Chereads / Under The Moonlight Completed / Chapter 14 - Chapter 11

Chapter 14 - Chapter 11

FUEL

"Do you want anything baby?"paos niyang tanong sa akin habang nagsasayaw pa rin kami.

Hindi ko na mabilang kung pang ilang kanta na ito.

At ngayon nga ay napansin ko na ang mga tingin ng mga babae sa amin.. halata ang pagkayamot nila dahil ako lang ang isinayaw ni Coles mula nang matapos siyang makipag usap sa mga kapwa niya negosyante.

Ito ang mahirap sa lalaking kasayaw ko.

He could draw lots of attention from women without even doing anything. And anyone who was on his arms would get all the hate from them.

Kaya hindi na ako mapakali.

"Upo na tayo. Namimintig na yong mga binti ko."angal ko habang nakasandal sa dibdib niyang matigas. Tiningala ko siya para ipakita ang ngiwi sa mukha ko.

He chuckled, then squeezed me some more before letting me go.

"Sure baby."he said huskily then looked at me in the eyes.

His cold grey eyes were sparkling with happiness?

He clasped our hands together and walked out of the dance floor. I saw my friends still dancing with the twins.

Napatingala ako sa kanya nang idiniretso niya ako sa kanyang mesa.

"T-teka! Doon yong amin!"protesta ko at tinuro ang mesa naming magkakaibigan.

Walang nakaupo doon.

Kasama na ni Gia si Kuya Ashmere?

"Yeah. But I don't want you to be alone there. I'm not so sure if you're safe with men everywhere."

Napasimangot ako.

"Kaya nga ako nandito para makipagsosyalan! Maraming celebrities na gusto kong makasalamuha!"sabi ko kahit ang totoo ay nagugustuhan ko na ang presensya niya.

"I told you, you owe me something so I want you to pay for it. And that means, you'll be my date till you want me to drive you back home."matigas niyang english na halos hindi ko naintindihan.

"Akala ko yong pagsayaw yon!"nangingiti kong sabi at tumingin sa paligid namin.

Maraming babae ang nakatingin sa akin nang matalim.

"May girlfriend ka dito?"bulong ko sa kanya habang inaaalalayan niya akong maupo.

"You."simple nyang sagot.

Napasimangot ako. Akala mo nakikipagbiruan.

"Hindi ako nakikipagbiruan! Ang sakit kasi kung makatingin nong mga babae sa gawi natin! Malay ko ba kung may girlfriend ka sa kanila."inis kong sagot at itinutok ang paningin sa lalaking abo ang mga mata.

Kumunot ang makinis niyang noo.

"Where?"He asked then looked at me questioningly.

I pointed my lips at the direction of some women who were still looking at us.

He shook his head then looked at those women.

Napaiwas ng tingin ang mga babae at pasimpleng umayos ng upo nang tumingin siya sa mga ito.

"There. Okay na?"nakangiti na siyang naghila din ng upuan niya at tinabihan ako nang sobrang lapit.

Pinakatitigan ko ang mga babae. Hindi na nga sila tumingin pa sa direksyon namin!

Ano kayang ginawa nitong lalaking ito?

Napalingon ako sa katabi ko nang dumukot siya sa bulsa niya.

It was his phone.

Naalala ko ang mga kinuha nyang pictures namin kanina kaya kinalabit ko siya.

Agad naman siyang bumaling sa akin. His eyebrows were up. Hinihintay ang sasabihin ko.

Kumapit ako sa braso niya at namisil bago ngumuso.

Magpacute muna..

Pero ang nangyari, mukha siyang nairita.

Naging madilim ang mukha niya habang nakatingin sa nguso ko kaya kinagat ko na lang ang ibaba kong labi.

"What is it?"he said in his low tone still looking at my lips.

"Baka naman pwedeng pahiram ng phone mo."ungot ko.

"Sure."mabilis niyang iniabot sa akin ang kanyang cellphone.

