KREIYA
PANGALAWANG araw namin ngayon dito sa bahay, still unpacking my things, organizing my room for my liking. Hindi naman kalakihan yung house, simple lang pero sobra na to para sa aming dalawa ni Wyran, na ngayoy nangangapit bahay na para makahingi ng ulam.
Lagapak pala kasi kaming dalawa sa kusina. We made our foods all burnt, tustado, walang lasa o kaya naman hindi masarap.
Kaya inaabuso namin ang kabaitan ng mga kapitbahay, iniisa-isa namin sila.
Agahan, tanghalian at hapunan minsan may padelivery pa sila sa amin ng meryenda, willing naman silang bigyan kami ni Wyran.
Perks of living in a province, lahat mabait. Tapos ang landi pa ni Wyran, kaya ang mga babae dito laging kinikilig sa kanya.
That thought made me smirked as I put all my clothes in my cabinet, sinalansan ko ang pang-bahay saka pang-alis, sinunod ko namang ayusin ang mga dala-dala kong abubot para may design naman ang room ko, kunti lang naman.
After that I check all my files and important documents I needed here. Scanning them all, trying to find if I forgot something.
I am so engrossed with it that I saw this old envelope, light brown na siya, kupas na, katulad ng pag-ibig niya sa akin, kumupas na din.
Wala sa sariling inabot ko yon at binuksan, it was his first letter to me. Liham na nagpapaalam nang kanyang saloobin para sa akin.
I know, he did the very old way of courting, sending me letters and poetry.
Hindi ko lang noon namamalayan meron na pala akong sulat sa table ko, sa locker and even in my house, lahat yon galing sa kanya, sulat-kamay pa.
I unfolded the paper, marahan kong ginawa yon para hindi mapunit, nabasa kasi to noon but I still kept it as a remembrance, that somehow he really loves me, then.
Actually I've read it so many times that I memorized it all in my mind and tattooed it all in my heart.
Pero nagiba na, dati kasi pagbinabasa ko to, kilig na kilig ako, pero ngayon ang sakit na.
Sobrang masakit dahil ang dating masaya, ngayon isa ko na lang palang ala-ala.
My eyes got misty when I started reading his old love letter, para ang tanga lang.
Dear; Kreiya,
Hi Mahal, hahaha, O diba advance kasi ako mag-isip, wala kasi akong ibang gustong itawag sayo kundi yan, practice lang. Well, this is my very first letter to you, ngayon lang kasi ako nagkalas-loob, you know torpe stage strikes, but I really like you Krei, mahal.
Maybe you find this corny or old school but I still don't have the confidence to tell it to you face-to-face so I resorted giving you a love letter.
I just wanted to tell you that your always be the source of my sunshine, my happiness in my darkened days. Ikaw lang ang tanging dahilan kung bakit ako pumapasok sa school, my hardcore inspiration. Pagnakikita ko na kasi ang maamo mong mukha parang ang ganda-ganda lang ng mundo ko. (Yiikes ang corny ko sa part nato✌) but that's the truth, I've been fascinated by you since we're freshmen.
Ikaw lang talaga ang nakahooked ng atensiyon ko, wala na akong ibang babaeng ginusto simula noong nakita kita. Ayaw ko kasing isipin mong niloloko lang kita kahit wala pang tayo, loyal kaya ako sayo.
Sayong-sayo lang ako, ang puso ko at buong pagkatao ko, Krei mahal. Kasi ang nervous and respiratory system ko inangkin mo na din, sa iyo ko lang kasi sila nafe-feel na gumagana, lalo na pag dumadaan ka, higop lahat ng hangin at nanginginig buong katawan ko, mahal. (ka- cornyhan part II✌)
I hope, you have time reading this confession of mine, sana hindi mo ako pagtawanan (sana). Gusto ko lang kasing malaman mo ang paghanga ko para sa iyo. Ang totoy pakinggan pero crush na crush talaga kita, mahal.
My friends been laughing at me for being so torpe, pero nakakatorpe ka kasi talaga. I swear! For me, you have always been so fearless and carefree, you possessed such positivity and strong will. Parang nakaka- intimidate kang lapitan, I've tried but as always I can't.
