Chapter 1
Zill's PoV
Hi my name is Zillvianne Mortiñez and I'm a 4th yr college. Kind, Jolly and of course beautiful.
Nandito kami nang Bestfriend ko sa isang classroom na maingay. Habang wala pa ang guro ay nagsisi rambulan sila sa unahan dahil kita ko sila dito sa likuran kong kinauupuan.
Habang ang iba ay nag f flirt, tawanan, sampalan, sigawan. Ako naman ay kumakain lamang dito habang nagpapatugtog at pinapanood sila.
Nang makarating ang guro ay agad silang nag si balikan sa mga pwesto nila.
"Ok class, meron tayong bagong estudyante."
Pagkasabi ni Ma'am Lien ay kinilig na naman ang mga bruha kong kaklase dahil sa gwapong nilalang na lalakeng nasa harapan na namin ngayon.
"Please introduce yourself"
"Lance Neil Drinmax"
Matapos niyang mag pakilala ay nahagip nang mata nya ang pwesto sa tabi ko. Ngunit ang mga bruha ay nakuha pang mag reklamo. Inirapan ko na lang sila at tsaka tinanggal ang earphone sa tenga ko.
"Bessy!" Bulong nito
Tiningnan ko naman siya "Bakit?"
"Palit tayo nang upuan." Kinikilig na sambit nito
"Fine." Patayo na sana ako ngunit nagulat na lang ako nang may humawak sa wrist ko.
"Mamaya na kayo maglipatan." Seryosong sambit nito habang nakatingin sa harapan.
Napairap na lang ako dahil nagsalita ito na para bang magkakilala kami, tumango nalang ako at umupo ng maayos.
Nilingon ko naman ang Bestfriend ko at sinabing mamaya nalang. Mabilis natapos ang mga subjects at lunch na. Hindi na namin tinuloy ang lipatan topic dahil ma reklamo ang katabi ko.
Habang nasa cafeteria ay usapan ang mga bagong transferee sa iba't ibang section.
"Ang gwapo talaga nang katabi mo" Kinikilig na sabi nya
"Tss, imahinasyon mo lang yon." Irap ko sa kanya
"Hindi no! paano magiging imahinasyon kung totoo naman."
"Manahimik ka na lang."
"Kyaaaahhh!!!"
Sabay kaming nilingon kung saan galing ang sigaw. Dahil nga maraming gwapo sa school na ito ay marami ding sikat dito.
"My lovee!! Pierce!!"
"Akin kana lang Lance my loveeesss!"
"I love you my Prince!!"
"Hay nako! ayan na naman ng mahanging prince."
"Huwag ka ngang bitter. Past is past." Sambit ko na ikinairap na lang niya.
"Himala at ang bagong classmate natin ay kaibigan agad nang dalawa." Shocked in her face
"Hindi mahirap yan Bes"
Matapos na lang lunch at mga afternoon classes ay ginabi na kami nang uwi. Dahil lagi namang gabi. Hahahahaa!
"Una na ako bessy!"
"Ingat ka."
"Ikaw rin."
Nang maka alis siya ay hinihintay ko pa ang susundo sa'kin at malamang traffic na naman yon tsk. Habang naglalakad palabas nang school ay may nakita akong pares na paa.
Kaya naman nilingon ko ito at hindi na rin ako nagulat kung ito yung transferee, pero parang may kakaiba sa itsura nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakatingin sya sakin.
"Hinihintay ang hinihintay mo."
"What do you mean?" Takhang sagot ko ngunit hindi na ito nag salita.
Weird..
Nang dumating na ang sundo ko ay agad ako nitong pinag buksan ngunit nag taka ako kung bakit pumasok din ang isang to.
"Hey Mr. driver anong ginagawa nang lalaking ito?" Turo ko sa katabi ko
"Pasensya na po Ma'am." Yun lamang ang sinabi nya at umikot na sa driver seat.
"Bakit nga po?"
Ngunit ayaw na naman nya akong sagutin. Wala akong nagawa kundi kulbitin itong natutulog na to. "Hoy! Gising!"
Ngunit hindi ito nagigising at dun ko lamang napag katitigan ang mukha nya. Nang malaman kong ibang tao pala ito at hindi ang transferee na kaklase namin.
"I love you."
Ganun na lang din ang ipinagtakha ko kung bakit kailangan nya pang mag sleep talk.
To be continued...