Ayos. Madaling kausap.

Pagkaabot niya ay tin-ouch ko ang kanyang screen.

It was our photo on lock screen. At tama nga siya, mukha akong natatae na ewan!

Nang itap ko ulit ang screen niya ay nagrerequire na ito ng passcode.

Napasimangot na ako.

Kaya naman pala mabilis pa sa alas kwatro niyang ibinigay ito dahil nakalock!

Bago ko pa matanong ang passcode niya ay may lumapit sa aming matandang mag asawa.

Napabuka ang mga labi ko para ihabol ang tanong ko pero nag usap na silang tatlo about sa lupa. Kung ano man yon.

"Kainis."naibulong ko at sumandal nalang ulit sa upuan.

Itinuktok ko ang manipis niyang phone sa kandungan ko.

Binuksan ko ulit ang phone niya at nakita ang pangit kong mukha sa screen.

Sinubukan kong itype ang pangalan niya.

Hindi tinanggap.

Yong apelyido niya.

Hindi rin.

Pangalan ni Travis.

Hindi.

Malamang hindi naman ito phone ni Travis. Pero trip ko lang kasing ilagay. Wala naman kasi akong kaalam alam tungkol sa kuya ni Travis.

"Hindi ko rin naman alam ang birthday nito. Baka yon ang passcode niya."napangalumbaba na ako sa mesa.

Inilagay ko ang phone niya sa harapan ko. At dinutdot ito.

Nang tumingala ako ay nakatingin na si Coles sa akin. Nakataas na naman ang mga kilay. Parang naghihintay sa sasabihin ko. Umiling ako at napayuko nang tumingin sa akin ang mag asawa.

They were watching me with curiosity. Nakakahiya naman kasi mukha pa akong nakakaabala sa kanila.

Dinutdot ko na naman ang cellphone niya.

May six attempts pa ako.

Out of boredom ay tinap ko ang aking birthday. At syempre feelingera ako kaya hindi rin tinanggap.

Tinignan ko ulit si Coles na ang atensyon ay nasa mga kausap na.

"Masubukan nga." I whispered then put my name with my last name's initial.

It didn't went through.

Naiinis na pinagcombine ko na ang name ko at W.

W means Wright.

It opened.

Nabigla ako kaya mapatayo ako. Natumba ang upuan ko sa aking likuran pero wala akong pakialam.

I felt Coles presence behind me instantly.

"Baby..are you okay?"He asked with worry.

Napatingala ako sa kanya at tinignan ang cellphone niyang nakabukas na. Ibinalik ko ulit ang aking paningin sa mukha niya.

Mukhang nakuha niya ang ipinahihiwatig ko kaya tinaasan lang niya ako ng isang kilay. At tinignan din ang cellphone niya. Bale wala! Hindi man lang nahiya na yong pangalan ko ang gamit niyang passcode!

"Don't ever do that again."mariing sabi niya habang itinatayo ang upuan ko. Tinutukoy ang pabigla kong tayo.

Napairap ako. Kasalanan naman niya kung bakit ako nagulat!

He wrapped his arm around my waist and made me sit on the chair again.

"Be a good girl and wait for me."he said before giving me a kiss on my hair.

Hindi ako makapaniwala na sinundan ulit siya ng tingin habang papalapit sa mag asawa na ngayon ay may kasama nang isang magndang babae.

The woman met him half way then hooked her arm on his.

Napalobo ang mga pisngi ko sa inis.

Para akong five years old na sinabihan niyang manahimik ah!

At anong gagawin niya?

Makipaglandian sa babae?

Pinagkrus ko ang mga braso ko sa ngitngit.

Then I snatched his thin phone that was on the table.

Akala niya!

In-unlock ko ulit ang phone niya at pinagbubura lahat ng mga pictures naming dalawa. Wala akong tinira.

Nang makontento na ay inilibot ko ang paningin sa paligid.

Si Arana ay papalapit na sa akin na nakaalalay si Lindsey. Si Shanelle naman ay papalabas ng mansion nila.

