Gusto kong ipaalam sa iyo
Ako lamang ay naririto,
Sa tuwing ika'y dumaranas ng matinding sakit, sa tuwing ikaw ay hirap makatulog, sa tuwing ikaw ay nagtatangis, sa tuwing ikaw ay papasuko
Masakit makita kang nagkakaganyan.
At ang pinakamasakit sa lahat ang malaman,
Na ako lang pala ang dahilan ng iyong pinagdaraanan.
Araw araw kitang sinusubaybayan.
Sa bawat pagpatak ng iyong mga luha, ako'y nasasaktan.
Kung maaari lang sana,
Tuparin ng kalangitan
Ang aking mumunting kahilingan,
Na ika'y masamahan kahit kulang kulang na oras man
Patawad. Dahil alam kong ako ang dahilan ng iyong paghihirap.
Lagi kong naaalala ang mga pinagsamahan natin ng walang kakurap-kurap.
Sinubukan kitang abutin
Ngunit 'di kita mahawakan.
Koneksiyon nati'y hindi ko magawang putulin
Sabihan mo na akong makasarili,
Pero masama bang gustuhing bumalik muli sa iyong tabi?