LOVE
Ang inaasahan kong nakakatakot na encounter namin ni Coles ay hindi nangyari.
Akala ko talaga kanina ay malalagot na ako kapag nakilala ako ni Coles. Pero wala siyang binanggit kaya nakahinga ako ng maluwag.
Feeling ko rin hindi na niya ako maalala.
He was so friendly and interested in whatever I was saying when we got the chance to talk to each other.
Parang ang lahat ng lumalabas sa bibig ko ay napakaimportante para sa kanya. Parang nakapatalino ko..
At first I was shy to talk to him. But he made it so easy for me to adjust. Sobrang mabait pa at pala ngiti.
Sobrang perfect niya talaga. Magkaibang magkaiba sila ni Travis..
I felt special just by talking to him.
No wonder marami nang naging babae si Kuya Coles. Ay Coles pala.
Halatang praktisado na. Kalkulado ang galaw.
Professional na kumbaga sa pangcha-charm ng mga babae.
Matapos kaming maintroduce ni Tita sa mga naggagwapuhang mga kaibigan ni Kuya Ashmere ay inaya na rin kami sa labas para makihalubilo sa mga bisita.
"Hoy! Ano, kay Kuya Coles kana?"Naupo si Shanelle habang taas baba ang mga kilay. Kakatapos lang ng kainan kaya ngayon lang siya nakalipat sa amin.
They opened the dance floor and drinks were pouring in.
I pursed my lips to stop myself from smiling.
"Gwapo.. charming.."komento ko nang nangingiti. Nahihiya akong magsisigaw sa kilig dahil maraming mayayamang tao ngayon dito.
Ayokong maging katatawanan.
"Sabi na kasi! Mas okay kayo kaysa kay Travis."pampu-push pa niya sa amin ni Coles.
"Kung magugustuhan nya ako.."pabale wala kong sagot.
"Oo yan! Malakas ang pakiramdam ko. It was love at first sight."puno nang kumbiksyon na sagot niya.
"Love at first sight? May ganoon pa ba sa datingan niya? Babaero sabi mo."tinignan ko siya sa mga mata.
"Walang babaero sa malakas mamalo!"kantyaw niya sa akin.
"Gaga. A-under-in ko siya ganoon?"umirap lang ako.
"Hindi naman. Papatinuin mo lang."
"Kapag babaero, hindi na yon magbabago."napanguso ako at sinulyapan si Gia na nananahimik habang nakatingin sa mesa at tagusan ang tingin sa amin. Malamang nananahimik siya dahil sa nangyari kanina sa kanila ni Kuya Ash. Baka may after shock pa.
Sa tapat ko naman ay si Arana na walang emosyon ang mukha. Pero kanina lang ay nakatingin kay Lindsey. Or Peter? Kambal kasi kaya hirap kong tukuyin.
Atsaka, ang atensyon ko ay na kay Coles lang.
Talandi, ganern..
Nang balingan ko ulit si Gia ay lumilibot na ang paningin niya sa buong venue. Tila may hinahanap.
Baka si irog niya.
Sino ba naman kasing hindi mayayanig sa lakas ng dating ng kuya ni Shan.
Napaisip ako at hinanap din ito at ang mga kaibigan niya.
Well.. curious lang ako bakit hindi pa rin nagpupunta si Kuya Ash sa amin..
Inilibot ko ang aking paningin sa bawat umpukan ng mga tao.
Pero hindi ko sila makita.
Napanguso na lang ako at hindi ko na inabala ang sarili sa paghahanap sa kanila.
Baka mamaya ay nandito na rin yon para kulitin ang bestie ko..
Ngayon pa lang ay kinikilig na ako sa kanilang dalawa.
Nang mabored ako ay kinulit kulit ko na sina Shanelle at Gia na nananahimik pa rin. Umayos naman siya ng bahagya nang hindi ko sila tinantanan.
Si Arana naman ay balik sa dati. Nakikinig na sa akin at nakikipag usap na rin.
Nang hindi na ako makatiis ay ipinahayag ko na ang nasa isip.
"Anyway.. napapansin kong walang nag aayang mga boys sa atin na sumayaw!" Puna ko. Tumango na rin si Gia at sabay kaming lumingon sa paligid. Nagsigaya na rin ang dalawa ko pang mga kaibigan.
Nang makita ko si Gia na nakalingon sa likuran namin ay gumaya na ako.
I pouted when I saw them.. particularly him that was talking to a middle aged woman. Then few more women came to his side and tried to talk to him. Drawing his attention.
He's a charmer kaya maraming babae ang gugustuhing makasama at makausap siya. Kahit pa matanda na!
Kakaiba talaga.
Ang malas ng magiging girlfriend nito. Dahil hindi siya makakatulog nang mahimbing sa gabi knowing that her boyfriend is wanted by lots of women.
