Chereads / Bittersweet Escapade / Chapter 2 - Escapade 1:The trip

Chapter 2 - Escapade 1:The trip

The Trip

"Saan tayo pupunta?" nalilito kong tanong. Nakalimutan na niya ba kung saan ako nakatira? Dati nga, halos araw-araw niya akong ihatid sa village namin. "Stop the car! Lumagpas na tayo!"

"I know." sabi niya at ngumisi ng parang aso.

"bakit mo pa diniretso?" iritado kong tanong sakanya. "ibaba mo na ako dito."mariin kong saad.

"Hindi puwede. May pupuntahan tayo." sabi niya with full authority in his voice.

"Tayo?!" sigaw ko. "Bakit kasama ako?!"

"Gusto ko lang, bakit ba." mas lalo akong nainis sa sinabi niya.

"Ano na naman bang pakulo mo, Radcliffe?!" singhal ko. Ang sikip dito sa inuupuan ko. Dapat pala sa likod na lang ako umupo. The empty spaces were filled by the hem of my gown. "You're always a liar. You said you're gonna get me home, eh ngayon nasa Calamba na tayo!" saad ko.

"But I'm serious when I said I'm gonna pay all my other balances and interests to you, mi amore." sabi niya ngunit nanatiling nakatingin sa daan.

"And this is how you're gonna repay me?"

"How would I repay you anyway?"

"Bayaran mo ako sa lahat ng kwek kwek at fishball na nilibre ko sa'yo!" I said.

Tuwing nag-da-date kasi kami ako yung nanglilibre sakanya ng pagkain kasi siya naman yung nag-hahatid sa akin pauwi at nililibre niya din ako ng pamasahe. kapag uwian na, tumatambay kami sa seaside tapos inaantay ang sunset. Naniniwala kasi ako sa kasabihan nila noon na kung sino yung kasama mong manood ng sunset ay siya yung makakatuluyan mo kaya halos araw-araw ay iyon ang usual date namin. I just realized na masyado akong naging tanga para maniwala doon.

I saw how he stifled his laughter. Naaalala ba niya ang mga pinanggagagawa ko noon? Sana pala imbes na nilibre ko siya, inipon ko na lang pambili ng panibagong blueberry cellphone.

"kaya nga we'll have a trip together and I'll be the one who's gonna pay all the expenses. Oh, diba? All my interests and balances are going to be paid and may sobra ka pa, kasi you're with me." he said and winked at me before he turned his gaze at the road.

"Hindi." sabi ko. "nag-jo-joke lang ako sa sinabi kong bayaran mo ang mga nilibre ko sa'yo noon. I-uwi mo na lang ako sa bahay namin at okay na ang lahat. Please, Rad, I want to rest. Kakausapin ko pa ang Fiancé ko." That bastard. Hindi ko akalain na malilinlang ulit ako sa ikalawang pagkakataon!

"Then sleep until we get there. Sa Batangas na lang tayo bibili ng mga damit mo." he said.

"Batangas?!"

"Oo, sa–"

"Anong gagawin natin sa Batangas?"

"Uh... Reminisce?"

"Rad, ang kulit! This is kidnapping!"

"Am I depriving you of your rights? Are you physically hurt? Are you hungry? Just tell me about your basic needs and I'll provide them." he said seriously. Bakit nag-mukha itong lawyer? Akala ko ba Architecture ang hilig nito?

"Architect ka na ba?" tanong ko. Simula kasi noong nag-hiwalay kami, hindi ko na alam kung ano ng nangyari sakanya. Ako, sa awa ng diyos natupad ko ang pangarap kong maging Civil Engineer at siya... Hindi ko alam. Kahit na nasaktan niya ako noon, I still wish the best for him.

"Are you interested in me now?" he raised his ebony brows up while looking at the road.

"Ofcourse not! Ugh. Nevermind."I just said. Baka nga Architect na ito, sa sasakyan niya pa lang, halatang successful na.

Mabuti na lang at dala ko ang cellphone ko pero nakakabwisit dahil na-lowbatt pa!

"Rad,may charger ka ba diyan?"

"Nope."

Paano ko ngayon ma-cocontact sina nanay at tatay? I want to talk to them to say that I'm fine. Paniguradong nag-aalala na ang mga iyon, lalo na si nanay.

"Pahiram na lang ng cellphone mo, please? I just want to call nanay."

I heard he sighed.

"There's a charger in the compartment, just call your mother."

"May charger naman pala, nag-dedeny pa." sabi ko habang hinanap ang charger niya sa compartment.

"What?"

"Wala, ang gwapo–" napahinto ako sa pag-sasalita. Did I just wanna compliment him? After everything he'd done?

"What?" this time, he's chuckling.

"Ang gwapo mo." sabi ko habang pilit na ngumiti sakanya. "Ang gwapo mong ihampas sa manibela."

I saw how his smiles gradually fade.

"Oh, we are surely dead if you do that."

Hindi ko na lang siya pinansin at chi-narge ko na lang ang cellphone ko. Hihintayin ko munang mag 20% bago ko buksan at tawagan si nanay.

"Are you alright?"

I just looked at him. Nakakapanibago. Simula ba nung iniwan niya ako ay natuto na siyang maging fluent sa ingles at may pa-accent pang nalalaman?

"Tapatin mo nga ako, bakit ka bigla-biglang sumulpot doon?"

Hindi niya ako sinagot, nanatili lamang ang mga tingin niya sa daan. I saw how his eyes flicker for a second, seriousness is laced in his aura. Tila may iniisip na malalim, at sa sobrang lalim, nakakatakot sumisid.

I wonder what is waiting for me at the end of this trip.