Chereads / Love's Journal / Chapter 15 - PAGE FIFTEEN

Chapter 15 - PAGE FIFTEEN

PAGE FIFTEEN

Napaka-boring ng first day of class namin ngayon. New school. New teachers. New classmate. New friends. Wala pala 'yong huli. Walang new friends dahil wala naman akong kilala o kaibigan na sa kanila. Bakit ang boring? Ang tatahimik kasi ng mga kaklase ko. Wala man nga lang pumapansin sa 'kin. Walang kumakausap. Ni ha, ni ho, wala. Pero parang sila, magkakakilala na. Unfair. Pagpasok ko nga, tinginan silang lahat sa 'kin. Syet lang. Parang ngayon lang sila nakakita ng maganda este tao pala lol.

Parang mga tanga pa na bulungan nang bulungan pero sa 'kin nakatingin. Ano'ng iisipin ko? Na hindi naman ako ang pinag-uusapan nila. Syet lang ulit. Siyempre dahil first day of class, usong-uso ang introduce yourself na 'yan. Nang ako na nga sabi ko, "Hello! Ako nga pala si Larisse Enriquez, sana maging kaibigan ko kayong lahat." Pero walang sumasagot. Walang nagsalita. Inirapan pa ako no'ng iba kaya bumalik na lang ulit ako sa upuan ko. Pati na ang lecheng expectations na 'di ko alam kung bakit may gan'yan pa. Basta ang boring. Kapag sinusubukan kong kausapin 'yong dalawang katabi ko, puro tango at iling lang. Parang ilag sila sa 'kin. 'Yong totoo? Mga pipi ba ang mga 'yon? Hindi ba sila natutuyuan ng laway sa ginagawa nila.

Akala ko pa naman first day pa lang may kadaldalan na ako, 'yon pala wala. Nganga. Eto pa, first day of class, dapat chill lang, e. Gano'n ineexpect ko dahil 'yong iba hindi pa pumapasok kaya 'yong ibang teacher tamad pa magturo. Pero sa'min, walang konsiderasyon. Langya. After magpakilala, konting discussion lang, aba! May short quiz agad. 'Yong isang subject naman, pre-test agad with assignments pa. Syet na 'yan. Sumakit tuloy ang kaliit-liitang ugat sa utak ko. Napa-jusmiyo marimar na lang ako nang maka-25 out of 50 items ako. Kalahati. Pasang-awa. Muntikan pa nga bumagsak. Piniga ba naman agad ang utak ko mabuti nga hindi dumugo. Siguro, babawi na lang ako sa susunod.

Haays, alam kong pagagalitan na naman ako nila Mama at Papa kapag nakita nila ang test paper ko na 'to. Hindi na nila dadagdagan ang baon ko. Bahala na nga. Itatago ko na lang siguro 'to. ⊙︿⊙