Chereads / A Crime For Stealing My Heart / Chapter 1 - Prologue

A Crime For Stealing My Heart

🇵🇭PussyCath_MB
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 23.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Prologue

Kakarating ko lang sa apartment na tinitirhan ko nang may tumawag sa aking telepono.

" Hello?" Panimula ko . "Ma'am sorry alam kong kakauwi mo lang, pero may nangyari kasing krimen malapit sa baryo. Walang magiimbestiga kasi wala pa yung kapalit mo." Sambit ng nasa kabilang linya.

Pinatay ko ang linya at nagmadali akong kinuha ang mga kakailanganin ko sa pagiimbestiga.

Pagkarating ko sa crime scene ay madami nang nakapalibot,

" Shenaiga Fernandez,, Forensics." Ani ko sa pulis upang papasukin ako sa lugar ng krimen.

Masusi akong humanap ng mga ebidensya, finger prints at kung ano ano pa sa crime scene.

" Fresh pa ang dugo, tantya ko mga 30 minutes palang siyang patay. Which means na baka di pa nakakalayo ang suspect. Tinignan niyo na ba ang mga cctv at naghanap ng witness?" Tanong ko sa mga kasamahan ko.

" Meron po kaming nakita sa cctv ma'am. Halika po sa loob." Anyaya sakin ni Karen, isa sa mga kasamahan ko sa forensic.

Nang pumasok kami sa loob ng cctv room, naestatwa ako nang matanaw ko ang isang lalaki, nakatalikod siya sakin. Pero kilalang kilala ko kung sino ito. Nakaramdam ako ng kaba ng humarap siya.

" Sir Sison, nandito na po si Ma'am Fernandez, head ng forensics." Pagpapakilala sakin ni Karen.

Kitang kita ko ang pagbabago sakanya. Masasabi kong nagmatured ang itsura niya hindi gaya ng dati. Kita ko ang pag igting ng panga niya ng makita niya ako.

"Detective Sison." Pagpapakilala niya, naglahad siya ng kamay  na nakapagpaestatwa sa akin. Napatitig ako sa mga mata niyang walang bakas ng gulat o ano mang emosyon. Hindi gaya ng una naming pagkikita. Nagbago na siya. Pero yung nararamdaman ko hindi pa.

"Ma'am." Tawag sakin ni karen na nagpabalik sa ulirat ko. Inabot ko ang kamay na nakalahad sa harap ko at mabilis ko itong inalis upang di maramdaman ang panginginig ko.

Tinalikuran niya ako at dumiretso sa screen kung saan makikita ang footage ng cctv.

" 10: 23 pm ng mangyari ang krimen, nahagip sa cctv itong lalaki huling kasama ng biktima bago siya natagpuang patay." Pagpapaliwanag niya habang nakaturo sa lalaki sa footage. Tila umatras ang dila ko hindi ko alam ang sasabihin ko. Pakiramdam ko nawala na sa isip ko lahat ng pinag aralan ko at gusto ko na lamang tumitig sa mga mata niya. 6 years, pero bat ikaw parin?

" Base sa aking naimbestigahan 3 feet ang layo ng suspect sa victim, sa tingin ko ay hasa na siya sa paggamit ng baril kaya sumakto sa noo ng biktima ang bala,  walther p38 9mm ang baril na ginamit ng suspect. " Ani ko sakanila.

" Kilala niyo na ba yung biktima?" Tanong nila sa amin.

" He is in our drug watchlist kaya sa tingin ko ay ang pumatay sa kanila ay isa sa mga kalaban niya sa narcotics world. Which means maaaring pinagplanuhan to. Baka nagpanggap na customer ang suspect upang magawa ang plano nila na mapatumba ang biktima na maaaring harang sa kanilang mga plano." Ani ko at narinig ko ang buntong hininga nila sa sinabi ko.

"Ayan lang ang maibibigay ko sa ngayon. Ipagpapatuloy ko nalang ang imbestigasyon bukas, tinawagan na nila ang morge para kuhanin ang patay. Maaari na ba akong umuwi at magpahinga?" Tanong ko sakanila.

"Sige ma'am balitaan ka nalang namin bukas pag may nabalitaan na kaming lead." Pagsang-ayon ni Karen sa akin.

