Chereads / Under The Moonlight Completed / Chapter 7 - Chapter 4

Chapter 7 - Chapter 4

STALKER

Napabuntong hininga ako at napakamot ng ulo nang makita kong wala talagang ginawa ang magaling kong ex tungkol sa pictures namin. Heto nga at ultimo insta at twitter ko ay may mga nagcocomment na rin.

Kalat na kalat na talaga!

"Hoy!"nakangiting pumasok sa kwarto ko si Tori. Akala mo ay walang pinagdaanan kagabi.

Pero dahil malaki ang problema ko ay hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin.

Pinoproblema ko ngayon ang trabaho kong naaantala dahil sa chismis na to. Masyado nilang pinapalaki.

Ano ngayon kung may ex akong mayaman?

Parang mga tanga!

Kinansela na ng manager ko ang tatlong araw kong trabaho para daw ayusin ang pangalan ko.

At naiirita ako dahil wala man lang talagang itinulong ang magaling kong ex.

Lumapit na si Tori sa akin at nakisilip sa iPad ko. Napanguso pa siya. Pinipigilan ang ngiti.

"Akala ko ba very private person siya at confident kang ipapatanggal niya yong pictures nyo?"

Napairap ako sa kanya.

"Oo nga. Marami siyang karay karay na babae sa mga party na dinadaluhan niya pero ni isang picture ay hindi ko na makita!"

"Baka kasi ikaw lang talaga gusto niyang maikabit sa pangalan niya."pang eechos nitong gaga.

"Tigilan mo ako at nag iisip ako ng paraan!"

Tumawa siya ulit ng nakakaloko.

"Alam ko na.. ang mga lalaki.. madali mo lang mapapasunod sa gusto mong gawin kung aakitin mo sila.."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"So gusto mong akitin ko siya para matanggal yang mga issues sa amin? Makipagsex? No way!"maigting kong sagot.

"Pakitaan mo lang. malusog naman yang hinaharap mo."tumatawang sabi niya at tinuro ang dibdib ko

"Gaga! Kung dibdib lang ang usapan, marami na siyang nakitang ganito kaya hindi na yon tatayuan. Sanay na sanay na!"

"Oh di pasupsupin mo."suggestion niya sabay tawa nang malakas.

Napairap lang ako pero nangingiti na.

Kabaliwan talaga nitong babaeng ito..

"But on the serious note, why don't you talk to him? For old times sake ganern."

"Pangit yong paghihiwalay namin."maikli kong sagot.

"Past is past Megan.. unless may gusto ka pa sa kanya?... sabagay, sa gwapo at macho niya kahit ako maglalaway pa rin sa kanya kung ex ko siya."

Hinila ko ang buhok niya.

"Aray ah! Nananakit na! Pikon!"

"Gaga. Wala na akong gusto sa kanya. Gusto ko lang kumita ng kumita ng pera! At nagiging hadlang ang issue namin!"Inis kong sagot.

"Kakaiba yong issue mo.. parang may galit na galit na nanggagatong sa mga reporters at fans.."

Napapaisip din ako tungkol doon.

Napabuntong hininga nalang ako at nangalumbaba sa kama.

"Tawagan mo na siya at makiusap ka."

"Over my dead and sexy body."

"Ikaw ang nawawalan kaya magtiis ka."umirap siya.

"Ayoko!"inis kong itinaas ang mga paa sa headboard ng kama.

Gumaya siya. Pero dahil maikli siya ay nasa may leeg ko na ang ulo niya.

"Yon lang ang paraan Megs. Sige ka.. ikaw rin ang mawawalan.."

Paulit ulit na naririnig ko ang sinabi ni Tori sa akin. Nakapaligo na ako at nakakain ng almusal ay yon pa rin ang naririnig ko.

Nababaliw na ata ako! Hindi ko kayang walang gawin buong maghapon! Knowing na marami akong nakahilerang projects.

Nakaalis na si Tori kaninang umaga para sa isa pang modelo na mi-make upan niya. Busy din kasi yong babaeng yon katulad ko. Nag iipon para sa future. Pero naantala lang dahil ang future niya, may bago ng finu-future!

