Chereads / Bittersweet Escapade / Chapter 3 - Escapade 2:Bigla

Chapter 3 - Escapade 2:Bigla

Bigla

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang tumatakbo sa pasilyo ng aming Unibersidad.

Hindi ko inakalang mahuhuli ako sa unang klase ko bilang isang kolehiyala.

Ang nakakainis pa doon ay ang Major subject ko pa talaga ang first period. Naku, isa itong napakagandang puna sa aking umaga.

Hingal na hingal pa ako nang makita ko na ang classroom kung saan nandoon na dapat ako. Nakita ko rin ang professor na nakatayo at may sinasabi sa harapan. Mukhang nakakahiya nga na papasok pa ako na halos isang oras na ang pagkaka-late ko pero mabuti na ito kaysa hindi pumasok at walang matutunan.

Kinalma at inayos ko ang sarili ko bago pumunta doon at pumasok.

"Ay, gago!" gulat na saad ng lalaking nakabangga sa akin. Naestatwa ako,hindi sa maamo niyang hitsura kundi sa cup noodles na natapon sa aking white t-shirt.

Papasok na sana ako pero bigla siyang bumangga sa akin.

Basa ang buong white t-shirt at papel na may schedule na hawak ko, mabuti na lang at hindi gaanong nabasa ang pantalon ko.

"Sorry, miss. Uh..." hindi niya alam kung anong gagawin niya. Kung papahiran niya ba ang damit ko o pupulutin niya ang cup na natilapon sa paanan ko.

"Hindi ka ba tumitingin sa paligid mo?" iritang sabi ko habang hinila ang tela ng aking damit para hindi ko gaanong maramdaman ang init na dulot ng cup noodles. Mabuti na lang at medyo maligamgam na ito kundi ay nasunog na ang balat ko. Natikman ko din ang noodles at sabaw nito,lasang beef at malinamnam.

"What's happening– Oh, Mr. Cancisio, you're very clumsy." saad ng lalaking propesor na si Mr. Orcales ayon sa aking reference at nakatingin sa damit ko, tiningnan ko ang aking basang damit at bakat na rito ang itim kong bra. "Are you in one of my class?" tanong sa akin ng propesor, hindi pa rin naalis ang tingin niya sa aking dibdib.

"Opo–" naputol ang sasabihin ko nang bigla akong hinila ng lalaking nakatapon sa akin ng cup noodles.

"Aray ko! Bitiwan mo nga ako!" sabi ko habang pilit na kinakalas ang mahigpit na pagkaka-hawak niya sa aking palapulsuhan.

"Tapos ano? Gusto mong bumalik doon at pagnasaan niya ang dibdib mo?" iritang saad niya sa akin, nanatiling nakahawak pa rin sa aking palapulsuhan. Hindi na gaanong mahigpit pero hindi pa rin nakakabitaw.

Hindi ko rin siya maintindihan kung bakit imbes na ako ang magalit sa kanya ay baliktad pa ata ang nangyayari ngayon.

Those hooded eyes of his screams danger but for me it feels serene to be looked by those eyes. His nose is perpetually straight. His lips is naturally red and plump. And his jawline is showing masculinity. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, oo, naiinis ako sakanya pero hindi ko maipagkakaila na parang kamukha niya si Adonis, only this boy has a bronze skin complexion.

Tinampal ko ang sarili ko. Nahihibang na ako! Dapat inis ang nararamdaman ko at hindi pagka-humaling. Kung alam lang ni nanay ang mga naisip ko ay panigurado,dadasalan niya ako hanggang sumapit ang madaling araw. Hindi bale, mag-rorosaryo na lang ako mamaya.

"Miss?" medyo kumalma na ang kanyang hitsura.

"Nasira mo ang araw ko." malamig na saad ko at hinila sa kanya ng marahas ang aking palapulsuhan pero bago pa iyon mangyari ay hinigpitan niya ang hawak dito.

"Ano ba!" mariing sambit ko.

"saan ka pupunta?" at magtatanong pa!

"Syempre uuwi na lang, anong gagawin ko? Papasok pa at hayaang makita nila ang dibdib ko?" pabalang na sambit ko at bahagya kong tinabunan ng kaliwa kong kamay ang aking dibdib. Hindi naman niya tinitingnan at nanatiling seryoso ang mga mata niya na nakatuon sa aking mukha. " at pwede ba, bitawan mo na nga ako."

Binitawan naman niya ang aking palapulsuhan at lumayo ng bahagya sa akin.

"Czarina." nagising ako nang tawagin ako ni Rad. "Medyo puno na ata ang battery ng cellphone mo. You can now call your mom." hindi pa rin ako sanay sa kanyang accent tuwing nag-iingles siya. Kuryoso ko siyang tinignan, pero agad ko ding ibinaling sa aking cellphone ang tingin. Kagaya ng dati ay bigla-bigla ulit siyang susulpot sa buhay ko. Katulad noon ay isa pa rin siyang misteryo sa akin. Kahit naging kami ay parang hindi ko pa rin siya lubusang nakilala, Pero hindi ko ipinagkakaila na minahal ko siya ng sobra. Ikakasal na ako't lahat-lahat pero may puwang pa rin siya sa puso ko, kahit na sinaktan niya ako sa mga paraang hindi ko inakalang magagawa niya.

I sighed.

Matagal na yun. Matanda na kami. May sarili nang tinatahak sa buhay. At ngayon, maaaring isa lang itong pangyayari na maidadagdag ko ulit sa aking mga memorya, kung saan lahat ay pwede ko pang balikan.