PAGE THIRTEEN
Malapit na talaga pasukan pero tinatamad na 'kong pumasok. Parang noong nakaraan lang, excited na ako pero ngayon, ayoko na. Sana i-extend na lang ang bakasyon. Sana next, next month pa ang pasukan. Ayoko pa talaga. Kahit dito na lang ako sa bahay forevs okay lang. ι(´Д`ι)
Paano ba naman sa magkaibang school kami mag-aaral ni Rinneah. Sino'ng hindi malulungkot no'n 'di ba? Bago pa ang graduation namin napag-usapan na namin kung sa'n kami magsi-senior high pero hindi pa siya sure no'n kasi Mama raw niya ang magdedesisyon. Kahit hindi pa siya sigurado, nag-entrance exam pa rin kami sa Ruforth University. Dream school kaya namin 'yon. Syet! Halos magtatalon nga kaming dalawa sa sobrang tuwa nang makapasa kami. Friendship goals 'di ba? Pero nagulat na lang ako nang sabihin niya sa 'kin na hindi na siya ro'n mag-aaral dahil na-enroll na siya ng Mama niya sa Felicity Academy na alma mater daw nito. Gahd. Sobrang nalungkot ako no'n. Akala ko kasi hanggang senior high, kami pa rin ang magkasama. Hindi ko kaya kayang mawala sa tabi ko si Rinneah. Parang hindi ako makaka-survive sa bago kong school kung wala siya. I'm sure magiging loner ako pag wala si Bebs.
Pilit niya 'kong chinicheer-up no'n kahit alam kong deep inside, nalulungkot din siya. Ilang beses daw niyang pinakiusapan ang Mama niya pero hindi talaga pumayag. Hindi na nga kami magkaklase, hindi pa pareho ang school na papasukan namin. Nakakalungkot talaga. Kaya nga hindi na 'ko excited pumasok, e. Ngayon lang kami magkakahiwalay ni Bebs. Sabi nga niya, "H'wag na tayong malungkot. Magkikita pa rin naman tayo kapag sabado at linggo." Ayoko. Masyado na ata akong clingy dahil gusto ko laging kasama si Rinneah.
Sinamahan din pala niya 'kong mag-enroll kahapon. Nagtiyaga siyang samahan ako kahit napakahaba ng pila at step by step talaga ang procedure. Sabi nga niya naiinggit siya dahil dream school talaga namin noon pa man ang Ruforth University at napagpasyahan na namin na STEM ang strand na kunin. May nakasabay nga ako sa pila na mga nag-eenroll din at nagpapataasan ng average. Hiyang-hiya nga ang 86.56 na average ko sa 90+ something na average nila pero mababait naman dahil kahit hindi nila 'ko kilala, kinausap din nila ako. Same strand pala rin pala ang kukunin namin at sabi ko pa sana maging classmate ko sila. Kailangan ko na talagang mag-adjust dahil hindi ko na talaga makakasama si Bebs.
Naalala ko lang no'ng abala kami sa pag-uusap no'ng mga katabi ko sa pila, biglang nahagip ng mata ko ang isang babae at isang lalake na magka-holding hands at sumingit doon sa unahan namin. Sinama pa ang limang kaibigan nila. Tindi 'di ba? Pinagmasdan ko tuloy siya ng mabuti 'yung babae na may boyfriend. Maganda siya. Medyo matangkad at morena. Chinita rin siya at naka-fishtail ang buhok. Nang mapansin niyang tinitingnan ko siya, bigla ba naman akong tinaasan ng kilay at sinabing, "Ano'ng tinitingin-tingin mo? Ba't aangal ka?" Parang tanga. May sinabi ba akong umaangal ako? Nagsalita ba ako? Napatingin tuloy sa kan'ya 'yong ibang estudyante. Umiba na lang ako nang tingin pero nahagip ng mata ko na nakatingin din pala sa 'kin 'yung boyfriend niya at bigla ba naman akong kinindatan. Inirapan ko nga. Leche na 'yan. Ayun, natapos din naman at nakapag-enroll din ako pero sana hindi bumilis ang araw. Ayoko pa talagang pumasok.
Hindi ko na nga masyadong iniisip pero nalulungkot pa rin talaga ako. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Hindi ko alam kung may mga magiging kaibigan ba 'ko. Kakayanin ko kaya kung wala si Rinneah sa tabi ko? Hays. Sana. Dahil wala naman akong choice kundi kayanin talaga. (╥_╥)