Ika'y aking muling pinagmasdan
Ako'y namamangha, sa aking taglay na kakayahan.
Kahit bagyo man ang maranasan,
Ika'y hindi ko iiwanan.
Narito lamang ako,
Sa tabi mo.
Ngunit gaya ng inaasahan,
Hindi mo ako tinitignan.
Kita ko kung paano mo itago,
Lahat ng mga bagay na pagmamayari mo,
At sa mga iyon, ay naroroon ako.
Hirap kang huminga
Habang patuloy na tinatago't kinukuha
Ang mga gamit at bagay na pagmamay-ari nating dalawa.
...
...
...
At ika'y tuluyang umalis na