KREIYA
AGAD akong napasandal sa kotse ni Wyran nong nakapasok na sa loob si Drix. Grabe ang kabog ng dibdib ko, I am trembling and out of breath. Was it Syd? Siya ba iyon? Or nagkamali lang ako?
"That's Sydtron, Krei." Pagkompirma ni Wyran habang nakatitig sa akin. "But seems like he doesn't recognize us."
I nodded my head in agreement, hindi niya nga kami kilala, though he said Wuran looks familiar. Anyare sa kanya? Does he just pretended he never know me...us? Pero mukhang legit naman ang mukha niya kanina at hindi nga siya nagkukunwaring hindi kami kilala.
Fvck what's going on? Halos mapatakbo pa ako kanina nong narinig ko siyang nagsalita habang kausap ko iyong batang babae, it feels like I saw a ghost, my nightmare in flesh.
Kung hindi lang nandito si Drix baka nagkumahog na akong umalis sa harapan niya but as soon as he darted his blank stare on me as he introduce himself, tila mas naguluhan pa ako.
"You okay?! Hoy huminga ka nga!" Utos ni Wyran sa akin habang pinaloob niya ako sa kanyang mga bisig.
"Well, mabuti ngang hindi ka niya nakilala. Siguro kasi nag glowup ka, medyo gumanda ka kasi paglipas ng taon." He kidded but in a serious tone.
"Tangna mo, Wy bakit medyo lang?!" I spank his back bago ako kumawala sa kanya.
Patuya siyang pumalakpak. "Wow dapat nga maging thankful ka kasi, may medyo nakita pa akong kagandahan sa iyo."
Kusang umangat ang gilid ng labi ko dahil sa pangasar niya. Alam ko namang gusto niyang pagaanin ang loob ko pero hindi, mas lalo akong naasar sa pagmumukha ni Wyran, na ngisi-ngisi.
"Pakyoi ka ng hard!" I showed him my middle finger, pasimple nga lang baka kasi makita ni Drix, ulirang ina pa naman ang tingin sa akin ng anak ko, dinidemonyo lang ng lalaking to.
He laugh while messing my hair agad ko naman iyong tinapik. "Thy alam mo baka ganoon ka kadaling kalimutan kaya hindi ka niya matandaan. Kapalit-palit ka kasi kaya hindi siya nagabalang alalahanin ka."
He said brutally straight, though I got his point. Ngising aso lang ang sinagot ko sa kanya. Hindi na ako ulit masasaktan no? Kinontrata ko na ang puso kong maging bato sa pananakit niya kung sakali man.
"Maybe pero hayaan mo na. Mukha naman siyang happy sa life, malaki narin ang anak niya no?!" Pagkukwento ko kay Wyran na ngumisi ulit.
"Sige ba kunyari hindi ko narinig ang kapaitan sa boses mo. Well, good for him then. Akala ko kasi nabaog na siya umpisa non—"
I darted him my glare and he cutted off his words, he then flash me with his apolegistic grin. "Sabi ka nga tatahimik na!"
Napailing na lang ako, because I know what he meant. "Halika na nga baka naghihintay na ang Lolo mong pinaglihi sa sama ng loob."
Ako na ang nagyaya at naunang pumasok sa loob ng kotse para samahan ang anak kong subsob na naman ang mukha sa phone niya at naglalaro ng ML.
"MOM! I KNOW WHAT YOU HAVE IN MIND! I'M WARNING YOU!" He demanded kahit hindi siya nakatingin sa'kin kundi sa laro niya.
Napangisi ako, huli ka Krei. "Ang judgemental, bakit ano bang gagawin ko?"
"Stop it Mom, alam ko na ang modus mo. Please, don't meddle with my phone this time. I won't give it to you." He replied.
Natawa naman si Wyran na ngayo'y pinapaandar na ang kotse. "Ayan kasi ang hilig mong mangulit, sabi sayong huwag mo siyang iistorbuhin, Kreiya!"