Kinuha ko ang phone ko at nagscroll sa social media ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong comment ni ex sa insta ko. At pinusuan pa! Ito yong recent rampa ko nong nakaraang araw.

Nakasuot ako ng leather jacket, with my name at the back, leather pants, leather knee high boots and white tee sa loob. Smoky eyes at nude lipstick. Ang buhok ko ang nakatali nang paitaas.

Ang comment niya? Puso din lang.

Iniscroll ko ang comment section. Marami nang nagsi-ship sa amin.

Yong ibang fans namin ni Jason ay bumalimbing sa ex ko.

Hindi ko alam kung imu-mute ko ang comment section ko or what. Dahil puro positive lang ang nandito.

Nanginginig na tinap ko ang pangalan niya at bumulaga sa akin ang picture ko na kahapon lang ipi-nost.

Ito yong nasa contract signing kami. Kasama ang mga models. Pero sa akin lang nakatutok ang camera. Ang iba ay nakablur na.

Nakaupo ako at hawak ang bibig ko na parang bored ang expression at inaantok na. My Beautiful Distraction ang caption.

Gusto kong magwala! Talagang iniinis ako!

Siya ba ang may gawa ng mga issues ko? Para ano? Bumagsak ako ulit?

Masaya na ako! Maayos na ako! Bakit ngayong okay na ang lahat, nandito na naman siya para manggulo?

Mangiyak ngiyak sa galit na nagDM ako sa kanya para magkaliwanagan na.

Nang matapos kong magcomposed nang message ay isinend ko agad sa kanya.

Ibinagsak ko ang phone ko at gumulong gulong sa kama.

Nang mapagod ay itinaas ko na lang ang mga paa ko sa headboard ng kama at nag isip ng pwede kong gawin.

Tumunog ang notifications ko sa aking cellphone.

I reached out and opened it. My eyes widened with shock when I saw his reply.

Napaupo ako at humawak sa nasaktang ilong nang dumulas ang cellphone ko sa mukha ko.

"Puta talaga siya!"pagmumura ko habang mangiyak ngiyak na minasahe ang nabagsakang ilong ko.

Ang sakit! Kasing sakit nang panloloko niya sa akin!

Nadagdagan na naman ang kasalanan niya sa akin!

Kinuha ko ang cellphone ko at mag rereply sana pero nagbago ang isip ko.

Baka masabihan pa niya akong atat kapag nireplyan ko siya agad kaya ibinagsak ko na lang ulit ang cellphone ko. At nagmuni muni.

And I didnt know what to reply anyway.

Kahit anong galit ko ay maayos ko siyang pinakiusapan na burahin ang pinost niyang picture ko. Pero ang sinagot niya lang ay magkita kami.

Kailangan kong mag isip ng mabuti.

Hindi ko alam kung anong trip niya at sa akin na naman niya binubuhos ang kanyang atensyon.

Nananahimik na ako.. maayos ang buhay..

Ang alam ko nakabayad na rin kami ng pagkakautang sa pamilya niya.

Wala na kaming atraso sa kanya kaya hindi ko maintindihan bakit nagkakaganito siya..

Siya ba talaga ang naninira sa pinaghirapan kong career ngayon?

Ang sama sama niya!

Napapaiyak ako sa inis at kawalang magawa.

Hanggang ngayon pala ay walang wala pa rin akong binatbat sa kanya.

Yong akala kong successful na ako.. na nakapag create na ako ng sarili kong pangalan. Yong may ipagmamayabang na ako sa kanya..

Pero iba pa rin pala talaga.

Dahil sa dami ng pera niya, pwedeng pwede niya pa rin akong hilain pababa sa isang pitik lang ng daliri niya.

Na yong isang taon kong pagpapakahirap ay isang minuto lang niyang winakasan.

Saan ba ako pupulutin kapag nagsiatrasan ang mga kompanyang may hawak sa akin?

Dapat ba makiusap ako sa kanya na tantanan niya na ako? Lumuhod?

Kinuha ko ang cellphone ko para matawagan ang manager ko.

Wala na akong pakialam kung magulo pa ang sitwasyon.

