Chereads / Dimension Between Us / Chapter 1 - Chapter 1

Dimension Between Us

YukiMaru
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 28.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Unang beses ko palang noon pumasok sa eskwelahan sa Manila at parang kakaiba talaga sya compared doon sa probinsya. Galing kasi ako sa Ilocos at laking probinsya ako kaya di pa ako masyado sanay dito. Nahihiya pa ako sa mga bagong kaklase ko kaya medyo malayo ako sa kanila at nasa sulok lang ako ng kwarto nang bigla akong tawagin ng adviser namin na nagtuturo ngaun.

"Halika rito, at magpakilala ka sa kanila" Tawag ni Ma'am Perez.

"Ako po ma'am?" Gulat kong tanong sakanya. Tumango naman siya kaya agad na akong napatayo.

"Ahmm I am Mary Ann Asuncion from Ilocos Norte, I'm 17 years old at first time ko dito sa Manila, i hope na maging masaya at maging magkakaibigan tayo lahat hehehe." Napahagikgik naman yung iba kong mga kaklase.

Tinapik naman ako ni Ma'am sa likod kaya umupo na rin ako at nakinig na sa lesson.

Maya-maya kinalabit ako ng katabi ko, noong una di ko alam magiging reaksyon ko pero lumingon na rin ako.

"Bago ka rin pala rito? Kami rin galing din kami sa probinsya so we can be friends," sabay ngiti saakin. 

"Ako nga pala si Czarina, eto naman si Sally," sabay turo sa isa pa nyang katabi.

Nag-Hi naman ito pero halata sa mukha nya na medyo shy type rin sya, gaya ko hahaha. Napangiti naman ako sa kanila at parang gumaan yung loob ko sa kanilang dalawa na parang nagmeet na kami dati.

"Ako nga pala si Mary Ann narinig niyo naman siguro," sabay tawa kaming tatlo.

"Galing ka pala sa Ilocos. Pareho kayo nitong si Sally, ako kasi taga-Tarlac ako." Pahabol ni Czarina. At nagkwentuhan na nga kami.

Napatigil kami nang biglang mapansin namin na tahimik ang klase. Nagulat nalang kami na pinagtitinginan na kami ng lahat at para bang kami ang topic nila nang di namin namamalayan.

"Ms. Asuncion, Ms. Alicando and Ms. Himenez. Can you please stand up!?"

Napilitan kaming tumayo habang nakayuko.

"What are you talking about? Can you share it to the class?"

Hindi na kami makapagsalita at halata sa mukha namin na nahihiya na talaga kami.

"You know naman na bago lang kayo dito

and yet nakukuha nyu pa makipagkwentuhan sa isa't isa, alam nyo kayo lang ung... Blah blah blah."

Napapikit nalang ako at di na inintindi ang mga salitang lumalabas kay ma'am na parang machine gun sa bilis.

"... Isa pang maulit yan di ko lang alam saan kayo pupulutin.. SIT DOWN!!" Sigaw ni Ma'am Perez.

Napatulala nalang kami pag-upo namin. Napatingin ako sa isang babae at lalaki malapit sa harap ng blackboard na parang pinaguusapan ang kahihiyang ginawa namin. Tiningnan ko sila nang masama nang magtugma ang paningin naming dalawa. Inirapan ako nung babae, nakakainis yung itsura nya, sarap sabunutan.

Natapos ang subject naming iyon na Earth And Life Science at susunod na ang General Mathematics na pinaka-iinisan kong subject sa lahat, ewan ko ba sa mga exponential function at logarithmic na yan, di ko naman kailangan yan sa pagtatrabaho ko eh.

Napatingin ako kina Czarina at Sally na ngayon ay nagkukwentuhan parin na parang wala lang sakanila ang mapagalitan at para bang sanay na sila mapahiya.

"Huy! Ginagawa nyu? Di ba kayo nadala sa sinabi ni ma'am ha? Hahahahaha," pangsisita ko.

"Alam mo Mary Ann, masanay ka na dito sa Manila. Kahapon nga eh napagalitan din ako dahil nagkamali ako sa pagbilang ng mga libro, ewan ko ba. Ganyan talaga sila strikto" pagpapaliwanag ni Czarina.

