Chereads / Dimension Between Us / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, at napatayo sa madamong lupa na kinahihigaan ko.

Nandito parin naman ako sa likod ng bahay nina Sally, parang wala namang nangyari maliban sa mga bulaklak na nawala, hindi kaya nasa 'present' na ako at nag-'time travel' talaga kami??

Pero kung titingnan kong mabuti parang may mali, kasi ung bahay ano, medyo naluma yata..

Nagsimula akong maglakad lakad, uuwi na sana ako saamin.. pero naalala ko kasama ko si Sally na mag-'time travel', hinanap ko sya sa may Tree House pero mukhang walang tao, sa bahay naman nila sarado.

Pauwi na ako ng bahay, pero habang nasa daan ako, may nakita akong babae, sa may harap ng malaking punong mangga.. at parang umiiyak, napatitig ako mabuti pero hindi ko makita ung mukha nung babae, parang di ko naman sya kilala, pero ung punong mangga kasi, dun ako palaging tumatambay kapag medyo stressed.

Hindi ko nalang sana papansinin at maglalakad na sana ulit ako, nang makita ko ang isang lalaking nasa di kalayuan, nakatingin sya dun sa babae,, parang hinihintay nya.. o baka naman may masamang balak, o baka naman din papa nya, nalate ng uwi yung anak tapos sinusundo na sya, aba ewan.. di ko kasi masyado makita mga nangyayari.

Halos tanaw ko na ang bahay namin, nang biglang may humila saakin, kaya napatumba ako sa.... damuhan??

"Araayyyy, grabe makahilaa"

"Sorryy Maryy Ann, kelangan kasi"

"Oh, ikaw pala Sally, antagal mo ah san ka galing? bigla ka nalang nawala, alam mong di ako sanay dyan sa powers mo eh"

"Ikaw nga tong biglang nawala eh, halika na dalian na natin, maggagabi na kaya kailangan mo na umuwi"

Bigla niya nalang akong hinila para tuluyan nang tumayo, at napansin ko na nasa likod ulit kami ng bahay nila.

"Tekaaa, bat nandito ako??" Pagtataka ko habang hila hila nya ang kamay ko at nagmamadaling tumakbo.

"What do you mean nandito ka?"

"At saka, bakit ka nagmamadali?"

Hindi na sya nagsalita kaya binilisan ko nalang din ang takbo ko.

Nakarating kami sa bahay, siguro mga nasa 7 na rin yata.

"Oh siya Mary Ann, wag ka na lang maingay sa nalaman mo ha"

"Aalis ka na nang di nagpapaliwanag"

"Bukas nalang kapag may oras" Sabay takbo palayo habang nagba-bye.

Pumasok na rin ako sa loob at napansin kong nakatingin sa labas ng bahay si Lola at parang nagmumuni-muni.

"Lola, Magandang gabi, mukhang nagdadrama ka dyan ah" pang-aasar ko.

"Hindi naman sa gano'n apo, sadyang sinusulit ko lang ang aking natitirang oras, alam ko kasi isang araw susunod na ako sa Lolo mo at susunduin niya na ako"

"Lola wag naman ganyan, sabi mo diba gusto mo pa akong makitang mag-graduate"

"Oo naman, 'yon ay kung kaya ko pa"

"Lola naman..."

"Alam mo Apo, naaalala ko yung mga panahong naguusap kami ng Lolo mo tungkol sa kamatayan.."

"Bakit Lola? Namimiss mo sya nohh.. Yiieeee!!"

"Oo naman, Matalik na kaibigan ko rin 'yon nung mga bata palang kami.. Napagusapan na rin namin ito, minsan tinanong ko siya kung anong gagawin niya kung nalaman niyang magugunaw na ang mundo."

"Ahh alam ko na yan Lola, pupuntahan ka niya at yayakapin, ipaparamdam niya sayo kung gaano ka niya kamahal at sabay nyong haharapin ang kamatayan, Tamaa??"

"Iyon nga rin ang inaakala kong magiging sagot niya ngunit.."

"Anooo??"

"Sabi niya, mas gugustuhin pa raw niyang mauna, kesa magsabay daw kami.. madami raw rason.. ayaw niya raw kasing maranasan na mawala ako sakanya sapagkat nasanay na raw s'yang kasama ako at nasa tabi niya ako, mas gugustuhin niya pa raw mauna para kapag oras ko na.. maayos na ang tutuluyan ko doon sa langit, siya na raw bahala humanap ng aming titirahan, at magaayos para raw pagdating ko magiging komportable na ako, at makukuntento ako sa buhay ko doon sa kabilang buhay. Sabi niya, kung sakaling mawala raw siya nang maaga sa buhay ko, maging masaya lang daw ako, dapat patuloy parin akong lumaban sa buhay sapagkat kahit anong mangyari nasa tabi ko parin daw sya, pero alam mo ang masakit?.. natupad lahat nang sinabi niya, na mauuna sya, hindi ko akalain na gano'n, masakit sobra pero alam kong pinaghahandaan niya na rin ang pagdating ko at muli naming pagkikita"

Nakita ko ang unti-unting pagtulo ng luha niya mula sa mga mata niya, at alam ko, rinig ko, dama ko sa kanyang mga boses ang lungkot at pagkamiss sa aking namayapang Lolo na halos limang taon na rin.

