KREIYA
"SYDTRON what happened to you?" Inenspeksiyon ko ang mukha niyang may pasa saka ang braso niyang nag kukulay ube narin. "Who did this?" I asked in rage.
Napabalikwas siya ng bangon sa kama at gulat na napatingin sa akin. "Why are you here? Just leave me Krei, wala lang to napaaway lang ako. I'm okay."
Balewalang tugon niya sa akin, nahiga at tinalukuran na ako.
I walk closer in to his bed. "Yung Daddy mo ba ulit? Sinaktan ka na naman niya? My gosh Syd, palagi nalang!"
Alam ko na kung bakit siya palaging absent o kaya naman wala siya at hindi nagpapakita sa akin ng mga ilang linggo these past years that we are together.
Syd's Dad was beating him into pulp, with bruises and cuts. Ganon ka walanghiya ang Daddy niya sa kanya, he would inflict pain to Syd and he will never say anything about it.
Kaya ayaw niyang malaman na sinasaktan siya ng tatay niya, ayaw niya akong maipit sa gulo nilang dalawa ng Daddy niya. He kept it and I know it already, nadulas si Rage na at sinabi sakin ang pambubog kay Syd at ang sobrang strikto ng Daddy niya sa kanya, kaya kahit kaunting pagkakamali lang he will beat him up.
He face me again and sat up in his bed. Nahihirapan siyang gumalaw. He deeply sighed and spoke. "I'm okay Krei, you don't need to fuss about it. Okay lang ako mahal. I can endure my father's cruelty. Nalasing lang siya kagabi kaya ako ang natyempuhan niya. Come here, shhh. Don't cry, I told you I'm okay."
Hinila niya ako papalapit sa kanya at masuyong niyakap I rested my face on his chest at doon na humikbi. "Kasi naman eh, tingnan mo nga oh. Ang laki ng pasa mo, meron kapang cut sa labi mo. Ginamot mo na ba to? Where's your med. kit? Hindi ka ba magsasawa sa pananakit niya sayo? My gosh! It must be so painful. Saan banda ang gamot mo?" I sob and inspect all his bruises.
Tinuro naman niya kaya kinuha ko at inumpisahan nang linisan at nilagyan ko na din ng oinment ang mga sugat niya habang humihikbi. Hindi ko mapigilan ang luhang kong patuloy na tumutulo, wala akong sugat pero ako ang nasasaktan para sa kanya.
Ang dami niyang sugat sa katawan, he has a black eye, chopped lips, maga din ang ilong niya at meron pa siyang pasa sa dibdib, siko at may hiwa siya sa kanang braso.
Naawa ako sa kanya dahil alam kong mas masakit to para sa kanya, hindi lang naman kasi physical pain ag dinudulot ng ama niya sa kanya. Alam kong marami din siyang binitiwang masasakit na salita para kay Syd, ayaw niya mang malaman ko pero alam ko.
Sinabi ni Rage sa akin ang lahat ng kasamaan ng Dad niya sa kanya. Maingat kong nilapatan ng gamot ang mga sugat niya, dahan dahan dahil ayaw kong makadagdag sa paghihirap niya.
I stood up and stare at his face. "There done. Sana naman Syd tigilan na ng Daddy mo ang kakasakit sayo. Tingnan mo nga ang sarili mo, hindi na to tama! Paano nalang sa susunod? Kung mas malala pa dito? Syd, ayokong nasasaktan ka. Minsan ka na nga lang umuwi sa kanila sinasaktan ka pa. Ikaw naman huwag ka nalang kaya umuwi sa bahay niyo? Dito kalang, para wala na siyang chance saktan ka. Huwag ka ng pumunta doon. Just stay here, stay with me." Pagmakaawa kong mungkahi kay Syd na nakatitig lang sa akin ngayon.
Marahan niyang hinaplos ang kamay ko at hinalikan. I watched him as he stares back at me. Giving me his assuring wide smile kahit may pasa gwapo niya pa din.
