Chereads / A Crime For Stealing My Heart / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 3

Bored akong nakikinig sa tinuturo ng biology class namin. Bakit ba naman kasi oras ng siesta yung schedule niya? Hindi tuloy ako makafocus sa antok.

Nagdoodle nalang ako sa notebook ko para mawala yung antok na nararamdaman ko. I doodled Kiervin Sison's name. Sinulat ko ng paulit ulit. Sana maging successful yung misyon ko na maging sakin siya.

"Ms. Fernandez."

Isipin mo kasi kung anong kinagwapo ng mukha niya ayun naman kinasungit ng ugali niya. Di ko din alam baka mental patient to dati o may iniinom na gamot ang bipolar e.

"Ms. Fernandez! Are you with us?!" Sigaw ng biology teacher namin at agad akong napatayo. Kanina pa ba niya ako tinatawag? Bat di ko man lang narinig.

"U-uhm,, yes ma'am." Diretsong sagot ko at bumalik na sa pag kakaupo.

"What is Mitosis and Meiosis? Miss Fernandez?" Pahabol niyang tanong sakin. Naknang bakit ba kasi sinakop ni Kier utak ko e.

"Mitosis is... Is.... Is" Shet!! Ano nga ba ulit yon? Bakit ba bigla ko nakalimutan.

"What is it Ms. Fernandez? Diba naituro ko na sainyo yon? I'm also asking you if you are with us, U said yes and u can't answer my simple question?! " pabulyaw na sabi sakin ng guro.

"I'm sorry Ma'am, I forgot." Nakayukong sambit ko sakanya. Nakakainis napakaboring naman kasi niya magturo sumakto pa sa alas dos ng hapon.

"Get out!!" Sigaw niya sakin. Fine, atlis mapapaaga ako ng dismiss sayo. Mabilis kong inayos ang gamit ko at lumabas na sa classroom. Nagpunta ako sa mga bench upang maghintay kila Diane at Mae.

To Diane and Mae:

Andito lang ako sa mga bench hintayin ko nalang kayo.

Sent.

"Shena." Mahinang tawag na nakapagpagising sa akin. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako kakaantay dito.

"Kanina pa kayo jan?" Tanong ko kay Diane na siyang gumising sa akin.

"Wala daw tayong last subject may emergency meeting sila." Parang musikang pumasok sa utak ko ang balitang sinabi ni Diane.

"Okay ka lang? Bakit ba naman kasi hindi ka nakikinig kanina? Sulat ka pa ng sulat ng pangalan ni Kiervin sa notebook mo, tapatin mo nga kami crush mo ba yun?" Prangkang sabi sakin ni Mae. Aaminin ko ba?

"H-huh? Hindi ah!" Pagtanggi ko sa panghuhuli ni Mae sa akin.

"Hindi daw? Pero sinusulat pa pangalan. Kala mo maniniwala kami sa hindi hindi mo? Magkwento ka! Anong meron?" Pamimilit nila sa akin.

"Hay. Fine! Magkekwento ako. " pagsuko ko sakanila.

Kinwento ko ang balak kong misyon kay Kier. Simula sa unang pagkikita namin hanggang sa pag-uusap namin sa chat. Hindi sila naniwala nung una pero pinakita ko sakanila yong chat namin ni Kier.

"Srsly?! Mission mo sa sarili mo? Ginawa mong trophy si Kier? Ay pupusta na agad ako. Hula ko unang kang mahuhulog Shena. Magingat ingat ka sa mga lalaking ganyan. Madami na ako nabasang libro tungkol sa mga masusungit na yan." Nag- aalalang sambit sa akin ni Diane.

"What?! Ako paba? I told you boys are just my toys kaya hindi ako mahuhulog sa Kiervin na yun! Chinallenge ko lang sarili ko kasi I want something new." Totoo naman kasi hindi ako mahuhulog sa masungit na yon!

"Alright sana lang hindi mo kainin mga sinabi mo." Ani ni Mae. Sigurado naman ako na sa huli siya ang maghahabol sa akin at ako, walang pake sakanya.