Huminga ako ng malalim at iniwas ang paningin sa kanya.
I would never be that girl. I am too fat and stupid for a successful businessman like him.
I tasted something bitter in my mouth.
Hindi ko malaman kung bakit ganito ang nangyayari sa kalooban ko.
Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko habang pinapanood siyang makipag usap sa mga babae.
As if may karapatan ako..
Samantalang yong nakababatang kapatid niya yong hinabol habol ko nong nakaraan.
Abno lang.
Napatingala kami kay Gia na tumayo at may determinadong ekspresyon sa mukha.
"Let's enjoy the night.. with or without them."
"Hell yes!"sabay sabay naming sagot.
No men, no problem!
Matapos ang ilang oras na pagsasayaw ay naunang bumalik si Gia sa mesa namin dahil nahihilo na sa dami ng alak na ininom. Magpapahinga lang daw muna.
Ako naman ay kanina pa naiihi kaya nagpaalam na ako kina Shanelle na galing lang sa loob para umihi.
I then asked for the toilet.
Nakayuko akong naglakad papasok sa mansion ng mga Monteverde.
Maraming tao ang pakalat kalat sa bawat sulok ng first floor. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang nakakabungguang siko ko lang ang mga mayayamang tao sa buong bansa.
Nangingiti akong naglakad papunta sa may dining area para sa banyo.
At napangiwi ako nang makita ang mahabang pila.
Anong mayroon?
Nang may makita akong kasambahay ay kinausap ko ito para mapagtanungan ng iba pang pwedeng mapag ihian. Hindi ko na kasi kakayanin ang maghintay ng matagal.
"Nako Miss. pumutok kasi yong bombilya doon sa labas kaya dito sila nagsipuntahan."
"Saan po yong banyo sa may labas?" Nangingilo na talaga ako sa pagkaihi ko.
"Lumabas ka ulit. Tapos lumiko ka sa kaliwa, tapos sa dulo, sa bandang kanan, nandoon yong banyo." Napatango ako at halos takbuhin ko na ang labasan.
"Kaliwa at kanan."pagkanta ko para maiwala ko ang pagkaihi ko.
Napakagat labi na ako at tinakbo na ang madilim na daanan papunta sa banyo. Nakalapat ang kamay ko sa pagitan nang aking mga hita. Para mapigil ang ihi ko.
Ngunit napahinto ako nang may marinig na nag uusap.
At dahil chismosa ako ay sinilip ko muna ito. Never minding my urge to pee.
Inipit ko ang aking pagkababae gamit ang mga hita ko at humawak sa may puno para matignan kung sino ang mga ito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang babae na papaluhod sa nakatalikod na lalaki.
"I wanna pleasure you hon. Let me do it now."she drawled then kneeled down infront of the tall huge man.
"I'm not interested."malamig na sagot ng lalaki.
Napakuyom ako ng kamao nang makilala ko ang tinig niya.
Something squeezed my chest painfully.
"But you like being sucked and licked. And the mere fact that anyone could see us gives you a thrill." She said seductively.
"Leave me alone. I'm not interested."mas madiin na niyang sagot at tumalikod na sa babae.
Agad napatayo ang babae at hinabol si Coles.
Napabuga ako ng hangin.
Sa dami ng babae niya, hinding hindi niya ako mapagtutuunan ng pansin.
At parang mas nakakainsecure kapag siya na ang gugustuhin ko dahil mas marami na akong magiging karibal! Mas malawak ang ginagalawan niyang mundo. Hindi gaya ni Travis na sa school lang at bahay..
Tagilid talaga ako sa kanya. Kay Travis nga hindi ako umubra eh.
Tapos ano bang panama ko sa mga sexy at modelo niyang kakaray karay sa mga parties?
Napaayos na ako ng tayo nang bumalik ang urge ko sa pag ihi.
I curled my toes just to keep my wee in.
I looked around and sighed in relief when I found the place dark enough to pee without embarrassing myself from other guests.
Isa pang beses na paglinga ko ay itinaas ko na ang aking dress at hinila pababa ang aking undies.
No choice.
Rinig na rinig ko ang pagsirit nang malakas kong ihi kaya napakagat labi ako.
As in ang dami kong tubig na inilabas! Paano ba naman kumuha ng kumuha si Gia ng maiinom namin!
Bahagya pa akong kinilig nang matapos na ako.
Binuksan ko ang aking purse para sa tissue at nang makapagpunas na ako ngunit wala akong makita!
Patay!
Alangan namang hintayin kong matuyo ito? Or hayaan ko na lang na basa at isuot ang panty ko? Kaderder. Pero wala na akong choice! Ayokong lamukin dito habang hinihintay matuyo ang pempem ko.
Napakamot ako sa aking buhok sa sobrang katangahan ko.
