Chereads / Under The Moonlight Completed / Chapter 9 - Chapter 6

Chapter 9 - Chapter 6

WARNING: SPG (SUFFOCATED)

Seven years ago..

Papalabas na ako ng building namin nang makita ko si Miss President na nagmamadaling lumapit sa akin.

Tumigil ako at ngumiti sa kanya.

Napakaganda talaga niya. Walking goddess sabi nga ng mga schoolmates naming mga lalaki. They all like her. Ngalang puro friendzone.

Hindi sila makapalag kapag nafriendzone na sila dahil sino ba namang gustong makalaban ang President ng Student Council?

"Meg buti naman nahabol kita." She said while catching her breath. "May ipapasuyo sana ako."

"Sure bestie."nakangiti na ako ng malapad.

May inabot siyang envelope at sa ibabaw ay coupon na may nakasulat na letra. Mga letra.

"Baka pwede pakibigay ito kay Travis? Andyan na rin iyong address niya." At tinuro ang papel sa ibabaw.

My lips stretched more into a bigger smile.

"Of course!"kinikilig kong sagot.

I've been crushing Travis Wright since the first time I saw his grey eyes.

Sino ba namang hindi siya magugustuhan kung sa tuwina ay makikita mo siyang namumungay ang abuhin niyang mga mata?

Ang lakas ng appeal at maganda rin ang katawan at matangkad.

Mas malakas pa ang hatak nya dahil para siyang walang pakialam sa mundo. Suplado.

Binuksan ko ang envelope at sinilip ito.

"Mga past lectures natin yan. Since ikaw ang partner niya, ikaw na ang magbigay."Nangingiting sabi niya.

Alam din kasi niyang may crush ako sa kaklase namin kaya ako ang inutusan.

Tumango ako nang maraming beses.

"Okay pa sa alright bestie."ngiting ngiti kong sabi at humalik na sa kanya at yumakap.

Ampayat payat talaga. Kahit anong pakain namin sa kanya ay walang silbi.

Yong dibdib at balakang lang ata nya ang lumalaki! Tambok pwet pa!

"Hindi kapa uuwi?"tanong ko.

Umiling siya at napalingon sa fountain na may orasan.

"Mamaya pang alas kwatro. Ayusin ko muna yong plano para sa open day natin."sagot niya ang hinilot ang batok. Halata na stress na stress na siya.

"Gusto mong tulungan kita?"alok ko. Nag aalala na. Isang oras pa bago siya makauwi. Kung tutulungan ko siya, baka kalahating oras lang maiayos na yon.

Umiling siya at nag offer nang malaking ngiti.

Napapatulala talaga ako sa kagandahan niya.

Ang swerte kong maging kaibigan niya dahil maganda na, matalino pa. May dalawa pa akong mga kaibigan. Sina Arana na Vice President at si Shanelle na bago lang din sa school. Pawang matatalino at maganda. Sexy at nag uumapaw sa sex appeal.

Ako lang ang naiiba sa kanila. Matabang baboy. Teka may payat bang baboy?

Anyway.. nakakahiya mang sabihin ay si Gia ang tutor ko. Hindi kasi ako magaling sa academics. Pero dahil sa strikto niyang pagtuturo sa akin, kahit paano ay may pumapasok sa mapurol kong utak.

Kaya.. ako ang naiiba. Matabang baboy na mapurol ang utak.

"Basahin mo yong sinulat kong notes okay?baka magpaquiz bukas si Mrs Marasigan."paalala ni Gia bago kumaway at naglakad pabalik sa main building kung nasaan ang student council office.

Niyakap ko agad ang envelope na parang si Travis ito.

Masaya na akong makita siya sa araw-araw kahit hindi niya ako pinapansin masyado. At dahil magpartner kami, may reason ako para kausapin siya at laging samahan. Na walang magagalit. Dahil siya ang heart throb namin ngayon sa school.

Inggit lang ng mga schoolmates ko sa akin!

Malaking ngiti ang bati ko sa driver kong si Kuya Manong.

"Kuya Manong! Kamusta po? Kumain na po ba kayo? May extra akong sandwich dito baka gusto nyo po?"Alok ko nang makasakay ako sa sasakyan ko.

