Chereads / Under The Moonlight Completed / Chapter 8 - Chapter 5

Chapter 8 - Chapter 5

PREDATOR

Narinig ko ang pagtunog nang ringtone ko kaya inabot ko ang aking cellphone kahit nahihilo.

"Honey.. rise and shine."ang paos na boses ni Jason ang narinig ko sa kabilang linya.

"Morning Jay.."antok kong pagbati. Napatingin ako sa alarm clock ko sa aking tabi. Gusto kong mapamura sa katangahan.

Maaga ako ngayon pero dahil hindi ako pinatulog ng I miss you ng ex ko ay muntikan na naman akong malate.

Bumangon na ako at nag-stretching. Kausap ko si Jason na nasa Singapore para sa isang photo shoot. Ilang araw na siya doon. At mukhang maeextend dahil sa  kapartner nito na prima donna.

"I've heard about the news Hon. I'll see you tom-"

"May trabaho ka pa dyan, h'wag na. Tsaka I'm fine here. Lex fixed it."

"But you need me."matigas na sabi niya.

"Seriously, I'm fine. I'm back at work."

Narinig ko siyang tinawag na.

"Kailangan ka na ata Jay."nanahimik siya ng ilang sandali. Dinig ko ang paghinga niya.

"I've heard Wright got involved too."Seryoso niyang sabi pagkaraan nang ilang sandali. Parang walang pakialam sa tumawag sa kanya.

"Oo.."

"So he's your ex.."

"Jay.."

"The one who made you like that."may gigil na sa boses nya.

"Anong ibig mong sabihin?"kinakabahan kong tanong.

Nanahimik siya. Ilang beses bumuntong hininga.

"You'll be late with your appointment hon.." paalala niya. Bumalik ang lambing sa boses niya.

Hindi ko siya naiintindihan pero mas okay na to..

"Okay. Ingat ka. At h'wag kang iinom dyan! Wala akong taga bugaw ng mga insekto! Baka after few months may susugod na sayo na nabuntis mo!"Pagpapaalala ko para maiba ang topic. Pinasaya ko rin ang boses ko.

"We should be together then.."napapigil na ako ng hininga. Ayoko talaga kapag nagbibiro na siya ng ganito.

Bumuntong hininga siya ulit.

"Take care. I miss you.."at hindi na niya hinintay na sumagot ako sa sinabi niya.

Napatulala ako.

Parang kinakapos ako ng hininga.

Ibang iba sa pakiramdam ang marinig ito mula kay Jason.

Napakuyom ako ng kamao.

Kailan ba ako makakawala sa nakaraan ko?

"Thanks!"kumaway ako kay Tori na pasakay na rin sa sasakyan niya. Tapos na kami sa last shoot ko kaya malaya na akong makagala. Pero syempre.. business muna ang aatupagin ko.

Tinawagan ko si Reece para makapag update sa appointment namin ng magiging investor ko.

Kinonfirm ko muna ang address ng main building nila bago ko pinunch ito sa google map ko.

Good mood ako ngayon dahil wala nang problema sa trabaho ko. At excited din ako para sa aking business.

Wala nang makakapigil sa pag angat ko!

Nang maipark ko ang aking sasakyan ay nagmadali akong umibis. Nakangiti at ganado.

Napatingin ako sa aking relo at nakahinga ng maayos.

May trenta minutos pa bago ang appointment namin. Sakto. Pwede pa namin pag usapan ang ilang detalye na nagpalito sa akin. Ayoko namang tatanga tanga kapag tinanong niya ako at hindi ko alam ang isasagot.

Ang nakangiting mukha nina Reece at Ticia ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa building. Tangan nila ang leather bag na pinaglalagyan ng mga kakailanganing papers para mamaya.

"Kakaexcite!"ngiting ngiti silang nakipagbeso sa akin.

"Oo nga. Tapos very welcoming pa sila dito. Kaya nawala ang nerbyos ko."

Nakahinga ako ng maluwag. Mukhang hindi kami nagkamali sa unang pinuntahan. Positive akong mapapapirmi namin siya..

