PAGE ELEVEN
Hindi ako makakilos sa sobrang kabusugan. Syet. Ang takaw ko kasi, e. Puwede na atang pagtirisan ng kuto ang tiyan ko sa sobrang laki nito hahaha jk. Pakiramdam ko tuloy baboy na ako, e. 'Yon bang pagkatapos kumain, inaantok na. Lol.
Ang sarap ba naman ng niluto ni Papa na Kare-kare at sawsawan ko ketchup imbis na bagoong. Hindi ako puwede ro'n, e. Nagkakarushes ako. Ba't ba ang arte nitong balat ko? Mukhang masarap pa naman 'yong bagoong. Lalo na kapag matamis. Napaka-weird ko nga raw sabi ni Mama. "Ikaw lang ang kilala kong kumakain ng kare-kare na ketchup ang sawsawan. Para kang buntis na naglilihi." Humagalpak tuloy ako nang tawa lalo na ro'n sa buntis na naglilihi. Mga buntis lang ba ang puwedeng kumain ng weird na pagkain? Ang sarap kaya. Sana palagi na lang day-off ni Papa para laging masarap ulam namin. Lalo na 'yong sinigang na hipon, sweet and sour fish, chicken adobo at afritada niya. The best. Si Mama kasi hindi masyadong marunong magluto. Noong sinubukan nga niya magluto ng adobo, nasabi ko, "Ma, ano 'to? Paksiw na manok?" Sinamaan tuloy ako ng tingin at sinabing, "Adobo 'yan!" Mas nangibabaw ang asim at parang paksiw na talaga. Niremedyohan ko na lang kaya medyo sumarap.
Nang tumawag nga si Rinneah, ininggit ko at sinabi kong lagi akong nagfofoodtrip. Matakaw pa naman si Bebs kaya halatang nainggit nang sabihin niyang, "Baka pagbalik ko balyena ka na, Bebs. Magdiet ka, uy! Buti pa ako, sexy pa rin." Langyang 'yon. Foodtrip lang talaga magagawa ko sa bakasyon. Sabi ko nga, "Diet? Ano 'yon? Nakakain ba 'yon?" Tinawanan lang ako.
Ayoko ngang mag-diet. Mas masarap kayang kumain kahit namumulubi ako ngayon pero naisip ko, bukas wala si Papa may pasok na siya kaya kanin na may gatas at asukal na lang ang kakainin ko sa lunch. Rapsa! ♡
P.S. Isang buwan na lang. Konting tiis pa. Magkikita na ulit tayo - Hindi tumataas, hindi rin nadadagdagan, baon. o(=´∇`=)o