"Okay lang ako, Mahal. Si Tita kasi gustong makita ako kaya I go there, hindi naman namin alam na uuwi pala ng maaga si Daddy and he's drunk." Balewalang pagkukuwento niya sa akin sa paguugali ng ama niya.
I stomped my foot in disapproval. I rolled my eyes skyward as I complained. "Everytime nalang Syd! Wala na yatang ibang alam ang ama mong gawin kundi ang salubungin ka niya ng kamao. You don't deserve this, he doesn't deserve you as a child! Nakakainis na siya!" Nangagagalaiti kong hayag laban sa ama niya.
Wala akong pakialam kong magmumukha akong walang respeto sa Dad niya pero tangina kasi hindi siya karespeto respetong tao sa ginagawa niyang pananakit sa anak niya, sarili niyang dugo pero kung ituring niya isa lang punching bag! Hindi niya na nga maalagaan, sasaktan niya pa!
Punyeta! Mabuti nalang at hindi ko pa siya na memeet at wala na yata akong balak kasi baka makagawa ako ng kasalanan pag nasilayan ko na ang punyeta niyang mukha! I hate him, galit ako kung paano niya ituring na isang pagkakamali si Syd sa buhay niya.
Masuyong haplos niya ang nagpabalik sa akin sa kitinian ko. I'm staring at his tired and veaten state. "Mahal, kalma na. Halika na dito I don't want to stress you out, kaya nga hindi ko gustong malaman mo, maybe my father was just having a bad day. Wala lang to, it will all heal. Come here. I'm okay." Pang tatangol niya pa sa ama niya.
I cupped his face and kissed his temple softly. I just want him to feel that I am here for him, na masasandalan niya. Na makakaintindi sa kanya, wala eh, hindi naman kasi tayo pwedeng mamili ng magulang, paswertehan lang kumbaga and for Syd, maybe he was so unlucky having a family that he doesn't even recognize him as a member but I'm here.
I whispered on his ear. "Nandito lang ako, Mahal. You can always count on me. I will never leave you, I love you so much Syd." I kissed him again and burried my face on his neck as I feel his tight embrace.
I can feel his agony and pleas as he spoke. Ganyan naman siya palagi pag ang tatay niya na ang pinaguusapan.
He caress my hair gently. "I already know that! I will love you, forever and always, Mahal. I'm sorry if I can't even be man and brave enough to spite my father. Wala eh, I still want him to acknowledge me as his son, gusto ko lang naman na kahit minsan tanggapin niya naman ako bilang anak niya, ipagmalaki din katulad ng mga kapatid ko. I'm longing to have a father figure, Krei, gustong-gusto ko nang isang ama, pero meron nga ako ayaw naman sa akin." I felt his faint sobs as he tried to control his emotion.
Syd may have this strong facade but inside he's a lost child, yearning for his father's affection and love.
Ilang taon na din kaming magkasama kaya alam ko kung gaano niya pinaghihirapan mapansin naman siya nong Dad niya. Maipagmalaki at maipagyabang sa iba. He will do everything to please his Dad, he will accept all the beatings, harsh words and insults coming from him. Strive hard in school, be on top because that's what he's Dad want. Tago din ang relasyon namin kasi ayaw ng Daddy niya ng may ibang inaatupag ang anak niya kundi dapat pag aaral lang.
Wala naman sa aking problema na we both keep our relationship secret and private, mas mabuti nga yong ganito walang maraming involve, walang maraming dada at walang nakikisawsaw. We both know how we love each other and that's the important thing. Mahal namin ang isa't isa. Okay na ako doon, hindi naman kailangan ibroadcast sa lahat ang relasyon naming dalawa, sapat na sa aking maipakilala niya ako sa barkada niya.
Naramdaman ko ang paghigpit niya ng yakap sa katawan ko. "Sorry kung hindi kita kayang ipakilala sa kanila, kay Tita and Dad, even sa mga kapatid ko I'm so afraid that my father will do his best to break us apart. At hindi ko gustong mangyari yon, I'm really sorry kasi hindi kita maipagmalaki sa pamilya ko, kasi ako din eh hindi nila kayang maipagmalaki, mahal."
