Habang patagal ng patagal ang oras na nakatayo ako sa isang silid kasama siya, kaming dalawa lamang, mas bumibilis ang kabog ng puso ko na para bang nakikipagkarerahan ito sa kung ano. Dahil sa hindi ko kinakaya ang pagtingin niya ay pasimpleng inilibot ko na lamang ang mga mata ko sa kabuuan ng silid na kinaroroonan namin. Nakaupo lamang naman siya habang nakatitig sa akin.
"K-kung wala ka namang sasabihin, mabuti pang um—" saad ko at akma na akong maglalakad paalis nang bigla naman siyang nagsalita na ikinalingon ko. Ngunit agad ko ding binawi ang paningin ko dahil sa tutok at tila nagniningas na tingin niya sa akin.
"I don't see any special thing about you. Not even a single. So how? And why? Why does my cousin chose you?" turan niya na parang napakalaking katanungan talaga noon sa kaniya na kailangan niyang malutas. Na parang isang napakalaking tandang pananong ng mukha ko na hindi niya maintindihan. Patuloy niyang ineksamina ang kabuuan ko.
"You doesn't even look like a human to me." Maanghang niya pang dagdag.
Talagang natamaan ako sa sinabi niya. Ansakit ah. Napangiti na lamang ako sa huli habang nagbabalik sa isipan ang mga senaryong natatandaan. Sa naalala ay kamuntik nanamang tumulo ang luha ko. Buti na lamang at napigilan ko pa ito. Ayokong magpakita ngayon ng kahinaan sa harap ng lalaking sumira sa buhay ko. Lalo na ngayon na alam kong may kakampi ako. Si Zen.
'Pero wala naman siya ngayon dito.'
Pilit kong iwinaksi sa isip ko ang isang yun.
"Alam ba ni Zen na ipinatawag mo ko?" nagulat ako sa tapang ng boses ko ngunit pinanindigan ko na lamang ito at matapang ding ibinalik ang nag-aalab niyang tingin. Napangisi naman siya na parang naaliw sa tapang na ipinakikita ko.
"Paano kung sabihin kong alam niya?" nanghahamak niya namang sagot pabalik. Alam niya? Alam niya ngunit hinayaan niya lamang ako sa lalaking ito? Akala ko ba poprotektahan niya ako?
Napailing ako ngunit agad ding ibinalik ang postura ko.
"Hindi. Kung alam niya 'to, malamang hindi siya papayag na ipatawag mo ako sa silid na tayong dalawa lamang."
"Oh talaga? Mukhang siguradong-sigurado ka ah. Mm…" matapos noon ay may kung ano siyang kinalikot sa cellphone niya. Maya-maya lamang ay nagriring na ito. Nakangisi niyang ipinakita ang numerong tinawagan niya na kay Zen pala.
"Zen?"
(Oh, insan! Nandiyan na si Eve? Nagkausap na kayo?)
"Hindi pa naman gaano."
(Ganoon ba? Sige ibababa ko na muna 'to at may ginagawa pa ako.)
"Okay." Sunod ay inilapag niya na ang cellphone sa lamesa niya. "You heard it? Alam niya." May pagmamayabang niya pang saad. "Poor you." Pang-aasar niya pa. Sa pagkaasar ay bigla ko na lamang siyang nasigawan.
"Bakit mo ba kasi ako pinapunta dito?! Anong dahilan mo?! Sinasayang mo lamang yata ang oras ko eh!" inis kong sigaw. Hindi ko na lamang pinansin ang nanginginig kong mga kamay. Ngunit mukhang napansin niya naman ito.
"Well, I just find you interesting. Kebago-bago mo pa lamang, sikat na sikat ka na. Bakit kaya? Bakit kaya ang isang hamak na tulad mo ay naging reyna ng isa sa mga Quartz?" na-alarma ako nang dahan-dahan siyang tumayo at nagsimulang maglakad papunta sa akin nang may ngisi. Unti-unti din akong napahakbang paatras.
"O? Bakit? Natatakot ka?"
"D-diyan ka lang! Wag kang lalapit! Isusumbong kita kay Zen!"
"Do it. Who says I'm afraid?" sinubukan kong pihitin ang seradura para lamang magulat na nakalocked pala ito. Nang malapit na siya ay hindi na ako nagdalawang isip na takbuhin ang isang bahagi ng lamesa. Tila naman mas naaliw siya sa naging aksyon ko.
