Chereads / Under The Moonlight Completed / Chapter 11 - Chapter 8

Chapter 11 - Chapter 8

PLAYER

Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa classroom namin.

Mahigpit ang hawak niya na parang natatakot na magkahiwalay kami.

Pilit kong tinatago ang kilig ko dahil sa akin lang siya nakatingin hanggang sa tumapat kami sa classroom.

Ang tindi. Hindi man lang siya natalisod or something..

"S-sandali Travis."pigil ko sa kanya nang tangkain niyang buksan ang pintuan.

Itinaas lang niya ang makapal niyang kilay at tinignan ako.

Gusto kong mapairap sa kanya.

Suplado parin ang dating kahit.. kami na?

MU?

Hindi ko sure kasi wala naman kaming pinag usapan sa loob ng infirmary tungkol sa relasyon namin.

Pero kahit ganoon ay masaya na ako.

Kasi libre ko na siyang nahahawakan gaya ngayon.

Tapos nag explain na rin siya.. na mas ikinasiya ko.

Di ba kapag may unawaan ganoon?

Nag eexplain para hindi na mag away..?

"Mauna muna ako."pabulong ko at itinaas ang kamay naming magkahugpong.

"Why?"Supladong tanong niya.

"Kasi baka magulat sila na magkahawak tayo ng kamay!"

"So what?"walang pakialam na tinulak niya ang pintuan.

Nagulat ako sa inasta niya kaya pabigla kong hinila ang aking kamay.

Kunot noong napalingon siya sa akin. Mukhang hindi nagustuhan ang ginawa ko.

Pero nahihiya ako.

Baka machismis kami..

Baka mapintasan siya kasi mataba at bobo ang kahawak kamay niya.

"Explain Megan."madiin niyang sabi bago ako tinalikuran at mabigat ang bawat hakbang na lumapit sa upuan niya.

Napahinga ako nang maayos dahil hinayaan nya ako.

Mamaya ko na siya lalambingin.. kapag kaming dalawa na lang. Sa isiping magagawa ko na yon ay gusto kong magpagulong gulong sa kilig.

Nangingiting lumapit ako kay Gia na nakataas ang kilay sa akin. Sa likuran namin ay sina Shanelle at Arana kapareho ni Gia ng reaction.

Pagkaupo ko ay kinurot ako ng tatlo.

"Aray naman!"pabulong kong sita.

"Malantod kang babae! Bakit namamaga yang mata mo? Akala mo hindi ko nakita na magkahawak kayo ng kamay ah!"kinurot ulit ako ni Gia.

Pinakawalan ko na ang malaki kong ngiti.

"Nag usap na kami-"

"Rupok! Nakita mo lang siyang may kahalikan kanina!"binatukan ako ni Arana.

"Kanina pa kayo.. child abuse na to."nakapout kong angal.

"You're not bata anymore. Malantod na lang."Shanelle said.

"Pasalitain nyo kasi ako mga besties."nakangiti kong sabi.

Nagcross lang sila ng mga braso sa dibdib.

"Nag explain na siya. Nagulat lang daw siya na bigla siyang hinalikan."

"Bakit hindi ka nya hinabol?"sita ni Arana.

Napakibit balikat ako. "Alangan tanungin ko? Siyempre kabado na ako kasi nakalingkis na siya-"napakagat labi ako nang manlaki ang mga mata nila.

"Futah ka! Nagmake out na kayo?"hinila ni Gia ang buhok ko.

"Aray.. aray!"angal ko nang pabiro akong sabunutan ng tatlo.

"H-hindi.. wala pang ganoon."tanggi ko.

Tumigil din sila na pinagpasalamat ko. Mukha na akong battered wife nito.

"Bakit siya nakalingkis?"demand ni Arana.

"Kasi nga pinilit niyang mag usap kami. Eh nagpabebe ako kaya ikinulong niya ako sa mga binti niya. At yinakap. Ganern."nangingiti ko na namang sagot.