Gusto ko nang gawin ang mga dapat kong gawin kaya walang makakapigil sa akin!

"Lex, I can't go for three days without any work to do!"Nanginginig sa inis na sabi ko.

Nanahimik siya sa kabilang linya. Akala ko ay nakatulog siya sa sobrang tagal niyang sumagot.

"Sorry, I just got something fresh from your supposedly photo shoot venue."

"W-what about that?"

"Lots of fans came and forced their way to see you. It became uncontrollable that they asked police enforcement. You still wanna do your shoots?"

Nanlaki ang mga mata ko. Gaano ba kalala ang sitwasyon ko?

Siguro kung dragon lang ako ay napabuga na ako ng apoy. Dahil lang naman ito kay Coles na magaling kong ex!

"Yes! Tomorrow, I have two fittings and four photo shoots right?"

Bumuntong hininga siya.

"I'll talk to my fans to clear everything! I know they'll calm down once they knew the real score!"

"You can't just talk without any guidance Megan."

"I'm not in show business Lex!

"Now you are. There are few producers that are wanting to talk to you. About doing some movies."

"No way that I'll take their offers!"hindi ako sanay sa pag arte. Baka mapahiya lang ako. Tsaka mahina ako sa memorizations.

"They're offering big bucks."pangungumbinsi niya. Alam kasing mahilig ako sa datung.

"No thanks. So what's happening now about the websites?"pang iiba ko nang topic.

"They've tracked down the source from this anonymous user. But don't worry, Mr Wright's team are helping with the operation right now."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Akala ko ba?

"Yeah.. i know what you're thinking. But his secretary just called me an hour ago. They're the one who's tracking that bastard."

Napakagat labi ako at nagpaalam na.

Binilinan niya akong h'wag munang lalabas ngayon para safe. Susubukan daw niyang tawagan ang mga nacancel ko ng engagement para bukas.

Nakahiga lang ako sa kama ko at nakapikit.

Bakit nagbago ang isip niya? Naawa na ba sa akin! Dahil nakiusap ako?

Nacucurious na kinuha ko ang cellphone ko para magDM ulit sa kanya.

May lima siyang messages sa akin. Malakas ang kabog ng dibdib ko na binasa ng dahan dahan ang mga ito.

Inulit niya yong sinabi niyang magkita kami. Second was he asked me what I want from him, then he gave me his contact number so I can call him, then he informed me about the source of my leaked pictures. Lastly, they got hold of the guy so he wants me to meet up with him.

Nakahinga ako ng maluwag. Gagawin din pala. Hinintay pa akong magDM sa kanya.

Nangingiti akong nagtype nang isasagot, pero sa huli ay binura ko rin lahat ng irereply ko. Simpleng thank you na lang ang isinagot ko.

At hindi ako makikipagkita sa kanya.

No way!

Tulad ng gawi, maaga akong nagprepare para sa photo shoots ko. Naisaayos lahat ng mga issues ko kaya okay na ulit.

Sa unang ganap ay fitting lang. May mga fans din na nag aabang sa akin sa labas ng establishment pero ang pinagtataka ko ay maraming parang security na nakapalibot sa building at pigil pigil ang mga nanggugulo. Hindi ko alam na may ipapadala ang management ko na security.

Lumapit ako sa nagkakagulo dahil naawa na ako na nagkakaipitan sila. May tumabi agad sa akin na dalawang security. Malalaki ang mga katawan.

"Megan! You're so pretty!"mangiyak ngiyak na sabi ng isa sa harapan.

"I've been your fan since you came out of the catwalk. Can we shakehands." Alok nong lalaki sa kamay niya.

Nakikipag usap ako sa kanila at kinamayan din sila isa isa. Tuwang tuwa silang nagkwento kung bakit sila nandito.

May nagtip daw sa kanila nang isang linggo kong schedule. Kaya nagpunta sila at nagbaka sakali na makausap ako ng personal.

