Chereads / Dimension Between Us / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Uwian na ng mga oras na ito kaya dumiretso muna kami dito sa Mcdonalds (sponsor na ba this? charot). Medyo marami-rami ang gusto kong i-order eh kaso wala nga pala ako masyadong nadala na pera, ano ba naman yan.

"Ako na bahala sayo Mary Ann!" Biglang sabi ni Sally.

"Ohhh talaga? Sakto wala akong pera, wag ka magalala babawi ako next time hehehehe"

"Paano akooo?" sigaw ni Czarina.

"May pera ka naman dyan eh" Sagot ni Sally.

"Dapat pati ako ilibre mo na rin, ayokong gumastos eh"

"Edi wag ka nalang kumain"

Napatingin ng masama si Czarina kay Sally, pero pinagtawanan lang namin siya ni Sally kasi para siyang batang hindi nabilihan ng lobo hahaha.

So yun na nga, napilitan nalang siya gumastos dahil di rin naman siya makakatagal doon na nakatitig lang saamin, habang kumakain kami. Pagkarating agad ng pagkain eh agad akong nagpasalamat kay Sally grabe mayaman talaga tong taong toh eh, pero may pagkaweird parin talaga sya sa paningin ko.

"Nagtanong nga pala saakin si Richard kanina, tinanong niya kung sino saating tatlo ung may gusto sa kaibigan niyang si Lance" Sabi ni Sally.

"Huh?? Sino si Lance at si Richard?" Pagtatakang tanong ko.

"Ahh oo nga pala si Richard yung lalaking pinagtanungan mo kanina Mary Ann"

"Ako, nagtanong kay Richard? Hmm sino yun? wala akong matandaan!?"

"Si Lance naman yung crush nitong si Czarina" pagpapaliwanag nya, ahhh oo yun pala yung pangalan nila.

Napatingin naman ako kay Czarina na halatang iniiwas ang tingin saakin dahil alam niya na aasarin ko nanaman sya, medyo busy rin sya sa pagkain, parang kanina lang sya etong nagpapalibre ohhh.

"Eheeemmm Lance palaaa" Pagpaparinig ko.

"Ehem ehem stalk na yan" Pangaasar ko pa, nang dahil dun napatingin sya saakin, namumula syaaaa HAHAHAHA.

"Pogi ba yun? Di naman eh, maputi lang sussss" Pang-aasar ko pa para lalo syang mainis hahahaha.

"Atleast di ako nagkakagusto sa teacherrr ehem" Sagot nya, abaaa nakikipag-asaran ka ha.

"Si Sir, pogi.. si Lance hindeee"

"Excuse me po" Napatigil kami nang biglang marinig namin ang boses na iyon. Napatingin kami at nakita namin ang isang lalaki, lalaki nga ba?

"Maari po bang maki-upo sainyu" sabi nya. Ahhh hindi, baluktot hehehehe.

"Oo naman, Have a sit Mr??" Tanong ni Czarina.

"Mr. Jeric Zillo po, Nice to meet you po, kaklase nyu po pala ako at nung isang araw ko pa po kayong napapansing tatlo" sagot niya, so Jeric pala name nya, eh paggabi kaya?? opss sumusobra na yata ako hahaha.

"Mary Ann nga pala" sagot ko.

"Sally" sagot ni Sally.

"Ako naman ang cute na cute na si Czarinaa, teka mukha na ba kaming matanda? bakit ka nagpo-po?"

"Pasensya na po, I mean sorry hehehe" Sabi ni Jeric.

"Halika maupo ka rito" Pag-aya ko.

"Salamat sainyo, pasensya na sa abala, gusto ko sanang makipagkaibigan sainyo di kasi ako masyado close sa mga kaklase natin eh" Pagpapaliwanag niya.

"Oh heto, sakto sobra ang nabili kong pagkain" sabay abot ni Sally sa isang meal na binili nya na sobra nga, at sakto para saaming lahat.

"Saakin toh? Maraming salamat sayo, Sally" sabay ngiti.

