Chapter 1
"Okay, itutuloy ko nalang ang discussion bukas. Class Dismiss" Nakahinga ako ng maluwag na para bang musika sa tenga ko ang narinig ko. Hay salamat! Makakauwi na rin, normal na araw lang naman to pero pakiramdam ko pagod na pagod na ko physically.
Inintay ko sa corridor si Diane at Mae na bestfriend ko. Sabay kaming uuwi ni Diane kasi malapit lang bahay nila samin, si Mae naman malapit lang sa school yung bahay kaya walang problema.
" Hindi ba kayo magkikita ni John?" Tanong sakin ni Diane. Boyfriend ko si John, he was my bestfriend back then pero umamin siya sakin. Hindi ko naman talaga mahal si John binigyan ko lang siya ng chance kasi nga lagi siya nasa tabi ko tuwing nalulungkot ako sa pagbebreak namin ng mga past boyfriends ko.
Yes, I was known as a playgirl in our section, maybe also in our school. Pero yung mga nagiging boyfriend ko kasi sa ibang school nag aaral. Madami na ako naging boyfriend since grade 7, pero laro lang para sakin yung mga yon. At least kahit playgirl ako, hindi ako nawala sa star section. Hindi ako ganun kasikat sa school namin kasi lagi lang naman ko nasa room, pero marami rin nagtry manligaw sakin sa school pero ayoko kasi baka makaistorbo sa pag aaral ko, kaya sa ibang school ako nageentertain.
"Hindi ata, hayaan mo na ayoko rin naman makipagkita." Sagot ko sa tanong ni Diane. At nag-abang sa driver ko sa tapat ng school.
Tinatamad pa kami ni Diane umuwi kaya sabi ko sa driver ko na ibaba nalang muna kami sa unahan ng subdivision. Naisipan naming umikot muna kami sa lugar namin. We live in a small subdivision, halos dikit dikit mga bahay at iba ibang street. Dito na ako lumaki, si Diane naman palipat lipat daw sila ng bahay pero since gr7 nung naging bestfriend ko sila ni Mae.
Dumaan kami sa Street malapit sa palengke. Maraming nakatambay don at syempre dito na ako lumaki hindi na ako nahihiya kasi marami narin ako kilala. Nakita ko yung kaklase ni John, Si Kiervin. Kita ko ang pagsulyap niya sakin.
I admit kinilig ako kasi mas pogi si Kiervin kay John, mas matured tignan saka mas matanda sakin ng isang taon. Ang pinagkaiba nila si John ay jolly person samantalang si Kier ay masungit.
"Uwi na ko beb, hatid mo nalang ako." Bulong ko kay Diane.
"Hatid kita tapos hatid mo rin ako?" Pabirong sabi niya at natawa nalang ako.
"Tapos ano hahatid mo ulit ako?" Natatawang sabi ko sakanya. Pero wala siyang nagawa kaya hinatid niya nalang ako sa bahay.
Diretso na ako sa kwarto at nagopen ng social media. Feel ko sawa na ako kay John kaya naisip kong hiwalayan na siya. In the first place naman kasi sinabi ko na friends lang kaya ko ibigay kaso mapilit siya.
John Santos
Active now
Shenaiga Mariko:
John.
John Santos:
Hi love, kakauwi mo lang?
Shenaiga Mariko:
Yes, may sasabihin sana ako.
John Santos:
What is it? Kinakabahan naman ako sayo.
Shenaiga Mariko:
Ayoko na.
That was it. Pagkasabi ko non ay binlock ko na siya. I don't want to hear any dramas from him. Naalala ko bigla si Kiervin, oh ghad.. That eyes and the way he look at me. Siya yung tipong madampian ka lang ng tingin malalaglag talaga panty mo.
I searched his name on facebook. Found it!! Kiervin Sison. I instantly clicked the add friend button. Hell yeah! After that i closed my phone and lay down to bed.
I imagine him calling my name and saying he love me in his dark and husky voice, oh ghad why does he have to be so perfect.
Napabalikwas agad ako sa tunog ng phone ko. Kiervin Sison accepted your friend request. Ambilis naman?! Kakaadd ko lang ah. Hmmm something's fishy Kiervin huh.
Nagisip ako ng way para mapansin niya ako. What if ichat ko siya tapos magdrama ako kunwari nasaktan ako sa break up namin ni John? Hmm great idea!!
Kiervin Sison
Active now
Shenaiga Mariko:
Hi :(
Sent.
I used the sad emoji hahahaha para naman makuha ko atensyon niya diba? Well di ako sanay na magfirst move pero sure naman ako sa huli na siya din ang maghahabol. Antaas ng confidence girl huh?
While browsing on my phone his name popped up. Omg!! He replied. Nagpagulong gulong ako sa higaan dahil don.
Kiervin Sison:
Hello.
Sungit naman hello lang talaga? Di ba pwedeng hello love how are you? Napahagikgik nalang ako sa aking naisip.
Shenaiga Mariko:
Break na kami.
Kiervin Sison:
Oh sorry, what happened?
Shenaiga Mariko:
I don't think he loves me.
Kiervin Sison:
I don't also think that he deserves you.
Shenaiga Mariko:
Really? So who deserves me? You?
Kiervin Sison:
Hahahahahaha
What? He just laughed at me?
Shenaiga Mariko:
Hala, happy siya oh? Sana sa susunod ako na dahilan bat masaya ka.
Kiervin Sison:
Sana nga.
Omg i don't know what to sayyyy!!! Fine. Aaminin ko na.
Shenaiga Mariko:
Hey kier, may sasabihin ako.
Kiervin Sison:
Spill it.
Shenaiga Mariko:
I think I like you.
Kiervin Sison:
Okay.
What the fuck?? Ughhhhh!!! Nagipon pa ako ng kapal ng mukha maamin ko lang yon tapos okay lang sagot niya? Okay kiervin. Pero dahil sa sinabi niya parang mas may naging dahilan ako para mapansin niya ako. Challenge ko na to sa sarili ko. Kiervin Sison? Iyong lalaking pinag- aagawan sa school nila? Yung masungit na yun? Intayin niyo lang at mapapasakin din yang masungit na yan. Isa lang masasabi ko sakanya.
Take note Kier, I'm gonna make u fall for me until you beg for my attention.
PussyCathMB.....