"DAD, himala maaga kayo ngayon" aniyang tinapik ang balikat ng amang inabutan niyang nagbabasa ng libro sa sala Biyernes ng gabi.
Noon ibinaba ni John ang hawak nito. "Nasaan iyong motorbike mo? Bakit hindi ko nakikita sa garahe?" seryoso nitong tanong sa kanya. Napangiti siya saka naupo sa katapat na sofa na kinauupuan ng ama. Eksaktong isang linggo mula nang ipantubos niya kay Audace ang motorbike na hinahanap nito."huwag mo akong sagutin ng ngiti anak. Tell me, nasaan iyong motorbike mo?"nang manatili siyang walang imik at nakangiti lang.
"Pinantubos ko sa babaeng pakakasalan ko!" walang gatol at masaya niyang sambit.
Nakita niya ang pagpipigil ni John na mangiti sa sinabi niya. "Iyong totoo Dave, hindi ako nakikipagbiruan anak."
Natawa siya ng mahina. "Dad, totoo ang sinasabi ko" aniyang sinimulang ikuwento sa ama ang buong pangyayari. Narinig niyang nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si John matapos marinig ang buong kwento. "Para saan iyon?" aniyang ang tinutukoy ay ang ginawang pagbuntong hininga ng ama.
"Wala, naisip ko lang ang bilis ng panahon. At sa nakikita ko parang kailangan kana naming pakawalan. If you know what I mean" anitong mataman siyang pinakatitigan.
Hindi napigilan ni Dave ang kakaibang haplos ng damdamin sa dibdib niya sa sinabing iyon ng ama. "Hindi naman ako aalis dito di ba? Kung sakali, alam ko namang ako ang magmamana ng mansyong ito?" pabiro niyang turan sa kagustuhang hawiin ang kakaibang uri ng atmosphere sa pagitan nila.
Magkakasunod na tumango si John. "Ang lahat ng pinaghihirapan namin ng Mommy mo, para sayo" sang-ayon ng kanyang ama. "i-invite mo siya dito minsan. Para makilala namin siya ng Mommy mo."
Tumango siya bilang pagsang-ayon. "Anyway huwag kayong magsasalita ng kahit ano, wala pa siyang alam" paalala pa niya.
Amuse ang tinging ipinukol sa kanya ng ama. "So unlike you, huh! Curious tuloy ako sa kanya."
Natawa siya. "Right, basta nag-usap na tayo Dad. Anyway regarding doon sa moto---"
"Enough with the motorbike hijo, sa nakikita kong kislap ng mga mata mo ngayon. Siguro kahit sampu niyon ang iregalo ko sayo hindi parin matutumbasan ang sayang mayroon ka right now."
Hindi na siya kumibo at sa halip ay tinapik nalang muli ang balikat ni John. Umakma na siyang aakyat pero nahinto lang nang may maalala sa pagkakakita niya kay Loida na kanilang mayordoma."Yaya pakilinisan naman po bukas iyong room sa likod" aniya.
"Iyong rehearsal room ba ang tinutukoy mo Dave?" ang boses ni Sandra na kapapasok lang ng kabahayan.
Noon na siya tuluyang bumaba ng hagdan. "Mom, ginabi yata kayo?" aniyang hinalikan ito sa pisngi.
"Maraming trabaho, anyway tama ba iyong narinig ko? Pinalilinisan mo iyong rehearsal room?" si Sandra sa tinig na hindi makapaniwala. Hindi na siya nagtaka, mula kasi nang mamatay si Danica ay pirming nakakandado iyon at hindi na niya ginamit. Pero ngayon, dahil kay Audace, nagkaroon siya ng lakas ng loob na muling gamitin iyon.Tumango siya saka nginitian ang ina na nakita niyang nagtatanong ang mga matang tinitigan si John na kumindat naman sa kanya.
"DITO tayo magpa-practice?" aniyang nilinga si Dave nang patuluyin siya nito sa loob ng isang malawak na silid. Iyon ang unang araw ng practice nila para sa kanilang ballroom dance na kung tawagin ay Foxtrot. Ayon kay Dave ay romantic dance rin ito katulad ng waltz at ang ikot sa dance floor ay counter clockwise. At ito'y sa saliw ng awiting Can't Smile Without You ni Barry Manilow na ang binata rin mismo ang pumili.