"Mmm… I'm starting to like chasing games." Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang bulsa at itinagilid ang ulo niya. Sa ganoong paraan niya ako pinakatitigan ulit. Umayos siya ng tayo at muling naglakad papunta sa akin.
"Wag ka sabing lalapit eh!" Kinakabahan ko nang sigaw. Sa ngayon ay halatang-halata na talaga ang takot na nararamdaman ko.
"You don't tell me what to do, woman." Mapanganib niya pang saad at mabilis na humakbang paikot sa lamesa. Mabilis din ang ginawa kong paglayo. Para kaming mga batang nag-iikutan. Ngunit hindi. Narito ako sa isang silid kasama ang isang mapanganib na halimaw.
Muli nanaman siyang humakbang at agad din akong umatras paikot. Tutok na tutok ang paningin ko sa kaniya.
"Oh come on, woman. Hindi ka ba napapagod? Ilang minuto na tayong nag-iikutan dito."
"Palabasin mo na lamang kasi—" Hindi ko natapos ang sasabihin dahil sa labis na gulat. Nang akala kong hahakbang nanaman siya ay bigla na lamang niyang tinalon ang lamesang nagsisilbing tagapagitan sa amin. Napaatras ako hanggang sa tuluyan na akong napasandal sa pader na nasa likod ko. Ikinulong niya ako sa pagitan ng kaniyang mga braso, at wala akong ibang nagawa kundi ang mapayuko. Nang sinubukan kong lumusot ay ibinaba din niya ang kaniyang katawan at halos magpang-abot ang mga mukha namin. Mabilis naman akong tumayo ulit. Napakuyom ako ng aking kamao. Amoy ko pa ang panlalaki niyang pabango gaya ng kay Zen, at sa palagay ko ay ginto din ang presyo nito. Ngunit tila mas nakakahalina ang isang ito. Nang sinubukan ko ulit siyang tignan ay mabilis din akong napapikit at napayuko nang makita kong napakalapit lamang ng mukha niya sa akin. Ipinagsalikop ko sa likod ko ang aking mga kamay sa tensyong nararamdaman ko. Matagal ding ganoon ang pwesto ko nang marinig ko sa di kalayuan ang boses niya. Ni hindi ko manlang nahalatang nakalayo na siya.
"Partner kita sa sports fest diba? Galingan mo at wag kang lalampa-lampa. Hindi ako tumatanggap ng pagkatalo." Prenteng saad niya habang nakasandal sa lamesa. Hindi siya nakatingin sa akin nang sabihin niya ito kaya naman malaya ko siyang napagmasdan. "Umalis ka na." Saad niya at naglakad papasok sa isa pang silid. Wala naman akong inaksayang oras at mabilis na naglakad palabas. Nakahinga ako ng maluwag nang pihitin ko ang seradura at bukas na ito. Napasandal pa muna ako sa pintuan bago ako nagsimulang maglakad ulit.
Nakakagulat na hindi manlang pinansin ng propesor ang pagkahuli ko sa klase. Isa rin siguro ito sa mga benepisyo ng mga nagiging reyna ng Quartz.
"So class, gusto ko lamang ipaalam na kani-kanina lamang ay natapos na ang bunutan para sa mga magiging kapareho niyo. Goodluck, at sana ma-enjoy niyo ang nalalapit na AIU Sports Fest."
"Sir!" Nakataas ang isang kamay na pagtawag ng isa kong kaklaseng babae.
"Yes, Ms. Alegre?"
"Ang prinsipe ng Arden, sino pong kapartner niya?"
"Si—"
"Excuse me, sir! Pinapatawag po kayo sa faculty, urgent daw po." Anunsiyo ng isang estudiyante sa labas, nagmamadali namang lumabas si sir nang malamang urgent. Samantala ay malaki naman ang panghihinayang ng mga kaklse ko nang hindi ni sir nasabi kung sino ang kapartner ng lalaking hinahangaan nila.
"Kainis! Wrong timing naman!"
"Gustong-gusto ko pa namang malaman kung sino ang kapartner ng prinsipe!"
"Ang swerte naman niya kung sino man siya!"
"Ay ako, gusto kong malaman kung sino ang kapartner ni Zen!"
