Matagal kitang hinintay,
Hanggang sa aking napagdesisiyunang tumigil na sa kahihintay.
Batid kong hindi na tayo muling magkikita
Dahil matagal-tagal na rin noong huli kang bumisita.
At sa wakas noong ika'y nadatnan,
May kasamang pamilyang tila nasisiyahan.
Ako'y nagpapasalamat bagama't nasasaktan,
Dahil tinupad ng kalangitan...
Ang aking mumunting kahilingan.
Mahal, sa huling pagkakataon, ako'y magwiwika:
"Mamahalin kita, kahit iba na ang iyong kasama..."
At ngayon, ako ay maaaring mamayapa na
Dahil sapat na sa akin ang makita ka,
Na masaya sa piling ng iba