Napapangiting umiling siya.

"Ay.. sige. Bahala kayo.."sabi ko at hinalungkat na ang bag kong halos wala ng laman. Sa umaga ay punom puno ito ng pagkain.

"Sa downtown po tayo. Sa Monteverde Towers."tumango ito at pinaandar na ang kotse.

I love eating.. I could eat everything. I wasn't fussy eater. As long as it's food, I would eat it.

Okay lang naman sa mga parents ko ang malakas kong pagkain. Mas maganda daw na kumain ako kaysa maghabol ng lalaki. At least busog daw at masaya.

Binalatan ko na ang sandwiches kong dalawa at pinagpatong bago inipit gamit nang mga kamay ko. At tinatlong kagat ito. Kinuha ko na rin yong tetra pack na juice na binili ko sa cafeteria kanina. Panulak.

Hinalungkat ko ulit ang bag ko nang hindi makontento. Ginutom ako sa PE namin.

Sa pagkakatanda ko kasi ay may mga chocolates ako dito..

Halos itaktak ko na ang laman pero hindi ko sila makita!

Napapalabi akong hinalungkat ulit ang isa ko pang bag.

Halos magningning ang mga mata ko nang makita ito sa bulsa ng jogging pants ko.

Oo nga pala. Kapag tumatakbo kami ay ngumunguya ako ng chewy candy or chocolate dahil nabobored ako.

Nang huminto ang sasakyan namin sa may parking para sa mga visitor ay nagmadali akong iligpit ang aking kalat.

Dahil biglang hindi magkasya sa bag ko ang PE uniform ko ay isiniksik ko nalang ito sa food bag ko. At hinablot ang envelope at food bag ko para makalabas na. Pinagbuksan ako ni Kuya Driver.

"Kuya Manong baka matagalan po ako. Mga one hour or something."sabi ko.

"Dito lang ako Miss."sumaludo ito at sumakay din agad sa kotse ko.

"Okay po."pahabol kong sagot. For sure katawagan na naman nya yong dahlingbebe niya. I mean asawa nya.

Kinipkip ko sa mataba kong dibdib ang envelope para kapag binigay ko na ito kay Travis ay mainit init pa. Gaya ng pag ibig ko sa kanya.

Napabungisngis ako sa iniisip ko.

Huminto ako sa may automatic glass door nang wala akong makitang guard. Sa loob naman ay wala ding receptionist.

Day off nilang sabay?

Napapakamot akong dumiretso sa elevator.

Sayang magtatanong pa sana ako kung saang floor si Travis.

Tinignan ko ulit ang puting papel at nakita ang thirty-o-one or thirty-o-two?

Napakamot ako ulit nang buhok.

Hindi masyadong maayos ang pagkakasulat ni President. Halatang nagmamadali.

Ang alam ko.. sa mga hotel, ang unang digit ng unit ang floor nito. So ibig sabihin, nasa thirtieth floor siya?

Ang taas naman.

Pinindot ko na ang floor button at agad itong sumara.

Salamin ang wall ng elevator kaya kitang kita ko ang pamumula ng mukha ko galing sa arawan kanina.

Inayos ko ang pagkakabun ng buhok ko at hinigpitan ang neck tie ko.

Hinalungkat ko ang bag ko at naglagay ng lipgloss para kumintab naman ang manipis kong mga labi.

Sa aming magkakaibigan, ako ang mahilig maglagay ng lipgloss at minsan ay liquid eyeliner.

Medyo kikay ganern..

Mataba ako kaya idinadaan ko na lang sa mukha ang pagkukulang ko sa katawan. Although malaki din naman ang dibdib ko at may konting hubog ang balakang ko.

"Maganda kana.. Tama na pakikay."bubulong bulong kong sabi sa repleksyon ko sa salamin at ngumiti nang malaki.

Nang bumukas ang elevator ay napakunot ang noo ko dahil dalawang pinto lang ang nasa floor na ito.

Bigatin talaga yon! Yayamanin!

Hindi ko lang talaga maintindihan bakit napadpad siya dito sa kasuluk-sulukang parte ng Pilipinas kung pupwede naman siya sa Manila. Or States.

