May nagbago,
Pero iyon ba ay alam mo?
Kung ganoon ay ipapaalam ko sayo.
Isang buwan
Isang buwan na ang lumipas nang hindi natin namamalayan
Magmula noong huli nating pagkikita matapos ang ating masalimuot at masakit na hiwalayan.
Ngunit kung mayroon mang nagbago, may mga bagay na ganoon pa rin, at hanggang ngayo'y nananatili.
Yung naguumapaw na pag-ibig na sa iyo ko lang ipinararamdam kailanma'y hindi mawawaksi.
Ikaw ay aking muling tinitigan
Kahit ilang metro ang distansiya ng aking kinatatayuan.
Kitang-kita kita, habang iyong sinasapo ang mukha mong problemado
Ngunit ngayon ay walang bahid ng mga luha ng makikita
Ngunit nababalot naman ng poot at hinagpis ang iyong kabuuan.
Gustuhin man kitang mahawakan,
Hindi na tayo maaaring magkabalikan
Iyon ay hindi lingid sa aking kaalaman