PAGE TWENTY-FIVE
OMG. SANDALI. AYAW PA TALAGANG MAG-SINK IN SA 'KIN. WAAAAAAH! (CAPSLOCK PARA SOBRANG INTENSE. SYET!) ( 」。╹o╹。)」
Ganito 'yong nangyari kanina. E 'di gumising ako nang maaga para pumasok at gawin 'yong palagi kong ginagawa. Kumain, maligo, magbihis at pumasok sa school. Pero hindi pa ako nakakaalis sa bahay nang may isang buwisita este--- bisitang dumating. Si Bebs!
Syet langs. Siya talaga! Napatalon pa ako sa tuwa para yakapin siya dahil namiss ko ang hugoterang babae na 'yon. Pero bigla rin akong napatigil, nagtaka at kinunutan siya ng noo.
Ako: Bebs, ano'ng ginagawa mo rito? Field trip? Ang aga pa, a?
Rinneah: Napadaan lang ako. Uuwi na nga rin ako, e. (Full of sarcasm 'yan sabay irap pa sa 'kin.) (눈_눈)
Ako: Lecheng 'to. Ano nga? Mamaya pa pasok mo 'di ba? Nananaginip ka pa ata, Bebs. (´▽`)
Rinneah: Leche ka. Ano'ng nananaginip? Gaga! Hindi. Talagang ngayon ang pasok ko. At kaya ako nandito, siyemperds sabay tayo (sabay kindat pa at ngiti na parang may tinatago).
Ako: (Napaisip + nagtaka + nag-isip ulit kung bakit nandito siya = Nabaliw. Chos!) Bakit ka sasabay sa 'kin? Hindi naman tayo pareho ng school? At bakit maaga ka papasok? (Napahinto at naningkit ang mata ko) H'wag mong sabihin na maglalakwatsa ka sa ganitong oras ha. (╯-╰)
Rinneah: (Lumapit at bahagya akong sinabunutan) Kung ano ano pinagsasabi mo. Hindi na 'ko sa Felicity Academy mag-aaral. Sa Ruforth University na. At pang-umaga na rin ako tulad mo. Ano, okay na? ( ͠° ͟ʖ ͡°)
Ako: (Na-shook) Ano?! Nagpalipat ka?!Bakit?! May problema ka rin ba sa Felicity? Ayaw mo rin ba sa mga kaklase mo? (ФоФ)
Rinneah: (Ngumiti at inakbayan ako) Para kang tanga, Bebs. Wala 'no!
Ako: Wala naman pala, e. Bakit ka nagpalipat? (Natigilan ako at napatakip ng bibig) H'wag mong sabihin na dahil sa 'kin. ( ⓛ ω ⓛ *)
Rinneah: (Mas lalong napangiti) Parang gano'n nga.
Ako: Rinneah!!! Bakit mo ginawa 'yon? Lukaret ka talagang babae ka!ヽ(`Д´)ノ
Alam ko naman na kaya at madali lang niyang magagawa 'yon dahil may Tita siyang Professor din sa Ruforth University. Malakas ang kapit n'yan.
Rinneah: OA mo, Bebs. 'Di ka ba masaya? Pareho na tayo, o!
Ako: Siyempre masaya! (Halos pasigaw na sabi ko. Hindi ko lang alam kung paano niya nakumbinsi 'yung Mama niya para payagan siyang lumipat.)
Rinneah: (Natawa) Hep! Hep! Hep! Pero 'di pa diyan nagtatapos. Ito pa, o! Tenen!
May inabot siya sa 'kin isang index card at ang nakasulat: Helenie Rinneah Domingo - Grade 11 - STEM - Section 3
Ako: (Lumobo ang mata ko at 'di makapaniwala) Section 3 ka rin?! Magiging magkaklase tayo?! Oh syet!
Rinneah: (Kumindat) Surprise!
Ako: (Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit habang medyo naluluha) Leche ka, Bebs! Ang hilig mo talagang mag-surprise. Kalbuhin kita riyan, e!
Rinneah: Siyemperds! Ako pa ba? Party party tayo mamaya pag-uwi. Wooo!
Akala ko pa naman nakalimutan na niya ang surprise na 'yon. Ayon pala hindi. Grabe talaga si Bebs. Hindi ko akalain na magagawa niya 'yon. Magagawa niyang magsakripisyo kahit masaya na siya sa Felicity Academy. Sabi niya kasi, ayaw daw niyang araw-araw akong malungkot do'n. Ayaw niyang maging loner ako. Ayaw niyang may nambubully sa 'kin. Dapat siya lang daw. Siraulo talaga. Lahat 'to ginawa niya para sa 'kin. Sobrang nakakatouch. Nakakaiyak. Nakakangawa. (╥﹏╥)
Basta hanggang ngayon para akong tanga na hindi pa rin makapaniwala. Ang saya! Magiging magkaklase na ulit kami ni Rinneah! Hindi na ako magiging forever loner sa room! Yey! ꒰⁎ ✪̼ ◡ ✪̼` ⁎꒱