Inihagis ko na ang phone ni Coles sa mesa. Wala akong pakialam kong mabasag ang screen or magasgasan.

Mayaman naman eh. Kaya nyang palitan ito.

I stood up and walked towards my friends.

"Bestie!"bati ni Shanelle at hinila ako para mayakap.

"Our ship is sailing!"kinikilig na untag niya.

Napangisi ako.

Ambilis talaga ni Gia.

Karapat dapat talaga siyang tawaging Mayora.

"Ay.. ano pala.. dito na lang kayo matulog. Pinahanda ko na yong mga kwarto nyo."

Nagkatinginan kami ni Arana. At sabay tumango kay Shanelle.

"Magkakasabay kaming pumunta dito, so sabay din kaming uuwi."wika ni Arana at binalingan na si Lindsey.

Naramdaman ko ang presensya sa aking likuran. Napairap na naman ako. Si malandi.

"Tara na. Antok na me."kunwari ay humikab ako.

"Kuya Coles! Dito ka matutulog?"Lumampas ang tingin ni Shan sa akin.

"No. But I'll stay here till the party's over."

Napairap ako.

Malamang, makikipag usap muna siya don sa sexy na babae.

Then pagkatapos na pagkatapos nong party, maiuuwi na niya yong babae.

I gritted my teeth in annoyance.

Nalusaw nang parang yelo ang admiration ko sa kanya.

Pareho lang sila ni Travis. Mga pafall.

Magkapatid nga naman.

"Tara na Shan."ipiniksi ko ang aking braso nang hawakan ako ni Coles.

"Hey.."pagtawag niya sa akin.

Naguguluhang pinaglipat lipat ni Shanelle ang tingin sa aming dalawa

Pati sina Arana at Lindsey ay napatingin na rin sa amin.

Pinagdikit ko ang aking mga labi.

Bakit ba ako nagpapaapekto sa lalaking ito?

Saglit akong tumingala kay Coles na humarang na sa harapan namin ni Shanelle.

"Inaantok na po ako."kaswal kong sabi at lumakad palampas sa kanya.

"Then I'll send you home."inagapan niya ang paglayo ko.

"Dito ako matutulog."nakakunot noo kong sabi hindi na siya tinignan.

"Shanelle, where's her room? I'll just send her."

Tinignan ko si Shanelle. Walang bakas ng emosyon sa mukha ko.

Kita ko ang pag aalangan niya.

"A-ako na kuya!"

"Ako na. Just get some rest Princess."madiin nang sabi nito.

Parang humihingi ng tulong na tumingin sa akin si Shan.

Bwisit. Bakit hindi na lang kasi siya sumiksik sa kili kili nong babae nya.

Lumapit na si Shanelle nang hindi ako sumagot.

"Ano bestie?"bulong niya at kumapit pa sa braso ko

Napabuntong hininga na lang ako. Naiipit siya sa pagitan namin ni Coles.

"Oo na. Gustong gusto ko na talagang mahiga."sabi ko at humikab ulit. This time it was real.

I felt tired and drained from all of these. Nakakapagod palang makipagsosyalan. At mainis.

"Sa last room kuya sa may right."nakangiti nang sabi ni Shanelle.

Tinulak na rin niya ako kay Coles na agad namang nahawakan ako sa braso at baywang para umalalay.

"Princess!"galit na saway ni Coles kay Shanelle.

Humagikhik lang ito at nagpeace sign.

Minsan talaga ang sarap kaltukan itong conyo na to.

Hinila ko muna ang mahaba nyang buhok at pinanlakihan siya ng mga mata.

"Ara-ouch!"Kung makangiwi naman ito wagas.

"Hey..stop it!"mabilis na kinuha ni Coles ang kamay kong nakahila sa buhok ni Shanelle.

"Kuya Coles. Amasona yan. I'm telling you now!"pang aasar ni Shanelle.