Biglang natahimik ang silid dahil sa huling komentong iyon. Natutop ng babaeng kaklase ko ang bibig niya nang mawari ang kaniyang sinabi. Ramdam ko naman ang paminsan-minsang pagsulyap sa akin ng mga kaklase ko, marahil tinitignan kung ano ang magiging reaksiyon ko. Kinuha ko na lamang ang isang libro sa ilalim ng lamesa ko at nagbasa. Sa loob nito ay may isa pang libro na siyang binabasa ko talaga. Paboritong-paborito ko ito dahil naihahalintulad sa sinasapit ng bida ang buhay ko ngayon. Dahil gaya ko ay ikinakaila niya din ang totoong katauhan niya.
'Sino ka sa likod ng Maskara?'. Kung ako siguro ay gagawa din ng kwento ng buhay ko, marahil ay malapit sa titulong ito ang gagamitin ko.
"Nasaan po si Sir Domingo?"
"Ayun sa dulo sa kanan."
"Ah, thank you po." Pagpapasalamat ko at naglakad na sa direksiyong itinuro ng propesor na pinagtanungan ko.
"Sir?" pag-agaw ko sa atensiyon niya.
"Ah, yes Ms. Maria. Pinapunta kita dito upang makahingi ako ng tawad sa iyo. Hindi totoong nawala ang papel mo. Kaya naman humihingi talaga ako ng kapatawaran. Huwag kang mag-aalala, idinagdag ko na iyong nawala mong puntos. Kaya naman Ms. Maria, huwag ka sanang magtanim ng sama ng loob sa akin." Mahabang saad ni Sir sa akin at ngumiti. Halata ang pagpapaawa sa itsura. Akala niya siguro magtatanim ako ng sama ng loob sa kaniya at gaganti ako. Natatakot siya lalo na ngayon at isa na akong reyna ng isang miyembro ng Quartz.
"Wag po kayong mag-aalala. Alam ko naman po kung bakit niyo iyon ginawa. Hindi niyo kasalanan iyon, sila Dara po ang gumawa ng mali at naipit lamang po kayo." Saad ko na lamang kahit ang totoo ay nagalit talaga ako sa kaniya noong una. Siyempre sino namang hindi? Pinaghirapan ko iyon tapos malalaman ko na lamang bigla na nawala? Ngunit siyempre hindi naman iyon nagtagal.
"Salamat Ms. Maria."
"Wala pong anuman. Sige po aalis—"
"Ah, Ms. Maria?"
"Bakit po, Sir?"
"Kapartner mo diba si…" saad ni sir na sinasadya ang pagpapabitin ng salita.
"Opo. Bakit po?"
"Gusto lamang kitang paalalahanan. Gawin mo ang lahat upang manalo kayo. Dahil isa sa mga ayaw niya ang matalo." May halong pag-aalala at pagbabanta niyang saad.
'Alam ko. Sinabi na niya sa akin'. Sagot ko na lamang sa isipan ko.
"Huwag po kayong mag-alala. Hindi ko po hahayaan na matalo kami." Saad ko na lamang. "May sasabihin pa po ba kayo?"
"Wala na. Maaari ka nang umalis." Magaan ang ngiti na saad niya. "Ms. Maria mag-ingat ka. Kung dito sa loob isa kang reyna. Sa labas ay ordinaryong estudiyante ka lamang. May mga maglalakas-loob na kalabanin ka, lalo pa't may laban din sila." Pahabol niya pa. Isang tango lamang naman ang isinukli ko at ipinagpatuloy na ang pag-alis.
Hindi ngayon pumasok si Maam Oliveros, bakit kaya?
Lahat ng mga estudiyanteng nadadaanan ko ay yumuyuko at lahat ng mga nasa daan ay nahahawi. Ngunit sa hindi inaasahan ay bigla akong napaatras nang may bumangga sa akin. Lahat ay nagulat ngunit ang babaeng bumangga ay parang walang pakialam at mataray pa akong tinitigan pababa at pataas.
"Hala! Binangga niya ang reyna ng pangatlo sa Quartz!"
"Naku! Lagot ang babaeng yan!"
Mga bulong-bulungang narinig ko ngunit mas tumaas pa ang kilay ng mataray na babae. Na parang hindi malaman kung bakit pinagtitinginan siya.
"What?! Tigilan niyo nga iyang pagbubulungan niyo! At ikaw na babae ka, magsorry ka sa akin, binangga mo ko!" mataray pa niyang saad sa akin. Mas nagulat ang mga estudiyante dahil sa sinabi niya. Ako naman ay napangiwi. Natahimik ang lahat dahil sa nangyari, ngunit may isang naglakas-loob na nagsalita.
"Hoy! Ikaw ang magsorry! Isang reyna ang kinakausap mo!"
