"Teka.. teka.. wag muna ngayon, di pa ako nakakapagpaalam..."
Bigla nalang akong magising nang marinig ang tawag na nanggagaling sa labas, nanaginip lang pala ako akala ko kung ano na.
"Mary Ann!! Mary Ann!?"
Parang alam ko na kung kaninong boses iyon kaya dumiretso ako sa pinto para buksan ito.
"Oh ikaw pala Sally, ... Sino siya?" Sabay turo sa isang babaeng kasama nila.
"Musta na, libot muna tayo maya-maya pa naman yung pasok eh,, ahh siya nga pala si Ella" Sagot ni Czarina.
"Hello po ate Mary Ann" sabay ngiti.
Ang cute ng batang ito ah, mga 8 years old palang siguro ito at ang taba ng pisngi niya kaya ang sarap pisiliiiin. Hinila ako ni Czarina palabas kaya muntik na ako matumba.
"Ohh teka lang, di pa nga ako nagtotoothbrush eh"
"Kaya pala kakaiba yung amoy" Sabay tawa, yung tawang nakakaasar.
"Magsipasok muna kayo at dumiretso kayo sa kwarto ko"
Itinuro ko ang daan sa kwarto ko at dumiretso ako sa banyo para magtoothbrush. Maya maya pumasok na rin ako sa kwarto at nakipagusap sa kanila.
"Teka kaano-ano mo nga pala si Ella, Czarina?" Tanong ko.
"Pinsan siya ni Sally, kasama ko kasi kanina si Sally, eh kaso naalala niyang may assignment pa pala syang di nagagawa kaya ayun, iniwan nya muna sakin tong si Ella" Sagot ni Czarina.
Napatango nalang ako at niyaya na sila lumabas. Naglakad-lakad kami, dadalhin daw kasi dapat kami ni Sally sa isang lugar na medyo luma na. Minsan talaga iniisip ko na weird ni Sally eh, misteryoso yung ugali. Nang makarating kami sa pupuntahan namin tumambad ang isang malaking gate at mapapansin sa loob ang isang luma at malaking simbahan.
Nakakamangha ang itsura ng mga pader, Halatang lumang luma na.
"Ito nga pala ang Paco Park dito kami madalas mamasyal ng mga magulang ko noon" biglang salita ng babaeng nasa gilid namin.
"Oh ikaw pala Sally, kailan ka pa nandyan?" Gulat naming tanong, kasi talagang sumulpot nalang sya bigla HAHAHAHA.
"Marami silang naikwento tungkol dito.. marami raw mga pari ang nilibing dito kabilang ang tatlong paring sina José Burgos, Jacinto Zamora at Mariano Gomez," pagpapaliwanag ni Sally.
Ang weird talaga nya pero ang talino niya ah, pero habang tinitingnan ko sya sa kanyang pagpapaliwanag, napapansin kong talagang andami nyang nalalaman. Narinig ko na rin naman ang tatlong paring iyon, sa pagkakaalam ko yun ung mga paring martyr na pinatay noong February 15, 1872.
Naglakad lakad kami papasok sa malaking gate at nakita namin ang isang cross na kulay puti at mayroong nakasulat na 30 December 1896 at may nakasulat na R P J.
"Ito ang Krus na kung saan nakasaad ang date kung kailan pinatay si Rizal, ang R P J na nakasulat sa baba ay initial na pangalan ni Dr. Jose P Rizal na binaliktad lamang, dito raw kasi muna inilagak ang labi ng ating pambansang bayani bago ilipat sa tahanan ng kanyang ina sa Binondo," dagdag ni Sally.
Maya maya ay pumasok kami sa loob ng napakalaking simbahan na akala mo eh magigiba dahil sa sobrang luma na talaga, pero buti nalang napangalagaan at napreserve ng pamahalaan.
Maya maya habang naglilibot kami sa loob ng simbahan.
"Mary Ann! Sally! Anong oras na pala oh, may pasok pa tayo maya maya.. tara na." Pagtawag saamin ni Czarina habang kami naman ay busy pa tumingin ng mga bagay na nakaukit sa pader ng mga gusali rito.
"Ay oo nga pala noh, mukhang mahaba haba na rin ang napagusapan natin Sally, andami mo palang alam" papuri ko.