"Pabebe amputik!"batok ang sagot ni Gia

"You did that so he'll hug you?"

"Paasa lang yon."inis na sabi ni Arana.

"Parang kami na nga.. kasi nagholding hands na kami."pabulong kong sabi hindi pinansin ang mga sinabi nila.

"Hangga't walang confirmation mula sa kanya, walang KAYO."sagot ni Arana at tumingin kay Travis na pinapanood kami.

Napalunok ako at nahiya sa mga pinaggagagawa namin.

Ngingitian ko sana siya pero ang seryoso niyang tingin ay na kina Arana at Shanelle. Tapos lumipat kay Gia.

Magbababa na sana ako nang ulo nang bumaling na siya sa akin.

Sumikdo ang puso ko nang umangat ang sulok ng mga labi niya at pinakatitigan ako nang mabuti.

Kinikilig na naman ako! Shocks! Ang gwapo nang magiging first boyfriend ko!

"Ewan ko kung anong trip ni Travis ah."nasabi ni Gia at umiling iling.

Napabaling ang tingin ko sa kaibigan.

"Bakit?"kinabahan ako sa sinabi niya.

"Wala. Basta magpakipot ka muna."pagliliko niya ng topic.

Napipilitang tumango ako.

"Atsaka h'wag na h'wag mo siyang tatanungin kung ano na kayo! Kasi magmumukha kang atat! Dapat siya ang magtanong!"payo ni Arana.

"Paano kung hindi siya nagtanong?"biglang nawala ang ngiti ko. Napuno nang pangamba.

Kahit alam ko na ang sasabihin nila ay parang hindi ko matanggap.

"Past time ka lang niya."maikli nilang sagot.

Hindi ko alam kung nananadya ba si Gia pero tinambakan niya ako ng papers na gagawin pagkatapos ng uwian.

Kahit magmadali pa ako ay hindi ko ito matatapos kaya malungkot akong nagtype sa computer para maisave ito.

Ang arte kasi pwede ko namang iscan ang mga papel para mas mabilis!

Mga hadlang sila sa lovelife ko.

Hindi ko man lang masabihan si Travis kasi hindi ko alam ang numero niya.

Napabuntong hininga ako at matamlay na pinagpatuloy ang pagtipa sa keyboard.

"Hoy! Hindi ka pa ba tapos dyan?"sita ni Gia.

"Ewan ko sayo! Sandamakmak yong ibinigay mo tapos gusto mong matapos ko ito ng isang oras? Nakatira ka ba?"asar kong sagot. Nakasimangot.

"Hindi pa! Tsaka hindi ako ang titira, kundi ako ang titirahin gaga!"Tumatawa niyang sabi.

"Loud ka masyado bestie."nangingiti si Shanelle.

Buti pa sila mukhang masaya.

Mga bruhilda.

Hindi man lang ako hinayaan makasama ko pa si Bebe ko.. ay sweetheart pala.

"Sa Teahouse nalang tayo magkita. Alas singko."sabi ni Gia.

"Oo na."sambit ko habang nagmamadaling magtipa.

Hindi ko na namalayan ang oras.

Nang maalala ko ang nakakakilig na tawag ni Travis sa akin ay napahagikhik ako bago ko naisipang i-share ito sa mga kaibigan ko.

"Hoy.. may endearments na pala kami ni Travis..hehe."pabebe kong sabi habang nakatutok ang paningin ko sa laptop.

"What is it?"tanong nang boses lalaki.

"Sweetheart-"napaupo ako nang maayos at lumingon sa gawi nang pinto.

Nakatayo si Travis habang nakapamulsa at nakasandal sa hamba ng pinto. Para siyang model sa kagwapuhan at kakisigan.

Nang ilibot ko ang paningin ay missing in action na ang mga walang hiya kong mga kaibigan!