Englisher kasi. Foreigner. Fluent sa english. Minsan kapag kausap ko siya ay feeling ko bigla na lang may tutulong dugo sa ilong ko sa sobrang accent niya.

Pero kahit ganon. Gusto ko pa rin siya. Para sa kanya ay gagalingan ko na sa english.. kung sakaling maging kami.

Lumapit ako sa kaliwang pinto. three zero zero two. Kinatok ko ito ng mahina.

Ilang sandali pa ay nananakit na ang buto ko sa daliri kakakatok kaya tinawag ko na rin siya. Kung maririnig niya ako.

Nang wala pa ring sumagot ay lumipat naman ako sa kanan. Ung zero one.

Kinatok ko ito ng malakas. Nang wala ding sumagot ay hinawakan ko na ang door knob para sana buksan ito.

Napangiti ako ng bumukas nga ito.

Dahan dahan kong tinulak ang pinto at isinilip ang ulo.

"Hmm.. maayos at malinis."komento ko at pumasok na.

Carpet ang loob hanggang sa may hallway.

Inilibot ko ang paningin sa living room.

White leather couch, black coffee table, at malaking flat screen.

May mga estante din sa gilid at may mga makakapal na libro.

Napalakad ako sa kusina na puti at itim din ang kulay ng mga gamit.

Hindi ako mahilig sa puti kaya hindi ko masyadong maapreciate ang ayos ng buong bahay niya.

Pero sakto lang naman. Kung magiging kami ni Travis ay gugustuhin ko na rin ang puti!

Ipinatong ko ang envelope sa kitchen counter at pinagmasdan pa ulit ang buong lugar bago naglakad papunta sa hallway kung saan nandoon ang limang pinto.

Curious ako kaya titignan ko muna kung ano-ano ang nasa loob..

Sa unang pinto ay bathroom. Malaking bathtub, shower room at napapalibutan ng salamin ang buong banyo.

"Mahilig sa salamin ang mga Monteverde.."nangingiti kong sabi.

Napansin ko rin ang mga paintings ng batang babae na nasa swing. Nakatalikod ito. Napangiti ako.

Kung hindi ko lang kilala si Travis ay baka naisip kong ako itong batang nasa painting.

Same kami nang damit nang bata dito. Tanda ko iyon dahil si lolo ko ay mahilig akong kuhanan ng mga pictures..

Ang cute cute ko kasi dati.

Ginala ko pa ang mga mata. May nakita na naman akong bata sa painting pero medyo mas tumangkad na ito. Natigilan ako ulit.

Parang ako na naman ito. Ang laking coincidence naman.

Nang magsawa ako sa kakatitig sa paintings ay binalingan ko na ang pinto na kaharap ng banyo.

Pero bago ko pa ito mabuksan ay nakarinig na ako nang sigaw na parang nasasaktan.

Nanlaki ang mga mata ko at biglang kinabahan.

Napaatras ako.

A-ano yon?

Sumigaw ulit ito. Mas malakas.

Boses ng babae!

Ibang unit pa ata ang napasukan ko!

Nanginginig ako at hindi ko alam ang gagawin.

Nang mas dumalas ang sigaw na parang hirap na hirap na ang babae ay sumugod ako sa kusina at kumuha ng kutsilyo na nasa counter din lang.

Huminga ako ng ilang beses at naglakad papunta sa may kaliwang pinto na bahagyang nakabukas.

Nanginginig na sinilip ko ang loob. Wala akong makita sa may kama.

Shocks! Baka naman kinakatay na yong babae..

Nag ipon ako nang lakas ng loob at tinulak ng bahagya ang pinto. Hindi ito lumikha ng  ingay na gusto ko sanang marinig ng killer para matigil siya.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakitang aksyon sa may pader.

Walang patayan at wala ding dugo. Pero halatang madugong labanan ang nangyayari!

Hindi ako makakilos habang pinapanood ang pagbayo nang hubad na balakang ng malaking lalaki sa babaeng nakasandal sa pader at umuungol na parang sinasapian. Kitang kita ko ang hirap at sarap na nasa mukha niya.