Napangiti lang siya saakin, at lumabas na kami ng Simbahan. Nagkayayaan na rin kami umuwi at nagkahiwa-hiwalay kami ng daan. Dumiretso ako sa bahay at pagpasok ko, bigla kong natapakan ang isang bagay na matulis na syang nagpa "aray" saakin at naging dahilan ng pagtumba ko.
"SINO YANN??" Pasigaw na tanong ni Tito John.
"Ako ho ito tito pasensya na napatid lang" sagot ko naman, akala niya siguro may magnanakaw na nakapasok, mukha lang akong magnanakaw pero puso lang ninanakaw ko HAHAHAHA.
Tiningnan ko ang naapakan ko at isa pala itong kwintas na may hugis star na pendant.. hmm kanino kaya ito, mahal siguro toh pagbinenta, chosss bad yun itatago ko nalang muna.
Pumasok ako sa kwarto at naghanda na sa pagpasok sa school. Bago ako umalis ay narinig kong tinawag ni Lola ang pangalan ko.
"Ann apo.." Mahina niyang sabi.
Lumapit naman agad ako sa kanya, bigla niya lang akong hinila palapit sakanya, at niyakap.
"Ngaun ko lang napansin, ang laki mo na pala talaga apo, naalala ko nung bata ka pa, nung mga panahong iniwan.."
"Lola, please, wag nyu na po muna banggitin yan" biglang sabat ko.
"Apo.. kahit anong mangyari hindi ka dapat nagagalit sa kanila, dahil may dahilan sila kung bakit nagka-ganun"
"Aalis na ho ako Lola" hinalikan ko nalang ulit sya, at saka lumabas ng bahay.
Pagkarating ko sa eskwelahan ay saktong nandoon na rin ang Professor namin sa Araling Panlipunan. Medyo weird tong si Sir. Mula pananamit at pagsasalita akala mo medyo immature pa hahaha. Siya nga pala si Mr. Emmanuel Marasigan, master teacher daw siya, pinagchichismisan nga namin siya ngayon dahil sa itsura at kilos nya. Grabe kaming mga judgemental noh HAHAHA. History ang itinuturo niya ngayon, medyo boring kasi mahilig ako sa ekonomiks pero magaling naman sya magpaliwanag.
"Class sinong nakakaalam ng buong pangalan ni Dr. Jose Rizal?" Tanong niya. Ahmm alam ko yun eh nabasa ko, nakalimutan ko lang talaga.
"Ikaw iho, pangalan mo?" Sabay turo sa isang lalaking nasa bandang harapan. Tumayo naman ito, parang kilala ko toh ah, pamilyar ung mukha nung guy.
"Carlos po name ko Sir, Doctor Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda po Sir ang tunay niyang pangalan"
"Magaling, ngayon, sino nakakaalam kung bakit inilagay si Rizal sa Piso? bakit hindi sa isang-libo o sa limang-daan?" Follow-up question naman ni Sir na nakapagpaisip saakin.
Oo nga noh, kung siya ang pambansang bayani ng bansa natin, bakit hindi sa 1000 siya nilagay, eh diba un ung mas mataas ung halaga.
"Sir"
"Ikaw iha, pangalan mo?" sabay turo sa katabi ko, na si Czarina pala.
"Czarina po sir, 0962.." pagsagot niya.
"Oh! hindi ko naman hinihingi ang number mo ah" sabay ngiti.
Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi nya.
"Syempree joke lang yun Sir kayo naman po eh, Inilagay po si Dr. Jose Rizal sa piso, sapagkat para sabihin sa mga taong makakahawak sa piso na, hindi porke mababa ang halaga mo di ka na pwedeng maging bayani" Sagot nya, at medyo napangiti naman ako HAHAHAHA..
"Humuhugoottt!!" Sigaw naman ng kaklase namin sa likod, at nagsitawanan silang lahat.
Napangiti rin naman si Sir sa sagot ni Czarina.
"Magandang kasagutan ngunit hindi iyan ang tunay na rason kung bakit nakaukit sa piso si Rizal.. nakaukit sya sa piso sapagkat halos lahat naman ng mga Pilipino, ay may piso, ito ang pinaka-mababang halaga ngunit ito ang pinaka-karamihang hawak ng mga tao, para kahit sinong makakahawak dito ay matandaan na ang ating pambansang bayani ay si Dr. Jose Rizal, ngunit may point ka rin naman dun.. Czarina right?" Napatango naman si Czarina.