Nang akma akong tatayo na ay may nag abot ng isang box ng tissue sa may tagiliran ko.
Napatili ako sa gulat.
"Ssshh!"sabi nang lalaki at tinakpan ang bibig kong nag iingay.
Nang lumingon ako sa lalaki ay nakita ko ang silhouette ni Coles.
"No need to shout baby. Here take this."he said then placed the box in front of me.
Wala akong nagawa kundi tanggapin ito. Nakatingala sa kanya.
Bigla akong nahiya.
Akala ko umalis na siya? Bumalik siya?
Bakit?
"T-Tumalikod ka kuya!" Utal kong utos at iniwas ang tingin sa kanya.
Nang hindi siya gumalaw ay napatingala ulit ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin na para bang inaabangan lang ang susunod kong gagawin.
Ang awkward. Shocks. Tapos baka malublob pa siya sa ihi ko.
"Kuya?"ramdam ko ang igting ng tanong niya.
"C-Coles. Talikod na. Magpupunas na ako!"nahihiya kong sabi. Ramdam ko ang pag iinit ng buo kong mukha sa posisyon ko ngayon.
"But you need me to hold your dress. It might dip on your wee baby."nag aalalang sabi niya. Biglang nawala ang igting ng boses.
"A-ano?"Mas nag init ang mukha ko sa sinabi niya.
"Here let me help-" tinulak ko siya agad nang akma siyang uupo din.
"Ano ba naman kasi.. umalis kana!"Kung pwede lang magpapapadyak sa inis.
Tumayo siya at nagpamulsa.
"I won't look if that's what you're shy about."
"No! I'm fine thank you!"gigil kong sagot.
Bumuntong hininga siya at tumalikod na.
"I'll watch out for you then."sumusukong sabi niya at naglakad papunta sa may rough tiles.
Nakahinga ako ng maayos at mabilis ginawa ang dapat kong gawin.
Nakakahiya. Siya pa talaga ang nakakita sa pagkakalat ko dito.
Tapos paano siya nagkaroon ng tissue?
Kanina pa kaya niya ako pinapanood?
Kung ganoon, narinig niya yong mala gripo kong pag ihi?
Nakakahiya!
Yaw ko na sa earth!
Tumayo na ako at itinaas ang undies ko.
"You okay there baby?"malamyos na tanong niya sa akin.
Nakakahiya talaga pero kailangan kong magpasalamat pa rin sa kanya.
Nanghihina ang mga tuhod ko na naglakad papunta sa kinaroroonan niya.
"S-salamat C-Coles."utal kong sabi pagkatapat ko sa harapan niya.
Then I turned around to leave him. Gusto ko nang kumaripas ng takbo.
Kahihiyan naman oh! Hindi na ako tinantanan.
Gusto kong magtago at h'wag nang ipakita ang pagmumukha sa kanya.
"Hang on baby.."napatigil ako nang mahigpit niyang hawakan ang braso ko.
Nahihiyang tumingala ako sa kanya.
"You owe me this one baby. And I need you to pay for it."paos niyang sagot sabay baba ng tingin sa laylayan ng dress ko.
Napayuko ako at sinipat na rin ang dress kong nagusot.
Hindi ko man lang maiayos dahil hawak ng isa kong kamay ang tissue at purse ko, yong isa naman ay ang nagamit kong tissue na binalutan ko nang malinis at makapal na tissue.
He kneeled in front of me and straightened the hem of my dress.
Napamulagat ako.
B-bakit may paluhod pa siyang nalalaman?
"There. Better."he said then stood up.
He pulled my hand that was holding the tissue box and my purse then guided me inside the house.
"You can't pee anywhere baby. Keep that in mind. You're not a child anymore." Napalabi ako at tiningala siya.
Bahagyang nakakunot ang noo niya pero hindi naman galit or inis. Sakto lang.
"Naiihi na kasi ako.."
"Naiihi ka na? Then why did you have to eavesdrop?"
Natahimik ako. Walang makapang sagot.
"You should've just went to the toilet instead of being curious."
"Ganito ako eh.."pabulong kong sagot.
"Curiosity killed the cat baby."napasimangot na ako.
"Damn so cute."he said then pinched my nose.
"Aray!"angil ko at hinampas ang kamay niya.
"Aw.."daing niya pero parang wala lang naman sa kanya ang ginawa ko.
Abno din ito eh.
Naging conscious ako sa dinadaanan namin. Dumire-diretso kami sa may dirty kitchen, at nilagpasan ito. Alam na alam nya ang pasikot sikot sa bahay nang mga Monteverde. Halatang tumatambay dito..
Nang makalabas kami ay may binuksan siyang pinto.
"I'll wait for you here. Get in and do your business."utos niya. Mabilis akong pumasok nang tahimik at nag lock ng pinto.
