Chereads / Love's Journal / Chapter 35 - PAGE THIRTY-FIVE

Chapter 35 - PAGE THIRTY-FIVE

PAGE THIRTY-FIVE

Kanina nakita ko 'yong crush kong si Pikachu sa school. Oo nakita ko talaga siya! Naglalakad siya sa hallway at parang magic na nahawi ang mga estudyante at nagbigay daan sa kanya. Halos lahat napanganga at nag-gasp pa habang titig na titig sa kanya. Sa sobrang guwapo niyang mukha. At kasama na ako ro'n. (ФоФ)

Hindi ako makapaniwala. Dito rin sa school na 'to nag-aaral si Pikachu! Syet. Sobrang saya lalo na nang tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa 'kin. Halos manghina ako sa sobrang kilig. Lalo na nang muli kong masilayan ang pamatay niyang ngiti. Nasabi ko na lang sa sarili ko, "God. I'm gonna die." Napanganga pa ako't namula nang sabihin niyang, "Hi, cute! Good morning." Syet. Mamatay-matay talaga ako sa kilig. Hindi ako makapaniwala na nilapitan niya ako, namumukhaan pa niya ako, tinatawag niya akong cute at nginitian pa niya ako.

Okay na. Okay na ang lahat, e. Pusang gala! Hanggang sa may kumalabit sa 'kin at sinabing, "Larisse! Gumising ka na! Anong oras na! Male-late ka na naman!" Holy caramel. Si Mama 'yon at ang masaklap do'n, panaginip lang pala 'yon. Hindi totoo. Gusto kong maiyak sa inis, lungkot at disappointment. Akala ko totoo na talaga, e. Parang totoong totoo kasi. Lalo na 'yong ngiti ni Pikachu. Huhuhuhu. Sana hindi na lang muna ako nagising. Ayon na, e. Naging panaginip pa. Hays. (╥﹏╥)

Nang ikinuwento ko nga kay Rinneah, mamatay-matay pa sa katatawa ang lukaret na 'yon. Kumanta pa nga ng, "Panaginip lang pala ~ Panaginip lang pala ~ " Syet na 'yan. Nang-asar pa talaga. H'wag na raw kasi akong umasa dahil hindi na kami magkikita ni Pikachu ko dahil nag-evolve na raw. Langyang kaibigan. ( ͡ಠ ʖ̯ ͡ಠ)

Basta ako, naniniwala pa rin ako na magkikita pa rin kami ni Pikachu. Kung kailan, hindi ko alam basta mangyayari pa rin 'yon. Kapag pink na ang uwak. Echos! Hahaha. Bigla kong naalala na short quiz kami sa Pre-calculus bukas. Makapag-review na nga muna.