"Class sino naman nakakakilala sa GomBurZa?" Tanong ni Sir na nakatawag pansin saakin, agad naman akong nagtaas ng kamay pero di ako tinawag, anu ba naman yan.. minsan nalang magrecite di pa tinawag.
Maraming mga tinanong si Sir na nasabi na ni Sally kanina noong namasyal kami sa Paco Park, kaya todo recite kaming dalawa, pansin ko naman na hanggang turo lang si Sally. Di siya nagtataas ng kamay.
Natapos na ang Subject na iyon at agad kong kinausap si Sally.
"Buti nalang Sally naituro mo na saamin iyan kanina, Salamat" pasasalamat ko sakanya, dahil nakarami ako ng recite kay sir.. is this 95 na sa AP hahaha.
"Oo nga Sally pati ako na boplaks sa Ap, nakasagot!" pagsang-ayon ni Czarina.
"Wala iyon, hobby ko tumulong at magturo" sagot niya.
"Pero bakit hindi ka nagtataas ng kamay mo, hindi ka nga yata nagrecite eh" sabat ko naman.
Ngumiti lang siya, ewan ko dito minsan talaga may di mo alam kung anong iniisip netong si Sally eh, baka mamaya may binabalak na masama.. CHAROT, Pero alam kong matalino rin toh, nahihiya lang. Kabaliktaran sila nitong si Czarina na hindi man lang nahihiya pati number niya sinabi HAHAHAA.
Chemistry subject namin ngayon at bigla akong kinalabit ni Czarina.
"Mary Ann, ang pogi nitong nasa harap natin noh?" Pabulong niyang sabi saakin.
"Nako lumalandi ka nanaman Czarina.. Sino diyan ito ba?" sabay turo sa lalaking katapat ko.
"Hindiii, ung katabi niya"
"Ahhh" sabi ko, sabay kalabit sa lalaking nasa harap ko.
"Ahmm kuya, magkaibigan kayo?" tanong ko dun sa lalaki. Tumango naman ito.
"Ako nga pala si Mary Ann, pakitanong naman sa lalaking katabi mo kung may girlfriend siya oh" walang hiya kong tanong sakanya hahaha, biglang tinapakan ni Czarina ang paa ko.
Siniko naman nung lalaking nasa harap ko ung lalaking gusto ni Czarina.
"Uyyy may girlfriend ka na ba raw, Yieeehhhh ikaw ah tatlo-tatlo pa" narinig kong sabi nung lalaki. Bigla naman siyang binatukan nang mahina nung lalaking gusto ni Czarina.
Sabay humarap saakin ung lalaking nasa harap ko.
"Sino raw nagpapatanong?" Tanong niya.
"Secreeeet" sabi ko.
"Wala raw eh, free na free" sagot naman niya.
Napatingin naman ako kay Czarina at tila namumula na talaga siya. Samantalang nagbugbugan naman yung dalawang lalaking nasa harap namin, HAHAHA di naman bugbugan talaga, nagbatukan lang.
Hindi namin namalayan na Time na pala at dumiretso na kami sa PE subject namin ngayon. Nabalitaan namin na absent ang teacher namin sa PE kaya naman bumalik kami sa kwarto at nagpalipas ng oras.
"Ahhm, Mary Ann right?" Narinig kong sabi nung lalaking umupo sa gilid ko.
"Oo" napalingon naman ako at agad ko siyang nakilala, oo nga pala.. siya ung lalaking tumitingin kina Sally at Czarina, siguro may gusto ito dun sa isa sa kanila.
"Ikaw si?" tanong ko, sabay bigla naman akong hinila ni Czarina.
"Taraaa Mary Ann, baba tayo, bibili kami ng cartolina para sa groupings mamayang TLE" Pagmamadali niyang sabi. Nang mahila niya ako sa pinto, napansin kong wala na sa kinauupuan niya yung lalaking kausap ko kanina.
Hmmm sino kaya yun at bakit niya kaya ako kinausap? Paranoid na ako masyado HAHAHA, hayaan mo na nga yun baka naman magtatanong kung may jowa ba itong si Czarina o si Sally hahaha.
"Ilibre nyu na rin ako ha! total hinila nyu lang naman ako eh" Sabi ko sa kanila.
"Kami bahala sayooo," sagot ni Czarina.