PAGE TWENTY-THREE
'Yong kaklase kong Officer din na nagsasaway ng maingay pero mas maingay pa siya. Nakakaleche lang. Palagi na lang kaming nagsasaway ni Verline. Siya 'yong President nitong section namin. Pero 'yong ibang Officers, walang pakialam. May sari-sariling mundo. Kung magsasaway man, kunwari lang. Palitang tao lang kapag nand'yan 'yong mga teacher. Ni hindi nga ginagawa ang tungkulin nila.
Kahit ano'ng saway pa namin, hindi naman kami pinapansin at inintindi. Ta's pag nahuli ng teacher, kami ang pagagalitan at sasabihin na hindi namin sinasaway. Hindi na kami nirerespeto, e! Mas lalo akong naiinis sa section na 'yon. Parang gusto ko na lang talagang magpalipat. Hays. (︶︹︺)
Sila Carylla at 'yong tropa niyang mga team likod ang maiingay talaga, e. Sila na lang ang palagi namin sinasaway pero ayaw papigil. Narinig kong may crush daw siya. Iyon ang ibinibida niya sa kuwentuhan. Sabi nga ng kaibigan niya, "Crush? 'Di ba may boyfriend ka, sis?" Parang gusto kong mag-second the motion ng, "Oo nga." Sagot naman niya habang nanlalaki pa ang mga mata, "Masama bang magkaro'n ng crush kahit na may boyfriend na ako? Duh. Crush lang naman." Kilig na kilig pa siya habang nagkukuwento. Na-aapiran pa sila. Sobrang ingay talaga lalo na 'yong kaibigan niya na sinabing, "Omg! Crush mo rin siya? Me too!" Sabay tili nang ubod ng lakas. Leche. (ಠ_ಠ)
Nang marinig 'yon ng mga kaklase kong babae, parang magic at bigla silang nagkumpulan kina Carylla. Kilig na kilig din sila at crush din nila ang crush nito. Imbyerna tuloy si Carylla at sinabing, "Ang dami kong kaagaw, a!" Sobrang guwapo raw ng lalaki at Grade 12 na ito. STEM din. Gano'n talaga ang kuwento. Soooobrang guwapo. Nagdo-drools pa sila habang sinasabi 'yon. Nakakaloka. Hindi na nga namin sila nasaway. Sabi pa sa 'kin ni Carylla nang makita niya akong nakatingin sa kanila, "Ano'ng tinitingin-tingin mo?" Hindi ko na lang ulit pinansin kahit palagi niya akong tinatarayan.
Nacurious tuloy ako. Sino kaya 'yung pogi raw na 'yon na pinagkakaguluhan ng mga kaklase ko? Nakalimutan ko ang pangalan, e. Maru ata? O Mauro? O Mio? Baka Kio? Kiro? Kerokerokeropi? Hahaha. Joke lang 'yong huli. Basta kahit sino pa siya, wala akong pake. Lol. Makagawa na nga ng homework sa GenMath.