Nakakapit siya sa mamasel na balikat ng lalaki na walang habas ang pag-urong sulong sa babaeng nakakapit ang mga binti sa balakang niya.

I swallowed hard. I didn't know what to do.

I felt hot and suffocated.

"Coles..."she screamed his name in ecstasy then convulsed. The huge man thrusted some more before he stiffened and stopped moving.

Then all of a sudden he let go of the woman.

Napatili ang babae na bumagsak sa carpet na sahig at tumingala sa lalaking nakaharap sa kanya.

He's perfect! Mula sa malapad na balikat, makipot na baywang at mamuscle na mga hita at binti. Pati pwet niya ay matambok.

Napasunod ang tingin ko sa lalaking nakayuko at tila may hinuhugot sa gitnang parte ng katawan niya.

"I'm done. You can go."malalim at may kalamigang boses ang narinig ko mula sa kasiping ng babae.

"Fuck me some more Coles.."nanginginig ang babae na tumayo at kumapit kay Coles.

"I'm done. Leave now!"madiing sabi ng lalaki.

Napalunok ako. Nakakatakot siya..parang feeling ko kung hindi aalis ang babae ay baka masakal siya nito at mapatay.

Kailangan ko na talagang umalis. Baka pati ako ay madamay-

Napatili ang babae nang hawiin siya ng lalaki at napasandal ito sa pader nang malakas.

Napatakip ako ng bibig para pigilan ang paglikha ko nang ingay.

Humarap sa akin ang lalaki na sobrang gwapo..at malaki..ang katawan mamuscle. Siksik ang muscle sa dibdib na mabalahibo at may walong pandesal sa tyan.

Napalunok ako nang bumaba pa ang paningin ko sa mabalahibo niyang puson pababa sa anaconda niya. Ay este pagkalalaki.

Nang umangat ang mukha ko ay nagtama ang mga paningin namin.

He was looking at me like he wanted to murder me!

Shocks!

Napaatras ako nang walang ano-ano'y lumakad siya papunta sa akin. Hindi alintana ang anaconda niyang nakahantad.

Buti na lang naitakip ko ang kamay ko sa aking bibig! At least hindi niya makikilala ang pagmumukha ko.

"Who are you?"tanong nito gamit ang malamig na boses.

"H-h'wag kang lalapit!"nanginginig na sabi ko at iniharang ang kutsilyo sa kanya.

"You're trespassing. Even if I kill you now,  I won't get in jail baby."nakangisi ito. Mabagsik ang bukas ng mukha.

Nanlaki ang mga mata ko. At agad tumakbo palayo.

"Fuck! Wait!" narinig kong mura niya.

Hindi ako tanga para hintayin siyang patayin ako!

Minsan ginagamit ko rin ang natutulog kong utak noh!

Narinig ko ang pagkilos niya sa loob ng kwarto, malamang ay nagbibihis. Pati ang boses ng babae na pinipigilan siya.

Nagdire-diretso ako sa kusina at hinablot ang envelope. Nang makarating sa pintuan ay basta ko na lang itinapon pabalik ang kutsilyo at tumakbo papunta sa elevator.

Nang hindi ito magbukas ay no choice ako na dumiretso sa fire exit.

Nakailang palapag ako bago ko naisipang magpahinga.

Hindi ko kakayanin bumaba gamit ang hagdan sa napakataas na building na ito.

Tumigil ako sa twentieth floor at napaupo. Hinihingal ako at mabilis ang kalabog ng aking dibdib.

Nanginginig na tinanggal ko ang aking bag at hinugot ang aking PE uniform.

Naghubad ako at nagpunas ng pawis gamit ang pula kong panyo bago isinuot ang gamit nang tshirt at jogging pants ko.

Nang matapos ay nanginginig akong lumabas mula sa fire exit at naghintay sa elevator.

Panay ang dasal ko na sana hindi ako makilala at hindi ko siya makita. Sana ay pinagpatuloy nila nong babae ang pagse-sex para makaligtas ako.

Nang tumunog ang elevator, ay napahinga na ako nang maayos.