Nacucurious na rin ako sakanya kaya di ko na napigilan ang sarili kong magtanong.

"Jeric straight ka ba? I mean ano.. ahmmm may pagka-alam mo na, beki ganun?" Bigla naman akong tinapik ni Czarina.

"Ano ka ba naman Mary Ann, ano bang klaseng tanong yan,, syempre hinde sya straight" Panunukso ni Czarina akala ko kakampihan nya eh hahaha.

"Uyy grabe kayo saakin, lalaki naman ako kahit papaano" sagot ni Jeric.

"What do you mean 'kahit papaano' ??" tanong ni Czarina.

Napangiti naman si Jeric saamin at parang alam ko na ang sagot doon, sabi na eh tama hinala ko amoy malansa hahaha o ako lang yun, jokeee naligo naman ako eh.

Mahaba haba na ang nakwentuhan namin at napapansin namin na pabalik-balik na yung crew at tinitingnan kami kung aalis na ba kami hahaha nahiya na ang mga lola nyo kaya ayun, tumayo na rin kami at lumabas.

Niyaya ako ni Sally na pumunta sa kanila, nauna na kasi si Czarina dahil kakailanganin nya raw umuwi nang maaga, pumayag naman ako dahil wala naman akong gagawin sa bahay at wala namang assignments.

Pagkarating namin sa bahay nila Sally pinatuloy niya ako sa kanyang 'TreeHouse' kung tawagin. Hanep iba talaga tong si Sally eh, Mayaman talaga hahaha makautang nga.

"Dito ka muna Mary Ann, kukuha lang ako pagkain sa bahay, at may ipapakita rin ako sayo" sabi ni Sally at bumaba na sya.

Habang hinihintay ko si Sally, nagtitingin muna ako ng gamit sa paligid nitong tree house nya, napansin ko ung isang picture, medyo luma na kaya tinanggal ko ung alikabok.

"Si Sally ba toh?" Sa isip isip ko, siguro nga.. pero sino tong katabi nya? Mama nya? Tita? Lola? Or ano HAHAHAHAA, oo nga pala, di ko pa kasi natatanong si Sally tungkol sa Family nya eh.

May nakita din akong case ng necklace, kakaiba sya, medyo dark colored at may nakapalibot na mga beads, sa pagtataka ko.. triny ko syang buksan, pero may sobrang liwanag na biglang nagpabulag sa mga mata ko.

"Mary Ann gising ka na ba?" Sigaw ni Sally. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko na halos mabulag na sa sobrang nakakasilaw na liwanag mula dun sa case ng necklace na yun.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Binuksan mo ba naman yung bagay na hindi dapat nakikita ng iba, pero bakit ganun? Bakit kinaya mo.. i mean, bakit ka nandito?"

"Huh?? Anong kinaya ko? Anong nandito, eh kanina pa ako andito sa tree house mo? Anong ganun? Teka gulong gulo na ako AAAAA"

"Halika doon sa baba, at ipapaliwanag ko dun ang lahat, ay hindi.. si ina ang bahalang magpaliwanag ng lahat, pati sakin marami rin akong di naiintindihan" paliwanag nya, kakakita ko lang ng linawag, magpapaliwanag nanaman, mamaya kunin na ako ng liwanag nyan ehh, CHAR.

Dali-dali naman akong hinila nitong si Sally pababa ng 'Tree House' nya, pero..

"Wow, gan'to na ba talaga 'tong lugar kanina pa Sally?" Tanong ko, pero wala naman syang imik.

Grabee, hindi ko napansin pero yung bakuran ng bahay nila pang mayaman talaga, ngayon ko lang nakita, kakaiba talaga 'tong si Sally.

Pumasok kami sa loob ng malaki niyang bahay, at tumambad saakin ang kakaibang ayos ng mga gamit doon, mahahalata mo talaga kung gaano sila kayaman dahil may mga chandelier na nakasabit, may mga maid pa, kung pwede lang makikitira na ako rito ehhh, CHAR.