Naisipan namin ni Diane na kumain muna sa labas kasi maaga pa. Habang nag iintay sa driver ko,

"Diane, what if ayain ko kaya ng date si Kier?" Tanong ko na nakapagpagulat sakanya

"What? Hayaan mong magtagpo landas niyo wag ka masyado mag first move jan babae ka parin." Paalala ni Diane sakin.

Naisipan naming kumain nalang sa fastfood para makatipid, nahihiya kasi ako humingi palagi kila Dad. Kaya kahit papaano e iniipon ko nalang mga natitirang pera na baon ko.

Ako na naginsist na umorder ng kakainin namin ni Diane kaya nagintay nalang siya sa upuan namin. Habang nakapila, nilingon ko ang kasama ko at may nakita akong pamilyar na lalaki na kumakain malapit sa seat namin. Laking gulat ko nang lumingon din siya sa gawi ko, hindi ko napansin na ako na pala ang nasa harap ng cashier.

"U-uhm,, dalawang 1 piece chicken with large fries." Ani ko sa cashier at di mapakaling bumalik sa upuan para ikwento kay Diane.

Nang makuha ko ang order ay dali dali akong pumunta sa table namin.

"Beb! Nandiyan siya." Bulong ko kay Diane ng makalapit sakaniya. Naramdaman ko ang titig sa akin ng lalaking tinutukoy ko.

"Huh? Sino?" Pagtataka niya sa akin.

"Si a-ano! Yung kinwento ko kanina sainyo!" Nauutal kong sambit, ramdam ko ang titig niya sa akin kaya hindi ako mapakali.

"Si Kiervin?!" Napalakas na sambit niya na ikinahiya ko, naidukdok ko nalang ang ulo ko sa lamesa dahil napalingon si Kier sa gawi namin.

"Ang ingay mo." Bulong na sambit ko habang nakayuko. Sinimulan na naming kumain. Hindi ako komportable kasi nasa likod lang banda ni Diane , si Kier. Naiilang ako sa mga titig niya. Sinubukan kong labanan mga tingin niya pero nanlalambot ako.

"Beb powder room." Pagpapaalam ko sa kasama. Nang makarating ako sa banyo ay agad agad akong humarap sa salamin.

Ano ba nangyayari sayo? Dapat nilabanan mo titig niya Shenaiga! Mamaya hindi na matuloy plano mo. Itutuloy mo paba? Bakit ba nagkaganyan ka bigla nakita mo lang naman siya? Ikaw pa ba yan? Ano ba? Oo na! Itutuloy ko pa to!

Pagpapaalala ko sa sarili at nagretouch na lamang.

Paglabas ko ng restroom ay napatalon ako ng makita ko ang mission ko. Kier.

"Hi" nahihiyang sambit ko sakanya. "A- anong ginagawa mo dito?" Pahabol ko.

"Sinundan ka." Diretsong sambit niya sa akin. Naramdaman ko ang pagwawala ng puso ko sa loob ng katawan ko. Nagtataka ko siyang tiningnan pero napaaras nalang ako ng Unti unti siyang lumapit at nakorner ako sa pader.

"Did my stares bother you a while ago? I'm sorry." Mahinahong sabi niya. Nagtayuan ang balahibo ko at Halos manlambot ang tuhod ko. Siguro kung wala siya sa harapan ko, kanina pa ako napaupo.

"H-hindi n-naman." Nauutal kong sambit.

"Really?" Bulong niya at nilapit ang mukha niya sa aking tenga. I can hear his breath, para akong matutumba. I can smell his perfume, hindi ganong matapang . Baka hanap hanapin ko tong amoy na to.

"A-ano bang ginagawa mo? Iniintay na ako ni Diane." Nanghihinang sambit ko na nakapagpatigil sakanya.

"Shenaiga." Parang nagkaroon ng tambol sa puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Naramdaman ko na may parang kung anong gumagalaw sa tiyan ko.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng Lumapit siya sa mukha ko, isang onting galaw ko lang baka mahalikan ko na siya. Nilabanan ko ang titig niya at nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Naramdaman ko ang init ng hininga niya nang bumulong siya.

"It's nice to see you again."

To be continue....

___

Thank you for reading guys!