Tumango ang binata. "Ngayon ko nga lang ito ulit ginamit eh."
"Ha?" hindi niya alam pero napukaw ng sinabing iyon Dave ang kanyang curiousity.
"Four years itong naka-lock" anitong hinila siya paupo sa mahabang sofa.
Ang masarap na daloy ng kuryente ay muli nanaman niyang naramdaman nang hawakan ni Dave ang kanyang kamay. "B-Bakit?" tanong niya saka inilayo ang sarili sa binata. Subalit tila walang-anuman kay Dave ang ginawa niyang iyon dahil sa halip ay amuse siya nitong muling kinabig. Malakas siyang napasinghap.
"Bakit may pakiramdam akong kapag kasama mo ako parang hindi ka kumportable? Hindi mo ba ako gusto?" taka siyang napatitig sa gwapong mukha ng binata.
Pinigil niya ang paghinga nang masuyong hinawi ni Dave ang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha saka iyon iniipit sa kanyang tainga. Nagtaas baba ang kanyang dibdib nang haplos-haplusin ng binata ang kaliwa niyang pisngi. Lalo siyang nataranta sa ginawa nito. "A-Ano k-kasi" aniyang nagbuntong-hininga saka muling nangapa ng pwedeng sabihin. "h-hindi sa h-hindi kita g-gusto. Hwag mong iisipin iyon" paliwanag niya.
Makahulugan ang ngiting pumunit sa mga labi ng binata, mukhang nasiyahan sa isinagot niya saka sinimulang ikwento sa kanya ang tungkol sa kapatid nitong si Danica. At noon rin niya nalamang ito pala ang dahilan kung bakit napilitang i-drop ni Dave ang PE 202 noong first year ito. Dahil ito ang teacher noon ng binata.
"Eh ngayon kumusta kana?" concerned niya tanong saka pasimpleng dumistansya ulit sa binata. Kulang nalang kasi ay magpalit sila ng mukha dahil sa sobrang lapit nito sa kanya.
Maganda ang ngiti sa mga labing nilingon siya ng katabi. "Okay na, noon kahit sabihin mo pang duwag ako talagang wala akong tapang na pasukin ang kwartong ito. Pero ngayon with you, nagawa ko."
Umikot ang mga mata niya sa narinig. "Kahit kailan talaga ano, bolero ka?
"Totoo, ikaw lang ayaw mong maniwala" ani Dave na tumayo pagkatapos. Ilang sandali pa ay narinig na niyang pumailanlang ang awiting Can't Smile Without You. "lika na" anitong inilahad ang kamay sa kanya.
"S-Start na tayo" noon siya biglang sinalakay ng kaba. Siguro dahil hindi naman talaga siya dancer? At natatakot siyang magkamali. Pero ang talagang mas nakakalamang na dahilan, alam niyang hahawakan ni Dave ang kanyang baywang. Maglalapat ng matagal ang kanilang katawan at ang pawisin niyang kamay? Ilang araw na silang palaging magkasama ng binata pero bakit ganito ang pakiramdam niya? Hindi parin siya sanay.
"Hindi pa naman, papakinggan lang muna natin ang kanta" anito.
Nagsalubong ang mga kilay niya pero tinanggap parin niya ang kamay ni Dave. "Papakinggan?" taka niyang tanong. Malakas siyang napasinghap nang hilahin siya ni Dave palapit dito. Aksidente niyang naitukod ang isang kamay sa dibdib nito. At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang hinagod nito ng tingin ang kanyang mukha. Habang pilit naman niyang iniignora ang kakaibang daloy ng kuryente dahil sa mahigpit na pagkakahapit ng binata sa kanyang baywang.
Niyuko siya ng binata saka nito idinikit ang noo nito sa kanya. "Mag-warm-up muna tayo" ang mabangong hininga nito ang bumasag sa sandaling pagkawala niya sa sarili.
"A-Anong warm-up?" aniyang sinikap na gawing normal ang tinig sa kabila ng abnormal na kabog ng kanyang dibdib.
Noon inilagay ni Dave ang dalawang kamay niya sa magkabila nitong balikat, habang ang baywang naman niya ay mahigpit na hinapit ng binata. "Sasayaw tayo ng sweet. Sa totoo lang nanghihinayang akong hindi ako ang naging first dance mo nung nag-debut ka" ilang sandali pa ay pareho na nilang sinasabayan ang magandang awitin. "kundi pa magkakaroon ng ganitong sitwasyon eh hindi kita maisasayaw."