Para akong kinakapos ng hangin dahil ako ang lubos na nasasaktan nakikitang ganito si Syd sa harapan ko. He kept this burden for too long, masyado siyang nasasaktan pero ayaw niyang ipakita at malaman yon sa lahat, sa akin lang siya nagpapakita ng kahinaan at kalungkutan. Nang pangungulila niya sa isang amang hindi siya matanggap ng buo.
I brush of the tears from my eyes as I try to control my sobs. "W-walang kaso sa akin to Syd, I know your situation. Alam kong nahihirapan ka na din huwag mo lang masyadong ipilit, wala kang kasalanan. Hindi mo to ginusto, alam ko naman kung gaano mo ako kamahal at yon lang ang kailangan kong panghawakan."
I stared lovingly at him. "Tandaan mo lang na mahal na mahal kita, Syd. Maybe one day your Dad will finally come to his senses and realize how lucky he is to have a son like you. Sobrang gwapo na matalino pa." I tried to make the atmosphere lighten. "I don't want you to overthink things it will always have their perfect time with perfect place at palagi mo lang akong kasama Syd, I won't let you down. I won't leave you alone, Mahal." I kissed his temple lightly.
He I can feel him relax and see him smiling after hearing what I've said. Marahan niya akong nilayo sa pagkakayakap sa kanay at hinaplos niya ang pisngi ko ng marahan, binibigyan ng magagaang halik sa noo, ilong at labi ko. Napangiti na din ako sa paglalambing niya.
I stare at his eyes as he gave me this intense gaze, burning me inside and making my heartbeats loud and fast.
"At mahal na mahal din kita, Kreiya. Ikaw lang ang dahilan kung bakit gusto kong gawing tama ang lahat ng mali sa akin. I want you to be proud of me, I will be the man who will love and cherish you for lifetime."
"Forever and always?"
"Forever and always, Mahal. Mamahalin kita hanggang sa hangganan, pangako." He kissed me deeply and wanting to feel his love and longing for me.
I return all his kisses whole heartedly, wanting him to feel how I love loving him everyday as time passes by. Wala na akong mahihiling pa, I already found a man who's worth loving and fighting for.
I found my home, in Syd's arms, forever and always!
XXXXX
KREIYA
"Hoy, Sydtron Reage bakit kanina ka pa nabuburyong diyan? Ano na namang sapak sa ulo mo at hindi ka na naman namamansin?" Naiinis kong pakli dahil kanina pa kami magkasama pero parang hangin lang ang kasama ko.
Napansin ko kasing wala siya sa mood pero okay naman kami kaninang lunch.
Pero ngayon uwian ko na, kita ko agad ang sambakol niyang mukha, pasan ang buong daigdig, ganoon kabigat ang dala dala niya kaya parang hindi na maipinta ang mukha niyang panay irap sa akin.
"HOY! Anong problema mo lalaki, tigil nga muna. Kakausapin kita, kanina ka pa ah? Anong hanash mo?" Maangas kong hinaklit ang damit niya at para mapatingin siya sa akin.
Asar naman niya akong inirapan ulit. Abat-! Ang taray ng lolo niyo.
Asar akong napahilamos ng mukha, wala kang mapapala sa kanya pag ganyan na siya. Meron tong kinaasaran sa akin kaya't hindi ko siya makausap ng maayos.
Malalim akong napabuntong-hininga, eto na naman tayo sa buong araw na kakasuyo sa kanya, tampururot to malamang.
I stared at his pissed face. "Hindi mo talaga ako kakausapin?"
Lumipas ang ilang minutong nakatanga lang ako sa kanya at naghihintay ng sagot pero wala eh. Tahimik pa rin siya, natampal ko nalang ang noo ko.