Asar kong tiningnan si Wyran, ang salarin kung bakit nalaman ni Drix ang larong kinakaadikan nilang dalawa ngayon. "Alam mo kasalanan mo ito eh!"
He just gave me a mocking smile before he stared Drix. "Rank game ba iyan, Drix?"
Nakita kong tumango lang si Drix naikinatawa ni Wyran, ganyan sila ka nice talking dalawa pagnagumpisa na silang pumindot diyan.
Sinapok ko ang braso ni Wyran, naasar naman nabinalingan ako ng tingin. "See?! Kasalanan mo talaga ang lahat!"
"Mom, stop bullying Papa Wyran." Agad na pigil sa akin ng traydor kong anak.
"Yeah, Sydrix ang bully talaga ni Krei my loves." Dagdag sulsol pa ng kurimaw nato.
"Ahhh ewan, magsama kayong dalawa. Sana malosetreak kayo!"
"HEY! YOUR SO BADLUCK!" They said in unison both pissed. I just laugh at their crinkled face.
NANDITO kaming tatlo sa bahay ng Lolo ni Wyran na si Lolo Wryth, pinapatawag niya kasi ang apo niyang gala. Naiwan kaming dalawa ni Sydrix dito sa sala nila dahil binilinan ni Lolo Wyrth ang katulong nilang ipadiretso si Wyran sa taas sa opisina ng Lolo niya.
"Pst, Sydrix hindi ba sumasakit ang mata mo diyan sa katututok mo sa cellphone, kanina ka pa ah."
Medyo may pangaral na naisatinig ko kay Sydrix na tila walang pakialam sa kanyang kapaligiran.
"Mommy last game ko na po. Wait lang, I'll gonna defeat these mahihinang nilalangs."
Natawa naman ako, kay Wyran niya na naman napulot ang ganyang salita. Hinayaan ko nalang siya at pumunta ng kusina nila Wyran, nagugutom ulit ako. Alam ko ang pasikot-sikot sa loob ng mansiyon nila Wyran.
"Hi Yaya Kuling!" Pambungad ko kay Yaya na gumagawa ng sandwich para siguro sa'min. "Tulungan ko po kayo."
Lumapit na ako sa kanya at inumpisahan ng palamanan ng tinapay, gardenia.
Lumawak ang kanyang pagkakangiti ng makita akoo. "Abay Kreiya mabuti't nauwi na kayo ni Wyran. Ang tagal niyo ding nawala bago kayo dito bumalik, may anak pa kayo."
Natawa ako sa pagkaexcited niyang magkwento, close kami ni Yaya Kuling kasi simula noong nagkaklase kami ni Wyran palagi kaming nandito sa bahay nila, kumakain.
"Oo nga po. Medyo kailangan yata siya ni Lolo Wryth kaya no choice. Kamusta naman po kayo dito?" Pagliliko ko agad ng usapan.
"Hay naku hija andami ng nagbago simula noong umalis kayo, mga ilang taon nga ulit? Siyam hindi—walo. Tama sabay pa kayong nag-alsabalutan ni Wyran noon, hayst!"
Napangiwi ako kasi feeling ko ipapaalala lahat sakin ni Yaya ang nakaraan pero siyempre wala na akong paki doon kaya nakinig lang ako sa kanya at kung minsay nakikisabat na din.
"Ako nalang ang magdadala ng snacks ni Drix kila Lolo ka na lang Yaya." Inagaw ko sa kanya ang tray na may lamang merienda namin ni Drix.
"Oh sige hija, key gwapo ng anak niyo ni Wyran." She cheekily commented then walks away.
Nakakanganga akong naiwan don pagkarinig ng sinabi ni Yaya.
"Inay yung pagkain ko!" Sigaw ng anak ko sa sala.
"Sandalee, wag kang atat 'dol!" I shouted back in mockery habang papalapit na sa kanya. "Oh pagkain mo, tapos na ba? Did you win?"