Nagpunta kami diretso sa isang kwarto, at pagkapasok naman biglang tumambad saakin ang isang babae, ang ganda niya.

"Ma, may itatanong sana ako" biglang sabi ni Sally.

Mama niya pala grabe, di na ako magtataka kung kanino nagmana si Sally, pero siguro pogi rin ang father niya hmmm..

"Oh? Sino ang kasama mo?" Tanong ng mama n'ya.

"Ahmm, si Mary Ann po, Mary Ann Asuncion, kaibigan ko.."

"How? I mean, paano sya nakapunta rito?"

Masama kaya na nandito ako, hala lagot nakakatakot naman baka kung anong kababalaghan nangyayari rito.

"Yun nga rin sana gusto kong itanong ma"

"Teka, Asuncion ba kamo?"

"Opo tita" sagot ko.

"Hindi kaya, ikaw ang anak ni Maria Asuncion?"

"Maria Lorna Asuncion po ba?"

"Oo nga siya yun, paano mo nalaman? Siya ba ang iyong ina?"

"Lola ko po iyon" sabay ngiti, pero yung ngiting kinakabahan..

"Magkaibigan kami ng iyong lola.. ngunit napalayo ako sakanya nung ako'y nagdadalan-tao"

Teka nalito ako bigla.. napakabata pa ng mama ni Sally, paanong naging magkaibigan sila ni lola??

"Ahmm.. magkaibigan po kayo ni lola?"

"Oo iha"

"Pero paano..?"

"Sally ikaw na bahala magpaliwanag sakanya, ilibot mo nalang siya sa paligid ng bahay.. magiingat kayong dalawa"

"Sige po, ma" sagot ni Sally.

"At magiingat kayo, dalian nyu lang ha.. baka maabutan na kayo" pahabol ng mama ni Sally.

Tumango naman si Sally, at dumiretso kami sa likod ng kanilang bahay. May mga pananim kang makikita, napakalago, napakaganda ng mga tanim, may mga bulaklak na mukhang dito mo lang makikita. Kakaiba!

"Ahmm, Sally ano nga pala ang pangalan ng mama mo, para naman matanong ko sa lola ko.."

"Carmen Alicando... sya nga pala Mary Ann, may ikukwento ako sayo"

"Ahm, ano ba iyon? Mukhang napakaseryoso mo naman"

"Ganito kasi yan.. di ko alam kung maniniwala ka pero nasa 'nakaraan' tayo."

"Nakaraan??"

"Nasa 'Past' ko, wag mong pagsasabi sa iba ito ha"

"Huh? Di ko alam kung maniniwala ako" unti unti na talaga akong natatakot sa mga nangyayari..

"Kaya kong pumunta sa 'past', pero dun lang sa mga part na naaalala ko.. dahil sa necklace na ito" sabay turo sa necklace na suot nya.

"Teka, teka.. so nasa past talaga tayo? Pero bakit ako nandito?"

"Yun nga rin ang tanong ko Mary Ann eh, paano ka nakasama rito.. tanging mga piling miyembro lang ang nakakagamit ng ganito"

"So parang nagta-Time Travel ka, ganun?"

"Kind of.. kasi di ko pa masyado kontrolado ang necklace na toh, tanging sa panahon lang na ito ako nakakapunta.. natatakot din naman akong pumunta sa kung saan saan baka kasi di na ako makabalik pa" pagpapaliwanag nya.

"Sa totoo lang di ko alam kung maniniwala ako or hindi eh, bigyan mo nga ako ng patunay"

Hinubad nya ang necklace na kanyang suot, at inilagay sa kamay nya. Ang gandang kwintas, Sun yung pendant nya..

"paano tayo mababalik n'yan sa present?" pagtataka ko.

"pumikit ka"

"sa totoo lang natatakot ako pero sige"

Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko, at naramdamang unti-unting gumagaan ang katawan ko na parang lumulutang ako pero di ako makadilat...