Wala akong nagawa kundi ang pumara ng tricycle at hinaklitko ang kamay niya pasunod sa akin. Total pauwi narin naman kami. Tahimik lang siya sa tabi ko, ano bang ginawa ko at nagkakaganito to ngayon? Sobra pa to sa babae magtampo eh.
Minsan lang sana pero todo naman. "Manong dito nalang po."
Pagpara ko kay kuya at si Syd agad ang nagbayad para sa amin.
Bumaba na siya at hinintay niya naman akong makababa, at nagumpisa na kaming maglakad, mukhang nagcool down naman na siya, dahil siya na mismo ang nakahawak sa kamay ko, HHWW kami ngayon.
"Hoy, kausapin mo nga ako." I said while tapping his arms.
"Later."
Yan lang kaiksi ang sagot niya at dineadma na naman ako. Punyemas naman, ano ba ang nagawa ko? Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko sa kanya.
Sabay kaming pumasok sa condo niya, I put all my things inside his room. Tapos nagbihis na din ako ng pambahay, well meron na akong damit dito.
Minsan kasi dito na ako natutulog pagmay gimik or pag may group projects kami ng kaklase ko, ayaw niya akong payagang matulog doon so no choice siya, hinihintay niya akong matapos then uuwi na kami dito.
Lumabas na akong room pagkatapos kong linisin ang mga nakakalat niyang damit, hinanap ko ang may toyong lalaking yon.
"Hoy, Sydtron asan ka?"
I shouted while walking down the stairs. Malaki kasi ang condo niya, two floors ang sakop niya, kanya lahat to.
"Here!"
Narinig ko naman ang boses niya doon sa may kitchen. Kaya doon na ako tumungo. Naabutan ko siyang nagraransak ng pagkain sa fridge, maybe he's cooking our food. Wala akong talent diyan eh, low ang skills ko pagdating sa pagluluto.
Nakasandal lang ako sa doorframe habang nakatitig sa bawat galaw niya, he look so serious and yummy.
Alam na alam niya ang kanyang ginagawa, I can stand in here all day, staring at his handsome face and never gets bored.
Parang palagi akong namamantasya sa kagandahang lalaki ni Syd, he's a jack of all trades.
"Quit staring!" He mumbled pero hindi siya nakatingin sa akin.
Huli- pero di kulong! I chuckled, umayos ng tayo at lumapit na sa kanya, hugging him from behind. Feeling his naked body, nakashorts lang siya.
Sniffing his addictive smell.
"I love you, mon amour," I felt him stiffened and then he continue what he's doing after. "Bati na tayo." I added.
He shook his head. "Not yet."
Asar kong kinagat ang likod niya. He grunt but never tried stopping me, nangigigil na ako.
"Why? Ano bang kasalanan ko? Kanina ka pa Sydtron ha!."
Asar niya din akong binalingan ng tingin, sa side lang.
He clenched his jaw as he spoke, raising his brow up at me.
"WHY? HUH! ASK THAT FVCKIN' WYRAN!"
Ramdam ko ang asar niya habang sinasabi niya yan, kulang nalang kasi bugahan niya ako ng apoy at sa diin ng pagkakabigkas niya, akala moy naghahanap ng away.
Hinarap niya ako at tinitigan ng sobrang intense, I can feel his annoyance and rage.
"How dare him! Giving you flower and a kiss, huh-? I will punch his idiotic face if he will do it again, nakakairita siya kamo. Warn him baka in no time wala na siyang mukhang maihaharap sayo." He threatened that arrogantly.
Napalunok tuloy ako bigla sa sobrang kaba para kay Wyran, hindi to nagbibiro pag sinabi niya, gagawin niya talaga, by hook or by crook.
Napangiwi naman ako kasi wala naman maling nagawa si Wyran. Gusto ko sanang tumawa kaya lang baka ako ang mabuntunan niya ng galit. Kaya grave ang pigil kong mapahalakhak!
Punyeta langs kaya siya nagkakaganito dahil kay Wyran?