He raised his brow on me. "Of course Mom, ako pa ba?!"
"Ang yabang mo boy!" Natatawang ginulo ko ang buhok niya na agad niyang tinapik. "Why? Mas gwapo ka pag messy hair!"
He just glare at me. "Stop Mom ayaw kong pinagkakaguluhan." He grinned then.
Napapalatak nalang ako. "Batukan kita eh!"
Hindi man lang niya ako ulit sinagot at nagumpisa na siyang kumain ng sandwich, he focused his eyes on Tv. Napaikot nalang ang mata ko sabay kagat ng tinapay. Nilibot ko ang tingin ko, ganoon padin, it still screams sophistication, grandoire and classy. Ang ganda kasi talaga ng bahay nila Wyran, a really big mansion, mula sa mamahaling kasangkapan hanggang sa mga paintings and big vases nila na collection pa yata ng Lola Yelenna niya. The chandeliers and grand staircase na para ka talagang nasa royal palace. Then they're vast beautiful garden, na meron pang malaking fountain na mas nagpapaganda ng tanawin pagminasdan mo mula dito sa loob.
"Mom, Papa Wyran is so mayaman but why are we staying in a simple house in a small town." Bigla nalang nausal ni Deix habang hindi inaalis ang tingin sa Tv.
Napatikhim tuloy ako ng wala sa oras, nabaling ang titig ko sa mukha ni Drix.
"Why Mom?" He asked again.
Napahugot ako ng malalim na hininga, bago ko ginulo ang buhok niya.
I sighed again. "Eh kasi anak, uhm may nangyari lang dati na hindi naging madali sa'min ng Papa Wyran mo at kinalangan naming iwanan ang nakasanayan naming buhay dito." Maingat kong paliwanag sa kanya, nakikiramdam.
He nodded his head at tila nagiisip. Buong akala ko'y tapos na ang usapan namin pero muli siyang nagsalita.
"Was it because of me?" He simply throw that question but it made me speechless.
"Ako iyon pangyayari na iyon diba?" He asked further while staring at me.
He seems so sure about what he said that it makes my heart rapidly beats, hindi ako nainform na may pa question and answer portion pala ang anak ko ngayon.
Kinakabahang tumawa ako at tinapik ang pisngi niya. "Alam mo Drix, gutom ka lang. O kaya magalaro ka nalang ulit." I suggested nervously.
Mas lalo niya akong tiningnan ng mariin, he even has this smirk. It means he doest want to drop off this topic.
"C'mon Mom, tell me. I won't buy what you said." Sabi na nga ba eh, matalino ang anak ko kaya he obviously analyze my set of words used. "Am I that situation?!"
I darted my gaze at him but he equally set his eyes on me, patagalan kung sino ang mauunang sumuko, which is me.
Kasi naluluha na ang mata ko sa ilang minuto naming eye contact competition. Napailing nalang ako bago ko siya binatukan. He laugh at my pissed state.
"I'm waiting Mom, answer me."
Kung pwede ko lang tirisin ang batang to, amph! I rolled my eyes upward. "No Drix. Hindi ikaw iyon, meron lang akong kailangan iwasang tao noon kaya ako nagpakalayo-layo, Papa Wyran was there for me kaya sabay kaming nag-exile. I assure you babe hindi ikaw ang dahilan, okay. Huwag ka nang chismoso, bawal sa bata ang maraming nalalaman, kinikidnap. Saka past is past."
Nakatingin ako ng diretso sa kanyang mata noong hinahayag ko ang mga salita nayan, para malaman niyang hindi ako nagsisinungaling, mahirap na mas marami pa tong follow up question kung sakali.
He flashed his wide grinned, defeated. "Okay, I'll concede."
"Whatever Drix! Manood ka nalang diyan, Papa Wyran will be here soon." Ginulo ko ulit iyong buhok niya na ikinainis niya agad.