Halos tumalbog palabas ang puso ko nang magsimula siyang lumakad palapit sa akin. Hindi ko malaman ang dapat gawin sa pwesto ko.

"Do you want me to help you sweetheart?"napayuko ako at pinigil ang pagtili ko sa kilig.

Shocks! It's official! Sweetheart niya na ako.

Ang kanina kong busangot na mukha ay biglang umayos.

Ganda na nga lang ang mayron ako, itatago ko pa?

"H-hindi na.."mahinhin kong sagot habang iniipit ang mga buhok ko sa isang tainga.

"Let me."prisinta niya at lumuhod sa tabi ko para makita ang ginagawa ko sa computer.

Napatayo ako at inioffer sa kanya yong upuan ko.

"Upo! Upo ka! H'wag kang luluhod dyan. Marurumihan yong slacks mo!"taranta kong sabi.

Nakatingala lang siya at may naglalarong ngiti sa mga labi.

"Okay."paos niyang pagsang ayon at tumayo.

Nakahinga ako ng maluwag.

Para kasing sa itsura namin ay nagpopropose siya!

Hindi pa ako handa! Masyado pa akong bata para maengage..

De joke lang.

"So what do you want me to do here?"sabi niya at pinatunog ang mga mahahabang daliri.

Napatingin ako sa mga daliri niya. Malilinis at mahahaba. Ang mga kamay niyang malaki ay maugat at may konting kalyo. Marahil sa pag eexercise.. babad sa gym..

May time siyang mag exercise? Akala ko pagtulog lang ang ginagawa niya sa spare time niya.

Para tuloy gusto kong sumama at maging fit din..

Naramdaman ko siyang tumingin sa akin pero abala ako sa pagmasid sa kanyang mahahabang daliri.

Nang matuon ang pansin ko sa hinlalaki niya ay halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita. Ang haba niya. I mean yong hinlalaki, mahaba.

Napalunok ako sa excitement. May narinig kasi akong chismis tungkol sa hinlalaki..

Pwede ko kayang matry yon sa kanya?

Curious lang..

"Hey.."pagtawag niya nang patuloy kong tinitignan ang mga kamay niyang maugat na nakapatong na sa mesa ko.

Ang sexy kasing tignan.

Hinila niya ang kamay ko kasabay ang pag atras niya sa upuan.

Para akong nagising sa kahibangan ko at tinignan siya sa mga mata. Kumikislap ang mga ito sa pagkaaliw.

"A-ano nga ulit?"utal kong tanong. At pasimpleng tinignan ulit ang kamay niyang nakahawak pa rin sa akin.

He chuckled and pulled me in between his thighs.

Kumakabog ang puso ko sa excitement at kaba.

Hindi ko alam na may tinatago pala siyang malambing na side.

Humawak siya sa baywang ko na akala mo ay pagkaliit liit. Parang feeling ko ang sexy ko sa tuwing hinahawakan niya ang baywang ko..

"You've been staring at my hands for quite a long time now sweetheart. What's with my hands?"tanong niya.

Napakagat labi ako at umiling.

Alangan namang sabihin ko yong narinig kong chismis?

Baka isipin niya manyak ako..

"Tell me."diniinan niya ang mga kamay sa baywang ko.

Napasinghap ako sa sensasyon.

"W-wala nga. Tsaka naiistorbo mo ako sa ginagawa ko."kunwari ay balewala lang sa akin ang paghawak niya sa baywang ko.

"That's why I'm here. Arana told me about you being alone with these paperworks."he explained and let go off my waist.

I felt disappointed. Parang gusto kong ilagay ulit niya yong mga kamay nya sa baywang ko!

"Kaya ko naman. Alis na."inis kong sagot at naglakad para kumuha ng upuan na plastic.

Pagbalik ko ay pinapanood lang niya akong lumapit.

Nakakrus ang mga braso kaya mas bumakat ang muscles niya.

Iniwas ko ang paningin sa katawan niyang nakakaakit.