Makakaalis na rin ako dito sa building na to! At hindi hindi na ako tatapak dito! Dahil baka sa susunod ay makilala na ako-

Halos tumalbog palabas ang puso ko nang makita ko na naman ang lalaki na may anaconda sa elevator na may kausap sa phone niya.

Hindi ako napapansin dahil pinapagalitan niya ang kung sinuman sa kanilang linya.

"I want you to secure the area. Someone got into my apartment and I don't fucking care what you are doing. Either you show her to me or you'll be on the street without a job." Galit na galit na sabi nito sa kausap.

Nanlaki ang mga mata ko. Nanginginig na tumalikod ako sa kanya at tinanggal ang tali ng buhok ko para ibuhaghag ito.

Wala na akong pakialam kung magmukha akong bruha. Basta hindi lang ako makilala.

Naramdaman kong gumalaw ang lalaki at dama ko ang init ng tingin niya sa aking likuran.

Yumuko ako at sumiksik sa gilid. Malapit sa mga floor buttons.

Abot-abot ang panalangin na sana.. hindi niya ako sitahin.

Napapigil ang hininga ko nang lumapit siya sa akin. Halos mabingi ako sa pag iingay ng puso ko.

"Excuse me."malamig niyang sabi.

Napalingon ako sa kanya na nanginginig. Natatakpan ang mukha ko ng makapal kong buhok.

Katapusan ko na ba?

"I need to press the ground button."

Mabilis pa sa alas kwatrong lumayo ako sa pindutan at sumiksik sa kabilang gilid habang nakayuko.

Pumipintig ng masakit ang puso ko sa dibdib.

Bumukas ang elevator at may pumasok na mga apat na babae.

"Excuse me."malambing na boses ng babae ang narinig ko.

Napataas ang mukha ko sa kanila.

Parang walang pakialam na nakatingin sa akin ang lalaking gwapo. Matiim. Seryosong seryoso.

Yumuko ulit ako at nagdasal ng nagdasal.

Nawa'y hindi niya ako mamukhaan

"Excuse me. Is this yours?"narinig kong tanong ng babae sa lalaki.

Nang iangat ko ulit ang mukha ko ay saglit itong lumingon sa babaeng ngiting ngiti at may inabot na pulang panyo.

Napakapa ako sa bulsa ko at napatingin sa lalaking walang alinlangang binulsa ang basa kong panyo!

Gusto ko sanang pigilan ang lalaki pero baka makita niya ang mukha ko kaya nanahimik na lang ako.

Nakakahiya. Amoy pawis ko na yon.

Bakit ba kasi hindi man lang tumanggi yong lalaki?!

Nangunguha nang hindi kanya!

Sinubukang kausapin ng mga babae si Coles. Pero wala akong narinig na sagot mula sa lalaki.

Suplado.

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay para akong si The Flash na tumakbo palabas.

Narinig ko ang mabilis ding yapak sa likuran ko.

Parang awa mo na.. hindi ko ipagkakalat na may anaconda ka.. please lang.. pipi kong dasal.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang may humawak sa braso ko.

Mangiyak ngiyak na akong nag angat ng mukha. Sa taong pumigil sa akin.

Travis!

Halos manghina ako na napayakap sa kanya. Parang feeling ko.. siya si Superman. Na magliligtas sa akin.

Nakarinig ako ng malutong na mura sa may gilid.

Agad akong inilayo ni Travis sa katawan niya at bahagyang napatingin sa pinanggalingan ng pagmumura.

"Why are you here?"his eyebrows were furrowed.

Para akong natauhan na tumayo nang maayos at humakbang nang dalawang beses palayo sa kanya.

Lumunok muna ako at itinaas ang envelope na para sa kanya.

Kinuha niya ito at sinilip. Bago namulsa.

Kung wala lang nangyari sa akin ngayon ay baka nakatanga lang ulit ako sa kanya at papanoorin siya na parang paborito kong movie.

"Your hair.."parang namomoblema siya sa buhok kong mala bruha.

Umiling lang ako at dire-diretso na sa labas.

Hiyang hiya at natatakot.

Sa susunod.. hindi na ako tatapak pa dito!