PAGE THIRTY-THREE
Juice colored. Hindi ko na alam ang gagawin sa kaibigan kong si Rinneah. Hanggang ngayon tawang tawa pa rin ako dahil sa sinabi niya kanina. Pa'no ba naman may recitation kami at tahimik kaming pinagreview. Hanggang bumalik na 'yong Ma'am namin.
Ma'am D: Nakapagreview na ang lahat. Okay na? Ready na kayo sa recitation?
Rinneah: Noong iniwan nga niya ako, hindi ako ready, pero kinaya ko, Ma'am. Kinaya ko kahit mahirap. Kahit masakit. Recitation pa kaya?
Ako: (Bumulong) Leche ka, bebs.
Ma'am D: (Nagulat) Domingo, may pinagdaraanan ka ba, hija?
Napuno nang tawanan ang buong room dahil sa kanya. Hugot Queen na nga ang bansag sa kanya. Lukaret ang Rinneah na 'yan. Kung maka-hugot. Wala naman lovelife. Hahahaha. Hindi lang 'yan. Nag-share ako ng post Ganito 'yung nakalagay. "Life is like riding a bicycle. To keep your balance, you must keep moving."
Wala pang ilang minuto nag-comment ang sobrang bait kong kaibigan na walang bahid ng kawalanghiyaan.
Rinneah: P600 na kapital unlimited dollars ang kikitain! Join Planpromatrix now! We're looking for data encoders (8K-13K salary a month) Limited slot only contact me as soon as you can. * Data Entry (Potential Income $200-$300 every month) -marunong mag-computer -kayang mag type / encode ng hanggang 30wpm -mayroong computer / laptop -mayroong internet connection -kumita ng mula $5 hanggang $10 kada araw. * Load dealer/retailer - isang number na p'wedeng makapagload sa lahat ng network, cable satellites, game cards and many more (700+ products) -unlimited 200php sa retailer's activation codes -sell load via webtool or gateway -unlimited text to all networks via webtool. * Posting Ads/Advertising Agent- income sa bawat napasali mo (earn 300-4500 pesos daily) ✔Unlimited 6.66$ matrix bonus -300pesos ✔Unlimited 1.11$ pass up bonus -50pesos ✔Unlimited 0.11$ indirect referal bonus - 5pesos ✔Unlimited 2.22$ pairing bonus - 100pesos ✔Unlimited 0.66$ binary direct bonus - 30pesos ✔Plus Profit Sharing. Inviting is optional at sure na kikita ka kahit wala kang invite kasi meron ka nang data entry at eloading business so palalapasin mo pa ba ito? Bagay na bagay ito sa mga taong hindi marunong mag-invite pero gustong kumita. Just leave me a private message at tutulungan kita.
Hype na networking na 'yan. Muntikan pa akong maiyak dahil sa haba. Lukaret na Rinneah pati ako biniktima. Nagreply nga ako sa comment niya, "Hype ka po." Reply niya naman, "Same to you po. Hahahaha." O 'di ba ang sweet naming dalawa. Hahahaha. Mayro'n pa. Oo 'di pa nagtatapos diyan. Chinat ko siya no'ng nakaraang araw lang.
Ako: Bebs, sa tingin mo magkikita pa kami ni Pikachu?
Rinneah: "Para iligtas ang mundo mula sa pagkawasak!" "Para pagkaisahin ang bawat mamamayan!" "Para pairalin ang pag-ibig at katotohanan!" "Para magtagumpay sa pag-abot ng mga bituin!" "Jessie!" "James!" "Team Rocket, simbilis ng liwanag kapag lumipad!" "Sumuko na kayo o humarap sa inyong katapusan!" "Meowth, tama 'yon!" "Wob-buf-fet!"
Buwisit. Napakatinong kausap. Napakatinong kaibigan talaga. Tinatanong mo nang maayos, kabaliwan ang isasagot. Kaya tuloy naisip kong gantihan siya nang minsang i-chat niya ako. Tawang-tawa tuloy ako. Hahaha. Akala niya siya lang, a?
Rinneah: Omg, Bebs! In-stalk ko peysbuk ni Miro-baby ko! Chat ko kaya siya? Kaso baka i-seenzoned lang ako. Meseket. Huhuhu.
Ako: Walang duda kagagawan na naman ito ng isang yokai! Alam ko na kung sino makakatalo sa kanya. Yokai na aking kaibigan lumabas ka! Jibanyan yokai medal set on. Purichī! Orecchi, tomo-dachi! Fuku wa uchī!
Rinneah: Leche ka, Bebs. Gumaganti ka 'no? Nako! Itulog mo 'yan. Hahahaha. Sandali may knock knock pala ako d'yan dali.
Ako: K.
Rinneah: Lukaret! Hahahaha. Game. Knock knock!
Ako: Walang tao. Tulog. Umalis. Istorbo ka po.
Rinneah: Mag-who's there ka lang!!!#beastmodename.
Ako: HB ka po. Who's there po?
Rinneah: Yokai
Ako: Yokai who?
Rinneah: Yokai bilis naman maglaho ng pag-ibig mo sinta, daig mo pa ang isang kisapmata ~ Hahahahaha. Natawa ako. #Self-support.
Ako: Ge. Tulog na ako, Bebs.
Rinneah: Langya. Hahahaha. Leche ka, Bebs! 'Di mo man lang ako dinamayan. Tse!
Gano'n lang isinagot ko pero ang totoo? Syet lang. Humagalpak ako nang tawa sa Yokai na 'yon. Ang benta, e. O, siya matutulog na ako. Maaga pa ang pasok bukas. Baka ma-late na naman ako.
P.S: Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita si Pikachu ko. Huhuhuhu. Sana magkita na talaga kami. Nananalig pa rin ako. Fighting! (ง ͠° ͟ﻝ͜ ͡°)ง