Shocks.. ang swerte ko talaga!

Napabuka ng bibig ko nang kunin niya ang hawak kong upuan at inihagis ito sa gilid.

"Ano ba! Kung manggugulo ka-"naputol ang sasabihin ko nang hilain niya ako at kinandong.

Agad yumakap ang mga braso niya sa tyan ko at tinulak ako para mapasandal sa dibdib niyang matigas.

Napapigil ako ng pahinga.

"Breath Megan.. breath.."malamyos niyang utos na nagdala ng kiliti sa gulugod ko.

Pinakawalan ko ang paghinga ko.

"There.. I thought I have to resuscitate you."he said in amazement.

"Ewan ko sayo!"kunwari ay galit galitan kong sabi.

"Now..tell me how I can help you."sabi niya at umusog para maabot ang keyboard.

Nakulong ako sa mga braso niya.

Ang sarap nang feeling..

Sana ganito nalang kami hanggang sa dulo..

Tahimik ako habang pinapanood si Travis na pinigilan si Gia na akmang luluhod na para humingi ng tawad kay Laila.

Nagkaroon nang gulo at baliw naming kaklase ay pinagdidiskitahan si Gia. Hindi sinasadyang magkabungguan silang dalawa at napahiga yong isa.

Kung titignan silang dalawa ni Travis ay parang may nangyaring kakaiba sa pagitan nila.. na sila lang ang nakakaalam.

I felt my insides churned.

I felt nauseous..

I felt..jealous?

Alam kong wala akong karapatan sa kanya dahil walang KAMI pero hindi ko mapigilan.

Iwinaksi ko ang nararamdaman ko at mas piniling sumuporta sa kaibigan ko.

I'll always choose my friends over boys. That's for sure.

Kanina pa ako kinukulit ni Shanelle. May damit daw siyang ibibigay sa akin para sa anniversary nang parents niya.

Isasabay daw niya sa pagbigay sa akin yong dress ni Gia sa Biyernes.

"Oo na."sagot ko para mahinto na siya. Nangingiti. Ang kulit talaga.

Napapalakpak siya.

"Hindi ka magsisisi bestie! Nako!! For sure magugustuhan ka ni Kuya Coles nito!"Tuwang tuwa nyang saad.

Natanggal ang ngiti ko. "Si Travis ba pupunta?"tahimik kong tanong.

Hanggang ngayon kasi ay naaalala ko pa rin yong paraan ng pagtitig niya kay Gia.

Hindi ko alam kung anong mayron kami ni Travis..or silang dalawa.. pero sana.. hindi ito maging dahilan nang pagkakasira namin ni Gia.

"Ewan ko. Tamad yon eh."at inilagay niya ang daliri sa ibaba ng labi. Animo nag iisip.

"Pero si Kuya Coles, for sure pupunta. Ipapakilala kita sa kanya! Sabi mo, more boys, more fun diba? Hayaan mo na si Travis na hot and cold."

Napangiti ako nang malaki. Kahit sa kaloob looban ko ay may pumitik nang pagkasakit sakit.

Tama nga naman siya..

Noong Monday.. ako ang kasama niya. Ang sweet pa nga niya eh.

Kahapon.. deadma.

Tapos ngayon, si Gia naman..

Naguguluhan na ako sa kanya.

Ang hirap makiramdam sa taong parang walang pakiramdam.

Halos magkasabay lang pumasok sina Gia at Travis na mas ikinasakit nang dibdib ko.

Ano bang nangyayari?

Etsa pwera naba ako para kay Travis dahil mas better option si Gia?

Matalino at sexy? Tapos sobrang ganda pa?

Akala ko may something special na sa pagitan namin.

Isa na naman ba ito sa pafall na kilos niya? Napahawak ako sa tyan ko nang para itong pinilipit.

"Hey! Okay ka lang?"nag aalalang tanong ni Arana. Kakaupo lang din dahil may kinausap siya sa labas ng classroom.

