Ilang araw na ang paiba-iba
Mula noong ika'y huling nakita
Hanggang ngayon, patuloy na umaasa
Na ikaw ay muling makita.
Pero hindi ako tanga,
Para mapagtanto,
Ikaw ay matagal ng wala,
Iyon ang totoo.
Bagama't ako'y nasasaktan,
Ang aking tanging kagustuhan...
Ikaw ay muling madatnan
Na nasisiyahan,
At walang sakit na nararanasan