Ang ganda-ganda mo po kasi talaga.😍
Kaya ngayon magtitiis muna akong tumunghay sayo ng patago, ang palihim kang titigan pag ika'y nasa malayo. Yong tawa mong nakakagaan lang sa pakiramdam, your smile will always lift up my mood and set a happy vibes in me.
Kaya habang wala pa akong lakas ng loob na harapin ka, I will just send my love to you through letters. I just wanted to express my deepest and honest feelings for you, mahal.
Maybe, tama na muna, parang papuntang MMK na kasi tong sulat ko. Next time ulit ah sana mabasa mo to, para malaman mong merong isang taong humahanga sayo, ako yon.
More unexpected and unplanned meet ups and happenings, mahal. Don't worry I'm saving all my likings for you, I'm very much loyal guy. Iyong-iyong ako, promise.
Take care cause I care, alam ko namang gusto mong alagaan ko rin ang sarili ko para sayo, dahil malakas ka sakin, I will, mahal. (Assuming ako sa part nato😁) but let me end this letter by saying:
I'm incrush with you Kreiya, mahal Hahaha I wab u.🧡
Yours truly, S.R.L
P.S: sulat kamay ko yan, yieeh ganda no? Kasing ganda mo. Byebye na muna, my love. Mwah.
A small dry smile broke into my lips.
Starting that very first letter, he became my secret admirer, for almost two years of being unknown and a mystery, he then finally showd up when we are college, nakaipon na daw kasi siya ng umaaapaw na lakas ng loob.
I was so shocked because I didn't expect it to be Sydtron Reage Luces, he's a snob and known for being the blacksheep of their group, pero siya pala ang nagpapadala ng sulat sa akin at regalo.
Hindi ko alam na may tinatago pala siyang kasweetan sa katawan at sobra-sobrang kalandian kasi ganoon siya sa mga sulat niya, flirty and funny.
I can still remember our very first meeting sa School Aquaintance yon, lahat kami required sumali, masquarade was our theme that time. We all wore glam gowns, jewelries and bragging bags, ako lang ang walang partner non, though hindi naman talaga kailangan.
Parang kahapon lang ulit na muling nagbaliktanaw ang pangyayari sa utak ko, every happenings in that special night for both us.
FLASHBACK starts in here..
I was sitting alone in our designated table, all my blockmates were busy partying, chatting with everyone, this is our acquintance day, where all levels are here to socialize and welcome all the freshman. Ako lang ang hindi nageenjoy ngayon, wala kasi akong jilig sa mga ganitong kaekekan. Basta makagraduate lang ako. Okay na sa akin.
Ang paplastic naman kasi nong mga tao dito.
I'm scrolling down my soc. med. when I heard a muffle of coughs. Probably wanting to get my attention, but I ignorned them all. I was just pretending not noticing their precense, andami kasi nila, mga seven yata?
Alam kong may inaalaska sila kasi naririnig ko ang hagikhikan nila sa likod ko.
I felt someone lightly tap my shoulder, doon lang ako sa kanila napalingon, kunyari sanang nagulat ako pero nakakagulat pala talaga kung sinu-sino ang mga lalaking to.
Isa-isa ko silang minasdan, I hardly swallowed my saliva, I nervously gave them a weak smile. Why the ep are they here?
Mali ba akong na-occupy na seat?
Kanya-kanya naman silang upo sa binakanteng upuan ng mga kasama ko kanina, giving me their enegmatic and charming smiles. Ang popogi naman ng mga nilalang nato, walang tapon.
I was just staring at them with confusion, I don't see any reason for them to be here, with me. I don't personally know them, but they are popular sa school ko dati.
Someone smile at me ang extended his hand. "Hi Krei, I'm Gykre fr. Engr. Dept and they're my friends."
Tinuro naman niya ang mga lalaking nakapalibot sa akin. Tumango at tinanggap ko naman ang pakikipag-kamay nilang lahat, isa-isa din silang nagpapakilala sakin, Gykre, Keir, Rage and so on.
It was so awkward, kasi wala naman akong masabi, akala ko kasi sa room lang ang usong 'on-the-spot' sa kanila rin pala. Nagulat naman ako nong may bigla silang binatukang lalaking katabi ko, naparay pa siya.
"Hoy Syd, huminga ka nga!"