Nakahinga ako ng maluwag. Fans ko pala talaga sila. Hindi sila nandito para manggulo. Ilang minuto nang pakikipag usap ko sa kanila ay napalingon ako sa tatlong lalaking nagpumilit makalapit sa harapan. Nanlaki ang mga mata ko nang magtuloy tuloy sila sa harapan habang binabalya ang mga tao. May nakita akong kuminang sa araw na hawak nong isa.

Para akong itinulos sa bilis nang pangyayari. Naramdaman ko na lang na may naghila sa akin papasok sa building.

Sa likuran ko ay nakadapa na ang tatlong lalaki at hawak ng mga security.

Kumakabog nang malakas ang puso ko sa kaba.

Katawagan ko sina Reece at Ticia habang nagdadrive pauwi.

Bukas ng hapon ay may kakausapin kaming interesadong investor sa binabalak kong itayong business.

Napagkasunduan na lang naming magkita sa main office nito. At sila na ang bahalang mag ayos ng mga papers na kakailanganin namin.

Excited na ako bukas.

Sakto wala na akong engagement pagdating nang alas tres. Dahil nakaschedule ako sa work out ko ngayon, pero dahil mas importante ang investor ko ay kinansel ko ito. Ayaw kong magahol sa oras. At tsaka pera ito! Datung. So obviously, pera muna.

Nakangiti akong nagpark ng sasakyan at kinuha ang bag ko sa passenger seat. Ipinasok ko rin ang cellphone ko dito at lumabas na ng kotse.

Natigilan ako nang may maramdanan akong kakaiba. Iginala ko ang paningin sa basement parking. Maraming kotse na nakaparada at ilang ilaw ang patay sindi. Pakiramdam ko ay nasa horror movie ako..

Napapalunok na naglakad ako ng dahan dahan papunta sa elevator matapos kong i-lock ang aking kotse.

Kinikilabutan na ako dahil malakas ang pakiramdam kong may nakatingin sa akin at pinapanood ang bawat kilos ko. Naalala ko yong mga lalaki kaninang umaga.

Ang sabi ng manager ko, may dala daw silang swiss knife at plastic ng dugo.

Nang tanungin sila ay hindi sila nagsalita. Kahit anong pananakot ng mga police.

Nagiging magulo na ang buhay ko sa modelling kaya iniisip kong huminto na kapag nailakad ko na ang cosmetic line ko. Kailangan ko lang talaga nang maayos na investor. Para successful ito.

Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas agad ang pinto ng elevator pagka press ko ng button.

Walang humatak sa akin or kung ano pa man. Sabagay.. strict ang security ng building ko. Walang basta basta nakakapasok dito. Especially sa parking lot.

Bago ito sumara ay nakita ko ang isang malaki at matangkad na lalaki, hindi kalayuan sa kotse ko na bumaba mula sa kotse niya at may kinuha sa backseat.

Hindi ko napansin kung magkasabay lang ba kaming nakarating sa basement.. or kanina pa siya doon at hinihintay akong makauwi? Stalker ko ba yon?

Malakas ang kabog ng puso kong pinindot ang floor button ko.

Napapraning lang ata ako ngayon. Dahil sa mga nagaganap.

Habang nagluluto ay nakikinig ako kay Tori.

"Grabehan lang! Talagang inggit na inggit sayo yong gumagawa nito."Malakas na sabi niya.

"Anong meron?"

"May bago ka na namang issue! Ngayon, ang panunulot mo naman ng mga projects at primadonna ngayon ang ikinakalat nila."

"Hayaan mo na. Basta ako lang yong nasa article, h'wag mo ng intindihin."sabi ko habang hinahalo ang nilulutong spaghetti bolognese sauce.

"May balita ka na ba don sa nagpakalat ng issue?"

"Oo. Nasa kulungan ngayon. Binatilyo. May nagbayad daw na gawin nya yon. Pumayag dahil kapos sa pera."

"Sinabi ba kung sinong nag utos?"

"Hindi niya kilala. Basta lang nakatanggap ng sobre na may pera at instructions. Naideposito na niya sa bank yong pera, tapos yong sobre naman walang fingerprints maliban doon sa binatilyo."

"Eh yong mga lalaking pinagtangkaan ka?"

