PAGE THIRTY
Katatapos ko lang gumawa ng homework kaya maglalabas muna ako rito ng mga hinanakit ko. Dejoke lang. Ang lalim no'ng hinanakit. Parang may pinagdaraanan lang. Hahahahaha. Kidding aside, isa ang araw na 'to sa pinaka nakakainis at nakakairita araw na nagdaan sa buhay ko. Why is it so unfair? (︶︹︺)
Hays. Ito 'yong nangyari. E 'di nasa room na kami ni Rinneah (as usual). Tahimik lang akong nagsusulat sa tabi habang kumakain ng champola. Wala kasi kaming teacher. Yes! Hindi pumasok kaya sobrang ingay ng room. Rambol. Riot talaga. Tinatamad na akong magsaway dahil 'di rin naman sila nakikinig. Hindi nila ako pinapakinggan kahit Vice President ako. Pero 'yong bestfriend ko, napansin kong nanggagalaiti talaga.
Rinneah: (Inagaw 'yong champolang hawak ko at ipinasak sa bibig. Partida halatang badtrip pa siya) Bebs, sarap pektusan sa noo ng Presidente na 'yan.
Ako: (Ipinagpatuloy ang walang katuturang sinusulat ko) Bakit?
Rinneah: Inutusan ba naman akong magwalis. Akala mo katulong niya ako.
Ako: (Napailing) Ba't sinunod mo? Sana sinabi mo, ikaw magwalis tutal ikaw naman nakaisip.
Rinneah: (Biglang natawa) Leche ka, Bebs. (Mamatay-matay katatawa) Oo nga 'no? Hayaan mo sa susunod, ako naman mag-uutos. Konyat sa 'kin 'yan 'pag 'di sumunod. (•̀ᴗ•́)
Ako: Langya! (Humagalpak at nakipag-apir)
Ito na nga, inutusan ako ng isa naming teacher na pumunta at may ibigay sa isa pang teacher. Leche lang kasi mag-isa lang akong inutusan na para bang kabisado ko na ang buong school at kilala ko 'yong teacher na 'yon. Oo! Hindi ako pinayagan isama si Bebs. Syet na 'yan. Nahiya naman akong itanong kung nasa'n ba 'yong Phoenix Building na tinutukoy niya. Oo nga't i-tinour na ako ni Remarie pero hindi ko pa rin talaga kabisado, e. Ano'ng magagawa ko? Hindi ako matandain. (눈_눈)
Nahanap ko kung naman kung sa'n siya naglalagi pero hindi ko naman nahanap si Ms. Bataan. Leche lang dahil wala siya ro'n. Isinuko na ata ang Bataan. Hahaha. Dejoke. Ito na nga, pagliko ko sa dulo ng hallway, syet. Nadulas ako. As in plakda. Para akong nag-dive nang wala namang swimming pool o dagat. Lecheng balat ng saging 'yon! Mabaog sana 'yong unggoy na kumain no'n. Mabuti na lang at 'di tumama ang mukha ko kundi. . . sayang ang ganda ko. Lol. (❀」╹□╹)」
Hindi lang 'yon. Akala ko nag-iisa lang ako dahil class hour no'n, e. Lahat ng estudyante nasa room pero hindi. Hindi pala dahil may apat na lalake na nasa labas ng isang room ang nakasaksi sa kalampahan ko. Siyempre humagalpak nang tawa ang mga hudyong 'yon. Halos malagutan na nga ng hininga at pulang pula ang mga mukha. Sarap buntalin isa-isa. (ಠ益ಠ)
Boy 1: Taragis, dude! Plakda 'yong babae o!
Boy 2: Potek! Tulungan niyo! Kawawa naman.
Boy 3: Hayaan niyo. Nag-eenjoy ata siya. Ayaw pa bumangon.
Boy 4: Oh shit. She looks familiar!
Boy 1: Baka ex mo!
Boy 4: Gago!
Mga animal na 'yon! Imbis na tulungan akong tumayo, pinagtawanan pa talaga ako. Gano'n talaga siguro kapag 'di maganda. 'Di tinutulungan and worst, pinagtatawanan pa. Pero 'pag maganda, natapilok lang, nagkukumahog na silang tulungan. Deym. It's so unfair. Nasa'n ang lecheng hustisya? Pero familiar nga 'yong pang-apat na lalake. Basta mga Grade 12 silang lahat. Tatayo na sana ako pero nagulat talaga ako no'n dahil isang babae ang tumulong sa 'kin.
Yep! Lumuhod din siya para tulungan ako at ang tanong niya sa 'kin agad, "You okay?" Kung 'di lang ako natulala sa ganda niya baka nasabi ko, "Ano sa tingin mo, ate girl? Pumlakda ako ta's tatanungin mo kung okay ako? Oo naman. Okay na okay (with full of sarcasm)." Siyempre evil thought ko lang at nasabi ko pa rin. "Yeah. I'm okay." Sabay pagpag ng uniform ko na parang hindi ako pumlakda. Syet. Nakakahiya. ㄟ(≧◇≦)ㄏ
I swear. Ang ganda niya. Super. Minsan lang ako pumuri ng babae rin pero iba, e. Mukha siyang bumbayin. Maliit ang mukha niya, medyo maputi siya, makinis ang balat, manipis at medyo curl ang dulo ng natural brown hair niya, maliit na pinkish ang labi at cheeks, may breyshes, matangos ang ilong, mahaba ang eyelashes at syet. 'Yong mata talaga niya ang nagdala. Iyon ang nakaganda talaga sa kanya, e. Expressive eyes. Para kang manliliit kapag tinitigan ka niya.
Yes. I am a girl and I have insecurities pero nang makita ko siya, pakiramdam ko isang drum na insecurities na mayro'n ako. Hahahahaha. Kidding aside again, gano'n talaga siya kaganda. Ang hinhin pa niya. Palangiti pa. Grade 12 din siya at STEM din. Nakita ko sa ID niya. Pero umalis din agad. Hinila ng kaklase niya. Nagmamadali ata. Basta narinig ko Irra ang tawag sa kanya.
Crush, why so pretty? Yep. For the first time nagkaro'n ako ng girl crush. ꒰⁎ ✪̼ ◡ ✪̼` ⁎꒱
P.S: Oh syet! I knew it! 'Yong pang apat na lalake kanina, siya 'yong lalakeng nahambalos ko no'ng na-pasabog ako. Siya rin 'yong nagco-concert kasama mga tropa niya no'ng flag ceremony! Ang animal na 'yon! Makakatikim din siya sa 'kin. (ಠ益ಠ)