"Well, what can you say now lady? Hmm-? Kanina pa ako nagpipigil sa inyo, I don't want to make a scene kanina that's why I'm silent. You seemed to enjoy his company huh-?"
Napaangal agad ako sa akusasyon niya. Sabay tampal ng bibig niya.
"Duh- Syd! Sana lumapit ka sa amin, saka hello? Si Wyran yon kaklase ko, kaibigan ko yon, wala kaming malisya no? At siguro yong nakita mo kanina part yon ng play namin." I reasoned out.
Tinaasan niya lang ako ng kilay, tila hindi parin siya satisfied sa sagot ko. I rolled my eyes skyward sabay asar na hampas sa braso niya.
Ninoohan ko din para mas may impact!
"Heh! Tusukin ko yang mata mo eh, sabi sayong part lang yon ng play namin kah Ms. Dasinya, project namin sa kanya ang roleplay dahil wala na kaming time, kaya pinavideo nalang sa amin. Ayaw maniwala kasi, itanong mo pa kay Wyran- I mean kila Betanny kasama ko sila. Tamang hinala to, ampp!" Nagdadabog kong paliwanag sa kanya.
Totoo naman kasi, part yon ng script, bibigyan ako ng bulaklak at magaacting kaming masaya ni Wyran tapos sa may ending, ikikiss niya ako sa noo.
Kasi naman ang punuetang scriptwriter naming si Yolhawex, kami ang napiling bibida ni Wyran, e lovestory yong theme na napunta sa amin.
Alangan namang magbangayan kami diba? Saka mabilis lang namang dampi yon, hindi ko nga nafeel.
Saka para lang yon sa grade namin, wala kaming ginawang mali ni Wyran no? Kung makaarte naman tong si Syd akala naman parang hindi ako loyal sa kanya?
I darted him my glare, yung lampas buto buto niya talagang titig, he gulped hard.
So I speak out my frustration also toward him. "Saka hoy, Sydtron Reage baka nakakalimutan mong mas asar ako sa punyetang- Liumableir na yan. Hoy! Mas malandi yon kumpara kay Wyran, kala mo? Hindi ko alam na nilalandi ka non! Kung makaharot sayo kala mo wala kang jowa?"
Nangagalaiti kong sigaw sa kanya. " Para sabihin ko sayo boy, alam ko ang landian niyo. Naka screenshot lahat sa phone ko ang usapan niyo! Akala mo hindi ko alam na grabe ang landi niya sa inyo sa gimikan? She even sat in your lap and she kissed you!" I bantered back, total usapang selos na naman to.
I crossed my arms in my chest, nagstep back pa ako para makita ko kung paano na mutla ang mukha niya sa sinabi ko.
I give him my resting bitch face, waiting for him to speak his side.
Hindi naman kasi ako selosa, pero ibang level talaga ang kaharutan ng Liumableir nayon kay Syd eh, wala siyang sinasanto, kahit saan kahit kailan wala siyang pinapamlampas na pagkakataon para malandi tong si Syd.
Ang sarap na nga niyang ipasok sa drum ipagulong ng 360° tapos aalugin at itapon sa middle ng pacific ocean.
Ganoon na ako kaasar sa babaeng yon, lagi nalang siyang nakikiepal kay Syd, palibhasa klasmate niya kaya mas marami siyang time landiin ang mahal ko, pero mabuti nalang at may takot sa akin tong lalaking to, hindi niya pinapatulan ang kalandian ng babaeng snake na yon.
Subukan niya lang!
"Hey, mahal! Wala akong kaalam alam diyan, hindi ko siya pinapatulan okay? Kahit ako asar na sa babaeng yon para na siyang stalker ko. Naiirita ako tuwing lalapit at kinakausap niya ako, at para itanggi ko sayo nabigla lang ako nong umupo siya sa akin at biglang hinaklit ang mukha ko para halikan, you can ask Gykre, masama ang manakit ng babae but believe me, gusto ko siyang sampalin that time."