"Apo alam mo ang buhay sa unang tingin akala mo madali, sa unang tingin akala mo kakayanin mo ang lahat pero sa unti-unting pagkakaroon mo ng edad, sa pagdaloy panahon at pagtakbo ng oras, mapagtatanto mong hindi pala madali gaya ng iniisip mo. Alam mo noong panahon namin, Apo, ang mga lalaki pumupunta pa sa bahay ng mga babae at gumagawa ng kahit anong ikakabilib namin, para lang makuha ang aming mga puso. Ang mga lalaki noon, gagawa at gagawa nang paraan makita ka lamang at mapadama sayong mahal na mahal ka nito. Dati, pinaghihirapan ang pagpapalitan ng mensahe at halos inaabot pa nang ilang araw, minsan ay nahuhuli pa at nakukuha ng aming mga magulang ang sulat na ipinadala saamin na siyang dahilan kung bakit kami napapagalitan, pero sa mga simpleng bagay na iyon mararamdaman mong mahal ka talaga ng isang tao"

Grabe mga Midnight Thoughts ni Lola, ang lalim ng hugot.

"Lola, ilalayo ko muna ang topic, kilala mo po ba si Carmen Asuncion??"

Nakita kong nagulat si Lola sa itinanong ko.

"Paano mo siya nakilala Apo?"

Nginitian ko lang siya dahil di ko alam ang isasagot ko..

"Isa iyon sa mga matalik kong kaibigan, na hinding hindi ko malilimutan"

"Nasaan na siya ngayon Lola?"

"Matagal na siyang sumakabilang buhay apo"

"HUHH??" Nagulat ako sa mga narinig kong iyon, sa totoo lang, di parin ako naniniwala sa Time Travel na sinasabi ni Sally kanina pero ngayon.. Nakakatakot, nakakita ako ng taong matagal nang patay??? di lang iyon, nakausap ko pa..

"Ano pong nangyari Lola?"

"Simula kasi noong nagkaroon s'ya ng anak, napalayo na ako sa kanila, hindi narin ako nakatanggap pa ng kung anong balita"

"Kwento ka naman lola tungkol sa inyong dalawa"

"oh bakit parang naging interesado ka sakanya, ganito kasi yan apo... nagkakilala kami dahil sa hindi isang aksidente"

Tumatango tango lang naman ako kay Lola.

"Naglalakad ako noon mula sa paaralan, nang makita ko syang duguan, ung mga kamay nya may bahid ng dugo at tila takot na takot s'ya, ilang taon na rin ako noon, mga 18 na.. pero ngayon lang ako nakakita ng taong duguan, hindi naman s'ya patay ng mga oras na un, pero tumatakbo sya na parang may tinataguan. Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa kubo sa gitna ng palayan at doon sya pumasok, nagulat sya nang makita nya ako. Ngunit nang malaman nyang isa akong magaaral, pinapasok nya ako sa loob ng kubo. Napagusapan namin ang mga nangyari, pilit daw syang hinahabol ng mga magnanakaw, at ang kanyang kaibigan naman ay nabugbog kaya sya'y nagtatago na lamang. Bago dumilim ay may ibinigay sya saaking bagay na aking iniingatan sapagkat sabi n'ya balang araw ay maliligtas nito ang buhay nya, bago pa man dumilim ay tumakbo na sya palayo saakin, hindi ko na rin sya nagawang sundan sapagkat sinabi nyang mas makabubuti kung hindi ako madadamay sa kanila."

"Oh? Ano po iyong bagay na ibini..."

"Mary Ann! Mary Ann??" Tawag ni Tito John na panira sa paguusap namin, CHAR.

"Po??" sabay lapit ko kay Tito.

"Kanina pa nag-aalala sayo iyang Lola mo dahil gabi na't di ka pa nakakauwi, hindi sya nakatulog kaninang hapon baka humina ang immune system nya, kaya kung ako sayo, magpahinga ka na rin para makapagpahinga na rin si Lola"

Wala na rin naman akong magawa kasi kasalanan ko rin naman kung bakit nag-alala si Lola, kaya magpapaalam na sana ako kay Lola pero nung tiningnan ko sya, tumango sya sakin na parang sinasabi nyang, 'Sige na matulog ka na', kaya pumasok na ako sa kwarto.

Nahiga ako at gusto ko na talagang matulog pero di ko maalis sa isip ko kung ano talaga ang nangyayari, panaginip ba to, nacucurious tuloy ako. Oh! Bigla kong nakapa ung Necklace na naapakan ko kanina, tiningnan ko mabuti, akala ko kaparehas ng Kwintas ni Sally, kaya pumikit din akk habang hawak hawak iyon kaso wala rin namang nangyari, gabi parin. Kaya natulog nalang ako, baka sakaling mahanap ko ung sagot sa dreams ko hehehehe.