Chereads / A Crime For Stealing My Heart / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 6

"Shenaiga Mariko, I like you too"

The way he told me that he likes me sent shivers down my spine. I don't fucking know what to say. I can still feel his lips in mine.

Nanatiling magkadikit ang aming noo at ako ang humiwalay dahil sa nagkabuhol buhol na salita sa aking isip.

"What? How? When?" Sunod sunod na tanong ko.

"I don't know how and when. I... I just felt it. "

Hindi ko alam pero pakiramdam ko naputol ang dila ko, wala akong masabi. Hindi ko alam gagawin ko.

"You know that I don't do this dating shits but when you came into my life telling me your jokes and the day you told me that you like me, I felt like I want to spend time with you." Sambit niya sa akin at tumingin ng diretso sa aking mata.

"Mariko, I'll court you."

"Is that a statement or a question?" Nalilitong tanong ko sakanya habang walang habas ang pagkabog ng puso ko sa aking dibdib.

"It's a statement and you can't stop me from courting you. I don't usually pursue someone because you know , girls, sila na mismo lumalapit sa akin." Pagmamalaki niya sakanyang sarili.

"Ang yabang mo!" Sigaw ko at hinampas ko siya sa braso. Tinawanan niya lang ako. Oh god, ang sarap sa tenga ng tawa niya. What did I do para magustuhan ako ng lalaking to? Madaming mas maganda sa akin pero bakit ako?

Sabay kaming kumain habang nakatanaw sa buwan. Sakto palang full moon ng dinala niya ako dito.

"You see that?" Turo niya sa buwan at mga bituin.

" O bakit anong meron?"

"It reminds me of your eyes. It sparkles like the stars in the sky and it is bright as the moon above."

Parang sirang plaka na nagpaulit ulit sa akin ang sinabi ni Kier. Seryoso ba siya? O jinojoke time niya lang ako.

Hindi ko napansing napatagal na ang pagtitig ko sa mga mata niya nang inabutan niya ako ng sandwich.

"Eat first then we'll go home. Hindi tayo pwede magtagal dito, baka hanapin ka ng parents mo." Ani niya sa akin.

"Jinojoke time mo ba ako?"

"You're crazy, kanina tinatanong mo ko tapos nung umamin ako di ka naman naniniwala. Just eat Mariko."

" Stop calling me Mariko." I said. Nakakailang kasi everyone calls me by my first name, nakakapanibago lang.

"But I want to and I'm the only one who can call you Mariko." Depensa niya sa akin.

Hindi ko na siya inintindi at inubos nalang ang pagkain ko. Gusto ko nang umuwi. Naiilang ako sa presensya ni Kier. Maybe it's because of his sudden confession to me. Hindi parin nagsisink in sa utak ko ung sinabi niya. Ayaw ko paring maniwala kasi baka isa lang ako sa mga babaeng naisip niyang pagtripan. I don't want to assume kasi he's so perfect for me. Matalino with good looks and hindi siya bagay sakin. I'm far from being perfect.

Maya maya lang ay inayos na ni Kier ang pinwestuhan namin para makauwi na.

"Let's go." Anyaya niya sa akin

Naramdaman ko ang malambot na kamay niya sa aking palad na nakapag kuryente sa aking katawan. Pano niya nagagawa to sakin?

Tahimik kami sa sasakyan, wala ni isang nagsasalita marahil ay sa nangyari kanina. Pinoprocess parin talaga ng utak ko lahat. Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko inexpect na magiging ganito.

Tumigil siya sa katabing bahay namin dahil sa takot ko na makita kami ni Papa.

"U-uhm,, I gotta go, thanks for tonight." Nahihiyang sabi ko sakanya.

"Mariko." Mahinahong tawag niya sa akin na nakapagpakabog ng puso ko. "Come here, may sasabihin ako."

Lumapit ako sakanya at naramdaman ko ang kamay niya sa aking ulo na at ang pagdampi ng labi niya sa aking noo.

"Take care, I'll chat you when I got home." Sambit niya bago ko isara ang pintuan.

Hindi ko mapigilang maestatwa sa kinatatayuan hanggang sa hindi ko na matanaw ang sasakyan niya.

***

Kinabukasan

Hindi ko alam pero goodmood ako pagkagising palang sa umaga. Eto ba epekto ni Kier sa akin? Para akong lumulutang sa tuwa.

Halos ngitian ko lahat ng taong makakasalubong ko sa pagpasok ko sa school. Nakakapanibago, kasi hindi naman ako namamansin lalo na sa umaga. Baka kumpleto lang tulog ko or epekto ni Kier to.

"Saya natin ha?" Bati sakin ni Zac, isa sa mga kaklase ko na close ko rin.

"Hmm di naman sakto lang." Nakangiting sambit ko sakanya. Tinawanan niya lang ang sinabi ko at sumabay na sa akin papunta sa classroom.

Pagkarating ko ay andun na si Diane, as usual early bird yan e kala mo babagsak pag di maagang nakapasok.

"Hoy Shenaiga Mariko Fernandez! Care to tell me what happened yesterday?" Nakapamaywang na lapit sakin ni Diane habang naglalagay ako ng bag sa aking upuan.

"Pagkatapos mo kong iwanan dun, kasabwat ka pala niya." Sinungitan ko siya. Totoo naman e buti nga di na nangusisa si Papa pag uwi ko.

"Aba! Mukha ka namang masaya sa nangyare saka akala ko ba may misyon ka sa lalaking yun? Mukhang umeepekto ka nga e." Pabatong sagot niya sa akin.

"Hays tinigil ko na misyon kasi natatakot na ako baka ako talo sa huli."

