Tadhana ang siyang naglapit sa atin,
Ngunit tayo ay kaniyang binuwag din.
Hindi inaasahan
Ang ating hiwalayan
Na siyang kinasusuklaman
Ipinagtagpo man tayo,
Ngunit hindi rin nagtagal
Bakit pa kailangan magkaganito?
Ang nga puso natin ay sinasakal
Ang tanging pinagsisihan,
Na ako'y namaalam
Nang hindi mo nalalaman
At noong araw ng ating huling pagkikita, ika'y nagwika:
"Para kang ulan, bigla biglang dumadating ng hindi inaasahan, at tumimitila ng hindi namamalayan"