"Alright, Bye see you tomorrow." Ani ko at naglakad na papunta sa aking kotse.

Nang makarating na ako sa kotse ay may humila sa akin, ngunit agad ko namang hinawakan ang kamay nito at umikot paharap sa kung sino man siya. Laking gulat ko nang makita ko ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

"Shenaiga." Sambit niya sa pangalan ko na nakapagpatayo sa balahibo ko.

" Anong kailangan mo?" Matigas kong sambit upang di mahalata ang kaba ko.

"Natupad mo na mga pangarap mo." I saw the joy and longing in his eyes nang sinabi niya ito.  Pigilan mo sarili mo shenaiga. Sinaktan ka niya ng ilang beses nakalimutan mo na ba? Wag kang magpakamarupok sakaniya. Sambit ko sa sarili ko.

Tiningnan ko siya sa mata ng walang emosyon. Nginitian ko siya ng pilit at pumasok na sa sasakyan ko at pinaandar nang hindi lumilingon sakanya.

Naalala ko yung mga panahong sabay naming pinagpaplanuhan mga pangarap naming dalawa. Pangarap namin na matupad to ng magkasama, pero sinaktan niya ako.

" Hindi na kita kailangan. Kaya ko na nang magisa. Masyado pa tayong bata marami ka pang makikilala. May mahal na akong iba, pakiusap lang palayain mo na ako." Walang emosyong sambit niya sa akin.

"P-pero.. Pano na ako? Yung mga pangarap natin? Diba sabi mo tutuparin natin yun na magkasama? Wag ka namang ganyan, akala ko ba mahal moko? Akala ko ba ako lang?" Lumuluhang sambit ko sa harap niya.

"Akala ko rin. " sambit niya at tinalikuran ako. Tinatanaw ko siya habang lumalayo at nagbabaka sakali na lingunin niya ako. Pero nabigo ako nang makita kong may babaeng sumalubong sakanya at niyakap siya ng mahigpit.

Napatigil ako sa isang convenient store at bumili ng alak. I need a booze, sumisikip dibdib ko sa mga naalala ko. Akala niya ba nakalimutan ko na pananakit niya? Ang kapal ng mukha niyang lumapit sa akin na parang walang nangyari.

Nakarating ako sa apartment ng safe sa kabila ng kung ano anong pumapasok sa isip ko. Alam kong hindi ako makakatulog dahil sa simpleng encounter namin ng lalaking yon.

"Natupad mo na mga pangarap mo." 

Alangan namang hahayaan kong sirain kinabukasan ko dahil lang sa pagkakamali na yun. Bata pa ako non pero I admit di ko pinagsisihan yon. Sa totoo lang nagpapasalamat pa ako sa pagiwan niya sakin. Kasi kung hindi dahil sa sakit na dinulot niya wala ako ngayon sa kinaroroonan ko.

Naubos ko ang isang bote ng jack daniels na binili ko. Hanggang sa hilahin na ako ng kama at makatulog ng mahimbing.

Kinabukasan. Maaga akong nagising at napahawak sa ulo ko sa sobrang sakit. Fucking hangover, kasalanan to ng pulis na to! After 6 years bat nagpakita pa?!

Nakarating ako sa opisina at agad na pumunta sa laboratoryo upang ipagpatuloy ang pagiimbestiga. Ngunit ipinatawag kami ng hepe at laking gulat ko ng nakita ko nanaman siya.

" Everybody, this is Detective Kiervin Sison. He will be our new detective since Detective Dutch is transferring to another station." Pagpapakilala ni Chief Pierce. Naramdaman kong nanlambot ang mga binti ko nang nakangiti niyang nahagip ang mga mata ko. Agad akong bumalik sa laboratory ngunit naramdaman kong may sumunod sa akin.

Napaatras ako ng makita ko kung sino ito. Sinarado niya ang pinto at kinulong niya ako sa pagitan ng kanyang dalawang kamay.

" It's been a while, my love."

_

So this is my first story guys, sabihin niyo lang guys kung may mali man. Hindi po ako expert sa law enforcement kemerut pero pangarap ko po yun, Shs student lang po ako kaya kung may mali man, sorry po HAHAHAHAHA sabihin niyo nalang po sakin.

Thank you guys!!

PussyCathMB