Heto na naman ako
Walang ipinagbago...
Bakit ba ako nagkakaganito,
Ng dahil lamang sa iyo?
Narito ka ngayon
Sa lugar kung saan ako naroroon.
Pero bakit ka ganyan?
Ni hindi mo ako magawang titigan.
Alam mo bang labis mo akong sinasaktan?
Sa tuwing ika'y naririyan?
Bagama't nandiyan ka nga, magkalapit lamang tayo ng kinatatayuan, ngunit bakit ganoon? Ano mang aking gawin, hindi ko mahuli-huli ang iyong nga tingin...
Siguro ay dahil sa labis kang nasasaktan.
Ako rin naman.
Sino ba ang hindi magdadalamhati,
Kung ang kaniyang minamahal ay nasa malapit ngunit wala sa kaniyang tabi?
Alam mo bang gusto kitang mahawakan,
Iyong pighati ay aking babawasan.
Ngunit Mahal, bakit ka ganiyan?
Ako'y iyong nilampasan,
Na parang isang multo ng nakaraang tuluyan nang kinalimutan.