"What?! Pinagloloko niyo ba 'ko! Itong mukhang 'to? Reyna? Sino'ng niloko niyo? Wag niyo kong maloko-loko porke bagong salta pa lamang ako dito!" Kaya naman pala. "Ito ang tandaan niyo, hindi magtatagal at mapapasama na ako sa hanay ng mga babae ni Vaughn, kaya mag-ingat-ingat kayo, at ikaw babae, magsorry ka sa akin!" utos niya pa ulit. Lahat ay mas nagulat, hindi lamang dahil sa pag-uutos niya pa ulit sa akin kundi pati narin sa pagtawag niya sa pangalan ng prinsipe. At dahil nga dito ay nagsimula nanaman ang mga bulungan. Nahinto lang ito nang may isang baritonong boses ang nagsalita.
"Napakataas naman ng pangarap mo babae. Ni wala ka sa kalingkingan ng mga babaeng napapabilang sa hanay ko. Isang kapahangasan pa na binanggit mo ang pangalan ko." Mapanganib na saad ni Vaughn. Tila naman nagulat ang mataray na babae at mas natahimik ang buong paligid. "Nagkamali ka na nang hiniya mo ang reyna ng pinsan ko, dinagdagan mo pa ito nang banggitin mo ang pangalan ko."
"V-vaughn—"
"Tumahimik ka. Pangatlong pagkakamali. Ayaw ko na ulit maririnig na lumabas sa madumi mong bibig ang pangalan ko. Alamin mo ang lugar mo babae. Isa pang pagkakamali at bibigyan kita ng marka." Banta niya pa na tuluyang nagbigay ng takot sa babae. Napasinghap naman ang lahat kasama na ako. "Nagkakaintindihan ba tayo?" Tanong niya pa ngunit mistulang walang narinig ang babae na nanatiling tahimik at tulala.
"Nagkakaintindihan ba tayo?" Ulit ni Vaughn na mas lumakas pa. Tila bigla namang natauhan ang babae at pasigaw pa ang naging sagot. At mistulang naging isang sundalo na tumuwid ang tayo.
"O-opo!" Sagot niya na ikinatawa ng mga saksi. Agad naman itong natahimik nang tinignan sila ni Vaughn.
"Mabuti. Ikaw naman, umuwi ka na. Hindi ka na maihahatid ni Zen dahil may ginagawa pa siya." Saad niya pa sakin.
"T-teka, i-ibig sabihin, reyna talaga siya ng isa sa Quartz?" hindi makapaniwalang saad ulit nung babae. Napailing-iling naman si Vaughn na parang hindi nagustuhan ang sinabi ng babae.
"Ayaw ko talaga sa mga babaeng mahihina ang utak. Hindi na nga kagandahan, bobo pa." Ani Vaughn na nagpatawa ulit sa mga estudiyante. Napatungo na lamang naman iyong babae sa pagkapahiya.
Ang taas talaga ng standard ng lalaking ito sa babae. Para naman sa akin ay napakaganda na ng babaeng ito at papasa na sa hanay ng mga babae ni Vaughn. Sabagay, magkakaiba naman ng standard ang mga tao. Labis naman akong nagulat nang bigla nalang akong hinila sa braso ni Vaughn. Hanggang sa ihinto niya ako sa tapat ng isang sasakyan.
"Yan na ang maghahatid sa iyo pauwi." Saad niya matapos humingi ng alcohol sa driver at ipinahid sa magkabilang kamay na labis ko namang ikinainsulto. "Pumasok ka na. Wag mo nang hintaying magbago ang isip ko."
Pasimple naman akong napangiti ng sarkastiko. Hindi ko alam kung nagiging mabait siya o ano. Ngunit wala naman sa bokabolaryo niya ang pagiging mabait sa pagkakatanda ko.
"Salamat nalang. Pero magkocommute ako. Hindi ko kailangan ang tulong mo."
"Bahala ka. Minsan lang ito." Nakangisi niya namang saad at prenteng ibinulsa ang magkabilang kamay.
"Salamat nalang, pero kaya ko ang sarili ko."
"Okay. Basta walang sisihan." Makahulugan niya pang saad bago ako iwan. Mabilis din naman akong naglakad paalis.
Napakaimposible talaga ng lalaking iyon. Pagkatapos ng lahat ng mga pagpapahirap na ginawa niya sakin, aasta siyang parang walang nangyari? Ang kapal talaga! Siya lamang talaga ang kilala kong may pinakamatigas na mukha. Tama, hindi lang makapal ang mukha niya, kundi matigas! Sobrang tiga—
Agad kong tinampal ang mukha ko nang may iba akong naisip. Ano ba, Eva? Anong nangyayari sa utak mo?! Tandaan mo, hindi ka katulad ng maharot na iyon!