"Mom I told you stop messing my hair!" Napipikon niyang pagpapatigil sa gingawa ko.
"Aniyo!" Mas lalo niya akong sinamaan ng tingin dahil kinokoryano ko siya, kunyari marunong ako. "Wae? Wae? Yah!"
"Torai!" He whispered na ikinatawa ko.
Sa ganoong kaming pag a-asaran noong narinig ko ang dumadagundong na boses ni Lolo Wryth, pababa na sila ng hagdanang dalawa ni Wyran.
"Kreiya hija, welcome back! Where's my apo?" Agad niyang hinanap ng tanaw si Drix pagkatigil nila sa unang baitang, na ngayo'y nakamasid lang sa matandang walang kangiti-ngiti. "Ikaw ba ang apo ko?"
Nakita ko ang takot sa mata ni Drix at napakapit pa sa kamay ko noong balingan siya ng tingin ni Lolo Wryth. Mas lalong humigpit ang hawak niya noong lumakad na papalapit sa amin ang dalawa kahit ako napahugot ng malalim na hininga dahil sa pagka-tense.
"Hi Lolo Wryth nice to see you again." Kahit kinakabahan ay binati ko siya ng nakangiti. "Lalo po kayong gwumapo."
He smirked. "Talaga ba hija? Mabuti naman at naisipan niyo ng umuwi dito sa kabihasnan at hindi niyo binuro ang apo ko sa kung saan dako ng Pilipinas."
Agad na tumikhim si Wyran at napangiwi, sapol kaming dalawa sa tinuran ng matanda. "Ano ba naman Lo nagpahangin lang kami doon!"
Si Wyran ang sumagot na agad siyang binatukan ng Lolo Wryth na pabalik, uminit yata ang bumbunan ng Lolo niyang pinaglihi sa sama ng loob.
He's shouting. "Ulo mo! Walong taon? Tapos iyan ang sasabihin mong rason, Wyran? Bakit ano bang hangin ang meron doon na hindi niyo masinghot dito, ha?! SUMAGOT KAYO!"
Sabay pa kaming napatalon sa gulat noong hinampas ni Lolo ang tungkod niya sa may mesita. "SAGOT!"
"Fresh air po!" Kiming supalpal ni Drix sa nagwawalang abuelo. "Mas masarap po ang hangin doon Lolo, sariwa po saka hindi mausok tulad po dito."
He fixed his angry gaze on my son, who equally stares at him with his innocent yet defiant eyes.
Pailalim niyang tinitigan si Drix bago maawtoridan na umusal. "Did I tell you to speak up, kiddo?"
"But you're asking po." He replied fast.
"Well, not with you kid."
"But it doesn't mean I can't answer." He eagerly explained. "Then you also said 'SUMAGOT KAYO!' with your angry tone po. Kasama naman po ako sa 'kayo' na iyon diba? It's plural po, you didn't pinpoint who do you want to answer you, or even said SUMAGOT KA!' so I can't meddle with that because it is meant for Papa Wyran po."
Mahabang paliwanag ng anak ko pero naroon ang kanyang pagnananais na itama ang matanda, he said that with full of conviction.
Mas lumawak ang pagkakangisi ni Lolo Wryth habang nakamasid kay Drix. "So it is my words against mine huh?
Tumango ang anak ko. "Yes po Lolo Wyrth."
Ang malakas na halakhak galing kay Lolo Wryth ang pumuno sa buong sala nila. Nagpalitan kami ng nagtatakang tinginan ni Wyran habang nakamasid sa abuelo niya.
"Torai din po ba si Lolo?!" Agad na natakpan ko ang bunganga ni Drix dahil sa sinabi niya, agad siyang pumalag.
Si Wyran ang pabalang na sumagot sa anak ko. "SHHH! HAYAAN MO LANG SIYA ANAK, GANYAN TALAGA ANG EPEKTO NG MGA GAMOT SA MGA HUKLUBAN!"
*****
CLXG_DRGN