"Guys, nandyan na si sir!!" sigaw ng isa naming kaklase, kaya napaayos kami nang upo.

Haysss. Gen. Math na at ito na siguro ang pinakaboringgg na subject.

"Goodmorning class!!"

Nakarinig ako ng boses ng isang lalaki at pagkatingin ko sa harap ay nandun na pala si sir.

Napatayo na sila lahat para bumati pero napatulala lang ako kay sir.

Ang puti nya at matangkad din, mukhang bata pa mga nasa 20's palang siya at ang pogi ng gupit nya.

Hindi ko alam pero ang lakas ng dating ni sir sa akin na para bang pwede ko na siyang syotain.. Pero joke lang haahahahaa.

Napatayo na rin ako dahil mukhang ako na lang yata ang di pa tumatayo, napangiti siya nang makita niya ako, charot, syempre kami. Siguro napansin niya na bago lang ako dito.

"Maupo na kayo." Mahinhin siya magsalita at ang lalim ng boses nya. yieeee. Bigla ulit siyang napatingin sa aming tatlo kaya agad na napangiti nanaman ako.

"Iha, ikaw ba ang bago nilang kaklase?" Marahang pagtatanong niya na sobrang ikinagulat ko, ang pogi niya. Di agad ako nakapagsalita kaya si Czarina na ang nagsalita para saakin.

"Opo sir, siya nga po"

"Ahhh kung gayon magpakilala ka sa harapan" 

"Kakapakilala niya lang po sir" Sagot pa ni Czarina.

"Pero 'di ko pa siya kilala" Sagot naman ni Sir Pogi.

Namula ako sa pinaguusapan nila at di na ako makagalaw pa, tinapik ko nalang si Czarina at tumango bilang pag-agree sa sinabi ni sir, tumayo nalang ulit ako sa harapan at nagpakilala ulit sa kanila. Napangiti naman ulit si sir nang matapos ako at napansin ko ang dimples sa may gitna ng cheeks nya!

"Mary Ann hmmm.. sounds familiar, pero sige na umupo ka na ulit" Sabi ni Sir.

"Let's start the class, our topic for today is all about inverse function, let's start by..." 

Hindi ko na talaga maalis ang tingin ko sakanya parang sya siguro yung teacher na makakapagpabago sa tingin ko sa MATH ewan ko ba hahahaha. Habang patuloy umuusad ang oras at nagtuturo ng lesson si Sir.

Maya-maya nagtaka ako at kinalabit ko si Czarina.

"Uy Czarina! Ano bang pangalan ni Sir?" Bulong ko.

"Ahhh siya si ano, ahmmmm..." nagkamot sya ng ulo na nahalatang di rin niya kilala.

"Siya si Mr. Nantes" Sabat naman ni Sally.

Ngayon ko lang narinig ang boses niya ng ganun, ang ganda pala ng boses nya, sigurado ako magaling siya kumanta.

"Ohhhh salamat!!" Nakangiting sabi ko.

"Pati ba naman si Sir, I-stalk mo rin?" Pang-asar ni Czarina, bigla akong napatingin sa kanya at napatawa sa sinabi nya.

"Rin?? ibig sabihin ba nito, ini-stalk mo si Sir noh??" 

"Uyyy hindi ah!" Biglang tanggi niya, pero alam ko na ini-stalk nya talaga pero bakit di nya alam pangalan ni sir, siguro kunwa-kunwari lang siya hahahaha, Sino ba naman di magkakagusto kay Sir Pogi/Nantes, may Girlfriend na kaya sya? Matanong nga minsan hahahaha.

Hindi ko na rin namalayan ang oras at patapos na ang Time namin sa  General Mathematics, hayssss ganun talaga ang bilis ng oras, may mga bagay talaga na akala mo sa una magtatagal, wala eh ganyan ang buhay di natin hawak ang mga oras natin dahil pagdating ng araw parepareho rin tayong lilisan sa mundong ito, CHOSSS... Paalis na si Sir Pogi/Nantes ano ba naman yan kung kelan nageenjoy ako sakanya tumitig eh saka naman siya aalis.