"Nagsalita na. Ang balak lang daw nila ay takutin ako at isaboy yong dugo sa akin. Pero wala daw silang balak na saktan ako."

"Malakas ang kutob kong isa lang ang may kagagawan nito."may galit na sabi ni Tori.

May hunch na rin ako pero ayoko namang magbintang.

"Dapat pasundan mo siya Megan. Para mahuli natin."

"Hindi na."

"Ano kaba! Career at safety mo ang nakasalalay dito!"

"Paano kung hindi siya? Sayang sa oras at effort!"

"Maghire ka."

"Wow. Dami ko datung."

"Si Papa Ex, patulong ka ulit!"

"Gaga! Ex nga eh. Wala nang pakialam yon."

"Pero nakialam na siya ngayon! Kaya lubus-lubusin mo na."

"Ngayon lang yan kasi nadawit pangalan niya! Kilala ko mama non! Sobrang matapobre at perfectionist. Baka sinabihan na ayusin ang gusot ko dahil pati sila nadadamay!"

"Ay.. ganoon?"

"Oo. Kaya, hayaan mo na yang mga issues ko. Blessings in disguise nga kasi nalaman kong marami talaga akong mga fans na tinatangkilik ang mga iniendorse ko. Bago ako matapos sa kontrata ko sa agency, magpapaparty ako para sa mga fans ko."mahaba kong sabi.

"Ay sana all maraming nagmamahal!"

"Gaga! Sige na at gutom na ako!"

"Teka.. alam mo ba kung sino yong nagpadala sa kanila ng schedule mo?"

"Yong binatilyo."

Napabuntong hininga siya.

"Mag ingat ka na! Nako talaga!"

"Oo na nga. Night night na."sabi ko at pinatay ang tawag.

Naghanda na ako ng mesa at ganadong naupo.

Napapatango ako habang tinitikman ang luto ko.

Magmula nang manirahan ako dito sa America ay ako na ang nag aasikaso sa sarili ko. Wala ng kasambahay na magluluto at maglilinis. Wala na ring driver na maghahatid sundo sa akin.

I welcomed it with open arms. Dahil noong mga panahong yon ay bagsak na bagsak ako. Kami ng buo kong pamilya. At kailangan kong magpakatatag dahil ayokong mabigyan pa sila nang dagdag alalahanin.

Walang pera.. wala nang ari-arian. Lumubog kami kasabay nang paglubog ng puso ko.

Buong buhay ko nabago..

Buti nga walang mga sakit sa puso sina Mommy at Daddy. Dahil for sure, aatakehin sila sa puso sa mga nangyari sa amin noon.

I smiled when I checked my messenger.

My Mom sent me some of her and Dad's photos while they were on their honeymoon. I gifted them round the world trip for their thirtieth anniversary.

I could see the happiness in their eyes.

Maayos na ulit kami. Nakabangon na. May bagong business partner si Daddy na nagbigay sa kanya nang kapital at ngayon ay bumalik ulit ang mga ari - arian namin. Masaya na sila ni Mommy.

Baka pag uwi ko sa Pilipinas ay makipagkita ako para magpasalamat sa tumulong sa parents ko.

Si Kuya Miguel naman ay may pamilya na. Masaya sa sariling grocery store na business. Napalaki na rin niya. May dalawang bulinggit na rin na napaka cute.

Ako naman.. ito.. medyo magulo ang buhay dahil sa mga issues. Pero hindi naman kasi maiiwasan ito.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

Nang matapos ay nireview ko ang mga dapat kung sabihin sa magiging investor ko.

Ayoko namang sina Reece lang ang magsalita. Dapat may maitulong ako dahil baby ko to.

Nang sumakit ang mata ko ay naligo na ako at naghanda nang matulog..

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang instagram ko. Hindi ko na maiwasang bisitahin ang account ko oras oras..

Napakagat labi ako nang makita ang mga messages ni Coles.

C.Wright: how are you?

C.Wright: tell me if something's still bothering you.

C.Wright: call me when you need something.

C.Wright: Baby..

C.Wright: I miss you..

Napahawak ako sa naninikip kong dibdib.

Masaya nga ba ako ngayon?