Ang alam ko, kapag maganda ang environment sa work place, pati mga empleyado maayos din ang performance. At ibig sabihin lang non.. maayos magpatakbo ang Big Boss.

Nag usap muna kami sa reception area at nakailang beses na nagpabalik balik ang receptionist nila sa amin.

Sobrang friendly at parang special treatment ang ibinibigay sa amin. Gusto pa kaming paakyatin na para makapunta sa top floor. Sa office ng big boss.

Pero tumanggi ako dahil ayokong makaabala. Baka magmadali siya sa iba niyang appointment dahil lang naghihintay kami sa labas ng office niya.

Five minutes to three pm ay tumayo na kami. Agad kaming sinalubong nang receptionist na may maluwag na ngiti at dumiretso sa elevator.

Nang bumukas ang elevator sa pinakadulo ay iminuwestra niya na pumasok na kami.

At sumama pa paakyat.

Nakipagkwentuhan kami sa kanya para matanggal ang nerbyos ko. Kung ano-ano lang. Tungkol sa lovelife at work.

Wala siyang problema dahil maayos at hindi mahigpit ang big boss nila. Lahat ng empleyado ay nabibigyan pa raw ng bonus kada buwan kapag maganda ang performance kaya lahat sila ay ganado at bigay todo.

Nanginginig ang mga tuhod ko at para na akong masusuka nang bumukas ang elevator.

Iginiya kami sa nag iisang glass door sa gitna. Katapat ng elevator.

Huminga ako nang malalim para maibsan ang kaba ko.

Siguro dahil make or break ko ito kaya ganito..

Nang itulak ng receptionist ang pinto ay nadatnan namin ang isang matangkad na lalaki na may kahabaan ang buhok. Lean siya at seryoso ang expression sa mukha.

Baka hindi nito nagustuhan na wala kaming pasabi at basta nalang binuksan nong receptionist ang pintuan?

Mas lalo akong kinabahan.

Baka naman masungit yong big boss.

Mas lalo akong parang masusuka kaya nakiusap akong magbabanyo lang.

Tumango agad ang lalaki at sinamahan ako hanggang sa tapat ng pintuan nang banyo.

"T-thank you."utal kong sabi at mabilis na pumasok.

Nagpalakad lakad ako at huminga ng malalim para ikalma ang sarili.

Nang maiayos ko na ang sarili ay lumabas na ako.

Napatayo na sina Reece na walang bakas ng nerbyos sa mga mukha.

Bakit ako lang ang nakakaramdam nito? First time din naman nila ah!

"Sorry for making you wait." My voice became squeaky.

Ngumiti na ang lalaki sa akin kaya kahit paano ay lumuwag ang pakiramdam ko.

May pinindot siya sa telephone at nagsabi na nandito na kami. Malalim na boses ang nadinig ko na pinapapasok siya.

Napatulala ako sa intercom.

Parang.. parang may kaboses siya..

Wala sa sariling napalingon ako sa pintong pinaglabasan ng lalaki.

Mas maluwag na ang ngiti nito sa labi. Mas naging gwapo siya sa paningin ko. Nawala sa isip ko ang kaboses ng big boss.

"You may come through Miss Relano."Nakatingin siya sa akin.

Lumingon ako kina Reece at tumango. Nagsitanguan din sila at humakbang palapit sa pintuan.

Pero nagulat kami nang pigilan niya ang mga assistant ko.

"He just wants to talk to you alone Miss Relano. Sorry girls."paumanhin niya.

Bumalik ang panginginig ng tuhod ko.

Nagpapasaklolo akong tumingin sa mga kasama ko pero tumango lang sila na ini-encourage akong pumasok.

"Kaya mo yan. Alam mo naman na lahat ng mga nakalagay dyan."Ticia said.

I swallowed hard then looked at the man standing just outside the door.

Humakbang na ako papasok para matapos na ang nerbyos ko.

Hindi ako pwedeng mag inarte dahil ito ang pinakabigatin na nagpahayag ng interes sa business ko.