Kinabahan ako nang harangin ako ng tatlong kalalakihan. Lahat sila ay may ngisi sa labi at halatang hindi gagawa ng mabuti.
Unti-unti akong napaatras samantalang umabante naman sila. Nagtitinginan pa sila at ibabalik muli ang tingin sa akin.
"Pangit na nga sa picture, mas pangit pa sa personal." Pang-iinsulto noong nasa gitna na naging sanhi ng tawanan nila at may inihagis na picture sa akin na hindi ko naman pinag-aksayahang tignan. Lalo akong binalot ng takot nang mas lumapit pa sila sa akin at wala na akong maatrasan. At bigla na lamang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Vaughn bago niya ako iniwan kanina. 'Basta walang sisihan'. Ito ba iyon? Kaya ba parang nagbibigay ng babala ang tono ng boses niya kanina dahil alam niyang mangyayari ito? Ngunit kahit na. Hindi ako kailanman hihingi ng tulong sa demonyong iyon!
"Si Dara, siya ba ang nag-utos sa inyo?" Takot man ay pilit kong pinatapang ang boses ko.
"Dara? Sino iyon? May kilala ka bang Dara pre?" sagot noong isa na halata namang nagmamaang-maangan lamang. Sigurado ako. Siya lamang naman ang kilala kong may galit sa akin.
"Wala. Ikaw?"
"Wala. Ikaw may kilala ka?" pilosopo namang tanong sa akin noong isa. Gusto ko sanang sumagot ngunit wala sa lugar. At baka mas lumala pa ang maari nilang gawin sa akin. Yumuko na lamang ako at humiling na sana, sana matapos na ito. Gumapang sa sistema ko ang takot nang kaladkarin nila ako sa isang eskinita. Sinubukan kong magpumiglas ngunit masyado silang malakas at nag-iisa lamang ako tatlo sila, puro pa mga lalaki.
"Please, hayaan niyo na lamang akong umuwi." Lakas-loob kong pakiusap.
"Oh? Pare, gusto ko sanang maawa, kaso iyong mukha sarap bugbugin eh."
"Pasensiyahan nalang, nabayaran na eh."
"Haha! Gago ka talaga!" Sagot naman noong isa at pinagpasa-pasahan na nila ako na parang bola. Ang sakit lalo na at pabigla ang pagtulak nila sa akin. Nahinto lang ito nang sabunutan ako noong isa. Nataranta naman ako dahil sa buhok kong wig lang kaya agad-agad ko itong hinawakan ng mahigpit.
"Oh? Ingat na ingat ka sa buhok mong parang kinahig ng manok ah." Napuno nanaman ng tawanan ang lugar. "Hindi nalang pala sulat mo pre ang mukhang kinahig ano? Pati buhok ng lintek na ito!" Biro pa niya.
"Gago! Parang angganda ng sulat mo ah! Tangina kasi ng babaeng 'to eh, nadamay pa sulat ko."
Sunod kong naramdaman ay isang napakalamig na tubig na ikinanginig ko. Samahan pa ng mga matitigas na bagay na pakiwari ko ay mga ice cubes.
"Oh ayan. Kinahig ng manok kanina, basang sisiw ngayon! PERPEK!" Tuluyan na akong napaluha nang ang sunod nilang ibinuhos sa akin ay may napakabahong amoy.
"Oh, ayan pa. Pagkaing baboy, sari-sari ang mga pagkain diyan. Pakabusog ka." Bago nila ako iwan ay tinulak pa ako ng isa sa kanila. Napakalakas ng tulak nito. Kaya kahit gusto kong tumayo agad ay hindi ko magawa. Ang hikbi ko kanina ay naging iyak na, hanggang sa tuluyan na itong maging isang hagulgol. Ngunit tila mas nalugmok ako nang may isang tinig akong narinig na sobrang pamilyar sa akin.
"Pinapasakay ka na kasi kanina ayaw mo pa. Ngayon, magdusa ka." May panghahamak niyang saad at basta na lamang akong iniwan. Ni hindi niya man lamang ako tinulungan. Hindi na siya naawa. Sabagay, ano bang aasahan ko sa kaniya?
