Ako'y nakatulala
Habang pinagmamasdan
Ang iyong tahanang walang laman.
Totoo ngang ikaw na ay lumisan.
Mahal, bakit mo ako iniwan?
Ngunit wala na akong magagawa,
Kung puwede lang sana,
Bumalik sa nakaraan at isa-ayos ang nakatadhana
Gagawin ko ang lahat,
Kahit ang aking lakas ay 'di sasapat
Para lamang matapos ang ating kuwentong hindi pa nagsisimula.
Kaya paalam na
Sana ay tayo'y muling magkita