Lumingon ako agad sa kanya.

"Medyo masakit yong tyan ko."garagal kong sabi. Naiiyak na sa sakit. Sakit nang dibdib.

"Yan kasi. Kain ng kain. Parang mauubusan!"Umirap siya.

"Gusto mong samahan ka namin sa infirmary?"tanong ni Gia pagka upo niya.

Agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Ako na lang. paparating na rin ata si Ma'am."sabi ko.

Tumango silang tatlo. Halata ang pag aalala nila sa akin. Lalo na si Gia.

I felt guilty. Dahil wala naman siyang ginagawa pero nag iisip ako ng kung ano-ano sa kanya at kay Travis.

Kailangan kong ayusin ang sarili ko.. ayoko nang ganito.

Yumakap ako sa kanilang tatlo nang mahigpit. Nagulat sila pero hinayaan lang ako.

"I'll be okay when I come back."bulong ko kay Gia.

Tumango siya kahit halata ang kaguluhan sa maganda niyang mga mata.

Tumayo na ako at lumabas sa classroom. Hindi ko na pinag aksayahang tapunan pa ng tingin si Travis.

Para saan pa?

Kung gusto niya si Gia, hindi ako hahadlang.

Marami pang mga lalaki para ipagsiksikan ang sarili ko sa isang lalaking hindi ko maintindihan ang trip.

Huminga ako ng ilang beses bago kumatok sa infirmary.

"Come in!"masiglang bati ni nurse. Pumasok ako agad at dumiretso sa upuan.

"Oh napaano ka Megan?"nag aalalang tanong nito.

"Para po akong nasusuka"Sabi ko.

"Naimpatso ka?"Tumayo siya at nagtingin sa glass cabinet.

"Masakit yong tyan mo? Buntis?"Pagkasabi niya noon ay tumingin siya sa akin ng nakakaloko.

"Wala nga po akong boyfriend paano ako mabubuntis?"napangiti ko nang sabi.

Tumawa ito.

Gustong gusto ko siya. Kasi cool siyang nurse.

Kapag nagpunta ka dito, hindi ka nya papabalikin sa classroom buong maghapon. Sabi niya boring daw mag aral ng mag aral kaya pahinga naman namin kapag may sakit kami.

"Ay nako.. may chika ako sayo!"kinikilig na nyang sabi nang makahiga na ako sa single bed. Itinakip niya ang kurtina sa akin.

Agad akong nagkainteres sa sasabihin niya. Basta chika or chismis, wala akong inuurungan.

"Ano po yon?"nakaabang na ako. Naupo ako agad para makita ng mukha niya. Dahil kapag nagkukuwentuhan kami, pabago bago din ang ekspresyon ng mukha niya.

Ngumiti siya nang pagkalaki laki.

"Tungkol kay Miss President."halata ang kilig niya.

Napausod ako sa tabi niya

"Mukhang top secret ito ah."natutuwa ko na ring sabi.

"Oo! First time na may nakasamang lalaki nang matagal si Miss President dito. At asikasong asikaso pa siya. Kilala mo yong bagong estudyante?"naguguluhang tumingin ako sa kanya.

Anong konek ni Shanelle sa pinag uusapan namin?

Mukhang nakita niya ang ekspresyon ko kaya napahampas siya sa braso ko.

"Ano kaba! Yong bagong lalaki dito. Yong Wright!"

Napalunok ako. Parang mas lalo ata akong nasuka.

"Magkasama sila dito sa infirmary kahapon. Inasikaso pa nga niya si Miss President. Ang gwapo. Teka.. kinuhanan ko pa nga sila ng video." Mabilis siyang tumayo mula sa bed at nagpunta sa bag niya.

Hinamig ko ang sarili at sinubukang huminga ng ilang beses.

Ano ba to.. bakit parang imbes umayos ako dito ay mas sumama ang pakiramdam ko?

"Ito!"Excited niyang sabi at iniabot ang cellphone niya.