Pangalaska sa kanya ni Rage at tumawa silang lahat. It was like their inside joke, sila lang ang nakagets.
"Muntanga ka diyan."
Nagtataka din akong napatingin don sa lalaki, nakayuko kasi siya at parang hindi mapakali, he's holding a hanky. Siya nalang yata ang hindi nagpakilala sa akin. Wala yatang balak si kuya hindi kasi siya namamansin.
Tinapik ulit ni Gykre ang balikat ko giving me his approval.
"Pasensiyahan mo na Krei, ganyan talaga ang nagbibinata. Mukhang tanga lang iyan pero alam kong bagay kayong dalawa." Pangasar niya bigla sa akin.
Napa 'huh' naman ako, ano daw ba yon?
Napabaling ulit ang pansin ko sa lalaking yon, he was now glaring at Gykre. Napaawang naman yong bibig ko noong marealize ko kung sino siya, I suddenly felt my knees trembled instantly.
Nagapiran naman sila except sa amin. "Oo Krei. Hayaan mo nalang muna siyang maabsord na sa wakas nalapitan ka na niya. Ang tagal niya kasing naghintay ng tamang pagkakataon, feeling aldub kasi yan. Pabebe." Yvanne also teased him.
"Kailangan pa niya nang backup para lang makalapit lang sayo, ang laking tao pero ang pabebe lang."
Senigundahan naman agad. "Arte kasi, daig pa ang babae sa daming alam. Pero okay siya, bae basagulero lang yan pero maha-"
"HOY! MGA PUNYETA KAYO. UMALIS NGA KAYO DITO, ANG PAKIALAMERO KAYONG TANGNA NIYO!"
Nagulat naman ako nong sumigaw bigla ang katabi ko at pinutol ang pagsasalita ni Rage, making them bursted in laughter after.
"Oy, ang image pre, masira. Dahan-dahan lang. Dapat maginoo ka." Tawang tawang sabi ulit ni Keir.
"Huwag mong ipakita ang kabaitan mo." Sarkastikong wika ni Rage.
Inis na nagsalita siya kay Rage pabalik sabay umang ng kamao niya.
"Ang mga gagago niyo kasi, susuntukin ko na talaga ang bunganga mo Rage sa kadaldalan mong punyeta ka." He warned but it was just ignorned.
Keir seemed so annoyed. "Ang hina mo kasi tol, para kang wifi namin, nakakapeste sa bagal." Sabay kamot pa ng noo.
"Oy magpakilala ka. Ikaw nalang ang hindi pa kilala ni Krei. Pamamon kana dude."
"Pa-special kasi." Bulong ni Yvanne at tumawa pa ng pangasar.
Sinagot lang siya ng isang malutong na fuck you at middle finger sign na ikinatawa nila lalo.
"H-hi Krei, I'm S-sydtron R-reage. I'm happy to see you this close." Nagkakanda-bulol niyang pagpapakilala sakin.
He has this awkward smile and nervous state. Dahan-dahan ko namang inabot ang kamay ko sa nakalahad niyang kamay, giving him a small smile.
"Hello, I'm Kreiya. Nice meeting you, Syd."
We shake hands, he was gripping my hand tightly. Ang tagal bago niya binitawan yong palad ko.
Nakarinig naman ako ng mga pang-aalaska sa kanya ng kaibigan niya. They even made their glasses clinked noisily that got everyone's attention, tapos sabay pa silang sumigaw sa amin ni Syd ng:
"Mabuhay ang bagong kasal este magka-kilala. Yieeehhh. I'm so proud of you Syd, graduate kana sa pagiging torpe mo. Grabee pre akala ko road to forever ang katorpehan mo eh."
Pinalakpakan pa kami nong mga kaibigan niyang mga siraulo. Pulang pula naman ang mukha ko kasi marami sa aming nagmamasid, nagtataka kung bakit nila ako kasama.
Suddenly the crowds attention was shifted to us. Tila gustong malaman kung bakit ako napasama sa grupong to.
Syd face ashen as he heard his friends craziness.
"Punyeta talaga tong mga gagong to." Narinig kong bulong ni Syd, at marahan niya akong pinatayo.
He looked at me and heaved a heavy calming breath.
"Let's go somewhere else, mahal. I want to tell you something. Let's leave them here." He asked softly, asking for my permission.