Siya naman ang nahihirapang magpaliwanag sa akin ngayon. Wala parin akong kangiti ngiting nakatitig sa kanya.
"Saka kayo nga ni Wyran palagi kayong magkasama, you know naman how much I hated seeing you with him?"
Saka niya ako nilapitan at niyakap ng mahigpit na mahigpit.
"You know how jealous I am, naiinis akong makitang may ibang lalaking kayang kang patawanin. Dapat ako lang, ako lang ang lalaking kaya kang pasayahin. Call me selfish pero naiinis talaga akong kasama mo si Wyran, I fear that someday he will drag you away from me."
Ako naman ang napabuntong hininga sa sjnabi niya, he always has this fear na mawawala ako sa piling, sa tabi niya.
"Hoy ano ka ba? Bestfriend ko si Wyran, alam mo yan. Wala kaming malisya sa isat isa, ikaw lang ang mahal ko Syd. Sayo lang umiikot ang mundo ko. Kaya you don't need to worry as long as were together I love you still."
"And I love you so, mahal. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Sorry if I acted that way, I'm just jealous seeing that guy kissed you. I lost control and I forgot to ask you first."
He kissed my temple gently, he always does this, I felt respected and loved.
" I won't promise not being an asshole again but be patient with me, may topak lang talaga ako kanina. Pero mahal na mahal pa rin kita, Kreiya. Im so sorry-. Bati na tayo."
Ako naman ang napahalakhak, gotchaa!
"Akala ko hanggang mamaya ka pa magiinarte. Kasi naman eh, ang seloso. Tandaan mo to Syd, sayo lang ako. At ikaw tigil tigilan mo yang si Liumableir ha? Sabihin mo din sa kanyang iba ako magalit, akala niya okay lang sa akin ang kaharutan niya? Baka doktor ang kailangan niya pag ako na ang napuno sa kanya." Ako naman ang nambanta sa naglalandi sa kanya.
I cup his face. Stare at him and saw how his eyes stares back at me lovingly.
"At ikaw lalaki, mahal na mahal kita. Kaya wag ka nang magalit sa akin at ginugutom na ako sa kaartehan mo. Luto na ba yan?" I asked him, he cooked adobo.
Ang bango, nakakatakam.
He chuckled first then he gave me a chasing kissed, delving my lips with him, I moan when he withdraw his lips from mine.
"Love you!"
He winked at me, ako namang malandi kinilig.
Nawala na ang pagkaasar niya sa akin, akala ko talaga magaaway pa kami eh, mabuti nalang may alas ako. Dapat kasi girls may screenshot tayo sa convo ng lumalandi sa bebe natin.
Ebidensiya, para mas madaling matapos ang away.
I hug him again from behind. Gustong gusto ko talagang siyang niyayakap sa likuran.
"Labyou too, mon amour." I whispered back.
KREIYA
"I ALWAYS wanted to be an engineer, building home, hindu lang basta bahay gusto ko yong pampamilya. Yong hindi lang basta matitirhan, gusto ko komportable ang bawat miyembrong nakatira sa bahay na kami ang gagawa. I study hard not only to please dad but also I want my work to be perfect, para sa future client ko."
He said dreamily about how he wanted to become a well known engineer someday.
"Isang taon nalang mahal, makaka- graduate na ako. Matutupad ko na din ang pangarap ko, exam na lang din makakatulong na ako sa company ni Dad, baka dahil dito marecognize niya na rin ang worth ko as his son."
He took a deep breath and gathered me closely in his arms, caging my body to his.
Nandito kami sa townhouse nila, we took a short break after our school days. We both decided to have a vacation, tapos meron silang bahay malapit sa beach.
Kaya nagalsabalutan kaming dalawa at heto kami ngayon, nakatingala na napakalawak na kalangitan, nakatingin sa sinag ng buwan at bilyong bilyong bituin nagniningning sa kalangitan.
Nasa rooftop kami ngayon nakahiga, staring at the indifenite sky, dreaming about our future, our goals and hopes, together.