Come to think of it.. wala pa pala akong kaalam alam tungkol sa big boss nila.

Nakalimutan kong magtanong sa receptionist kanina.

Napapitlag ako nang bigla nalang sumara ang pinto sa likuran ko.

At nang mapag tuunan ko nang pansin ang amoy ng buong kwarto ay parang babaliktad ang sikmura ko sa kaba at nerbyos.

Hindi lang kaboses ni Boss ang taong ayoko pang makita! Kaamoy din ng kwarto niya ang aftershave nito..

Siguro.. next time na lang.. nagbago na ang isip ko.

Pumihit ako paharap sa pinto at akmang bubuksan ito nang makaramdam ako ng presensya sa loob.

Iginala ko ang paningin sa buong kwarto.

May kadiliman ito dahil nakatakip ang makapal at malaking kurtina sa glass wall ng office.

May malaking mahogany table at swivel chair sa gitna.

Ang kabuuan ng office ay salamin din. Kita ko ang repleksyon ko.

Biglang bumukas ang kurtina kaya napapikit ako nang masilaw sa araw.

Nang makadilat ako ay ilang beses akong kumurap kurap para maiadjust ang mga mata sa biglaang liwanag.

Sa gilid nang mga mata ko ay nakita ko ang malaking lalaki na nakatayo sa di kalayuan.

Tahimik akong pinapanood.

Kumakabog nang mabilis ang dibdib ko na dahan dahang pumihit paharap sa kanya.

Para akong itinulos sa kinatatayuan ko nang magtama ang mga paningin namin.

He was like a predator while looking at me. His PREY. His grey eyes were showing no mercy. Stern. He was very intimidating and had this menacing look on his face.

Napaatras ako at tumama agad ang sakong ko sa pintuan.

Pumihit ako paharap sa pinto ay hinila hila ang door knob.

Ayaw mabuksan! Naka locked!

Kinalampag ko na ang pintuan.

Wala na akong pakialam kung magmukha akong tanga sa harapan niya.

Hindi pa ako handa!

Atsaka bakit siya ang nandito?

Ano to? Pinaglalaruan niya ako?

"Is that how you greet your fiancé?"Namamaos na tanong niya sa akin.

Napatigil ako at ikinuyom ang kamao. Pero pinagpatuloy ko ang pagkalabog sa pintuan. Sinipa sipa ko na rin at sumigaw na.

"Mrs Wright you're just hurting yourself."his voice was so near that I stiffened on my track.

"Let me out."mabangis kong sabi at humarap.

Napasinghap ako nang tumama ang mukha ko sa matigas niyang dibdib.

Napatingala ako sa kanya.

His eyes were looking at me darkly. His jaws were clenching.

"You didn't reply to my messages Mrs Wright."pang uulit niya sa pinangtatawag niya sa akin dati.

"Hindi ako ang mama mo kaya tigilan mo ako sa kakatawag sa akin ng ganyan!"angil ko at tinalikuran siya ulit.

Hindi ko matagalan ang titig niya. Para akong ibinabalik sa nakaraan namin.

"You know that you're soon gonna be my wife."

Sinuntok suntok ko na ang pintuan niya para lang natabunan ang boses niyang mapapanaginipan ko ulit mamaya. At bangungot ito para sa akin.

"Stop it. Your attempts are futile. They all went to have dinner somewhere."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Pilinano mo to!"akusa ko at dinuro duro ang matigas niyang dibdib.

He smirked darkly and took my hand and pulled me closer to him.

I dug my feet on the carpet. But he was so strong.

"Bitawan mo ako! Or else I'll scream rape!" I shouted at him.

"Be my guest.."wala ano-ano ay yumuko siya at niyakap ako.

Napasinghap ako nang maglapat ang mga katawan namin.

Nakaramdam ako ng init. At mumunting pangungulila.. ilang taon naba ang nakalipas nong huli ko siyang nayakap?

Naninigas na hindi ako gumalaw sa mga bisig niya.

"I miss you so much baby.."pumipintig nang malakas ang puso ko.

