PAGE EIGHTEEN
Isang linggo na pero gano'n pa rin. Wala pa ring pagbabagong nagaganap sa room namin. Nganga pa rin. Mas lalo pa nga akong pinag-initan ng halimaw na teacher na 'yon at palagi akong tinatawag tuwing recitation. Mabuti na lang at may nasasagot ako. 'Kala niya ha? Balak pa ata akong ipahiya. 'Yong mga kaklase ko naman, may sari-sarili ring mundo. Minsan nahuhuli kong palihim akong tinititigan no'ng iba. Parang tanga lang talaga sila. Mukha ba akong papatay ng tao at parang takot sila? (눈_눈)
Mas napapadalas tuloy ang pagsusulat ko rito sa journal kahit tinatamad ang kamay kong magsulat. Kanina pala, pumunta rito sa 'min si Bebs. Grabe. Miss na miss ko siya. Isang linggo kaming 'di nagkita. May pasalubong pa ngang isang garapon ng paborito kong champola at sinabing, "Bebs! Miss you." Uhhh. Sobrang na-touch ako. Kulang na lang maiyak ako. Hinihiling ko nga na sana sabado at linggo na lang palagi. Ayoko na mag-lunes. Tinatamad na akong pumasok.
Buti pa nga sa Rinneah, masaya. Halata naman habang nagkukuwento siya. Sinabi niyang may mga bago na siyang crush. Kilig na kilig pa. Katabi lang daw nila ng room at Raevan Fuentes daw ang pangalan. (O, 'di ba? Natandaan ko pa?) Pa'no ba naman mahilig isang daan beses niya atang nasabi ang pangalan no'n. Gano'n 'yan si Bebs kapag may crush. Hindi na nga ako nagulat nang sabihin niyang may bago na naman siyang crush. Si Rinneah pa ba? E, halos kada linggo ata nagpapalit 'yan ng crush. Oo, gano'n siya kabilis magsawa. Hindi na ako magugulat kung sa susunod iba na naman.
May mga bago na nga siyang kakilala at kaklase. Mababait daw 'yong iba kaya madali niyang nakasundo. Why so unfair? Pero seryoso, bakit sa school at section nila gano'n? Bakit sa 'min hindi? Pati nga raw adviser nila, palabiro rin. Sa tuwing magrerecess nga raw siya, marami siyang mga kasama. Oo na, napaka-inggitera ko talaga dahil naiinggit ako habang nagkukuwento siya. Gusto ko nga sabihin na, "Sana d'yan na lang din ako sa section niyo, Bebs. Sana pareho na lang tayo ng school. Sana magkaklase na lang ulit tayo." Pero hindi ko sinabi. Ayokong isipin niya na may problema ako. Mag-aalala pa 'yon, e. Nang matapos nga makuwento, bumuntong hininga at sinabing, "Sana magkaklase na lang ulit tayo, Bebs." Gusto ko nga sumagot nang, "Sana nga." Pero sabi niya ako naman daw magkuwento dahil siya nang siya ang kanina pa daldal nang daldal.
Hindi nga ako nakasagot agad dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung ano ang ikukuwento ko. Kung saan magsisimula. Likas ata sa pagiging observant 'tong kaibigan ko at kinunutan ako ng noo na para bang nagtataka.
Bebs: O, bakit gan'yan itsura mo? May problema ba? (Nagtataka siya. Halata sa mukha niya.)
Ako: (Ngumiti nang pilit. Para hindi niya mahalata) Problema? Wala. Okay lang. Okay lang naman.
Bebs: Okay? Okay pero labas sa ilong nang sabihin mo 'yan? Ano? May problema talaga 'no? Sabihin mo na. Ano ba 'yon? (ಠ_ಠ)
Ako: Wala nga, Bebs. Okay lang. Okay naman 'yong mga bago kong. . .kaklase. 'Yong bago kong mga teacher. (´・_・`)
Bebs: Mababait ba silang lahat sa 'yo? May mga close ka na rin ba? Ilan? Ano mga pangalan? Kasama mo rin ba sila tuwing recess at uwian?
Ako: (Naloka ako sa sunod sunod na tanong niya at hindi nakapagsalita dahil narealize ko ang mga tanong niya. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.) Uhm, Bebs. . .kasi ano, e---
Bebs: Sabi na nga ba may problema, e. Kilala kita Larisse kaya umamin ka na. Kundi, hindi rin naman kita titigilan hanggat 'di ka nagsasalita. (-᷅_-᷄)
Ako: (Mas lalo akong naloka. Grabe talaga si Bebs.) H'wag na, Bebs. Okay lang. 'Di lang siguro ako sanay. ( •᷄ὤ•᷅)
Bebs: Anong 'di sanay? Saan? Siguro may nambubully na naman sa 'yo? Inaaway ka ng mga kaklase mo 'no? Umamin ka na. ( ͡ಠ ʖ̯ ͡ಠ)
Sa huli, wala rin naman akong nagawa kundi sabihin sa kanya ang lahat. Oo, as in lahat. Nagulat pa siya nang sabihin kong kaklase ko si Carylla. Sabi nga, humanda raw sa kanya. Nako, si Bebs talaga. Sana hindi ko na lang talaga sinabi. Alam kong nag-aalala na sa 'kin 'yon. Ayaw pa naman niyang may umaaway sa 'kin.
Hays, siguro kasalanan ko rin naman dahil hindi ko rin naman pinapansin ang mga kaklase ko. Ayokong mag-start ng conversation. Mahirap talaga kapag hindi pala-kaibigan. (Ilang beses ko na bang nasabi 'to? Tsk.) Siguro, mag-aadjust na lang ako. Kaya ko 'to. ι(´Д`ι)