Chereads / Love's Journal / Chapter 29 - PAGE TWENTY-NINE

Chapter 29 - PAGE TWENTY-NINE

PAGE TWENTY-NINE

Tawang-tawa ako kay Rinneah dahil naiimbyerna siya sa teacher namin sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Ma'am Charo nga ang tawag niya ro'n. Imbis daw kasi magturo, nagkuwento na lang ng talambuhay niya. Hahahaha. Syet talaga si Bebs. Pero totoo. Mas alam pa namin ang kuwento ng buhay niya kaysa sa lesson namin. Kaya sana sa exam, tungkol sa buhay niya ang mga tanong para ma-perfect namin. Lol.

Tuwing magkasama kami, panay ang bida ni Bebs sa bago niyang crush na hanggang ngayon, hindi ko pa rin kilala. Basta baby ang tawag niya. Sabi ko nga, "Baby baby ka d'yan. Kapag naging kayo na, baby-tawan ka rin n'yan." Sinamaan ba naman ako ng tingin sabay sabing, "Bitter 'to!" Natawa tuloy ako. Pati kila Remarie, Sera at Moni bukambibig niya 'yon.

Rinneah: Omg! Crush, why so pogi? Kinikilig tuloy ako.

Sera: Alam mo curious na ako. Sino ba 'yang crush mo? Classmate niyo? Ka-strand natin? Ibang strand? College na? O schoolmate lang?

Rinneah: (Ngiting malapad) Classmate? Hindi. Ka-strand? Yep. Pero secret lang!

Moni: Sabihin mo na kung sino. Para makilatis naman namin.

Remarie: Kaya nga. Kaibigan mo naman kami. Hindi naman namin ipagkakalat.

Rinneah: Sige na nga. Sasabihin ko na. 'Yong crush ko talaga ay si. . .

One eternity later. . .

Ako: Ano na? Pa-suspense naman 'to! (눈_눈)

Rinneah: Atat, Bebs? (Natatawa sabay namilipit sa kilig) Si Miro. Si Miro 'yong crush ko! (✿ຈ ﻝ͜ ຈ )

Remarie: (Nagulat. As in nanlaki ang mata!) Crush mo rin si Miro? (⊙.☉)

Rinneah: (Nagulat din. Napanganga. Literal!) Rin? Ibig sabihin crush mo rin siya? Oh no.

Ako: (Aba, nagulat din!) Oo nga. 'Di ba sabi mo sa 'kin MDS 'yong initials ng crush mo? Si Damion. Pa'no naging si Miro?

Remarie: (Ngumiti nang bahagya) Damion. Second name lang 'yon ni Miro. 'Yon sinabi ko para 'di halata.

Rinneah: Letchugas naman. Sa room nga marami na akong kaagaw kay Miro-baby, pati ba naman ikaw, Rem? ●︿●

Remarie: Crush lang naman. Paghanga.

Rinneah: (Nahimasmasan) Sabagay. May point ka. Sige na nga. Pareho na tayong may crush kay Miro-baby. (=`ェ´=)

Remarie: Hati lang tayo. Hating kaibigan. Walang agawan.(=´∇`=)

Rinneah: Siyemperds! Naiimagine ko na tuloy kapag sabay natin nakita si Miro-baby sabay rin tayong kikiligin! Yay!

Nagtatawanan na lang kami nina Sera at Moni kapag kinikilig silang dalawa. Umamin din pala silang dalawa kung sino ang crush nila. 'Di ko naman kilala dahil classmate raw nila. Pero 'di ako nakaligtas.

Sera: Ikaw, sino crush mo, Larisse?

Moni: Ikaw na lang at hindi umaamin kung sino ang crush mo. Siguro si Miro rin 'no?

Rinneah: 'Di niya crush si Miro. 'Di niya nga 'yon kilala.

Ako: Wala naman kasi akong crush ngayon.

Sera: Weh? Umamin ka na. Crush lang naman.

Ako: Sige na nga. Aamin na ako. Si Leonardo Dicaprio talaga ang crush ko.

Moni, Sera, Rem: (Nagulat at nalaglag ang mga panga)

Rinneah: (Natawa nang malakas dahil sa reaksyon nila)

Bakit? Sooooobrang guwapo kaya ni Leonardo. Siya kaya ang hollywood celebrity crush ko. My Jack Dawson. ❤

Maiba lang ako, dahil mas akong nacurious sa Miro na 'yan kaya isesearch ko sana siya sa facebook para tingnan kung anong itsura niya at kung bakit humaling na humaling sa kanya ang mga kaklase ko, 'yong ibang mga estudyante, pati na rin sina Remarie at Rinneah, pero! Nakakaleche dahil hindi ko nga pala alam ang apelyido niya. Sayang. Saka na lang siguro. Makikita at makikita ko rin naman siya.