PAGE SIXTEEN
Hanggang ngayon na nagsusulat ako rito, hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Hays. Bakit ba sa dinami-rami ng magiging kaklase ko, 'yon pang morenang matangkad na chinita na hindi ko alam ang pangalan. Basta 'yong sumingit sa pila no'ng enrollment. Naniniwala na talaga ako na maliit ang mundo. Maliit ang school at maliit ang classroom. Syet. Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Kanina kasi, nasa room na kaming lahat at as usual, walang kumakausap sa 'kin nang bigla siyang dumating. Agaw pansin nga ang entrance niya dahil ang ganda talaga niya.
Kaagad nga siyang nilapitan ng isa kong kaklase na napansin kong panay ang selfie at sinabi niyang, "Ohmygee, Ylla! Kaklase rin pala kita!" Tinaasan siya ng kilay no'ng chinita at sinabing, "Isn't obvious? Duh." Ylla pala pangalan ng masungit na parang maldita na 'yon. Ayoko siyang i-judge pero ramdam ko at kita ko na agad na gano'n siya, e. Titig na titig ako sa kanya no'n nang bigla siyang bumaling sa direksyon ko. Halata nga na nagulat siya at biglang ngumisi, inirapan ako bago umiling. Hindi lang 'yon dahil dumaan pa siya sa harap ko nang nakangisi't halukipkip at sinabing, "Small world, huh?" Kahit gusto kong sumagot ng, "Oo nga, e. Akalain mo 'yon?" Hindi na lang ako sumagot. Mabuti na lang at malayo siya sa 'kin. Ayoko rin naman na magkalapit kami.
Grabe nga, e. Bagong pasok pa lang niya pero ang dami na agad kumakausap sa kan'ya. Mapa-babae man o lalake pero mas marami ang lalake. Iba talaga ang maganda. Nang mahuli nga niya akong nakatingin sa kan'ya habang nakikipagtawanan siya sa mga kaklase naming babae, sabi ba naman, "Don't stare at me like that, bitch." Lahat nagulat sa sinabi niya't napatingin sa 'kin. Oo, sa 'kin talaga. Alam nilang lahat na ako ang sinabihan. Nagpantig man ang tainga ko sa narinig ko, minabuti kong balewalain na lang.
Ayokong pangunahan ang mga mangyayari pa lang pero masama talaga ang kutob ko. Pakiramdam ko hindi magiging maganda ang pananatili namin ng Ylla na 'yon sa iisang room. Σ(・ิ¬・ิ)Σ