Nang ilibot ko ang tingin sa silid ay maliit itong banyo. May kalumaan na pero malinis at may soap dispenser pa.
I threw the tissue in the bin, washed my hands and dried it.
Inayos ko na rin ang kulot kong buhok at inipit sa likod ng tainga ang mga hibla para hindi matakpan ang aking fluffy cheeks na namumula pa rin hanggang ngayon.
Sino ba namang hindi mahihiya kay Coles? Alam nya ang kagagahan ko kanina lang.
I went out and found Coles leaning on the wall, his head bowed down, hands in his pockets, his leg bent with his foot on the wall.
He looked like a run way model. So beautiful and sexy. Sinful.
Nang sumara ang pinto sa likuran ko ay umangat na ang mukha niya.
Our eyes met.
I felt butterflies inside my tummy.
"Done?"paos niyang tanong.
Para akong nabato balani na tumango lang.
"Good. We'll dance the night away."he said then pulled me again.
We ended up in the dance floor with my friends just few meters away from us.
Napasinghap ako ng maramdaman ang pagdantay ng mga maiinit na palad ni Coles sa aking baywang. At ang pagpisil niya.
"Relax baby. I'm not going to eat you." Nanlaki ang aking mga mata at umakto akong lalayo na sa kanya dahil sa sinabi niya.
Kahit alam kong biro lamang niya iyon ay hindi ko mapigilan seryosohin ito. Pero hindi niya ako hinayaang makawala sa kanya. He instead gripped my waist tightly and pushed me more onto his hard chest.
Nang tumingala ako ay nakita ko ang malamig nyang mga mata na punong puno ng intensidad kung makatingin sa akin. Hindi ko nakayanan kaya ibinaba ko na lamang ito.
Napapikit na ako sa init at kuryenteng kanina ko pa naramdaman.
It felt so nice. I felt like I'm finally home.
Pinagdugtong niya ang kanyang mga kamay sa aking likuran at mas tinulak pa ako papunta sa kanyang dibdib.
Closer pa? Nahiya naman ako..
Napakagat labi ako para pigilan ang kilig ko.
Isinandal ko na ang aking pisngi sa kanyang dibdib. Lulubus lubusin ko na to!
Natahimik ako. I could hear his fast heartbeat like mine. I glanced up again and found him looking at me with his liquid grey eyes.
"I love your eyes." I murmured when I couldn't hold my thoughts anymore then clutched his dress shirt tightly to prevent myself from touching his handsome face.
He smiled happily then crouched down to level our faces.
"That's all?"He asked with his husky voice.
I looked away and pursed my lips.
"Well.. I've got all the time in the world to make you love me. All of me."he said quietly then removed his hand on my waist and caged my face with his big hands
"Will you let me baby?"mas bumilis ang tibok ng puso ko sa pinagsasabi niya.
"T-teka..anong sinasabi mo?"hingal kong tanong.
"Hmm?"Tanging sagot niya at pinakawalan na ang aking matabang pisngi. He then gripped my waist tightly again.
Parang nanggigigil.
Nakakahiya kasi alam ko naman, hindi ako sexy. Patong patong ang taba ko. At kung makahawak siya ay parang may nineteen inches akong baywang!
"I want to get to know you. And perhaps be my girlfriend."diretsahang sagot niya.
"Nag aadik ka ba?"hindi ko mapigilang tanong pabalik. Hindi makapaniwala.
Ngayon lang niya ako nakita, tapos gusto niyang maging boyfriend ko na siya? Ayos ah.
Kahit naman excited akong mag boyfriend, hindi naman ako ganoon kadesperada.
Kahit parang gusto ko na rin siya.
Wala eh. Mahilig talaga ako sa gwapo at macho.
He chuckled sexily then pulled me closer.
"Love me like you do..."he sang the song that was playing. His voice was soothing and my body started to relax.
I cocked my head to change my position.
It felt so comfortable. It was so amazing.
Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala.
Mas naging sensitive ang pakiramdam ko sa bawat pagtama ng mainit niyang hininga sa aking tainga.
"Coles.."tawag ko sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang kakaibang sensasyon ng aming magkadikit na katawan, pati na ang boses niyang nakakahalina habang kumakanta ng mahina.
"What are you waiting for.."pagtatapos niya ng kanta.
Tumingala ako para matignan ang kanyang gwapong mukha.
Bahagyang tumutubo na ang kanyang balbas na mas nagbibigay sa kanya nang appeal.
Sa paningin ko ay magkaibang magkaiba na si Travis at Coles.
And it seemed like I like Coles better than his kid brother.
He lowered his eyes on me then looked at me. My heart skipped a beat when I noticed some emotions in his cold grey eyes.
Something like love?
But it couldn't be..