Chereads / Love's Journal / Chapter 34 - PAGE THIRTY-FOUR

Chapter 34 - PAGE THIRTY-FOUR

PAGE THIRTY-FOUR

Namiss kong magsulat dito. Hays. Mahigit isang buwan na rin pala mula no'ng huli akong sumulat dito. Grabe. Puro alikabok ka na nga 'tong notebook ko sa loob ng drawer ko. Sobrang busy na kasi. 'Yong oras na gagamitin ko para magsulat dito, itutulog ko na lang. Gano'n kalala. Estupidyante, e. ('◇')?

Wala rin naman exciting na nangyari no'ng mga nakalipas na araw. Puro paper works, homework, group activities at research ang ginawa namin. Iyon talaga ang palagi kong ginagawa. Umay na umay na nga ako.'Tapos kanina may oral recitation naman kami. Naalala ko tuloy 'yong mga kaklase kong nakayuko. Kunwari lang naman nakayuko o may kinakalkal sa bag para 'di matawag. Sila talaga ang mga tunay na estudyante, e. Hahahaha.

Natatawa nga kami ni Bebs dahil 'yong bully namin na kaklase, nganga kapag recitation pero nangunguna kapag kalokohan. Siya tuloy ang nabully kanina. 'Yong isa naman medyo pinahiya pa ni Ma'am dahil 'di nakasagot. Bumulong tuloy si Rinneah ng, "'Di makasagot kapag recitation pero active na active sa social media. Suck laugh, Bebs." Syet na malagkit. Pinigil ko na lang tumawa. Terror pa naman 'yong teacher namin. Ang hard ni Bebs, e.

Ito pa habang nagdidiscuss 'yong terror teacher namin, naka-serious face kami. Kunwari nag-iisip dahil nakatingin sa 'min si Ma'am pero ang totoo nagdadaldalan kami nang palihim. Mga gawain namin ni Rinneah. Hindi lang yon. Sumakit din pala ang ilong ko kanina at bahing ako nang bahing dahil sa alikabok sa Old Library na pinuntahan namin. Syet. Nalanghap ko lahat, e. Nagpaalam muna ako kay Bebs at sinabi kong magsi-CR ako. Leche. Babahing sana ako pero biglang naudlot. Pero ito na, pagbahing ko ulit (may takip akong panyo) sakto dahil may dumaan no'ng papunta pa lang ako ng CR. Bigla niya tuloy siyang nagsalita at sinabing, "Bless you."

Pagtingin ko. Syet. Siya na naman. 'Yong lalakeng Jarius, Jared o Janrey ata ang pangalan. Basta ewan ko. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin sabay sabing, "Tukmol!" Ngumisi lang ang kinindatan pa ako. Lecheng 'yon. Pasalamat siya at medyo guwapo siya. Medyo lang.

Speaking of guwapo, isang buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita si Pikachu. Huhuhuhu. Hindi ko na mabilang kung nakailang balik ako ro'n. Hays. Aasa pa ba ako? Crush! Where na you? Dito na me. (╥_╥)