Chereads / How Can I Trust You? / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

"Invitation? Bakit naman kaya ako inimbitahan?" Bulong ko sa sarili ko na may pagka halong lito.

Itinago ko na lamang ito sa bag ko bago lumabas nang classroom. Hanggang ngayon ay puzzle pa rin sa akin ang mga nangyayari. Ang una ay ang lalakeng kasabay ko pauwi kagabi. Pangalawa ang invitation na iyon. At pangatlo ang letrang "X" na naka sulat.

Hindi naman ako maaaring magka mali. Dahil mismong pangalan ko ang nandoon. Wala naman akong kilalang ibang Zill bukod sa kambal ko

"Besyy!" Asik ni Ali at kuma kaway kaway pa sa harapan ko.

Nangunot naman ang noo ko sa ginawa nyang iyon. "Bakit?"

"Ano yung white small envelope ang binigay sa'yo ni -"

"Invitation." Putol ko sa sinasabi nya na ipinagtaka naman nito

"Huh?"

Napa buntong hininga na lang ako dahil iba na naman ang tatakbo sa utak nito.

"Wala namang may b-day party sa'tin bessy eh."

Umiling na lamang ako bilang sagot. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya baka matakot lang sya kapag nilinaw ko iyon.

Matapos kumain ay bumalik na rin kami sa classroom at nakinig. Habang nagsusulat ang Prof ay kinokopya lamang namin. Nang magbalik na naman sa isip ko ang ka miste misteryong "X" na iyon.

Bigla na lamang akong kinilabutan, dahil ayokong magtiwala sa bigay bigay lamang. Ngunit sa ngayon ay parang may natutulak sa'kin na pumunta doon mamayang gabi.

Kinagabihan ay nagulat akong excited ang kambal ko sa pag punta sa party dahil nakita daw nya ito sa bag ko. Ngunit ang akala ko ay kasama sya yun pala ay hindi.

"Sabihin mo nga, kilala mo ba ang 'X' na ito." Tanong ko na ikina tango naman nang kambal ko.

"Master 'X' " Sambit nito na ikina tayo nang mga balahibo ko.

Master X? Bakit parang lahat ay takot sa iyo? at bakit pati ang kakambal ko ay nag seryoso nang mabanggit nya ang pangalan mo?

Sino kaba para papuntahin sa iyong selebrasyon?


Ano ang pakay mo sa buhay namin at kilala mo kami?


Dapat nga ba akong matakot sa'yo?


Nang matapos ang pag ma- make up at pag aayos ay saktong nandun na ang sasakyang maghahatid sa akin sa mansyon na iyon. I wear a black dress with black sandals and shoulder bag and black earrings. All black

Bago ako maka pasok ay nagpa alam na ako sa kambal ko.

"Mag iingat ka." Seryosong sambit ni kambal na mas lalo kong ipinag taka.

"I will." Papasok na sana ako nang hawakan nya agad ang wrist ko at may binulong ito.

"Huwag mong hahayaang makulong ka sa teritoryo niya nang maaga, my princess. "

Hindi na nya ako hinayaang mag salita pa at pumasok na ito sa loob kaya naman pumasok na rin ako sa loob nang sasakyan bago pa magalit ang driver.

Habang nasa byahe ay wala pa rin ako sa huwisyo nang ibinulong nang kambal ko iyon. Hindi ko alam kung may sign ba na mag iingat talaga ako or what..

Sa ngayon ay hindi ko na muna uunahin ang takot ko. Dahil sa sitwasyon ngayon ay kapag inuna mo ang takot ay pwede mong ikapahamak.

Pwes, kung makukulong ako sa teritoryo mo ay kalabanin mo muna ako, 'Master X'.