Nagiritan ulit ang mga kaibigan niyang nakikinig sa amin.
'Yarn, galawang breezy.' Theo
'Wosh, si Syd pala ang ika walong Hokage.' Bret added.
'Punyeta, kinikilig ako bru.' Kier widely grinned back
'May paholding hands na agad.' Yvanne sabay apir pa kay Kier.
'Howow! Improvement ka tol.' Gykre just tap his shoulder.
'Sana all may jowa, sana all maaaahaaal.' Rage sabay halakhak pa ng malakas.
Puro pangaalaska nila sa amin ni Syd. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanila, nahihiya na kasi ako.
Punyemas naman kasi, ano bang nangyayari sa kanila bat nila kami tinutukso? Napatingin ulit ako kay Syd, na naghihintay ng sagot ko, kinakabahan ako actually.
Parang ang seryoso niya kasi, isang snob to eh. Mukhang asar na siya sa mga kaibigan niya. Kaya ako ang binalingan niya ulit ng pansin.
"Let just dance, Krei." He offered again at doon na ako napatango.
Gusto ko rin naman na kasing takasan ang pangasar nila Rage, na hanggang ngayon hindi parin nakamoveon.
"Ayos tol, galingan mo ha!" Narinig ko pang sigaw ni Rage sa amin habang paalis na kami.
"Tandaan mo proud kami sayo!"
Inalalayan niya akong papuntang gitna ng ball. Meron naman doong ibang pair na sumasayaw, when he encircled his arms on my waist I just fixed my stare on the ground, nahihiya kasi ako.
Mukhang okay lang naman sa kanya kasi hindi siya umimik, tahimik lang kaming sumasayaw sa gitna.
I can feel his heavy breathing and tense movement.
Kasi ganoon din yong nararamdaman ko ngayon. My heart was not in her normal beating, para akong tumako sa 100m dash. First time ko pa tong ginawa ang makipagsayaw sa lalaki kasi. I'm so nervous.
Lalo't siya pa ang nasa harap ko.
Bigla namang namatay ang ilaw sa paligid at may nagsalita sa gitna. Nakarinig naman ako ng hiyawan sa paligid, probably giggles from girls in here.
"Hello everything este everyone. Makikiamot muna kami sa spotlight ngayon. We are here to sing a song to this special girl. This song is dedicated to our friend's love interest, tol sana masaya ka ngayon. Well, halata naman ginusto mo to, paniguradong iyak to maya sa sobrang saya, diba Syd? Ehem baka namen? Hey Krei bae, this song is for you. Kami pala ang bandang The Lost Echo, hope you enjoy guys." Parang boses naman ni Rage ang naririnig kong nagsasalita.
Nagsimula ng tumugtog ng banda, I suddenly looked up. Just to see Syd's handsome smiling face, welcoming my stare with his bluish eyes staring back at me.
"Atlast, you look at me, Krei. Hello there, mahal." Sabay pakita ng nakakalaglag laway na ngiti sa akin.
"You look so dashingly beautiful in my eyes tonight." He added smoothly.
Napaawang ang labi ko sa papuri niya. He only said that pero buong pagkatao ko yata ang nanginig noong marealize ko ang sinabi niya.
Tama ba ang narinig ko? Mahal? As in mahal? Yung sa letter, ganoon din tawag sa akin eh.
Siya ba to? Si Syd talaga? I cannot!
He swayed me softly, as Rage's band sang a lovesong. Mas nakakadagdag sa atmosphere namin ni Syd, so this is for me? Ako ang kasayaw ni Syd ngayon eh.
I swallowed hard, barely keeping myself not to faint.
Later on, he was saying things that made my breath hitched out of the unknown feeling his giving me.
Speaking softly near my ear. "I've been dreaming to hold you like this, Mahal. Ops, Okay lang ba na mahal ang tawag ko sayo? Mahal naman kasi kita eh."
Wala akong magawa kundi mapatanga sa banat niya. Pati yata ngalangala ko nawalan ng hangin.
Puntangina ng times two, ang puso ko bes. Nalaglag bigla. Bakit ang dali lang sa kanyang gawing abnormal ang katawan ko?