"Ikaw naman conyo."asar ko pabalik.

"Whateva!"tumalikod na siya at iniwan kaming apat.

Nagkatinginan kami ni Arana. Tinanggal ko ang kamay ni Coles sa braso ko at lumapit sa kaibigan ko.

"Tabi na lang tayo Ara."alok ko.

Para hindi na ako kailangang ihatid ni Coles.

"Arana! Lika na."pag aaya ni Shan.

"Hayaan mo na yan kay Kuya Coles. They'll be sailing soon too."nakangisi na siya.

"Our bet."paalala ni Arana na nakangisi na at nilagpasan ako.

Natigilan ako. Muntik ko nang makalimutan yon ah!

Pero sa sitwasyon ko ngayon, mas maganda nang mag diet kaysa makipaghalikan dito sa lalaking ito!

Pinagkrus ko ang mga braso ko nang lumapit ulit ang sexy-ng babae kina Lindsey at Coles. Ngayon ay may akay nang isa pang babae.

I tapped my foot on the pavement showing them that i was getting impatient.

"Is she your kid sister Coles."magiliw na sabi ng babae.

"No."tipid na sagot ni Coles at tinaasan ako ng kilay.

"I'll get going dude."paalam ni Kuya Lindsey sa amin.

He tapped Coles' shoulder then nodded at me before walking in the mansion.

Inihatid ko ito ng tanaw dahil busy pang makipag usap si Coles sa dalawang babae.

Para akong tanga dito na naghihintay at pinapanood silang mag usap.

I couldn't help but to pity myself.

Humakbang ako ng ilang beses para hindi ko marinig ang malambing na boses ng mga babaeng kausap niya.

Parang habang tumatagal ay sumasama nang sumasama ang pakiramdam ko.

Bakit nangyayari na naman ito sa pangalawang pagkakataon?

Ano bang mali sa akin?

Nong time na gusto ko si Travis, magiliw siya sa umpisa.. then bigla nalang naging malamig.

Ngayon naman, si Coles.. magiliw din. Tapos sa huli, sa iba rin napunta.

I bit my lip and turned my back on them.

Halos tumakbo na ako para lang mahabol sina Arana.

But unfortunately, nahuli na ako. Hindi ko na sila makita.

Tumakbo na ako paakyat sa hagdan. I focused my energy on climbing up the stairs. Mas okay pa ito kaysa pakaisipin ko kung anong mali sa akin.

Humihingal na tumigil ako nang makarating sa second floor.

I shook my head when I realised what was wrong with me.

I'm unfit and fat and stupid. At gaya nang sabi ni Arana, mabilis akong mainlove.

Deadly combination.

Parang ako ang gumagawa ng ikakasakit ng puso ko.

Dahil mabilis akong umasa at mahulog.

I am Pathetic and Pitiful.

Mangiyak ngiyak na lumingon ako sa kanan at kaliwa. Sa dulo daw yong kwarto ko so susubukan ko na lang yong dalawang kwarto sa kanan at kaliwa.

Dahan dahan akong lumakad at pinunasan ang mga pisngi kong natuluan na nang mga luha.

Sa huli.. ay nag iisa pa rin ako.

Walang pinagbago sa una.

Binuksan ko na ang kwarto sa may kanan.

At napangiti ako ng mabuksan ito.

At last.. my much needed rest.

Pumasok na ako at ini lock ang pinto.

I roamed my eyes inside the room.

Grey and white were the colours dominating the room.

Gaya ko, sa umpisa puti.. then pagkatapos umasa, nagiging abo.. dahil napag iwanan na. I placed my purse on the bedside table after taking my phone out.

I got some messages from Shan and Ara. They asked me if I'm in my room.

I replied quickly then called Tita Guia to let her know about Gia sleeping over with us.

Then I texted my friends.

I stretched my aching limbs.

Ibinaba ko na ang cellphone ko at nang may nakita ako damit pantulog sa ibabaw ng kama ay kinuha ko na ito at mabilis na nagshower.