Dahil doon ay tila nagkaroon ako ng lakas na tumayo at lumakad kahit paika-ika at nanginginig pa dahil sa yelo kanina.
"Oh my, Eve! Anong nangyari sa'yo? Manong Edgar, pahingi ng towel at jacket!"
"Salamat talaga, Aela. Kung wala ka, hindi ko talaga alam kung paano ipapaliwanag o ano ang idadahilan ko kay tita. Tiyaka sorry din kasi nadungisan ko pa iyong kotse mo."
"Naku, ano ka ba? Ayos lang iyon no! Buti na nga lang at naisipan kong daanan ka sa school nang malaman kong hindi ka pa nakakauwi. Eh, sino bang may gawa sa iyo niyan? Si Dara nanaman?" Nanggagalaiti niyang saad. Tumango naman ako.
"May inutusan siya. Hindi nila sinabing siya ang may gawa pero sigurado akong siya. Siya lamang naman ang alam kong may galit sa akin. Siya lamang ang alam kong gagawa nito. Tiyaka ilang ulit niya na din akong pinagbantaan."
"Nakakabwisit na talaga ang babaeng iyon! Eh kung tutuusin, wala siyang karapatang gawin sa'yo yan, dahil mas mataas ka sa kaniya!" Gigil niya pang saad. Napakunot naman ang noo ko sa tinuran niya.
"Mas mataas? Anong ibig mong sabihin El?"
"What?! Pati yun di mo alam? Andami mo namang hindi alam. No offense girl ha!" nakangiwing turan niya. Napakamot na lamang ako sa ulo. Nagpahatid lamang pala ako kay Aela pauwi. At ngayon nga ay nasa tapat kami ng bahay.
"Eh ano nga iyon?"
"Mas mataas ka sa kaniya girl. Kasi wala naman talagang reyna si Vaughn. Nangunguna lang siya sa hanay pero hindi siya reyna, kumbaga sa mga koreanovela isa lang siyang courtlady, kami, mga courtlady kami. Ikaw ha, di mo manlang sinabi na reyna ka na ng isa sa leader ng Quartz! Kainis ka! Kung di ko pa narinig, di ko pa malalaman." Nagtatampo niyang saad. Napakamot nanaman ako sa ulo.
"Eh absent ka kaya!" Saad ko na lamang habang napapakamot sa ulo.
"Ahmp! Maligo ka na nga, kanina ka pa kamot ng kamot! Aalis na din ako at mukhang siyam-siyam pa ang itatagal mo sa paliligo."
"Ingat!" nakangiwi ko namang paalam habang kumakaway.
"Ba-bye" Kaway niya rin at sumakay na.
Masuwerte ako at wala si tita pagdating ko sa bahay. Matinding paligo talaga ang ginawa ko at halos naka ilang sachet ako ng shampoo dahil kumapit iyong amoy sa totoo kong buhok. Paulit-ulit din akong nagsabon at naghilod. Pagkatapos noon ay nagbabad pa ako sa gatas. Ngayon ko talaga ipinagpapasalamat ang mga ibinigay sa akin ng nanay ni Maam Oliveros. Magagamit ko din pala ang mga iyon. Sa sobrang tagal kong nakababad sa gatas ay kinatok na ako tita.
"Matagal ka pa ba diyan, Eve?"
"Opo, tita! Nagbababad po kasi ako sa gatas!"
"Ah sige. Kung gusto mong kumain mayroon na doon sa baba."
"Sige po."
Habang nagbababad ay sumagi sa isip ko ang sinabi ni Aela. Walang reyna si Vaughn, at lahat ng mga babae sa hanay niya ay pawang maihahalintulad lang sa mga courtlady. At mas mataas pa ng di hamak ang posisyon ko kay Dara.
Alam din kaya ni Dara iyon? Imposible namang hindi. Dahil si Aela nga na bago pa lamang sa hanay alam na iyon, siya pa kaya?
Kung mas mataas nga ang posisyon ko sa kaniya dahil isa akong reyna at siya ay isa lamang courtlady, ano kayang mangyayari kapag isinumbong ko siya kay Zen? Susubukan ko lamang naman.
Minsan…gusto ko ding maging masama.
Mabilis ko din namang ipinaling-paling ang ulo ko sa naisip. Sumasama nanaman ang pag-iisip mo, Eva.
"Hindi pwede, baka mas lumaki lamang ang gulo. " pagpapaalala ko sa sarili at mahigpit na lamang napapikit.
***
-GiocosaRagazza
VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED 😊😊