Chereads / Love's Journal / Chapter 26 - PAGE TWENTY-SIX

Chapter 26 - PAGE TWENTY-SIX

PAGE TWENTY-SIX

'Yong mga estudyanteng gumising ng maaga hindi para pumasok kundi para malaman kung suspended ang klase. Isa na ako ro'n. Hahahahaha(=´∇`=)

Sobrang lakas ba naman ng ulan kagabi. Naglalagutukan na nga ang yero namin. May kasama pang kulog at kidlat. 'Buti na lang at hindi ako takot do'n. Pagka-gising ko tuloy kanina, ang bungad sa 'kin ni Mama, "Walang pasok." Hindi tuloy natuloy ang pagligo ko at nagtext si Rinneah ng, "Yehey! Walang pasok." Halatang tamad pumasok e. Hahahaha. Bumalik na lang ako sa kama at natulog. Ang sarap kayang matulog. Ang lamig, e.

Speaking of Rinneah, sobrang saya ko talaga last monday no'ng sabay kaming pumasok. Nagpakilala pa rin siya sa 'min at sinabi niya, "Ako si Helenie Rinneah Domingo. Minsan nagmahal. Minsan din nasaktan. Pero ito, bumabangon. Lumalaban pa. Mahirap man, nagpapakatatag pa rin. Well, that's life. Hindi lang naman sa isang tao iikot ang mundo ko. Ganern!" Tawang-tawa nga ako sa kinauupuan ko. Sira ulo talaga. Pati nga mga kaklase ko nakitawa rin.

Nang mapakunot tuloy ang noo ng adviser namin, inayos na ni Rinneah ang sagot. Hindi lang 'yon dahil halatang nagulat si Carylla nang makita niya si Bebs. Namukhaan siguro. Kung ilag o parang takot sa 'kin ang mga kaklase namin, aba naman. Mas takot na lahat sa kanya.

Ito pa kahit hindi siya kinakausap no'ng iba todo talak pa rin ang bestfriend kong kapatid ni daldalita. Leche nga, e. Dahil crush niya agad si Jaylord! Gano'n kabilis. First day pa lang niya crush na niya agad ang escort namin na 'yon. Imba talaga si Bebs. Ang bilis magpalit ng crush. Kat'wiran niya, "Crush lang naman. 'Di naman boyfriend." May point naman siya. Sayang nga at hindi ko pa siya napakikilala kina Remarie. Busy pa kasi sila. (Kasama si Sera at Moni) 'Di bale, alam kong mangyayari rin naman 'yon at alam kong makakasundo rin nila si Bebs. ₍ᵔ·͈༝·͈ᵔ₎

O siya, ang lakas pa rin ng ulan. Giniginaw tuloy ako. Makakain nga muna ng instant noodles.