Bakit parang may lungkot sa boses niya?

Naramdaman ko siyang humalik halik sa buhok ko. Nang hindi makontento ay kumalas siya at ibinilanggo ang mukha ko gamit ang dalawa niyang malalaking kamay.

"Didn't you missed me? Hmm?"namumula na ang ilong at mata niya.

Para siyang.. gaya ng dati..

Naitulak ko siya nang malakas.

"Gusto ko nang umuwi! Let me out!"sigaw ko sa kanya habang binabaklas ang mga kamay niya sa pisngi ko

Napabuntong hininga siya at sinuklay ang buhok.

"Okay.. I understand."sabi niya na nagpahinto sa balak kong pagsigaw ulit.

"You're not ready to take me back.. I understand."sabi niya na tila nahihirapan.

"I asked you to come here so I can help you with your business. Let me see your business plan."sabi niya at pinulot ang leather bag na nasa carpet na pala.

Naglakad siya palayo sa akin na agad kong sinundan.

Magkakamatayan na pero hinding hindi ko ipapakita sa kanya ang pinaghirapan kong plano.

Baka isa na naman ito sa mga schemes niya para pahirapan ako!

Mabilis kong inagaw ang bag at inilagay sa likuran ko.

Napahawak siya sa noo niya na parang namomoblema.

"Baby.. i just wanna help you. So please.."

"I don't need your help Mr Wright!" I sneered and walked towards the door.

"My room is sound proof. Kahit sumigaw ka ng sumigaw, nobody will hear you. And nobody's gonna be here except the two of us baby."

"And admit it, you need me. Especially with your business."

"Mamamatay muna ako bago kita hingan ng tulong!"

Napataas ang isa nyang kilay.

"You just asked me to help you with your issues."

Nanlaki ang mga mata ko. Binubuyboy niya ba yong tinulong niya sa akin? Samantalang siya ang puno't dulo non!

Napasugod ako sa kanya. Nangangalaiti sa galit

Napaatras naman siya nang isang hakbang. Nagulat sa ginawa ko.

"Dahil kasalanan mo yon! Kung bakit hindi mo binura yong account mo na yon! At mas pinalaki mo pa ang issues nong magpost ka ng picture ko!"gigil kong sabi.

Nakita ko ang pagdaan ng inis sa mukha niya pero agad ding nawala.

"Can't I be proud of my fiancée?"

"Nakipaghiwalay na ako sayo! Anim na taon na!"

"We never talked. And I didn't accept it."malumanay nang sagot nito pabalik.

"Pwes para sa akin tapos na tayo!"inis kong sagot.

"Relationship's made by two persons. Not one."nag iigtingan ang mga panga niya.

"At ayoko ko na! Bakit ba nandito ka na naman? Nakabayad na kami! Wala na akong atraso sayo!"

Napabuntong hininga siya at lumapit sa akin.

Napatakbo ako sa pintuan at iniharang ko ang isa kong kamay.

"Sinasabi ko na sayo, h'wag kang lalapit!"Nagsisisigaw ako.

Ang inaasahan kong taas noo kong pakikipagharap sa kanya sa pangalawang pagkakataon ay nawala nang parang bula.

Hanggang ngayon.. mukha pa rin akong bubwit na nakaharap sa leon.

Mabilis ang kabog ng puso ko at nakatingin sa kanya.

Sa taong naging dahilan ko para humangad ng mas mataas. Para maipamukha sa kanya na kaya ko ring umangat.

"Tigil!"sigaw ko at naghanap ng pwedeng ipambato sa kanya pero wala man lang maliliit na bagay na kaya kong mahablot.

Parang inilayo talaga ito sa may pinto!

Alangan namang buhatin ko yong filing cabinet?

Bakit dito ito nakalagay? Ampangit nang nag design!

My attention went back to him when he kept coming towards me.

"Baby.. just let me see you business plans, so I can sign it and we can talk about our relationship."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo! Maraming nag alok na mag invest sa akin kaya isaksak mo sa baga mo yang pera mo. At wala na tayong relasyon! Matagal na kaya gumising kana rin sa bangungot mo!"

