PAGE TWENTY-ONE
Hindi na sana ako magsusulat dito dahil ang sakit sakit na nang dalawang kamay ko at gusto ko na talagang matulog ngayon. Pero gusto ko pa rin isulat lahat nang nangyari ngayong araw, kahit sumasakit na ang paltos ko. Ang dami ba namang pinasulat kanina sa 'min sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino na subject. Ayaw na picturan lang namin 'yung bawat slide ng ppt. Ayaw din na ipa-photo copy lang namin. Gusto sulat kamay talaga. Grabehan 'di ba? (ಥ_ಥ)
Marami na naman nangyari ngayong araw. Isa na ro'n 'yong nagalit ang teacher namin sa Oral Com dahil ang ingay ng mga kaklase ko. Oo, sila lang. Wala naman kumakausap sa 'kin. Para ngang nagkaro'n siya ng black aura kanina. Pero hep! Imbis na tumahimik, tawa pa rin nang tawa ang makukulit at pasimuno kong mga kaklase. Sabi tuloy ng teacher namin, "Wala pang isang buwan, nilalabas na ninyo agad ang mga sungay niyo!" Ang ending nag-walk out si Ma'am at hindi na natuloy ang quiz sana namin.
Hinintay ulit ako ni Remarie. Oo, palagi na talaga kaming magkasabay magrecess. Pero kapag uwian, hindi. Iba kasabay niya o minsan nag-i-stay muna sila rito sa school dahil may group project pa ata silang gagawin. Basta tuwing recess kami magkasama. Nakakatuwa nga dahil ang bait niya talaga. Marunong akong kumilatis ng tao at alam kong hindi siya plastik. Hindi siya mapagpanggap. Wala siyang preno. Kung ano ang nakikita ko, 'yon talaga siya, e. Makuwento. Maraming chika sa buhay.
Iyon ang nakakatuwa dahil nagagamit ko pa rin ang boses ko araw-araw dahil sa kanya. Sana nga kaklase ko na lang siya para hindi ako forever loner sa room. Minsan talaga gusto ko na lang umuwi, matulog o kaya bumilis na lang ang oras kapag nasa classroom ako, e. Pumupunta na nga lang ako sa sulok at doon sinusubsob sa arm chair ang ulo ko. Mamaya kasi, i-bully pa ako ng mga kaklase kong lalake na halata naman na hilig nilang gawin. ⊙︿⊙
Hindi pa nagtatapos d'yan ang nangyari ngayong araw dahil kanina habang nagrerecess kami ni Remarie, may lumapit sa 'min na dalawang babae. Mga kaibigan pala niya at kaklase niya simula Grade 7 pa raw sila. STEM din ang strand nila tulad ko pero section 1 sila at section 3 naman ako. 'Yong isa, nakasalamin, itim na itim ang mata niya, nakahawi ang bangs at ang cute niya. Si Sera 'yon. 'Yong isa naman, sobrang singkit. Halatang may half. Kapag ngumingiti nga wala ng mata. Ang cute. 'Yon naman si Moni.
Nag-usap usap sila nang biglang sabihin na Remarie, "Sera, Moni, si Larisse nga pala." Napatigil talaga ako kanina nang titigan nila ako. Akala ko dedeadmahin nila ako pero hindi. Bigla silang ngumiti at sinabi no'ng Sera, 'yong nakasalamin na cute, "Hello, Larisse. Why so pretty?" Literal na natawa ako. Hindi dahil sa sinabi niya kundi sa expression niya. Siyempre pa-humble naman ako. Sabi rin no'ng Moni, "Hi. Nice to meet you." Syet. Englishera ata sila.
Natutuwa ako dahil sumabay pa sila sa 'min magrecess. Nagtataka nga ako kung bakit sila nga, kinakausap at nginingitian ako agad. Pero bakit 'yong mga kaklase ko hindi? Kung tingnan nila ako palagi, para akong isang alien. Deym. Bakit ko ba sila pinapansin? Kung ayaw nila sa 'kin, 'di 'wag. (ভ_ ভ)
P.S: Naubusan ako ng champola kanina. Kainis pa 'yong tindera sa Cafeteria na ang sungit sungit. Puwede naman sabihin na wala na, naninigaw pa. Tsk!( ͡ಠ ʖ̯ ͡ಠ)