagwawala ng mga paru paro sa aking sikmura. Ipinagdikit niya ang aming mga noo at habang siya sa aking mga mata.
"Shenaiga Mariko, I like you too."
To be continued...
______________
Thank you for reading guys! Sana nagustuhan niyo tong ud ko. Hope you had a good day!
PussyCathMB