He chuckled at my shocked face. "Okay silence means yes, As I told you in the letters before, I've been boosting my confidence so that I will have the guts to be close to you, just like this. Ilang beses akong nangarap na namalapitan kita, pero ngayon lang ako talaga nag ka lakas ng loob, yong umaapaw talaga. Ang torpe ko kasi I hope you read all my letters. I know ang corny ko." He slightly chuckled.
I shook my head in disagreement. "Hindi, ang sweet mo kamo."
Hindi ko mapigilang sabihin, totoo naman kasi. I will choose handwritten letters than sweet soc. med. brags. I saw him smile sweetly at me, papogi eh.
Mukhang nakahinga naman siya ng maluwag after he heard that.
"Thank goodness for that, akala ko kasi nababaduyan kana sa akin. Sila Gykre kasi pinagtatawanan na ako dahil ang torpe ko. Nakaka- lolo daw kasi ang paraan ko. Ang classic kasi, masyadong makaluma."
He laugh again and he then buried his face on my neck making me stiff. "IlikeyouMahalIreallydo."
"Huh? What?" I heard him pero hindi ko siya maintindihan, parang kinain niya lahat ng words eh.
He chuckled like a kid. I felt him caged me closer to him, as he straighten his back again.
Ilang inches nalang ang pagitan naming dalawa. He was staring at my face making me feel more awkward toward his intense stare. He took a deep breath. Ang bilis niya pero naramdaman ko talaga ang pagdampi nang labi niya sa noo ko, then he caress my face softly.
"I like you, Krei mahal. I really do." He uttered with his outmost sincerity.
My heart started beating erratically as I felt this tingling sensation enveloped my whole being when he confessed.
Nananaghinip pa ba ako? Ako pa ba to?
Bakit may biglang ganap na ganito? Hindi ako prepared sa confession niya.
I was stuck in the moment, speechless and unmoving.
I saw him scratch his forehead, as if he's in shame in saying these words.
"I know I shock even scare you with this but I'm tired of hiding my feelings for you, mahal. I said that it would be now or never, I like you or even more than that but I won't scare you off farther more. I just want you to know my purest intension. Gusto lang talaga kita Krei, mahal."
He continue confessing to me. "Gaya nga sa mga sulat ko Im incrush with you. Matagal na, highschool palang tayo. Pero dyahe eh, ang amats ko sayo hindi ko talaga kayang mawala, ikaw lang ang hindi nagbabago sa akin. And yes, I'm your secret admirer mahal, the letters, flowers, gifts it's all my representation of my love for you. I'm the one who has this hidden fascination in you. Well ngayon hindi na siya hidden."
He lifted up my chin and make me face him. His bluish eyes darted into mine, making me drawn to stare back at him.
Sa hinaba haba ng sinabi niya wala akong maisip na isagot, para talaga akong nasa roller coaster ngayon at para akong mahihilo sa mga salitang nang gagaling sa kanya.
Nakatanga lang ako at pinapanood ang labi niyang marahang gumagalaw.
He sheepily give me his lopsided grin. "So again, Hi Mahal. I finally have the courage to say this to you. Huh! Sheesh. I really like you so..." he cutted his words.
Ako naman ang napakunot noo. Anong so? Mas pinapakaba niya ako promise. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko at halos hindi na ako makahinga sa sobrang halo halong emotion.
Tapos bibitinin niya pa ako. Unfair lang!
"So?..." I asked eagerly.
Prying my stare in his eyes, wanting to know his thoughts. Napakamot naman siya ng batok niya, sabay ngiti sa akin ng may kaba.
He cleared his throat. "Ahmn. Ano, mahal. Sayaw ulit tayo."
Yun lang ang sinabi niya at giniya ulit akong sumayaw. Parang ang tanga naman nitong si Syd, sasayaw lang pala ang dami pang sinasabi.
We started dancing again, yung spotlight sa amin na nakakatutok.
Ang ganda rin noong background music namin. I was enjoying myself, feeling the warmth Syd's giving me as he caged me inside his arms.
When suddenly I heard him say these shocking, untimely words...
"Mahal, pwede bang manligaw?"
"Oo, ops!" Wait..... Anoo daw?
I was shocked and dumb-founded at this moment.
*****
______________________________________________________________________
HAPPY READING!
🤙👍✌
A/N: next po ulit ang nekereen nila Syd and Krei.