Nanlalagkit na kasi ang katawan ko sa pawis.

Konti pagtakbo lang ay para na akong baboy na naglalangis.

I felt relieved when I finished my nightly routine.

Pinatuyo ko na rin ang buhok ko gamit ang hair dryer na nakalagay sa drawer.

Pagkatapos ay lumabas na ako at sumampa sa kama.

Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako nang may marinig akong kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Naimulat ko ang aking mga mata.

Baka si Shan? Mangungulit lang?

Hindi ko na inayos ang strap nang pantulog na bahagyang nalaglag sa aking pagtayo.

Pare-pareho lang naman kaming may mga suso eh.

Nakangiting binuksan ko ito para lang magulat nang pabiglang pumasok si Coles sa kwarto ko.

My nostrils immediately caught his freshly showered scent.

Bago niya maisara ang aking pinto ay nakita ko si Arana sa kabilang dulo na papalabas sa kanyang kwarto.

Nakatayo lang siya habang nakatingin sa amin.

"You just left without saying anything."he said in his grave tone while looking at me with his deadly stares. He was now wearing a white fitted shirt and jeans. Bakat na bakat ang kanyang magandang pangangatawan.

Bigla akong kinabahan.

B-bakit parang kakaiba siya ngayon?

Ramdam na ramdam ko ang galit niya.

At bakit parang ako ang may mali?

"I looked for you everywhere!"he said while clenching his jaw.

I rolled my eyes and pulled my arm out of his grasp but he just tightened it.

"Nakita mo naman. Okay na okay ako." Angil ko kahit kinakabahan na.

My brain was warning me about him.

He looked so dangerous and menacing. A devil.

No more sweet looking guy.

Doble kara..

"I hate it when you're only thinking of yourself." He shot back.

"Anong bang pinagpuputok ng butse mo? Sabihin mo na para makatulog na ako. Pagod na pagod na ako!"sigaw ko na sa kanya.

Hindi ko alam bakit ko yon nasabi.

He clenched his jaw then took a step towards me. I stepped back.

He did it again until I felt the back of my thighs touched the bed frame.

I swallowed hard.

Bakit ko ba siya mas ginalit?

Napalingon na ako sa likuran ko.

I felt him stepped forward again so agad kong itinuon ang pansin sa kanya.

Nanginginig na napaupo na ako. Now I'm trapped.

"W-wala akong ginagawa sayong masama! I- I even let you be with your women."utal utal kong sabi.

"I nearly went crazy looking for you everywhere baby. I even fucking asked Shanelle to call all their male guests if you're with them!"sigaw na niya.

Napatalon ako sa gulat at napahawak ako sa aking dibdib na naninikip.

Natuon ang atensyon niya sa kamay kong nakapatong sa may dibdib ko.

"And you didn't even wear your fucking bra when you opened your door! Are you waiting for someone here?"Dagdag niya. Nangangalaiti sa galit.

Napayuko ako para icheck ang aking sarili.

The thin material of the fabric didn't left anything in the imagination.

"A-akala ko si S-Shanelle lang! A-At ano bang pinagsasabi mo? Nakita mo ba akong nakipag usap sa kahit kaninong lalaki ha?!"galit kong tanong at binale wala ang reaksyon ng katawan ko sa pagtitig niya.

Binawi niya ang tingin mula sa aking dibdib.

I swallowed again when I saw his dark eyes. With lust.

Yumuko siya at ipinatong ang mga kamay sa magkabilaang side ko.

Napahingal ako sa init.

"You should be punished baby.. no one played with me like this."he said then went closer.

Naninigas na inilayo ko ang aking mukha.

Hanggang sa mapahiga na ako.

"A-anong ginagawa mo?! Sisigaw ako!"nanginginig kong banta.

He just smirked.

"Do it. It'll fuel me more baby."nang aakit niyang sabi bago inilapat ang kanyang mga labi sa akin.