"Aba yan na nga ba sinasabi ko e, nahuhulog ka na noh? Wag mo na pigilan! Pagkakaalam ko mataas ranggo ng tatay ni Kier sa Pagka pulis tapos ung nanay niya naman manager ata sa sikat na kumpanya. Ibig sabihin mayaman yun sila. Goodcatch na yun oh!" Pagmamalaki niya sa akin.

"Pano mo naman nalaman yan? Saka wala naman ako pake sa pera nila baka bigyan ko pa siya." Pabirong sabi ko.

"Pero seryoso advice lang, kung may nararamdaman ka na sakanya wag mo na pigilan kasi lalong lalala yan."

"Umamin siya sakin, liligawan niya daw ako." Matamlay na sabi ko sakanya ng maalala ko ung nangyare kagabi, natatakot ako na baka jinojoke time lang ako nun asang asa pa naman ako.

Napatili siya sa sinabi ko. "Seryoso? Puta haba ng hair mo teka natatapakan ko. Sagutin mo na te!!!" Kinikilig na sabi sa akin ni Diane.

"Tse! Tigil tigilan mo nga ako jan, bahala na si batman sa kung ano mangyayari. Feel ko jinojoke time lang ako nun babaero pa naman un." Tinawanan lang niya ang sinabi ko.

It was a light day for me, wala masyadong ginawa. Yung ibang teacher absent pa. Ewan ko bakit siguro kasi busy ngayon.

Pagdating ng uwian ay hindi na mapakali si Diane sa panggugulo sa akin.

"Baka sinundo ka niya ulet, diba sabi mo manliligaw mo na siya?" Kinikilig na sambit niya sa akin.

"Di yan, di naman marunong manligaw yun. Saka baka nga jinojoke time lang ako ayoko umasa."

Habang papalabas ng gate ay nakita ko na agad ang pamilyar na BMW na napapalibutan ng mga babaeng humahagikgik.

Tss, hanggang dito ba naman habulin ng babae to. Bat ba kasi di nalang siya nag antay sa loob ng sasakyan niya? O bat kasi pumunta pa siya psh.

Lumapit ako sa itim na bmw at nakita ko siyang nakasandal dito na may hawak na rosas. Fuck seryoso talaga siya sa liligawan niya ako?! Nakakahiya baka mas dumami bashers ko kasi may nanliligaw sakin na ganyan kagwapo.

Kitang kita ko ang pagliwanag ng mukha niya ng makita niya ako. Nakangiti siyang lumapit sa akin at kinuha ang bag ko sabay abot ng rosas na dala niya. Rinig ko ang pagbuntong hininga ng mga tao sa paligid namin.

"What are you doing here?" I asked but he just smiled at me. That fucking gorgeous smile. Gusto ko ako lang makakita non bat ba ngumiti siya dito madami nakapaligid.

"I told you, I'm going to court you and there's nothing you can do about it." Nakangiting sambit niya at hinila ko na agad siya papasok sa sasakyan na dala niya.

"Really? Bustedin kaya kita." Panghahamon ko sakanya.

"Still, I won't stop courting you." Mahinong sambit niya.

Inayos ko na ang seatbelt ko at eto nanaman mga bumabagabag sa isip ko.

Pano kung hulog na hulog na ako sakanya tapos bigla niya akong iwanan? Pano kung makahanap siya ng iba?

"Kier." Tawag ko sakanya.

"Hmm?"

"Are you really serious about courting me? Pano kung makahanap ka ng mas maganda? Pano kung madami humadlang? Pano kung iwanan mo din ako?" Sunod sunod na tanong ko sakanya. Ayoko na magoverthink palagi gusto ko ng kasagutan.

Itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at tumingin sa mga mata ko.

"Hey, don't say something like that because I am hundred ten percent sure about you, about this and about us. At para sa akin wala nang mas gaganda pa sayo." Sambit niya at dahan dahang hinaplos ang mukha ko.

"I can't promise na hindi kita masasaktan, but I'm 101% sure na gagawin ko lahat, ipaglalaban kita kahit sino pa ang humadlang."

Di ko na kayang pigilan to. Tangina tamang tama na ako sa lalaking to, asintado walang daplis, isusugal ko na to.

Hinawakan ko siya sa likod ng ulo at hinalikan ang labi niya. Dampi lang ang iginawad ko sakanya at humiwalay. Pero hinila niya ako at hinalikan ulit. Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang labi na nagdala ng init sa aking puso. Hindi ko namalayan na hinahalikan ko na pala siya pabalik.

"Kier." Sambit ko marahil ay sa sensasyong dala niya sa katawan ko habang magkadikit ang aming mga labi. Ako na mismo ang humiwalay at naghabol ng hininga. Hindi ko mapigilang ngumiti sakanya ng makita ko ang kinang sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"I don't think kakayanin ko pag nawala ka. You're the only one who can drive me insane. Fuck nababaliw na ata ako sayo." Sambit ko sakanya habang nakatingin sa mga mata niya. Ngitian niya ako. Kitang kita ang saya sa mga mata niya dahil sa sinabi ko sakanya.

"Kier." Bulong ko sakanya at ipinalupot ko ang aking mga kamay sa kanyang bewang. Tapos na ko sa paglalaro. Hindi ko na kakayaning pigilan pa to. Ihinarap ko ang kanyang mukha sa akin at tinitigan ang mga mata niya.

"I don't want to lose you. I'm your fucking girlfriend now."

To be continued..

___________

Thank you for reading guys! Sana suportahan niyo ko hanggang sa dulo. Mahal ko kayo!

PussyCathMB