Chereads / Love's Journal / Chapter 14 - PAGE FOURTEEN

Chapter 14 - PAGE FOURTEEN

PAGE FOURTEEN

Ilang araw din akong hindi nagsulat. Bukod kasi sa tinatamad ako, wala rin naman exciting na nangyari noong mga nakaraang araw. Wala rin akong ibang maisusulat kundi ang paghiga ko, pagtulog, paglinis ng bahay, panunuod ng TV. Hirap talagang maging taong bahay. Buti nga 'yong mga kapatid ko, marami silang kaibigan na mga kapitbahay namin. Ako, wala. Hirap din talaga kapag hindi ka friendly. (˘︹˘)

Hays. Napakabilis talaga ng araw. Hiniling ko pa naman na sana bumagal na lang. Sabado na agad ngayon at sa Lunes, syet! Pasukan na talaga. Goodbye wantusawang tulog at mas lalong goodbye sa walang katapusang utos hahahaha lol. Umalis sila Mama't Papa ngayon kasama ang mga bubwit kong kapatid na sina Limuel at Liam para bumili ng mga gamit sa school. Ako lang ang naiwan dito sa bahay dahil nagpractice si Laica ng Volleyball at si Ate Larine naman, may outing kasama 'yung mga kaibigan niya. No'ng isang araw pa kami namili ni Rinneah ng mga gagamitin namin sa school kahit hindi na talaga kami magkakasama. Hays, nalulungkot na naman ako. Paano ba 'ko masasanay na wala si Rinneah sa tabi ko? (╥_╥)

Katatapos ko lang pa lang manuod ng super favorite kong Beauty and the Beast! I love Belle. Habang nanunood nga ako kanina, biglang dumating ang maingay kong bestfriend. Nasa kabilang kanto pa lang 'yan, rinig na rinig ko na sinisigaw ang pangalan ko. Pagpasok nga sa kuwarto hingal na hingal at sinabing, "Leche. Kaya pala hindi ka sumasagot nakakulong ka na naman sa lungga mo." Hindi ko pinansin at tutok ako sa panunood. Kahit ilang beses ko 'yong panuorin, hindi ako nagsasawa. Sabi ko kasi sa kan'ya mag-movie marathon kami kasi last na 'yon e. Magiging busy na kami sa school sa mga susunod na araw at bihira na lang kami magkikita. E, ang tagal dumating kaya nauna na akong manuod. Nakita kong marami rin siyang dalang dvd na puwede raw namin panuorin at mamili na lang daw ako.

Nagulat na lang ako dahil habang tahimik akong nanonood, bigla na lang siyang umupo sa tabi ko at nanahimik habang kagat kagat ang kan'yang kuko. Sabi ko tuloy, "Huy, anyare?" Aba, ang loka ngumiti lang. Ngumiti nang malungkot sabay sabing, "Alam mo, Bebs? Akala ko mga fairytales lang ang hindi totoo. Pati pala feelings niya sa 'kin hindi rin totoo." Ayon, sinabunutan ko at humalakhak naman ang lokang 'yon. Humuhugot na naman, e. Sarap ibaon sa lupa lol. Tinapos ko lang muna 'yong Beauty and the Beast bago ko siya pinapili kung ano'ng gusto niyang panoorin at The Conjuring ang napili niya. Todo iling tuloy ako at sinabi kong, "Langya, Bebs! Kahit ano, kahit romance, comedy, fantasy, thriller, suspense, action, 'wag lang horror." Nananadya talaga 'yon, e. Alam niya kasi na ayokong manood ng horror. Matatakutin ako at hindi pa ako nakakatulog sa gabi dahil napapanaginipan ko pa 'yon. Sabi naman niya, "Hindi naman 'yan nakakatakot. Mas nakakatakot pa rin 'yong araw na iniwan niya ako." Napa-face palm na lang talaga ako.

Ewan ko ba d'yan kay Rinneah kung bakit tinanggap pa ulit 'yong ex-boyfriend kahit halata naman na puro laro ang alam ng ugok na 'yon. Ilang beses ko na 'yon sinabi sa kanya pero 'di nakinig sa 'kin. Wala naman akong magagawa dahil siya pa rin ang masusunod. Buhay niya 'yon e at mahal niya ang loko na 'yon. Pero ayon, naghiwalay na sila ulit kaya broken hearted na naman si Bebs. Sinasamahan at inaaliw ko na nga lang basta maramdaman lang niya na palagi akong nandito sa tabi niya. Nuks! Hahahaha.

Huweyt! Marami pa sana akong gustong sabihin at ikuwento pero itong ubod ng kulit kong bestfriend niyayaya na naman akong manood ng The Conjuring. Ayoko nga sabi, e! Kaya ito, sinisilip niya ang sinusulat ko. Napaka-chismosa! (눈_눈)