He entertwined our fingers, helding it tightly.
"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap makamit ang pangaŕap ko, ikaw ang nagbigay sa akin ng deriksyon. You always brought light in my dark days, ang dahilan kung bakit ako masaya kahit ang lungkot ng buhay ko. My own father doesnt want me and I don't have any strenght to fight for you, pero still nandito ka parin para sa akin."
He deeply stares at me, penetrating my soul. "Kreiya, you don't know how thankful I am that God sent me an angel and I know, it's you." Making my breath hitched.
I smiled widely at him, sobrang natouch sa sinabi niya sa akin, my heart is beating eractically faster than the normal.
"I will always be with you Syd, nandito lang ako nakasuporta sayo, watching you reach all your goals in life. Mamamahalin at aalagaan ka habang tayoy magkasama. Being with you was the happiest day of my life. Hindi mo lang alam pero sayo ko lang naramdaman ang kasiyahan at makontento. Ikaw lang sapat na, sobra sobra pa sa hinihiling ko kay God."
"Kinikilig ako, mahal. Huwag kang ano diyan." He confess as he buried his flush face on the hollow of my neck.
Natawa naman ako sa ginawi niya, as usual pag siya na ang kinilig, ng haharot agad yan sa leeg ko.
"Hahhaha, love you." I mumbled and kissed his head softly caressing his hair.
"I love you too, mahal. Happy anniverary!"
He whispered back. I felt something on my finger, napabitaw tuloy ako sa kanya at napatingin sa kamay ko. I gaped in surprised, awed probably in what I am seeing.
"This ring symbolizes my unending love for you Kreiya Thyrienne, proposing my love will be forever yours, promising that my loyalty always stand with you. I will wait for the right time for both of us, mahal." He uttered seriously as he hug me closer to his chest, feeling his wild beating heart.
"Mahal na mahal kita, forever and always. Happy anniversary, mahal. Thank you for choosing me as your man, i will forever cherish and love you endlessly."
Para akong nalulunod at hindi makahinga sa sobrang saya sa pakiramdam ko ngayon, hearing him confess his love for me.
"Happy anniversary din, mon amour. Akala ko hindi mo na natatandaan." I heard him chuckled back. "Kasi naman kanina pa ako naghihintay ng greetings mo akala ko tuloy kinalimutan mo na."
"Nah— That would never happen!" He said in disapproval.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya, giving him a soft kiss.
"Wala akong ibang masabi kundi, sobrang mahal din kita. Here, this gift will not be as pricey as yours but still wear this, pinagupunan ko din to no?" I whispered and put the necklace on him.
It's a whitegold necklace with a simple pendant, an anchor kasi it symbolizes that I will be always his anchor. Nahirapan pa akong maghanap nito sa jewelry shop.
"Put mine too." Kinuha niya naman ang box ng singsing at dahan dahan na niya yong sinuot sa ring finger ko.
Sukat na sukat, saktong sakto sa daliri ko, ang ganda!
"Ayiieeehh, ang ganda naman neto, mukhang ang mahal at tunay ah." I blurted at him, totally awed watching my finger with this ring shining in under the moonlit.
So beautiful!
I felt him softly put a kissed on my cheeks and whispered back. "Mahal naman kita at kasing tunay yan ng pagmamahal ko sayo kaya I will gladly give it to you, wholly. Like how you owned my heart and my soul."
Nangilabot ako sa tono ng pagsasalita niya, sagad hanggang spinal chord ko ang kakiligang nararamdaman ko ngayon. Para akong dinuduyan sa alapaap sa sobrang saya, ang liwanag.
Kinurot ko siya sa pisngi niya we both chuckled. "Ayan, ang harot mo. Grabe makabanat ha? Pero mahal din kita, bebe. Pakiss nga kinikilig akong sayong lalaki ka! Mwaah." Siya na ang naglapit ng distansya naming dalawa, giving me this deep and long kiss.