Nanginginig ang kamay ko na lumapat sa dibdib niya nang nagdire-diretso pa rin siya.

Kahit matangkad ako ay nababalewala pa rin sa taas niya. At laki ng katawan.

Masakit man aminin ay mas maging makisig siya at gwapo sa dumaang panahon.

"Sinong mga nag alok sayo?"matigas na sabi niya.

Nang hindi ako sumagot ay hinila niya ako nang malakas. Nabitiwan ko ang leather bag at napatid dito.

Napasubsob ako sa dibdib niya at siya naman ay nawalan din nang balanse sa biglaang nangyari kaya bumagsak kami sa carpet.

Napahawak ako sa noo kong humampas na panga niya.

"Ouch!"daing ko. Napa ibabaw ako sa kanya habang siya naman ay nakahawak sa baywang ko at nakangiwi. Nakahiga.

Gusto kong sumimangot dahil napakagwapo pa rin kahit anong expression niya.

Nang dumilat siya ay nagkatitigan kami. Nang binalak kong tumayo ay hinila niya ako para iayos sa ibabaw niya at niyakap ng mahigpit.

"Tell me who offered you baby."wala ng galit sa boses niya. Malambing na ito.

"B-bakit?"utal kong sagot nang maramdaman ko ang pagtaaa baba ng kamay niya sa likod ko.

"I'll crush them so they won't be able to lend you any money."parang wala lang sa kanya ang sinabi.

Napapiglas ako at itinungkod ang kamay sa magkabilaan niyang ulo. Kita ko ang nangingislap niyang abuhing mga mata na nakatingin sa akin.

Halatang masaya sa posisyon namin.

Masyado kaming magkalapit kaya sinubukan kong tumayo pero humawak siya ng mahigpit sa baywang ko at ibinalik ako sa ibabaw niya.

Napasinghap ako nang mapaupo sa tyan niya.

"Let me go!"piglas ko.

"Never.. so be a good girl and tell me who offered you."mahinahon niyang tanong.

"Dyan ka magaling! Ang magpabagsak ng kompanya! Kahit walang ginagawa sayo!"Mangiyak ngiyak kong sabi at hinampas hampas siya.

Hindi man lang siya umiwas at hinayaan akong saktan siya. Ako rin ang kusang tumigil nang mapagod at manakit ang aking mga kamay.

Napatitig ako sa kanyang mukha nang punasan niya ang aking mga pisngi na basa na pala nang luha.

Inilayo ko ito agad. Ayokong makita niya akong parang basang sisiw. But he pulled my nape and crashed his red warm lips onto mine.

Siguro dahil sa pagod at halo halong emosyon ay hindi na ako nakapanlaban.

I just let him kiss me. Hard and deep. He pressed my chin hard that I moaned in pain. Then he slipped his tongue inside my mouth and played with my tongue. I moaned and clutched his dress shirt.

My mind was clouded by my desire that I've hid all these years.

Lumayo siya at namamasa na ang mga mata.

"I miss you so much baby."he said while looking at me with longing in his grey eyes.

I pushed him down on the carpet and kissed him hard.

Maybe I just need him to relieve this frustration inside me.

Maybe... once we fucked each other again..

He would leave me alone.

Kilala ko na siya.

Mahilig siyang makipaglaro.

Lahat laro para sa kanya.

At lahat ng larong ginagawa niya, kahit pa magsinungaling siya ay balewala lang ito sa kanya. Kahit makasakit ito..

Basta sa larong ginagawa niya...

Siya ang laging panalo.

"I want you back in my life Mrs Wright."he said huskily when I withdrew from our kiss and took a breath.

I didn't reply but instead I took his lips again and licked, sucked and kissed him hard.

Probably, he felt my want that he just let me do what I want.

I wanted to laugh at him. He hasn't changed.

He never let anyone tell him what to do. It was the opposite.

But when it comes to the game we're playing..

I can control him.

And I couldn't help the bitter sweet memories that comes rushing back in my head....