Muli nanaman siyang naapektuhan ng sinabing iyon ng binata lalo't dama niyang totoong panghihinayang ang kalakip ng sinabi nito. Pinilit niyang gawing normal ang tinig at nagtagumpay naman siya. "Eh wala naman akong party nun, wala kasi kaming pera" hindi niya tinitingnan si Dave pero sa sulok ng kanyang mga mata alam niyang nakatitig ito sa kanya. At iyon ang isa pang dahilan kung bakit minabuti niyang magbaba ng tingin.
"Ganyan kaba talagang makipag-usap? Iwas-tingin?" nabigla siya sa tanong na iyon ng binata kaya taka siyang napatitig rito.
Nakita niya ang amusement sa mukha ni Dave. "A-Anong iwas-tingin?" kunwari'y hindi niya alam ang tinutukoy nito.
"Kakaiba ka talaga, kaya gustong-gusto kita eh!" anitong ngiting-ngiti.
Hindi niya napigilan ang paglapad ng kanyang ngiti sa sinabing iyon ng binata. Habang sa puso niya ay ang pinaghalong-kilig at nerbiyos. "H-Hindi ako ang babaeng magugustuhan mo Dave, kaya huwag mo akong bolahin okay?" sabi lang niya iyon. Dahil ang totoo gustong-gusto niyang sabihin sa binatang pareho lang sila ng nararamdaman.
Noon siya tinawanan ng binata at saka hinawakan ng kanang kamay nito ang kaliwang kamay niya. Itinaas iyon, inikot siya at ang ending ng ayos nila? Yakap siya ni Dave mula sa kanyang likuran. Nagpatuloy sila sa marahang pagsasayaw. Ang awkward lang ng ayos nila pero talagang nanghihina ang mga tuhod niya. Lalo nang maramdaman ang hininga ng binata sa kanyang tainga
."Anong sinabi mo Miss, pakiulit nga po?" bulong ng binata sa kanyang tainga kaya siya napasinghap.
Nilinga niya si Dave saka mabilis ring nagbawi ng tingin nang makita ang distansya ng mukha nito sa kanya. "A-Ang sabi ko, hindi ako ang babaeng magugustuhan mo" sagot niya sa isang pinatatag na tinig.
Nangalatak si Dave. "Hindi totoo iyon, nagustuhan nga kita eh" walang gatol nitong sabi.
Nang muli niyang balingan ang binata ay napuna niyang seryoso ito. Hindi narin ito kumikilos sa kinatatayuan pero nanatiling nakayakap sa kanya. Ilang sandaling nakiraan sa kanila ang katahimikan. At nang marahil hindi makatiis ay si Dave ang nagdesisyong bumasag niyon.
"Ang ngiti mo, ang tawa mo, ang mga kamay mo, ang lahat ng tungkol sayo gusto ko. Kaya huwag na huwag mong iisipin na hindi kita magugustuhan kasi gustong-gusto kita Audace, gustong-gusto kita" anitong pinagdiinan pa ang huling tinuran.
"D-Dave?"
"Hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman kong ito. Hindi ako makatulog, napupuyat ako kakaisip sayo, gusto ko palagi kitang nakakasama. Hindi ako mapakali kapag hindi kita nakakausap kahit sa phone lang. At paggising ko ang mukha mo ang una kong nakikita, kahit wala ka sa tabi ko. Parang may picture kana na naka-preserve sa isipan ko" naumid ang dila niya sa lahat ng narinig."kung alam mo lang, na sana pwedeng nung pinanganak ka magkasama na tayo para sa lahat ng espesyal na okasyon at masasakit na araw ng buhay mo andun ako, gagawin ko."
Iba ang naging dating sa kanya ng sinabing iyon ng binata. At kung ang puso niya ang susundin niya, pakiwari niya ay parang ibig niyang umiyak dahil sa kakaibang tuwang inihatid niyon sa damdamin niya. Kaya naman nang naramdaman niyang mas humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Dave ay hindi siya nagprotesta. Gusto niya ang mga bisig ng binata, so bakit niya gagawin iyon?