Ito ang una
Ang unang beses na ika'y hindi nakatunganga
Ngunit bakas pa rin sa iyong mukha
Ang sakit at pagdadalamhating dinadama
Pero 'di tulad ng mga nakaraang araw
Ika'y tumayo mula sa pagkakahimlay at tila hindi magkamayaw
Muli, ikaw ay aking binantayan
Mga kilos mo'y 'di ko inasahan
Iyong pinulot mula sa ibabaw ng mesa
Ang isang 'picture frame' kung saan tayo ay magkasama
Ito ay iyong tinitigan
May bahid ng lungkot ang iyong kabuuan
Habang kay higpit mo itong hinawakan
Tila ayaw mo itong bitawan
Hindi ko mabasa ang nasa iyong isip, maging ang iyong ekspresiyon ay naguguluhan.
At ika'y biglang nag wika:
"Mahal, paano ba kita makakalimutan?"
Sa iyong mga salitang binitawan, ako'y labis na nasaktan.
Ramdam ko ang pagguho ng mundo, habang ang langit at lupa, ako'y pinagsakluban.
Bakit ka ganyan?
Gayong hindi ko naman kagustuhan...
Na ika'y 'di sinasadyang iwan...