So ayun na nga, diretso na kami ngayon sa Canteen ng School nakapunta na naman ako sa Canteen pero di pa ako bumibili kaya nagpasama na ako bumili kay Czarina, Mapapansin ko sa mga ulam at pagkain na dala ni Sally na masasarap ang mga ito, siguro mayaman sya, si Czarina naman  bumili lang ng pagkain. Medyo nangingilala pa ako at nangangapa-ngapa pa ako sa school dito kasi ang layo talaga, di tulad dun saamin na pagkalabas mo lang ng school, may mga nagtitinda na agad na iba't ibang uri ng pagkain, pero dito, sa loob lang kami.

Habang kumakain napansin kong may isang lalaki ang kanina pang sumusulyap sulyap saakin. Naisipan kong tumayo at bumili muna ng inumin.

"Teka lang, ano bang gusto niyong inumin Czarina? Sally?" Tanong ko sa kanila.

"Kahit yung Orange Juice lang saakin" Sagot ni Czarina.

"Hindi, wag na, may tubig ako, Salamat.." pangiting sabi ni Sally.

Tumayo ako at bumili ng maiinom nang mapansin kong hindi pala sa ako ang tinitingnan ng lalaking nasa likod namin, pero isa sa dalawang kaibigan ko.. hmmm sino kaya?

Maya maya napatingin saakin yung lalaki at siguro napansin nya na tinitingnan ko na siya nang masama, napatayo siya at lumabas sa canteen, ang weird ng kilos ng lalaking yun baka may balak na masama mukha namang adik, opss bad bad bad.

Nasa Computer Room kami ngayon para sa Empowerment Technology, Sa totoo lang di ako mahilig sa computer o sa kahit anong technology pero sure ako itong dalawang kaibigan ko Oo. Pagkapasok palang paunahan na agad sila umupo at agad na binuksan yung PC, nagpaturo pa nga ako kung saan yung pindutan eh outdated ako sa gadgets hahahaha.

Natapos ang school hours at dumiretso na ako ng uwi, nagkayayaan pa nga kanina pupunta dapat kami kina Czarina eh kaso kailangan ko na rin umuwi sa bahay para makatulong kay Lola at Tito. Malayo-layo ang nilakad ko dahil di ko napansin na wala na pala akong pamasahe kaya yun.

Pagdating ko sa bahay, inutusan agad ako ni Tito John na maghugas ng plato, sa totoo lang palaging ako ang inuutusan dito kasi ako lang yung tanging may kakayahang kumilos sa bahay na ito.

Nakita ako ni Lola at pinalapit nya ako sakanya, Si Lola Lorna ang pinaka-close ko rito sa bahay kasi ako yung kaunaunahang apo niya. Si Lola mga nasa edad 70 na at medyo mahina na rin ang katawan pero lagi niya parin ako kinukwentuhan ng love story nila ni Lolo, kahit paulit-ulit nakakakilig parin. Halos na memorize ko na nga eh..

"Bata palang ako, yang lolo mo, madalas nang magpakita ng senyales na may gusto sya sakin. Eh kaso nga, strikto ang lolo mo sa tuhod, ang tatay ko.. College na ako pero ayaw parin nya akong magkaroon ng kasintahan, kaya 'di namin masyadong inintindi ang isa't isa. Pero, matiyagang naghintay ang lolo mo, mga 5 taon din iyon mahigit, dahil kumuha ako ng Course na talagang matagal pag-aralan. Sya mismo ang pumunta sa bahay para mamanhikan, kasama ang kanyang mga magulang para kausapin at magkakilala ang aming mga magulang, nagulat talaga ako no'n apo, parang 'di ko rin talaga alam ang gagawin. Pero 'di nagtagal, pumayag din sila nanay at tatay, na maging kasintahan ko yan si Alfred. Matagal tagal din naging magkasintahan kami, mga labin-limang taon din, bago kami magpakasal. Hinding hindi ko makakalimutan, nung hiningi nya ang aking mga kamay para magpakasal, paborito ko kasi ang palabas na Titanic, kaya sa barko nya talaga ginawa. At para saakin, napakaromantiko ng ganun. Kaya ilang beses kong sasabihin ito sayo apo.. Ang lalaki, maghihintay at maghihintay yan kung talagang mahal ka n'yan, di ka dapat nagmamadali sa lahat, kasi may panahon para d'yan.."

Kaya siguro ako, maghahanap talaga ako ng gaya ni Lolo Alfred, yung taong marunong maghintay...