Chereads / Love's Journal / Chapter 28 - PAGE TWENTY-EIGHT

Chapter 28 - PAGE TWENTY-EIGHT

PAGE TWENTY-EIGHT

Last tuesday, nagmeet na si Rinneah ang Remarie. (Pareho pa lang nagsisimula sa R ang pangalan nila. ♡) Sobrang saya dahil tama ang hinala ko. Nagkasundo agad sila. Ang ingay nga naming tatlo dahil parang mega-phone ang bunganga nitong si Rinneah, sabayan pa nang nakakalokang tawa ni Remarie, o 'di ba? Minsan nga na-OP na ako. Hahahahaha. Dejoke. Kasali rin ako sa mga kalokohan nila, e. Sabi nga ni Remarie, "Para tayong magkaibigan na no'ng past life at nagkita ulit ngayong present life natin!" Natawa tuloy kami ni Bebs sa sinabi niya at sumagot naman si Rinneah ng, "I feel you. Basta alam kong magkakasundo tayo."

Ang saya pala kapag lahat kayo magkakaibigan. Hindi lang 'yon. Pati si Sera at Moni, sinama minsan ni Remarie at nakilala rin sila ni Bebs. Nako, itong bestfriend ko mas close na sa 'kin kaysa sa kanila. Rem na nga tawag niya kay Remarie. Hahahaha! Kapag magkakasama nga kaming lima, wala kaming ginawa kundi magtawanan. Sabay sabay kaming nagre-recess. Buti na lang nand'yan sila. Hindi na ako loner forever. (´▽`)

Hindi pa pala natatapos d'yan dahil itong bestfriend ko, aba! Pati sa room marami na agad siyang nakaka-kuwentuhan at nakaka-usap. Natatawa nga ako at sapilitan talaga 'yon. Chinichika niya nang todo. Sabi ko nga, "Bebs hayaan mo na. Mukhang ayaw kang kausapin." Hindi kasi sumasagot. At kung sasagot man, parang nahihiya na natatakot sa kanya. Hindi naman sumuko si Bebs. Sabi pa, "Okay lang. Kinakausap ko para ma-exercise naman ang mga dila nila. Mag-iisang buwan ng tuyo ang mga laway, Bebs." Hype na Rinneah talaga 'to. Concern pala sa dila at laway. Pinag-exercise pa. Hahahaha!

May moment pa nga na lilipat 'yan ng upuan para lang makipagdaldalan. 'Yong kaklase naming si Chant na palaging may hawak na salamin ang kausap niya. Oo. Para ngang 'di 'yon mabubuhay nang wala 'yong salamin niya. Napansin ko 'yon. Maya't maya ba naman tumitingin at uma-aura. Kung vain si Bebs, siya naman sobrang GGSS. Talagang magkakasundo sila. Hahahaha. Sabi nga ni Rinneah, "Siguro kapag binasag ko 'yong salamin niya, ngangawa 'yon, Bebs." Hahaha. Langya. Minsan talaga masarap itakwil ni Rinneah bilang kaibigan. (⌒o⌒)

Isang linggo pa lang siya sa room, marami na agad siyang kakuwentuhan. Iba talaga kapag magaling makisama. Bagay talagang bigyan siya ng award na Miss Congeniality. Hahaha. Pati nga 'yong ibang kaklase naming lalake, nakikita kong kausap na rin niya. Minsan talaga nagtataka na ako. Bad breath ba ako kaya ayaw akong kausapin ng iba? Aba, lagi akong nagto-toothbrush, a. Sabi kasi ni Bebs, mukha raw akong mataray kaya siguro nai-intimidate raw sa 'kin 'yong iba. Kung hindi ko raw siya kaibigan, baka gano'n din siya. Hindi naman ako gano'n. Sana naman kilalanin muna nila ako bago nila ako husgahan. Hindi naman ako nangangagat. Hahahaha. Lol.

Buti pa si Bebs, mala-anghel ang mukha. Madaling nakakahatak ng kaibigan. Mukha talaga siyang friendly kung titingnan. Smiling face kasi. 'Di tulad ko, palaging naka-resting bitch face raw. Hahahahaha. Sabi nga niya no'ng sinabi ko 'yon, "Mala-anghel ka d'yan! Looks can be deceiving, Bebs. Nakatago lang ang buntot at sungay ko." Mangiyak-ngiyak tuloy ako katatawa sa lukaret na 'yan.

O siya, gagawa na nga muna akong home work sa Oral Com. Inaantok na rin ako.

P.S: May bago pa lang crush 'yon si Rinneah. Hindi talaga stick to one. Palaging may crush of the week. Pa'no mukha raw ka-federasyon si Jaylord kaya inayawan niya. Tinatanong ko nga kung sino 'yong bagong crush niya ayaw naman niyang sabihin. Malalaman ko rin naman. Si Rinneah pa. Kilala ko 'yon, e. Aamin din 'yon. ( ؔ⚈͟ ◡ ؔ⚈͟ )