Mabigat ang loob kong tinignan ang screen niya.

Tinignan ko lang ang nakapause na video.

"I-tap mo yan para magplay!"

Nang hindi ko ginawa ang sinabi niya ay siya na mismo ang kumilos.

My heart throbbed painfully inside my chest.

I therefore conclude that..

He's a player..

"Sige mauna na ako!"kumakaway na sabi ni Gia pababa ng sasakyan ko. Dala dala niya yong mga dress na ibinigay ni Shanelle kanina lang. Halos matabunan siya sa liit niyang babae.

"Ingat!"kumaway din ako at itinaas ang red dress ko na bigay ni Shanelle. Kay Arana naman ay brown. In fairness, ayos pumili si Shan. Tapos sakto pa sa sukat namin. Excited na tuloy ako.

"Mukhang okay ka na ah.."mahinahong tanong ni Arana.

Napabaling ako sa kanya. At ngumiti.

"Oo naman. Mataas ang grades ko sa reporting tapos nakakaexcite pa yong party! Maraming celebrities."ngiting ngiti ko.

Bumuntong hininga siya. "Really Megan? Hindi mo ako madadaan sa mga paganyan ganyan mo."

Napanguso ako at nagkibit balikat.

"Okay na ako.."bulong ko at umiwas ng tingin.

Nang wala akong marinig na salita mula sa kanya ay napalingon na ako.

Nakatingin lang siya sa akin.

"Ano na?"sabi ko.

Okay naman na talaga ako.

Masaya ako na walang nagbago sa amin ni Gia.

Tapos maayos din ang grade ko sa reporting..

"Eh yong kay Travis?"seryoso niyang tanong at pinakatitigan ang mukha ko.

Napailing ako agad. Wala na talagang kaso sa akin kung may iba mang gusto si Travis.

I was nothing compare to my best friend Gia anyway.

I was just hoping that someday, I would get what I deserved.

And that was a man. Not just a boy.

"Di ba sabi ko mas maraming crush, mas masaya."i pursed my lips to hide my smile.

Hinila niya ako sa buhok. Na inangilan ko.

"May pa gustong gusto mo talaga siya. Ewan ko sayo!"Pansu-sungit niya sa akin.

"Aray! Sabi ni Shanelle si Kuya Coles daw bagay sa akin!"

"Tapos ano? Maiinlove ka agad? Gaga ka! Ambilis bilis mong magkagusto. Para kang timang!"

Napalabi ako. "Mabilis din naman akong mawalan ng gana eh.."pabulong kong sabi.

Iwinagayway nya ang kamay niya.

"Siya..Sige na. Bahala ka dyan. Ito lang masasabi ko, mukhang mas matindi itong Coles na yan. Kaya mag ingat ka!"

Tumango tango ako.

"Oo. Excited na nga ako eh. Malay mo magustuhan ako nong kuya. Maging bayaw ko pa siya!"sabi ko at tumawa ng  parang bruha.

May naiisip na akong scenario sa isip ko.

"Tatawa tawa ka dyan. Tsk."

"Uutusan ko ng uutusan yong kolokoy na yon kapag naging kami ng kuya niya. Ganti nang api!"humalakhak ako ng malakas.

"As if mautusan mo yon."Umirap siya sa akin.

Napaisip ako. Oo nga. Tsaka sa yaman nila, baka sampo-sampo ang naghihintay para mautusan nila.

"W-well, ipapakita ko na lang sa kanya kung ano ang sinayang niya?"Patanong kong sagot.

"Bahala ka sa buhay mo. Basta ayokong iiyak iyak ka sa harapan namin!"tumango ako agad.

"Aye aye! Tutal sa bahay tayo magprepare bukas, samahan mo akong kumuha ng gift certificate para sa mama ni Gia. Pampadulas."sabi ko.

Sumandal lang siya at sinulyapan ang dress niyang nakahang sa may upuan.