Nakakangatog tuhod at nakakaexcite sa feeling. I let him devoured my lips, sarap eh. We both moan as I felt him lay me in a soft cushion, still sharing the knee wobbling kiss.
Nagpatangay ako sa bugso ng aming damdamin, I want him as much as he wants me I willingly surrender myself to him, to his touches, his warm kisses. Him owning my body fully as we spent the whole night making love, sharing passionate love under the moon.
Sa ilalim ng sinag ng buwan at sa ilalim ni Syd, he's insatiable. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero parang ganoon na nga. I'm tired and sated, fully felt satisfied and contended.
He carried me bried style then lay me on his bed. Naisandal ko na lamang ang ulo ko sa dibdib niya, catching my own breath.
He darted his blazing gaze at me. "As much as I want to take you again, mahal but I know I made you tired and sleepy, for now rest baby. Thank you for this night, I love you so much, mahal."
He whispered as he lay my naked body in his bed, kissing my temple gently, caressing my hair.
"I love you too, Syd." I whispered back, sleepily. A small smile broke from his lips, staring at me.
"Forever and always, mahal." We said in unison smiling widely at each other, entertwined our hands and finally cuddle to sleep.
Marahas kong napahid paalis ang luhang masaganang dumadaloy sa aking pisngi, sa pagkalala ng alaalang naiwan sa akin ni Systron, ang mga masasaya naming pinagsamahang dalawa noon. Kung gaano at paano niya pinaramdam sa akin na mahal na mahal niya ako at kami ang para sa isa't isa, sabay kaming tatandang magkasama.
Pero tatanda lang yata kami pero hindi na magsasama pa, we already lose the chance.
And I never thought or even imagine that it will be the last time our annivesary will be celebrated.
Cause here we are now, sadly living our lives apart— away from each other, broken and unloved. Maybe this is our sad never ending story, tapos na.
May ending pala tayo, siguro heto na talaga ang ating huling sayaw, ang dulo ng langit na dati'y ating nilalasap kaya't ngayo'y sabay na tayong bumitaw sa huling tono ng ating sayaw at sa aking muling pagsigaw, ito ang aking huling ihihiyaw.
Na sa iyo aking mahal ay tuluyan ng mamamaalam, kakalimutan at sana sa huli'y lahat ng alaala mo'y kaya ko ng kalimutan. Mahal pa rin kita pero ika'y sa akin hindi na, paalam na mahal ko, hanggang dito nalang pala tayo...
"HOY KREIYA, iniwan lang kita saglit, umiiyak ka na naman, shh tama na. May ulam na tayo, huwag kanang iyak diyan. Halika nga dito, shh tahan na."
He caged me inside his arms as I cried my tormented hearts out, giving me assurance that everything will be alright, someday.
"Masakit na Wyran, ang sakit-sakit pa rin sa dibdib. I love Syd, I love him still. Make this pain fade away Wy, ayoko na, suko na ako." Puno ng pagsusumamo kong hayag sa kanya habang humagulgol sa pagtangis, sa pagkasawi.
"Shhh! Tahan na, kakain pa tayo, masarap ulam ni Aling Martha, I'm here, I will never leave your side." He promised then wiped off my tears away, gazing me with his compassionate eyes.
He gently caressed my puff cheeks, soothing my weariness away, wanting to lift up my mood.
He spoke in calm tone. "You can surpassed this emotional burden stage, I know you can. Atapang a tao tayo diba? Don't let your pain over rule you Kreiya, mahaba pa ang buhay natin. Huwag mong iyakan ang taong baka pinadaan lang ni Lord sa buhay mo. Move on, enjoy living life away from him. You can always count on me, I promise I'll stay Kreiya!" I felt his soft lips on my temple, giving me a peck.
I nodded in response, I hope so too.
"Thank you Wyran, I owe you a lot, really." I whispered sincerely to him.
*****
_________________________________________________________________________
HAPPY READING!
🤙👍✌
Hit the star!⭐